Chapter Nineteen

681 35 2
                                    

Chapter Nineteen

Daphne

DAME Andromache Haven is really scary. Matagal ko ng pinaghandaan ang pag-uusap naming ito pero 'di ko pa rin maiwasang manliit. Aside from that, I felt honoured dahil kaharap ko ang babaeng may-ari ng journal na binabasa ko at ang matatawag kong inspirasyon.

Nasa loob kami ng cafeteria ng hospital. Marami-rami ang tao roon pero lahat ay umiiwas sa amin dahil nakikita ng mga ito ang mga bodyguards ni Dame na nasa paligid lang.

"I assume you already know that I don't like you," seryoso niyang sabi.

"Opo. Alam ko po iyon. May I know why?"

"Gusto mong sabihin ko pa sa'yo kung bakit ayoko sa'yo para sa anak ko?" mataray niyang tanong. "Then, I'll tell you. Malaki ang naging kasalanan mo sa anak kong si Atalanta."

"She already forgiven me."

"You came from a terrible family. Do I have to remind you who your father was?" nanggigigil niyang tanong. "Your father was one of the leading gun smugglers and drug lords in the Philippines and was connected to several underground organizations in Asia."

Ilang beses akong napalunok. Gusto kong umiyak pero pinigil ko ang sarili ko. Nasaktan ako sa katotohanang sinabi niya pero hindi iyon ang oras para kaawaan ko ang sarili ko. Tinatagan ko ang sarili. "It was my father, not me," I answered.

"It's the same. Hindi ako papayag na isang gaya mo lang ang makasama ng anak ko. Hindi ang isang gaya mo ang mapapabilang sa pamilya ko."

Parang pinipiga ang puso ko sa mga narinig. I stared into her eyes. "Hindi po ako ang Daddy ko. Walang anak na gugustuhing magkaroon ng ama na gaya niya pero hindi ko na mababago ang nakaraan. Masama man po ang mga ginawa ni Daddy, naging mabuti pa rin siyang ama sa akin pero hindi po ibig sabihin no'n magiging kagaya niya ako. Hinding-hindi ko tatahakin ang daan na tinahak niya," matatag kong sagot. I remembered Keeper. "Keeper saved me. He taught me how to love myself and others. He taught me to move on. He taught me to stand on my own and be the person who I wanted to be."

"At ano ang gagawin mo kapag nagising siyang imbalido?" nanghahamon niyang tanong. "Kaya mo bang samahan siya hanggang pagtanda? Bata ka pa. Sasayangin mo lang ang kabataan mo sa piling ng anak kong walang katiyakan kung kailan magigising," sabi niya. She might looked very strong yet ramdam ko na nahihirapan siya. Walang ina na gugustuhing makita ang anak na maratay habam-buhay. Dadanasin niya ulit ang mga naranasan niya noon sa piling ng unang asawa. Malungkot iyon.

Kakayanin ko. Kinaya mo kaya kakayanin ko rin, Mac.

"Gumising man siya o hindi, gusto ko po siyang samahan. 'Yon lang po ang kaya kong gawin para sa taong nagligtas ng buhay ko. Please, hayaan niyo po akong alagaan siya," tumayo ako at walang pagdadalawang-isip na lumuhod sa harap niya. "I just want to be with him. I only belong to him."

"Ma." Natigilan ako. Boses iyon ni Lan. Nasa likuran ko siya. "She's on me. I trust her."

"Me too," it was Roiri's voice. Walang naging sagot si Dame Andromache pero narinig ko ang pag-alis niya. Agad akong pinatayo ni Ate Roiri. "You don't have to kneel."

"If I have to kiss her feet, I will. Basta 'wag niya lang akong ilayo kay Keeper."

"You're very persistent," sabi ni Lan.

"I'll take that as a compliment," I smiled. Lan smiled too.

"Sigurado akong inis na inis 'yon sa'yo pero hindi ka niya kayang saktan."

"She can always use my dark past against me."

"She will never do that," sagot ni Lan. "Kapag ginawa niya 'yon, para na rin niyang ginawa ang ginawa ng taong nanakit sa akin five years ago. She will not stoop into that level. She's an honourable woman and she has the heart for women like you."

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon