Chapter Twenty

710 37 0
                                    

Chapter Twenty

Daphne


SA PAGGISING ni Keeper, marami siyang medical tests na dinaanan para masigurong okay na siya. Dahil sa ilang buwan na pagkakaratay ay halos hindi niya maigalaw ang katawan pero sa paglipas ng mga araw ay unti-unti na siyang nakakabawi ng lakas. Madalas na ang pamilya niya ang kanyang kasama at dumadalaw lang ako kapag tapos na ang klase ko. May mga pagkakataon din na sumasama ako sa pagpunta niya sa doctor.

Laking pasasalamat namin na walang naging problema sa utak niya. It was indeed a miracle. After few weeks, nakakalakad na si Keeper at nagsisimula na namang mangulit sa lahat ng tao sa paligid niya lalo na sa akin. Nakain na rin niya 'yong mga pagkaing ni-request niyang lutin ko. Hindi na ako tumira sa mansiyon. Meron na akong nirerentahang flat. Isa iyon sa mga condition ni Mac.

"Hindi pa yata ako nakakapunta sa culinary school ninyo," sabi niya ng minsang maghapunan ako kasama nila.

"Bakit ka naman pupunta doon?"

"Bakit? Bawal ba? Gusto ko lang makita kung sino ang mga kaklase mo."

"Hindi bagay sa'yong magselos," natatawang tukso ni Kuya Donnar.

"Hindi ako nagseselos."

"Kung gusto mong pumunta, ayos lang naman," sabi ko.

"Hindi na. Ayaw mo naman yata akong pumunta doon eh," nagtatampo na siya.

"Sa harap pa talaga natin napiling magtampo. Umayos ka, Achilles!" naiinis na saway ni Roiri sa kanya. Naghagikhikan na kami pero nakasimangot pa rin siya. Hanggang sa matapos ang hapunan ay hindi niya ako kinibo. Bago kami nagkanya-kanyang alis ay may in-announced si Dame Andromache.

"Raphael is coming this week with his best friend," iyon lang at iniwan na sila nito. Walang umimik sa amin. Tumingin sa akin si Keeper. Tumingin din ako sa kanya and smiled. He looked worried. Hindi siya umimik kaya wala rin akong sinabi.


I AM happy when I saw Raphael. Naka-moved on na nga ako. Masaya akong makita siya na kasama ni Lan. Ngayon ko na-realized na bagay pala talaga sila. Nagkaroon ng maliit na salo-salo dahil nga sa pagbisita nina Raphael at Gary. Isa ako sa mga nagluto ng pagkain. Gary wasn't shocked to see me pero gulat na gulat si Raphael. Later on, mukhang na-relaxed na ito. Malamang nakwentuhan na ito ni Lan tungkol sa amin ni Keeper. Habang nagkakasayahan sila ay nagpunta ako sa kusina. Naabutan ko roon si Mang Simeon.

"Mang Simeon, para po ito sa inyo," binigyan ko siya ng isang plato ng iba't ibang klaseng kakanin na ako mismo ang gumawa.

"Salamat po, Miss Daphne."

Tumango ako. Hindi ko kailanman nabanggit sa kanya ang tungkol sa pinagdaanan ko sa

kamay ni Ate Sharon kahit ilang beses ko na siyang nakikita sa mansiyon. Ganon pa man, nagpapasalamat akong nakilala ko sina Ate, Gabo at Cecil. Nami-miss ko sila pero matatagalan pa bago ako makabalik ng Pilipinas.

"Hey Miss Number Two!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin. It was Gary. "I'm not Miss Number Two. Dati siguro," and I laughed nang maalala kung paano ko nakuha ang titulong iyon.

Gary smiled. "You look beautiful and happy. Nakabuti sa'yo ang pagsama kay KuyaKeeper." Ngumiti ako. "Masaya ako para sa'yo, Daphne. Congratulations."

"Huh?" nagulat ako. He hugged me. After that, he left me puzzled. Pumasok sa kusina si Keeper at inabutan pa akong nakatanga.

"Ano'ng problema mo?" tanong niya.

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon