Achilles

By mayflores430

16K 704 28

Dahil hindi pumayag si Keeper sa gusto ng kanyang Mama, napilitan siyang umalis sa kanila at magpunta sa isan... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Epilogue

Chapter Eleven

583 28 0
By mayflores430

Chapter Eleven

Daphne


NAKO-CONSCIOUS ako. Nasa siyudad na kami. Sumakay kami ng yate kanina and here we are, waiting for a car. Kaya lang ay hindi ko talaga maiwasang maasiwa sa suot ko. Mukha akong yagit. 'Yong mga lumang damit pa rin kasi ni Ate Sharon ang suot ko.

Isang itim na kotse ang sumundo sa amin. Tahimik lang ako sa backseat katabi ni Keeper na kanina pa nananahimik. Mula ng umalis kasi kami sa isla ay parang may malalim na naman siyang iniisip. Mas prefer ko ang kakulitan at pagiging maingay niya kasya pagiging seryoso.

Huminto kami sa harap ng isang hotel. Kilala ang hotel na iyon at nakapasok na ako minsan doon dahil sa isang party. Kinabahan ako. Baka may makakilala sa akin at makita akong mukhang basahan. Inayos ko ang pagkakalugay ng mahaba kong buhok at sinadya kong matakpan ng konti ang mukha ko.

"Ano'ng problema mo?" kunot-noong komento ni Keeper nang mapansin ang ayos ko habang pumapasok kami sa hotel.

"Style 'to." Yuyuko-yuko ako dahil nga ayokong may makakilala sa akin. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makapasok na kami sa hotel room. Hindi kami nakapag-breakfast kanina kaya um-order muna ng pagkain si Keeper. Around nine o'clock na kami nakakain.

"May party tayong dadaluhan mamayang gabi," he announced.

"What?" nagulat ako. "I look terrible."

"Sinabi ko bang pupunta ka doon nang nakaganyan?" tanong niya na nakakunot ang noo. "Mamimili tayo ng susuotin natin mamaya."

"Wala akong pera."

"It's on me and yes, wala ka talagang pera."

"Dahil hindi mo ako sinuswelduhan."

"Meron bang pinaparusahan na may sweldo?"

Sabi ko nga. "Pwede rin kaya akong magpa-manicure, pedicure, facial at magpaayos ng buhok? Pangit naman kasi kung damit ko lang ang babaguhin." I did my most beautiful smile. Tinitigan niya lang ako pero hindi sumagot saka nagpatuloy sa pagkain.

"Here's my instructions for tonight," sabi niya maya-maya in a very dreadful tone. That got my whole attention. "Pwede kang makipaghalubilo pero dapat nakikita kita. Hindi pwedeng makita tayo ng magkasama. Baka may mga galamay si Mama sa paligid at maikonekta ka sa akin. Maraming businessmen sa party na dadaluhan natin. At wag kang mag-iisip na tumakas."

"Hindi ko 'yon iniisip," sabi ko although I thought about it.

"Bilisan mo ng kumain diyan. Pupunta ka pa ng salon 'di ba?"

"Oh yes, Master!" excited kong sabi saka nagmamadaling kumain.


AFTER months of ugliness, heto ako at ubod na ng ganda. Maluha-luha ako sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko. Nasa boutique kami where Keeper chose a dress for me.

"You're so beautiful, Daphne Marie Santillan," sabi ko sa sarili ko. Pero pinigil ko ang mga tears of joy ko dahil baka mabura ang make-up. Mahal pa naman 'yon. Gandang-ganda ako sa sarili ko at na-miss ko talaga ang feeling ng pagiging maganda.

"Shall we go?"

Nilingon ko si Keeper at hindi ako nakapagsalita. Ilang beses akong kumurap pero hindi nagbago ang tingin ko sa kanya. Kulang ang salitang gwapo para ilarawan siya. Nakasuot siya ng itim na tuxedo. Very formal. Very handsome.

"Ano? Naamin mo na ba ang sarili mo na gwapo talaga ako?" nakangisi niyang tanong sa akin. Bigla kong naitikom ang bibig ko. Kanina pa pala ako nakanganga. Agad akong sumimangot. "Wag kang sumimangot, mawawala ang effect ng make-up," payo pa ng kumag.

Lumapit ako sa kanya at inayos ang bow tie niya. Tiningala ko siya. Nakatitig sa akin si Keeper at kahit hindi nito sabihin ay may paghanga akong nababasa sa mga mata niya. Tahimik siyang tumalikod at naunang maglakad palabas ng boutique. Magkaibang sasakyan ang gagamitin namin. Dalawang magkasunod na mga kotse ang huminto sa harap namin nang makalabas kami. After a moment, nakasakay na ako sa kotse papunta sa party.


ENGRANDENG party ang dinaluhan namin sa isang five-star hotel. Napakaraming tao at ang ilan ay kilala ko pa since negosyante rin ang Daddy ko. Ang iba ay sikat na mga artista at entertainment personalities. But nothing beats good food. Na-miss ko ang mga masasarap na pagkain. Kalilimutan ko muna ang anumang diet at kakain ako ng marami but with poise. Kahit gaano ako katakam sa pagkain ay dapat maging maganda pa rin ako at demure.

"I haven't seen you for so long. Kumusta?"

Napabaling ako sa nagsalita. Isang lalaking gwapo ang kausap ni Keeper. Naririnig ko silang nag-uusap since nasa likuran lang nila ako at tahimik na kumakain. Medyo pamilyar sa akin ang kausap ni Keeper. Malamang nakita ko na siya sa mga business magazines.

"I'm fine. Hindi ko yata nakikita ang kakambal mo," puna ni Keeper.

"Si Elisha? Nasa honeymoon pa."

"Narinig ko ngang ikinasal na siya pero private ang wedding. Konti lang ang guests."

"Tama ka. By the way, kumusta ang mga kapatid mo? Si Aurora?"

"Talagang si Roiri lang ang kinumusta mo ha? Kung 'di ko pa alam na mahilig ka sa mga mas matatanda sa'yo," natatawang sabi ni Keeper. Natawa rin ang kausap niya. Mukhang pareho pang babaero ang dalawa.

"Ano ka ba naman? Hindi ko isasali si Roiri sa mga adventures ko. We're friends," nakangiting sabi ng lalaking kausap ni Keeper. "Nagtataka lang ako kasi hindi ko pa siya nababalitaang ikinasal eh malapit na siyang mag-thirty. I'm sure nag-aalala na ang mommy ninyo. O baka naman hinahanapan na niya kayo ng mapapangasawa."

"Parang ganon nga ang plano niya."

"That's tough. May napili na siya para sa'yo?"

"Parang meron na nga pero tinakasan ko." Natawa ang lalaki. Saka ko naintindihan kung ano talaga ang dahilan kaya tumakas si Keeper sa England.

"Then I guess you should take care of that. Hindi mo pwedeng takasan ang mommy mo forever," payo ng kausap niya.

"I know. Pasasaan ba at susuko rin ang mama ko," nakangising sabi niya. Nagpaalam na ang kausap niya. Binalingan ako ni Keeper. "You're eavesdropping."

"Sabi mo kailangan nasa malapit lang ako eh." Hindi siya umimik. "Pinipilit ka ng Mama mo na ipakasal sa babaeng 'di mo gusto."

"So?"

"Wala lang," sabi ko saka nagpatuloy sa pagkain. "Tanggap na ba talaga ng Mama ninyo si Raphael para sa kapatid mo?" tanong ko. Hindi ko talaga feel na bigkasin ang pangalan ng goth girl na 'yon. Nakakarindi talaga.

"Under three-year probation si Raphael pero 'wag mong iisipin na gumawa ng masama sa loob ng three years na iyon dahil kapag ginawa mo 'yon –"

"Sinabi ko ba na may gagawin ako?" mataray kong sabad. Bakit parang nakakabasa ng isip ang lalaking ito?

"Naninigurado lang ako," seryoso niyang sabi. "Pupunta muna ako ng men's room. Kapag 'di kita inabutan dito, may mangyayaring hindi maganda sa'yo."

"Opo."

Umalis na nga siya. Nakakainis talaga ang pagiging demanding niya pero ayoko siyang suwayin. Ayoko siyang galitin dahil sigurado akong may mangyayari ngang masama sa akin kapag ginawa ko 'yon. Natuto na ako.

Ilang minuto na siyang nakakaalis nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Parang sasabog na ang pantog ko pero hindi pa rin siya dumadating. I decided not to wait kesa magkasakit sa kidney. Magpapaliwanag na lang ako sa kanya. Nagmamadali akong pumunta sa Ladies' room. Tiyempong may palabas na dalawang babae na agad kong namukhaan.

"Amy! Zita!" tuwang-tuwa ako nang makita sila. I know them since mga kaklase ko sila sa college at kasama sa mga gimik.

"Daphne?" gulat na gulat na bulalas ni Zita na parang nakakita ng multo. Ganon din ang expression ni Amy. Parang gulat na gulat talaga sila na makita ako. Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko pa sila.

"Yeah! It's me! Kumusta na?" tanong ko pero creepy na talaga ang nakikita kong shock and uneasiness sa kanila.

"Daphne, good to see you again," sabi ni Amy pero worried ang mukha. "Matagal kang nawala. Saan ka nagpunta?" the question sounded with concern.

"Nagbakasyon lang," nakangiti kong sabi. Hindi ko pwedeng sabihin na na-kidnap ako at naging katulong. That would be embarrassing. "Girls, did you see my dad? Hinanap niya ba ako sa inyo?"

"Ang Daddy mo?" tumingin si Zita kay Amy na parang nagpapasaklolo.

Hinawakan ako ni Amy sa braso at parang takot na takot. "Daphne, saan ka ba talaga galing? Hindi mo ba alam ang nangyari sa Daddy mo?"

"Bakit? May nangyari ba sa Daddy ko?" bigla na akong kinabahan.

"Daphne, kasi..."

"Daphne!" boses iyon ni Keeper. Lalo akong kinabahan nang makita siya na parang galit. "I told you not to leave your place," he sounded very annoyed but I felt a hint of concern in his voice. "Aalis na tayo," sabi niya sabay hawak sa braso ko.

"Sandali lang, Master."

"Daphne, bakit master ang tawag mo sa kanya?" gulat na tanong ni Amy.

"Hindi ba siya 'yong kunyari fiancé ng Goth girl?" tanong rin ni Zita. "Why are you with the Goth girl's brother?" Dating nagpanggap na boyfriend ng goth girl si Keeper but later on was revealed na magkapatid pala ang dalawa. Hindi ako nakasagot. Naguguluhan ako kung sino ang unang sasagutin at kung paano magpapaliwanag plus ang tungkol sa Daddy ko.

"Daphne, let's go!" tumaas na ang tono ng boses ni Keeper. Natakot ako bigla dahil parang mananakit na siya kaya sumunod ako sa kanya. Hila-hila niya ako nang makalabas kami sa venue ng party.

"Wait! Sandali lang!" sigaw ko sa kanya sabay bawi sa braso ko. Natigil kami sa paglalakad. "Ano ba ang problema mo? Tinatanong ko lang 'yong –"

"Bakit hindi ka marunong sumunod sa pinag-uutos sa'yo? Hindi ba sabi ko 'wag kang aalis sa kinalalagyan mo kanina? You disobeyed me!" galit na galit niyang sigaw sa akin.

"I went to the ladies' room because I'm almost about to pee! Nakita ko doon ang mga kaibigan ko and they were saying something about my Dad. I need to see my Dad! Pakiramdam ko may hindi magandang nangyari sa kanya."

"I won't allow you," matigas niyang sagot.

"It's my Dad! Please, Master. Kahit ilang minuto lang."

"No!"

"I just need to know his situation. Mahirap ba 'yong intindihin?" naiiyak na ako. Puno na ng kaba ang dibdib ko. "Promise, hindi ako tatakas. Sasama pa rin ako sa'yo pabalik ng isla basta makita ko lang si Daddy kahit sandali. Please!" and I began to cry. Sigurado ako, base sa expression ng mga mukha nina Amy at Zita na merong nangyaring masama kay Daddy.

Nakita ko siyang umiling. Lalo akong kinabahan and I felt so desperate that I knelt in front of him. Nanlaki ang mga mata ni Keeper dahil sa gulat pero wala na akong pakialam. I never beg in my entire life but for my Dad, I will do anything.

"Master please." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at itinayo. "I will do anything just let me see my Dad," hindi pa rin ako natigil sa pag-iyak. Kitang-kita ko ang pagtatalo sa kanyang mga mata pero maya-maya pa ay kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang driver. Ilang sandali lang ay pumarada na sa harap namin ang kotseng sinakyan niya. Siya na ang nag-drive.

"Thank you, Master," sabi ko pero hindi siya kumibo. Hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa dibdib ko pero nananalangin ako na maayos lang ang kalagayan ni Daddy. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Siya na lang ang natitira kong pamilya. Siya na lang ang meron ako.


IGINALA ko ang tingin sa kinaroroonan namin. Pamilyar sa akin ang lugar na iyon.

"Bakit nandito tayo?" tanong ko kay Keeper. Kinakabahan akong lumabas ng kotse. Sino naman ang hindi kakabahan kung sa dis oras ng gabi ay nasa sementeryo kayo? It wasn't an ordinary cemetery, though. It's a cemetery for rich people. Merong musoleo ang pamilya namin sa semeteryong iyon. Doon nakalibing ang Mommy ko.

"Master!" tawag ko sa kanya habang sinusundan ko siya. Buti na lang at may mga poste ng ilaw doon pero ang creepy pa rin ng feeling. Habang tumatagal ay nagiging pamilyar sa akin ang direksiyong tinatahak namin. "Master, saan tayo pupunta?"

Bawat hakbang ko ay pabigat ng pabigat dahil pakiramdam ko ay may hindi magandang naghihintay sa akin. Natigilan ako nang maaninag hindi kalayuan ang isang pamilyar na musoleo. Nakita ko siyang huminto sa harap ng musoleo. Lumapit ako sa kanya.

"Ano ba talaga ang ipinunta natin dito?" tanong ko. Hindi pa rin siya kumibo. Nilingon ko ang musoleo. Bukas ang pinto kaya nakapasok ako. Bukas din ang ilaw. I saw my mother's tomb pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang isa pang nitso na katabi ng nitso ni Mommy. Hindi ko nagawang humakbang. I was about to turn away when a pair of strong hands held me in the shoulders.

"You want to see him, right?" he asked. His voice was so cold that I shivered.

"He's not here," halos 'di ko marinig ang sarili kong boses sa sobrang hina. "Hinihintay niya ako sa amin. He is looking for me. He is missing me," sambit ko habang nakatitig sa lapida ng nitso na katabi ng kay Mommy.

"Yeah. He was waiting for you. He was looking for you. He was missing you."

"Pumunta na tayo sa bahay namin, please.." tears were falling from my eyes. I began to tremble. "Master, I want to go home..." napahikbi ako.

"Where is home?"

Natigilan ako. Saan na nga ba ang tahanan ko? With that realization, I began crying.


Continue Reading

You'll Also Like

33.5K 776 31
I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know an...
630K 22.6K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
8.1K 180 21
Darren Espanto. Kyle Echarri. Seth Fedelin. Andrea Brillantes. πŸ’“πŸ’“ Alrights Reserved 2019 Facebook: Que Baldovino // Crissy Baldovino Intagram: happ...
112K 4.7K 14
This is the story of Richard and Nicomaine, 5 years later. What happens when he wants commitment and she wants space? Previously published in my boo...