Chapter Six

651 26 1
                                    

Chapter Six

Daphne


I'VE NEVER been humiliated this way. I felt so ugly and low. I cried. Kasalanan ito ng halimaw na 'yon. Kasalanan rin ng Atalanta na 'yon!

Nanginginig pa ako sa takot dahil sa mga uod sa banyo. Nakakadiri. Hindi ko agad nakita ang mga iyon nang pumasok ako sa banyo dahil nakapatay ang ilaw. Napansin ko na lang nang mahulog ang mga iyon nang hawiin ko ang shower curtain. Nahulog sa ulo at mga balikat ko. Nakakadiri talaga. Pero higit pa sa pandidiri ay ang sakit ng mga sinabi niya sa akin.

Naaalala mo pa ba kung ilang oras na nakagapos ang mga kamay at paa ng kapatid ko sa loob ng madilim na CR dahil sa kagagawan mo?

Siyempre alam ko! Ako ang may pakana no'n eh!

Huminga ako ng malalim. Huli na para pagsisihan ko ang mga ginawa ko noon. Nagawa ko ang mga 'yon sa kagustuhan kong makaganti kay Atalanta matapos ideklara ni Raphael na ito ang gusto niya. Hindi ko matanggap na kahit ano'ng gawin ko ay hindi ako mamahalin ng lalaking kay tagal kong minahal. Wala akong ibang lalaking ginusto kundi si Raphael Bien Larriega III. Siya lang. Pero sa isang iglap ay inagaw siya sa akin ng pangit na goth girl na iyon!

"Linisin mo na ang banyo bago ka pa maabutan ni Master," narinig kong sabi ni Ate Sharon nang pumasok ito sa silid. Agad kong pinahid ang mga luha ko.

"Natatakot ako sa mga –" bigla akong naiyak nang maalala ang nangyari sa akin kanina.

"Hindi naman sila nangangagat. Nakakadiri lang talaga sila pero kung tutuusin, malaki ang naitutulong nila sa pagpapataba ng lupa."

"Kadiri sila."

"Mas nakakadiri ang mga masasamang gawain ng mga tao kesa sa mga bulate na 'yan. 'Wag ka ng umiyak. Ayaw mo naman sigurong mapagalitan ulit 'di ba?" mahinahon niyang sabi sa akin. "Kailangan kong ibalik kay Gabo ang mga bulate na 'yan dahil gagamitin niya 'yan sa panghuhuli ng isda."

"Ayokong pulutin 'yan," iiling-iling kong sabi na naiiyak na naman. Natigilan ako nang abutan ako ni Ate Sharon ng rubber gloves. Kinuha ko 'yon. She told me what to do. Kahit ayokong gawin ay ginawa ko na lang para matapos na. Matapos kong maialis ang mga bulate ay itinuro sa akin ni Ate Sharon kung paano linisin ang banyo. Walang imik ko 'yong sinunod. After almost an hour ay malinis na ang banyo ni Keeper.

"Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo kay Master Keeper para pag-initan ka niya ng ganito pero ang alam ko, isang bagay lang ang kinaiinisan niya. Naiinis siya sa mga taong umaapi sa mga kapatid niya. Narinig kong may masama kang ginawa kay Lady Lan," sabi ni Ate Sharon sa akin nang makalabas kami ng silid. Nagpunta kami sa kusina. Naghugas ako ng mga kamay samantalang nagkanaw ng juice si Ate Sharon.

"Sabi sa akin ni Tatay Simeon, sa lahat ng anak ni Madam ay si Master Keeper ang pinakapilyo. Matigas din ang ulo niya at kahit si Madam ay nahihirapan siyang pasunurin. Magaling nga raw siyang driver pero ilang kotse ang naibangga niya dahil sa pagsali sa mga karera. Gustung-gusto niya ang peligro," patuloy na kwento ni Ate Sharon.

Hinarap ko si Ate Sharon. "Matagal na bang nagtatrabaho ang Tatay niyo sa pamilya nila?" tanong ko sa kanya. She was drinking the juice before she answered.

"Ang pagkakaalam ko, ang ina ni Tatay Simeon ang unang naglingkod sa mga Abueva."

"Abueva?"

"Mas madali kong maikukwento sa'yo kung nasa family room tayo. Bago 'yon ay maligo ka muna, amoy lupa ka na dahil doon sa mga bulate."

"Why are you so kind to me? Kung tutuusin ay isang buwan ko ng pinapasakit ang ulo mo rito," I said.

"Dahil wala akong choice. Ginagawa ko lang ang trabaho ko."

AchillesМесто, где живут истории. Откройте их для себя