Chapter Seventeen

607 27 1
                                    

Chapter Seventeen

Daphne


"KEEPER!"

Napabalikwas ako ng bangon nang mapaginipan si Keeper. I instantly noticed na wala ako sa servants quarters kundi nasa kwarto niya. Bumaba ako ng kama at lumabas ng kwarto. Kapag may nakakita sa akin na sa kwarto ng master ko, mapapalayas talaga ako. Buti na lang at madaling araw kaya wala pang gising. Nakabalik ako ng servants quarters nang payapa.

"Nasaan siya?" naitanong ko sa sarili upon realizing na wala akong katabi sa kama kanina. Wala sa kwarto niya si Keeper.

Hanggang sa mag-umaga ay hindi ko siya nakita. Nakaramdam na ako ng kaba. Mas lalo akong kinabahan nang nagmamadaling umalis ng bahay ang mga amo ko. Parang balisa ang mga ito at ni hindi nag-almusal. Gusto kong magtanong pero wala akong mapagtanungan. Hindi talaga ako mapakali. Kahit gumagawa ako ng mga gawaing-bahay ay na kay Keeper ang isip ko. Gabi na nang dumating sina Madam at Donnar kasama si Roiri. Ang alam ko dapat nasa New York si Lady Roiri. Bakit ito naroroon? Hindi nila kasama sina Lan at Keeper. Tahimik na nagtungo sa ikalawang palapag ang dame. Tahimik lang ang magkapatid and then Roiri cried. Niyakap ito ni Donnar.

"Roiri, we must be strong for him."

"Ilang beses na natin siyang pinagsabihan na itigil na ang pagda-drag racing pero ang tigas talaga ng bungo niya. Gusto niya talaga tayong pahirapan," umiiyak na sabi ni Roiri.

"You know he didn't want that race. He accepted it to finish things on his own."

"He could have tell us! We could've help him."

"You know he doesn't plan that way." Roiri cried even more. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Kinakabahan ako sa mga tumatakbo sa isip ko. Sigurado akong may hindi magandang nangyari kay Keeper dahil wala ng ibang nagda-drag race sa kanila kundi siya lang.

Nang si Donnar na lang ang nasa sala ay lumapit na ako.

"Master Donnar?" Nilingon niya ako. "Master, nasaan po si Master Keeper?" tanong ko. He didn't answer. Para siyang may iniindang sakit. "May nangyari po ba?"

"Last night, he went drag racing again and –" lumunok ito. He looked away from me. Namumula ang gilid ng mga mata niya na para bang iiyak anumang sandali. "He was found unconscious and severely injured. He's in the hospital and in coma," sabi niya. Ilang saglit din akong tahimik. Parang ayaw tanggapin ng utak ko ang mga sinabi niya. Parang hindi totoo. I silently left and went to my room. Naupo ako sa kama ko. I am still processing everything.

I can hear his voice in my mind, feel his lips on my lips and the warmth of his embrace. After that, I sleeped with him, literally. All he just did was to hug me until we were both asleep. Sa loob ng ilang buwan, kagabi lang ako nakatulog ng mahimbing. I felt safe with him.

Ilang beses akong huminga ng malalim upang payapain ang sarili pero hindi umubra. Nagsisikip ang dibdib ko na para akong sinasakal at hindi makahinga.

"Daphne." Napabaling ako sa nagsalita. Si Master Donnar. Nilapitan niya ako. "Pack your things. We're leaving," utos niya. Hindi ako agad nakakilos dahil wala pa rin ako sa sarili kaya nag-utos siya ng mga katulong na iimpake ang mga gamit ko. Tahimik akong sumunod sa kanya. Lutang na lutang ang pakiramdam ko. Habang papalabas ng mansiyon ay nasalubong namin si Lady Roiri. May ibinigay ito na malaking paper bag kay Master Donnar. She looked at me and I saw sympathy in her eyes. Ilang sandali pa ay nakaalis na kami ng mansiyon. After almost twenty minutes, nakarating kami sa isang establishment na sa hinala ko ay condominium building. Donnar guided me to a flat.

"You'll be staying here for a while," sabi niya.

"Why?" mahina kong tanong. Tiningnan niya ako. His face looked sad and weary.

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon