Silently In Love (Completed)

By kevayDREAMER

328K 5.7K 798

This story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inl... More

Silently In Love
Chapter 1: Best Friends
Chapter 2: ang sakit. Sobra </3
Chapter 3: since then
Chapter 4: IceCream
Chapter 5: Torpe at Manhid
Chapter 6: Miss Him
Chapter 7: Ghost??
Chapter 8: lub.dub.lub.dub
Chapter 9: Destiny
Chapter 9.5 : Kismet
Chapter 10: Hindi na sana umasa
Chapter 11: beside him
Chapter12: Knight
Chapter 13 Cupid </3
Chapter 14: Weird
Chapter 15: If I cry a thousand tears
Chapter 16: aylabshoochu
Chapter 17: Just a kiss
Chapter17: Just a kiss:baby (PART TWO)
Chapter 18: Under the moonlight
Chapter 19: Inexplicable Feelings
Chapter 20: Last Question
Chapter 21: Give UP?
Chapter 22: Future GIRLFRIEND
Chapter 23: Curiosity Kills
Chapter 24: Okay lang ako
Chapter 25: One thing
Chapter 26: Bahala ka!
Chapter 27: Tired
Chapter 28: Hindi kita iiwan
Chapter 29: Princess and Knight
Chapter 30: His Ex
Chapter 30.5 His Reason
Chapter 31: So close
Chapter 32: Leaving
Chapter 33: Always be yours
Chapter 34: Knight?
Chapter 34.5: Step Yes/No!
Chapter 35: Misunderstood
Chapter 36: don't worry
Chapter 37: Pain
Chapter 38: Christmas Ball
Chapter 39: I'll never go
Chapter 40: Like a Skyscraper
Chapter 41: December 16
Chapter 42: The Prince and the Knight
Chapter 43: The Prince and the Princess
Chapter 45: You got me
PART2 SIL Chapter 46: Beginning
Chapter 47: Practice Game
Chapter 48: Student Teacher
Chapter 49: ST-Ashley
Chapter 50: I'm his GIRL
Chapter 51: GAME
Chapter 52: Fieldtrip
Chapter 53: Not a big deal
Chapter 54: Love Bite
Chapter 55: You and Him
Chapter 56: Their Secrets
Chapter 57: With him
Chapter 57.5 First
Chapter 58: Go back
Chapter 59: I exist
Chapter 60: He's back
Chapter 61: Video
Chapter 62: Pygmalion and Galatea
Chapter 63: Love me?
Chapter 64: Memories in the past
Chapter 65: Forever and always
Chapter 66: Heartache
Chapter 67: Please me
Chapter 68: Waiting
Chapter 69: Mine again
Chapter 70: Clingy
Chapter 71: Prom Night
Chapter 72: His Girl
Chapter 73: For real?
Chapter 74: Double Date
Chapter 75: Player
Chapter 76: Gift
Chapter 77: Dream
Chapter 78: Perfect
Chapter 79: Remember
Chapter 80: Task
Chapter 81: Decision
Chapter 82: Plan
Chapter 82: Again
Chapter 83: Do you love me?
Chapter 84: Still
Chapter 85: Three
Chapter 86: Say GoodNight
Chapter 87: Be your everything
Chapter 88: Say something
Chapter 89: End

Chapter 44: The Princess and the Knight

2.8K 46 12
By kevayDREAMER

Dedicated kay teardrops_broken . nd ko maalala kung nakapagdedic na ako sayo dati :3 meron na ba? ^_^any ways, natatandaan kita! Ahaha! Love mo si Vince kaya sayo ko idedic ito. :)))

Isama na natin lahat ng VINCETERS, ahaha! May fans club daw si Vince.. mga echoss nila @sweet_alcuez @fairyinpink XD

-------------------------------------------------------

"Good Morning Ashley!"

"hmm.. Good Morning *yawn"

"Inaantok ka pa? Bangon ka na dyan Prinsesa ko"

tinignan ko yung alarm clock ko. 8:45am

nasapo ko yung noo ko at pinikit ulit yung mga mata ko.

"Daniel, tawag ka nalang ulit mamaya after 1hr."

halos pabulong ko ng sabi sa sobrang antok. Gusto ko pa talagang matulog! Bakasyon ngayon kaya dapat sulitin ang tulog.

"ayaw mo ba akong kausap?"

"kausap lang kita kagabi."

"hindi mo lang ba ako namimiss?"

Napangiti ako. Sa boses palang nya, kahit hindi ko sya nakikita, naiimagine kong nakapout sya ngayon.

Niyakap ko si deydey na katabi ko na lagi matulog. Hayst. Miss na miss narin kita. Kahit everyday kaming nag-uusap sa phone, iba parin yung nakikita ko sya.. Tapos yung yakap din nya nakakamiss. Uwi ka na kasi dito Daniel.... 6days ka na dyan sa Batangas oh. Masyadong matagal na yun.

"bakit kita mamimiss? Andito naman si deydey"

"Psh. Deydey na naman. Pag-uwi ko pupunta ako agad dyan para itapon yang baboy.."

"hindi sya baboy, biik palang sya! Saka bakit mo itatapon? Alam mo bang naiimagine kita kapag yakap toh..pareho kasi kayo ng amoy"

"talaga? I miss you Ashley"

"me too"

"kuya!si Ate Ashley ba yan?"

narinig ko bigla yung boses ni Jamielle sa kabilang line.

"wag kang magulo, dun ka na"

"Ate! Ate! Si kuya nagblablush dito!ahaha!"

"h-hindi kaya! umalis ka nga dito! May kausap ako"

natatawa ako sa kanila. Parang kami lang ni kuya jake.

Bumangon na ako pero nakayakap parin ako kay Deydey.

"hello Ash? Sorry bigla kasing pumunta dito si Jamielle..ginugulo na naman ako.psh."

"ok lang. Kinikilig ka naman ngayon eh"

oang-aasar ko sakanya. ahaha. Hindi ko maiwasang hindi matawa.

"h-hindi.. Wag ka ngang magpapaniwala dun"

"magdedeny pa. Halata sa boses mo"

"psh. Oo na! Kinikilig po ako sa girlfriend ko. Gustong-gusto ko na po syang makita. Miss na miss na miss ko na po sya"

feeling ko ako naman ang nagblablush ngayon.. Myghaad! Everytime na binabanggit nyang girlfriend nya ako, kinikilig ako.

"Ano nga pala ginagawa mo ngayon?"

pag-iiba ko ng topic. Ayoko ngang ipahalatang kinikilig ako. Baka lumaki ulo nya, isipin nya mahal na mahal ko sya.

Kahit yun naman ang totoo...psh.

"nagpapahinga dito sa may duyan."

"Iniistorbo mo tulog ko tapos ikaw paduyan-duyan na lang dyan! Psh."

"ahaha. Ang tagal mo naman kasing magising. Nagjogging na nga ako tulog ka parin"

"ewan sayo. Daya! Ang sarap ng bakasyon mo tapos ako hindi ko man lang mafeel"

Nakakainis kasi, ang aga ko parin nagigising kahit bakasyon ng dahil sakanya. Trip na trip akong gisingin. Para daw masanay ako at hindi na nalelate.

"Inggit ka lang nyan.. Next time kasi sumama ka na. Para tabi tayo dito sa duyan.."

"Kuya!!!! Kakain na daw!!!"

Ayan na naman yung boses ni Jamielle, rinig na rinig ko sa phone. AHAHA! Papagalitan na naman sya nyan ng pogi nyang kuya.

"Lola!! Si kuya oh! Namamato!! Stop that! Kapag ako tinamaan! Lola!!!!"

"Yung boses mo kasi nakakarindi.. pwede namang hindi sumigaw.psh!"

"Ate Ash! Ibreak mo na nga toh--Aww! Ayoko na! Joke lang!"

ahaha. ang kulit. Parang si Daniel, mas malala lang ng onti.

"psh. Ashley ibaba ko na toh ah? Tatawag nalang ako ulit mamaya. Kain ka narin."

"ok. Sige, bye!"

"I love you.."

"oo na..alam ko na yun..ahaha.Bye!"

"wala paring i love you too?"

"ahaha.Byiiee Daniel! Kain ka ng marami."

"psh.Sige na nga. Bye."

"bye."

Inend na nya yung call.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang masabi yun sakanya. Everytime na mag-eend ng call sinasabi nya yun at gusto nyang marinig din yun sa akin... Pero nahihiya ako. Ewan ko ba. Ang hirap hirap sabihin para sakin nun. Tulad nung kay Vince dati. Halos magkabulol-bulol na ako bago sabihin yun. Hindi kasi ako sanay sabihin.

Kelan ko kaya masasabi sayo yung 'I love you too?'

hayst. Tumayo na ako at nag-ayos bago bumaba para kumain.

Nasa hagdan palang ako rinig ko na yung boses ni Kuya Jake. Lakas talaga ng boses nitong lalaking ito. Parang si Mhie lang.

"dapat kasi nanchicks ka nalang dun. Mas maraming maganda dun kesa dyan sa kapatid ko. Panget panget,kamukha ng mga stuffed toy nyang biik. Hahahaha"

napasimangot ako at agad kong nilapitan si Kuya.

Aba. Sino naman kaya yung kausap ni kuya? Kung anu-ano pinagsasabi ng magaling kong kuya tungkol sakin. Kung makalait akala mo kung sino! Hmmpff!

"Excuse me, napakaGWAPO kong kuya na masarap TAPALAN ng scotch tape yung mukha sa SOBRANG gwapo, may sinasabi ka?"

full of sarcasm kong sabi. Nakacross-arms ako sa harap nya habang pilit syang ngumingiti sa akin. Well, siguro alam na nyang mangyayari sakanya. Nung Christmas dalawa gift ko sakanya. Shades at suntok. Buti nga hindi black-eye eh.

"pffft. haha. Gusto nya yata ng boxing Exercise, kuya jake."

napalingon ako ng marinig yung boses nya. Ngayon ko lang napansin kung sino yung kausap ni kuya.

"Hi B.. Long time no see"

ngumiti sya sa akin at bahagyang itinaas yung kamay nya para mag-hi.

Napangiti ako at agad lumapit para yakapin siya.

"B!!!! namiss kita! Kelan ka pa nakauwi?"

"psh. Lumayo ka nga sakin. Hindi ka pa naliligo oh"

humiwalay naman ako sakanya at hinampas sya ng malakas.

"Grabe ka! Pumunta ka lang ng Canada, ganyan ka na! Ayaw mo na akong yakapin! Dati naman niyayakap mo ko kahit hindi pa ako naliligo kahit na--"

"Oo na! Oo na! Dami pangsinasabi"

sumimangot sya nung una pero ngumiti din at inispread yung mga braso nya.

Napangiti ako at niyakap sya ulit. Niyakap din naman nya ako ng mahigpit.

Namiss ko toh. Namiss ko syang yakapin ng ganito. Namiss ko yung bestfriend ko.

"I miss you B! Namiss talaga kita ng sobra. Wala ka bang pasalubong sakin?"

"namiss mo ba talaga ako o pasalubong talaga hanap mo?"

napatingala ako sakanya. Nakapoker face na naman sya sakin. Ahaha.

"pwedeng both?"

biro ko at pinisil nya pa yung ilong ko bago sya humiwalay at kunin yung paper bag sa tabi nya.

"bigay ni mama sayo"

"wiihh! Thank you! Love talaga ako ni tita!"

tinignan ko yung laman. Dalawang dress, white saka pink. Ang ganda!!! Imported talaga! Mukhang mamahalin.. Kelan kaya pwedeng isuot toh?

"oy Shaine!. Yung chocolates sa ref. akin yun lahat ah. Bigay sakin yun ni Vince"

nagawi naman tingin ko kay Kuya. Tss. Napaka talaga nito! Pasalamat sya hindi ko na sya sinermunan tungkol kanina.

"che! I don't care! B, bakit ako wala?"

tumingin ako ulit kay Vince. Nakasimangot nyang binigay yung isa pang paperbag sa tabi nya.

"Psh. Dapat nga hindi ka na binibigyan. Baka lalo kang tumaba"

hinampas ko ulit sya! Ito talagang lalaking toh, pareho sila ni kuya Jake! Inaaway ako palagi. Pag-untugin ko mga toh eh. Psh.

"hindi ako mataba! Bakit ba ang kulit nyo?!"

"bakit ba kasi hindi mo pa iadmit sa sarili mo Shaine?"

psh. napairap nalang ako kay kuya.
Eps lagi. Hindi naman talaga ako mataba, malaman lang pisngi ko.

"Ano nga pala ginagawa mo dito?"

"psh. Pagkatapos makuha yung pasalubong. May pamiss miss ka pangnalalaman kanina"

"I mean, maliban sa namimiss mo na yung maganda mong B, baka may iba ka pang pakay"

baka gusto nya akong kausapin o kaya may kelangan sya sa akin. Ganun.

"mandiri ka nga sa pinagsasabi mo Shaine! Ahaha. Makikipagdate daw yan sayo"

tinaasan ko ng kilay si Vince. Confirming kung totoo ba yun pero iniwas lang nya tingin nya sakin.

"h-hindi. May bibilhin ako sa mall baka gusto mong sumama"

napatango nalang ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kung sakaling date nga yun.. Ngayong may boyfriend na ako.

"Sige ba. Wait lang, ligo lang ako para makaalis tayo dito. May epal na kumag eh!"

Kumuha ako ng throw pillow bago tumayo at ibinato kay kuya Jake.

Tumakbo na ako bago pa nya ako magantihan.

------------

"ano bang bibilhin mo?"

"u-uhmm. B-basta. Hindi ko pa makita"

"sabihin mo na sakin, malay mo alam ko. Kanina pa kasi tayo palakad-lakad dito"

halos nalibot na yata namin yung buong mall pero wala parin syang nabibili. Ang sakit na ng paa ko kakalakad.

"Pagod ka na? Gusto mo kain muna tayo?"

"Basta libre mo ah? Tara sa IceCream Parlor"

hindi pa sya nakakasagot hinatak ko na agad sya. IceCream! IceCream! Magkikita tayo ulit!

"sinusuot mo parin pala yung bracelet na bigay ko sayo"

napatingin ako sakanya at sa mga kamay namin. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang sa sinabi nya kaya binitawan ko na yung kamay nya.

"O-oo naman. Bigay mo toh sakin"

"akala ko kasi makakalimutan mo na yan dahil may bago ka na"

"hindi nuh. Ganda kaya nito saka alam kong magtatampo ka kapag hindi ko sinuot toh"

itinaas ko pa yung kamay ko at ipinakita sakanya. Nakangiti akong tumingin sakanya pero sa totoo lang parang may something akong nararamdaman. Alam ko naman patungkol kay Daniel ibig nyang sabihin.

Ang hirap pala ng ganito. Alam mong Mahal ka ng bestfriend mo pero wala kang magawa.. Hanggang bestfriend lang talaga ang turing mo.

Pa'no ko nga ba sasabihin na kami na ni Daniel?

Alam kong masasaktan sya kapag sinabi ko yun.. Pero hindi ko naman kayang ilihim pa yung bagay na ganun sa bestfriend ko.

Tipid lang syang ngumiti sakin. Umorder na kami at umupo dun mismo sa dating inupuan pa namin ni Daniel. Napangiti ako ng maalala yun...Nung sinamahan nya ako bumili ng ticket ng BigBang at sinabihan nya akong magsuot ng 'maternity dress. Ahaha. Nagkaroon pa kami ng deal tapos nauwi sa bangayan dahil dun. Yun pala nagseselos lang sya sa mga lalaking tumitingin sakin nun. Ang kyut kyut nya talaga magselos. Yun ang first time kong makita syang nagselos.

Kung tinatanong nyo kung anong nangyari sa concert..,ayun. SAYA. Sumabay sa Final Rehearsals ng 'Christmas Production namin kaya hindi kami nakapunta. Huhu.

Pero ayos lang din, may Daniel narin naman ako ngayon. Hihihi! Kilig!

"mukha kang baliw. Ano na naman nginingiti mo dyan?"

napatingin ako kay Vince. Nakasimangot na naman sya sakin. Sungit! Napangiti lang e!

"may naalala lang ako, bakit ba!"

"psh. Ako nga kasama mo, iba naman nasa isip mo.."

"anong sabi mo?"

hindi ko masyadong narinig sinabi nya dahil halos pabulong na yun.

Tinignan lang nya ako ng masama at saka kumain ulit. Tss. Menopause na yata toh. Mas masungit pa sya kesa sakin. Hindi ko talaga kinakaya pagkasungit ng lalaking ito.

Tinanong-tanong ko lang sya about sa mga naexperienced nya sa Canada habang kumakain kami. Namimiss ko talaga yung bonding namin. Yung tipong hindi mo napapansin yung oras at mga tao sa paligid kapag magkasama kami.

"B, tignan mo. Ang kyut kyut nya oh"

pinakita ko sa kanya yung stuffed toy na baboy. Hindi sya si Piglet, baboy talaga at ang kyut kyut. Nakapokerface siya parang kung titignan kamukha ni Vince. Pfft. HAHAHA! .

"psh. Mga gusto mo talaga. Napaghahalataan lahi mo"

napapout ako sa sinabi nya. Hindi naman ako mataba, nakyukyutan lang naman kasi talaga ako sa kanila. Cute naman eh!

"gusto mo ba yan?"

"oo. Bibilhin mo ba para sakin?"

nakangiti kong tanong sakanya. Halos magpuppy eyes look na ako ngayon.

Please...

"bilhin mo. Ikaw may gusto diba?"

Psh. Napasimangot ako at nagmake face sakanya. Akala ko naman, tsk. Magtatanong-tanong pa kasi.

Sinauli ko na yung stuffed toy. Iniwan ko sya dun at nagtitingin-tingin ng mga magazines. Psh. Kung may extrang money lang talaga ako ngayon. Aish!Akala ko kasi sandali lang kami kaya sakto lang dala kong pera.

"Tara na. May nabili na ako"

nakasimangot parin ako ng tinignan ko sya. Ngumiti lang sya sakin at bahagyang pinisil yung pisngi ko.

"Galit ka na naman sakin, parang hindi ka na nasanay na inaasar kita"

inakbayan nya ako at pinisil pa naman yung ilong ko. Lahat nalang pinipisil sa mukha ko. aish!

"psh. Alis ka nga.!"

inalis ko yung kamay nya sa balikat ko at lumabas na. Hinabol naman nya ako at inakbayan ulit.

"Pikon na bata, oh"

tinignan ko lang yung paperbag na binibigay nya sakin.

"Anong gagawin ko dyan?"

masungit kong tanong sakanya. Ngumiti naman sya at inalis yung pagkakaakbay sakin. Humawak sya sa likod ng ulo nya at tinignan ako na parang bored na bored sa tanong ko.

"Hawakan mo. Ayokong magbitbit"

Aish! What the?!!! Myghaad! Halos umusok na ilong ko sa sobrang inis sakanya. Pinipikon nya talaga ako. Kainis!

Huminga ako ng malalim. Pilit akong ngumiti at hinawakan yung pisngi nya.

"Alam mo B...natutuwa ako sayo. Sa sobrang tuwa ko gusto kitang kurut kurutiiiin ng ganito"

pinisil ko ng maigi yung mga pisngi nya. Nakakagigil talaga!

"Aray! Tama na nga! Joke lang naman yun!"

"bakit? Nanggigigil nga ako sa sobrang kyut mo B!"

Inalis nya yung mga kamay ko at hinawakan yung pisngi nya.

"Oh ayan! Para sayo nga talaga yan.! Ah! Sht! Ang sakit!"

napakunot yung noo ko ng ibigay nya sakin yung paperbag. Tinignan ko sya ng maigi, mamaya kasi joke na naman yan.

"Psh. Buksan mo kasi ng makita mo"

tss. Inirapan ko sya at tinignan ko yung laman.

Lub.dub.lub.dub

napakagat ako sa labi ko ng makita yung laman.

Yung kaninang stuffed toy na hawak ko. Binili nga nya yung baboy.

"Christmas gift saka New year's gift ko na yan sayo"

Napatingin ako sakanya  at agad ko syang niyakap ng mahigpit.

"Waaaah! B! Thank you! Thank you!"

"Wag mo nga akong yakapin! Kung makakurot ka sakin kanina. Psh"

"Sorry! Ikaw kasi! Kalokohan mo! Sorry! Mwaah! Mwaah!"

hinalikan ko yung magkabilang pisngi nya na kinurot ko kanina.

"lumayo ka nga! Nakakahiya. Ang daming taong nakakakita!"

hinarang pa nya yung kamay nya sa mukha ko. Napapout ako at tinignan sya ng malungkot.

"ikaw na nga kinikiss ko dyan., dati naman nagpapakiss ka sakin."

"Aish.. T-tumigil ka nga sa pagtatampo mo"

naglakad na sya. Ang bilis ng lakad nya, halos takbuhin ko na maabutan lang sya.

"Ayaw mo naman maglakad?!"

hinampas ko agad braso nya nung maabutan ko sya. Grabe naman mga binti nito, ang laki kung makahakbang.

Napahinto sya at humarap sakin. Magsasalita pa sana sya ng bigla akong tumawa ng malakas.

"HAHAHAHA! Omg! B! You're blushing!"

Sinimangutan nya ako. Napahawak sya sa buhok nya at umiwas ng tingin.

Naglakad na sya at iniwan ako dun na tawa ng tawa. Mwahahaha! Hindi ko mapigilang tumawa kapag nakikita ko yung mukha nyang namumula.

Pinauna nya akong umupo ng makasakay kami ng bus. Hindi na sya nagblablush kaya napipigilan ko kahit papaano yung pagtawa ko. Pffft. Hahaha! Pigil pigil.

"oy!"

nabigla pa ako nun magsalita siya. Kanina pa kasi nya ako hindi kinikibo. Naasar yata ng tawanan ko. Pffft. Ahaha.

"bakit?"

Imbis na sumagot,tinignan nya lang ako at tinuro yung pisngi nya.

"ano yan?"

"kiss me here. Masakit parin eh"

nanlaki mga mata ko.Ako naman yata ang magblablush ngayon.

"a-ayoko nga! Kanina aayaw ayaw ka pa"

nauutal pa ako. Iniwas ko yung tingin ko sakanya at kinuha nalang yung stuffed toy.

"PDA ka kasi kanina. Ngayon ok na, walang makakakita"

napatingin naman ako sa paligid namin. Nakaupo kami sa may bandang gitna, at wala ngang masyadong tao sa bus pati nga sa kabilang side namin walang pasahero.

 "A-yaw!"

"You don't want? Then, I'll kiss you"

lub.dub.lub.dub.

napahawak ako sa pisngi ko ng halikan nya.

Bumibilis yung tibok ng puso ko.
Hindi ako makapagsalita . Hindi rin ako makakilos sa pagkabigla sa ginawa nya.

Ngumiti sya at sumandal na sa upuan.

Hindi ko alam kung bakit ganito nalang nararamdaman ko kapag ginagawa nya yun.

"libreng huminga B.."

pang-aasar nya at tinawanan pa nya ako. Psh. Umayos narin ako ng upo at tinignan yung hawak kong stuffed toy.

"Ano naman kaya pangalan mo baboy?"

"Ashley"

"Ano?"

"Ashley name nyan---Aray!"

kinurot ko sya sa may tagiliran. Mang-aasar pa eh!

"Ano kasi?! Lalaki toh oh! Saka kamukha mo pa nga, tignan mo.! "

hinarap ko sakanya yung baboy. Sumingkit na naman tuloy yung mata nya sakin. ahaha. lagot. 

"ay! alam ko na! B-boy nalang! ahaha"

B kasi kamukhan ni B. tapos boy kasi lalaki siya. AHAHAHA!

"psh. wag yun!"

"bakit ba? bigay mo toh sakin ee"

I rolled my eyes at hindi pinansin pagrereklamo nya.

Ang sama ng tingin nya sakin.. baka sinasakal na nya ako ngayon sa isip nya. mwahaha. 

"Nga pala, akala ko may bibilhin ka?"

"ayan na nga yun"

napalingon ako sakanya. That means plano nya talagang bumili ng gift sakin? Aww. Ang sweet naman talaga ng bestfriend ko.

"wag mo nga akong tignan ng ganyan. Palibhasa wala kang regalo sakin"

manumbat daw ba? Tch.

"kiniss naman kita may free hugs pa. Priceless yun. Iilan lang nakakareceived nun"

tinitigan nya ako at nilapit pa yung mukha sakin kaya napaatras ako.

"oy! A-ano na naman yan!"

"I want more.."

napalunok pa ako sa sinabi nya. *gasp* tinulak ko yung mukha nya palayo sakin.

"wag ka na! Sobra na yun!"

tumawa naman sya at pinisil yung ilong ko.

"May ibibigay pa ako sayo. Hindi ko nabigay nung birthday mo"

"sus. Hindi mo nga ako binati nun."

tipid syang ngumiti. May kinuha syang papel sa bulsa nya at inabot sakin.

Binuksan ko yung nakatuping papel at halos mapaluha ako ng makita yung drawing. Nakasideview yung mukha ko. Nakangiti ako na parang may tinitignan. Waaaah! Ang galing! Akong-ako yung nasa drawing. Nakakatouch naman! Noon pa kasi,gusto kong idrawing nya ako kaso waste of time lang daw.

·        


"wow! Ang ganda ko dito, B! Bakit ngayon mo lang binigay?"

Every details sa drawing tinignan ko maigi. Nakaschool uniform ako at parang nasa loob ng school malapit dun sa open court. Sa may bench pa nga yata ito na tinatambayan ko palagi.

Unti-unting nawala yung ngiti ko ng marealized kung nasan ako nito nung drinawingnya.

Kung hindi ako mag-isa, si Daniel ang kasama ko kapag pumupunta sa may bench.

Itong mga ngiti ko ba, dahil kay Daniel? Ibig bang sabihin nun, tinitigan nya ako habang kasama ko si Daniel...

Nagawi yung tingin ko sa may kamay ko sa Drawing. Parang may hawak-hawak akong papel sa kaliwang kamay ko.

Tinignan ko ito ng maigi. May maliit na nakasulat kaya nilapit ko pa yung drawing para makita ko.

'Knight

 (MAYBE àmusic at the right side ;) )

Lub.dub.lub.dub.

S-si Vince.....

Tinignan ko si Vince. Bahagya lang syang ngumiti sakin.

"B...i-Ikaw yung 'Knight?"

Hindi diba? Sabihin mo sakin, hindi ikaw yun diba?! Tell me, hindi ikaw yung mga nagbibigay ng letters...Please.

"eng-eng mo talaga kahit kelan.. Akala ko manhid ka lang, slow ka pala talaga"

nakuha pa nyang mang-asar at ngumiti habang sinasabi yun. Samantalang ako halos madurog yung puso ko.

Kaya ba ganun nalang nararamdaman ko kapag binabasa yung sulat nung Knight. Kaya ba ang gaan gaan ng pakiramdam ko sakanya. Bakit ba kasi ayaw tanggapin ng isip ko na may possibility na si Vince nga si Knight.?

"B-bakit ngayon mo lang sinabi?"

"I've waited for you but you never came"

napayuko ako nung maalala ko yung sulat nung birthday ko.

Akala ko kasi galing kay Daniel yun....

"and then, I saw the reason why I shouldn't wait for you.."

tinignan ko sya. Ang lungkot-lungkot na naman ng mga mata nya. Nanatili syang nakangiti pero halata sa mukha nyang nasasaktan sya ngayon.....At nasasaktan akong makita syang ganito.

"I've waited for nothing..."

Iniwas ko yung tingin ko sakanya. Yumuko ako at napansin ko nalang yung pagpatak ng luha ko sa drawing.

"I'm sorry B...I'm sorry Vince.."

hindi ko sya magawang tignan. Lalo akong masasaktan...

"don't be. Ayos lang naman sakin makitang kasama mo yung mahal mo..kaya ko pa naman tiisin na may mahal kang iba"

napatingin ako sakanya ng hawakan nya yung kamay ko.

Hindi sya nakatingin sakin. Diretso lang ang titig nya sa harap.

"Pero ang layuan mo ko,... yun pala ang hindi ko kaya."

naramdaman ko yung paghigpit ng hawak nya sa kamay ko at kasunod nun ang paghinga nya ng malalim.

"Tayo na tayo.. Baka lumagpas pa"

Kahit nakangiti sya, ramdam na ramdam ko paring nasasaktan sya ngayon.

Pero wala akong magawa kundi kagatin lang labi ko at pigilan ang pag-iyak.

Lagi ko nalang syang pinaghihintay... Kahit saang bagay yata pinaghihintay ko sya..

Hindi pa ba sya napapagod kakahintay? Hindi pa ba sya nag-sasawa?

Ayoko ng maghintay ka pa sa akin ngayon, Vince....

Ngayong wala ka na talagang hihintayin pa.

Inalis ko yung pagkakahawak nya sa kamay ko, dahilan para mapalingon sya akin.

Nasa Village na kami at buti nalang walang taong dumadaan. Pero kung may makakita man sa akin ngayon, wala na akong pakielam. Dahil mas importante sa akin si Vince ngayon..,ayoko ng patagalin at patuloy lang syang saktan.

"wag mong iisipin na nasasaktan ako, Ashley"

humarap sya sa akin. Napayuko lang ako. Hindi ko kayang tignan sya ngayon, dahil paniguradong wala na namang tigil ang pagluha ko sa harap nya.

"ok lang ako. Don't worry---"

"K-kami na ni D-daniel, Vince"

hindi ko mapigilang hindi mapahikbi. Napatakip ako sa mukha ko. Bakit ba kasi hindi ko mapigilang umiyak?! Ayan.Nakikita na naman nya akong umiiyak! Lalo ko lang syang sinasaktan.

"Ganun ba? Congrats.."

mahina nyang sabi. I can feel his pain. Pero ang bobo-bobo ko! Alam ko na ngang nasasaktan sya pero wala akong magawa.. Wala akong maisip na way para maalis yung sakit na nararamdaman nya.

·        


"Wag ka ng umiyak"

Inalis nya yung pagkakatakip ko ng kamay sa mukha ko. Ang blurred na ng paningin ko dahil sa pag-iyak. Halos hindi ko na maaninag ngayon mukha nya.

"Sorry B...Sorry!"

wala akong ibang masabi kundi sorry.

Sorry..

Sorry kung hindi kita magawang mahalin...

Niyakap nya ako at hinaplos yung buhok ko, na madalas nyang gawin kapag umiiyak ako.

"ssshh. Diba sabi ko naman sayo noon, hindi tayo nagmamahal para mahalin din pabalik.."

muli kong naalala yung araw na iniiyakan ko si Daniel.

Yung araw na sinabi nyang nagmamahal sya sa isang tao na may mahal ng iba...

hindi ko man lang naisip na pwedeng ako yung tinutukoy nya..

Na pwedeng nasasaktan ko rin sya nung mga panahong yun..

Na pwede sanang sya nalang minahal ko noon..

"May ibang kahit hindi sila mahalin ng taong mahal nila, patuloy parin silang nagmamahal...dahil dun sila masaya."

Tinignan nya ako at hinawakan ang mga pisngi ko.

"Isa na ko dun Ashley."

Pinunasan nya yung mga luha sa mata ko at saka hinalikan yung noo ko.

Muli nya akong niyakap...mas mahigpit kesa kanina, na pakiramdam ko ayaw na nya akong pakawalan ngayon.

"Hindi naman kita pinipilit Ashley, na mahalin mo rin ako.. Hindi na rin ako umaaasang mamahalin mo ako. Pero hayaan mo sanang mahalin kita. Kahit yun lang, masaya na ako."

 

***

to be continued :)

 

Yung name ng stuffed toy na B-BOY galing kay @sweet_alcuez . hihi! Thank you ulit :*

Continue Reading

You'll Also Like

449K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
386K 25.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
27.3K 1K 71
Masaya siya kasama ang mga kabarkada niya. Kaya niyang mag-isa pero mahal na mahal pa din siya ng lahat. Normal lang ang buhay niya pero simula nung...
52.2K 836 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: