The Night Queen

Bởi jrhabellie

454K 13.4K 237

THE SUPREME TRILOGY BOOK 1 Rain Louise Scott, a candidate for B.A.N.G. Merlin, has sent herself on a quest, f... Xem Thêm

Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue

Chapter 46

5.3K 173 0
Bởi jrhabellie

c h a p t e r      f o r t y    s i x

THIRD PERSON'S POV

Nagtugma ang kanilang tingin at kasabay nito ang pagkatanggal ng maskarang yumayakap sa mukha ng dalaga. Tila natuod sa kinatatayuan ang lalaki nang makita nito ang itsura ng dalaga. Bumalik sa kaniya ang alaala ng isang tao matagal na niyang hinahanap. Tumakbo ang dalaga at iniwan siya roon. Pilit pinoproseso ng lalaki ang nakita ngunit iisang tanong lamang ang nais niyang malaman ang kasagutan. Sa mga oras na iyon ay hinabol niya ang dalaga.

Paglabas ni Rain doon, inatake siya ng limang kalalakihan. "Queen, she's getting away," sambit ni Cliff. Nailagan nito ang suntok ng isang kalaban at saka malakas na sinuntok sa sikmura. Yumuko ito at hinigit sa baywang ang isa saka ipinatumba. Nahampas siya ng porcelain na plorera sa kaniyang balikat kaya napaluhod ito. Susugurin sana siya nang isa pa ngunit nilabas niya ang kaniyang silencer at binaril ito sa noo. Hindi rin nag-atubili ang dalaga na tamaan ang isa pa. Ngunit nakahugot ang isa ng baril at nadaplisan siya sa balikat kasabay ng pagbagsak ng kalaban nang may tama sa kaniyang ulo. Sa likod nito ay walang iba kundi si Pin.

Agad siyang tumakbo papunta sa dalaga at umagapay ito. "We need to leave," sabi nito. "No. I have to get the last piece," sagot ng dalaga at tinulak ang binata. Aangal pa sana siya ng may tumama sa kaniyang balikat. Nanlaki ang mga mata ni Pin at paglingon nito, nandilim ang paningin niya sa taong nakatayo sa kaniyang likuran. Pareho nilang sinugod ang isa't isa. Hindi na lumingon si Rain at kahit masakit ang balikat niyang may nakabaon na shiruken ay mabilis niyang nilisan ang lugar.

Nagkagulo ang lahat ng makita nila siyang may hawak na baril at duguan. Lahat ng mga bodyguard na pumipigil sa kaniya ay walang awa niyang pinagsusuntok, binabalibag, sinisiko at sinisipa. Hanggang sa makarating siya sa labas kung saan naroon ang sasakiyan ng isang VIP na palabas pa lamang. Inumpog niya ito sa hood ng kotse at saka pumasok sa loob at iminaneho ito paalis. "Give me the location," utos niya at binilisan ang takbo ng sasakyan. Hinigit niya ang shiruken na nakapaloob sa kaniyang likod at pumuslit ang dugo mula rito. May nakita siyang damit sa passenger's seat kaya hinigit niya ito at gamit ang shiruken nagawa niyang sugatin ito ngunit muntik na siyang mabangga. Mabuti na lamang ay nagawa niyang iwasan ito. Patuloy na nagpagewang gewang ang sasakyan niya habang itinatali niya sa balikat niya ang tela. Kagat nito ang isang dulo saka ipinulupot sa kaniyang balikat. Nagpakita naman sa kaniyang spywatch ang lokasyon na pupuntahan niya kaya mas binilisan pa niya ang takbo.





"I will kill her," sambit ni Ace. "I will kill you before you can even lay a finger to her," nagngangalaiti sa galit na litanya ni Pin. Iaangat pa lamang ni Ace ang baril nang magawang sipain iyon ni Pin at tumalsik ito sa malayo saka niya sinipa sa tuhod ang binata ngunit nakatalon ito. Binato ni Ace ng plorera ang binata ngunit umikot ito at umilag saka tumayo at tumakbo papunta sa pader at patungo kay Ace saka binigyan ng malakas na suntok. Napaatras naman ang binata at nang suntukin siya ulit nito, nahigit niya ang kamay nito ngunit gayun din si Pin. Nagkatinginan sila at mabibilis na suntok ang iginawad ni Ace. Sinasangga naman  ito ng isa at nang magkaroon ng pagkakataon ay siya naman ang umatake. Yumuko ito at siniko sa sikmura ang lalaki kaya napadaing ito sa sakit at napaatras.

Hinihingal na ang dalawa ngunit hindi parin sila tumitigil. Naglabas ng kunai si Ace at nilabas naman ni Pin ang kaniyang brass knuckles na double blade edge. Naunang sumugod si Ace at maistilong paggamit ng kunai ang kaniyang ginawa. Nagawa niyang masugatan si Pin ngunit nagawa rin naman ng isa na sugatan rin ito. Nasuntok sa panga ang binata ang tila hinampas ito dahil sa brass knuckles na gamit ng kalaban niya. Hindi natapos roon ang kanilang pagpapalitan ng mga nakakamatay na atake hanggang sa nagtama ang mga sandata nila at parehong naglalagablab ang tingin nila. Wala silng ibang iniisip kundi ang tapusin abg laban.

"Did you know what I was thinking when I found out it was her?" Kita sa mga mata ni Ace ang pagkasuklam sa dalaga. Hindi niya inakalang magagawa niya ito at hindi siya makapaniwalang nagpaloko siya rito. Iniisip niya palang na marahil ay pinagtatawanan na siya nito dahil sa pagiging tanga niya ay mas lalong naglagablab ang kaniyang galit. Kinasusuklaman niya ito at ayaw na niyanh itong makita pa.

Ayaw niyang paniwalaan ang mga sinabi ni Lance. Hindi niya alam kung totoo ito o gawa gawa lang para tulungan ang dalaga.





—the day before Ace left for Rio De Janeiro—

Lumabas si Alex para kunin ang kaniyang laptop kaya naiwan si Lance na nakabantay kay Ace. Hindi nagtagal ay lumabas si Ace mula sa kwarto niya at nagtugma ang knilang tingin. "Leave." Walang emosyon nitong pagbabanta. Ayaw niyang makita ang lalaki dahil sa ginawa bito sa kaniya.

"Five years ago..."

"I SAID LEAVE!" binato niya ito ng kunai ngunit nakaiwas si Lance kaya bumaon ito sa sofa. "F*ck! Listen!" Galit na sigaw ni Lance pabalik. "You enjoyed how tormented I was all these years. You have no right to tell me what I need to hear," litanya naman ng binata.

"It wasn't her." Mas lalong nag-init ang ulo ni Ace at hindi na niya ito pinalagpas. Sinugod niya si Lance at panay ang suntukuan nilang dalawa. Hindi pa natatapos ang kanilang laban. "She didn't kill your brother!" sigaw ni Lance ngunit hindi nakinig si Ace at ibinalibag niya ito.

Pinagsusuntok niya ang binata ngunit nagawa itong sanggahin ni Lance at saka niya ito sinipa kaya naman napaupo ito. Sinugod nito ang binata at hinigit sa baywang saka ipinatumba. "She killed Levi!!!" Sa bawat salitang sinabi niya ang pagsuntok sa mukha ni Lance. Saktong dumating si Alex at agad ni hinila si Ace palayo kay Lance.



Pumutok ang labi ng binata at maging ang kilay nito ngunit bumangon siya at tinignan si Ace ng malalim. "Somebody did it and I saw it. She didn't kill Levi!"

"That's bullsh*t! She's here so she could kill me and my sister too. That's what she does!"

"You listen! If she's here to kill you, why didn't she do so when she first saw you?"

"Shut up! Then why would she be here?!"

"Because of the witch's knot," biglang banggit ni Alex. Pareho silang napatingin sa kaniya. "What did you just say?"

"She's after the witch's knot."

Naalala ni Ace ang sinabi ng kaniyang ama tungkol dito. "She's the Night Queen," pagpapakatotoo ni Alex. Hindi na nagulat si Lance dahil alam na niya ito. Kahit na iyon ang rin ang kongklusyon ni Ace mula sa mga haka haka niya, hindi niya pa rin gustong paniwalaan ito. Ang babaeng iyon ang dahilan kung bakit buhay pa siya ngayon, ang kagustuhang ipaghiganti ang pagkapaslang sa kapatid niya limang taon na ang nakalilipas. Ang galit at poot na siyang bumuhay sa kaniya mula nang mawala ito ay hinding hindi niya kakalimutan. At ngayong nalaman niya na nasa malapit lang pala ito at higit sa lahat, ang pakiramdam niya para sa babae ay mas lalong nagpalalim sa pagkasuklam niya rito. Hindi niya lubos maisip na nagkaroon siya ng pagkagusto rito nang hindi man lang niya alam na siya pala ang matagal na niyang hinahanap. Pakiramdam niya ay pinagsuklob ang langit at lupa at wala na siyang ibang nais gawin kundi ipatikim sa dalaga ang pait ng kaniyang paghihiganti.


"It won't change the fact that Levi died. It was all because of her," sabi nito at nilisan ang lugar. Diretso siya sa airport at pupuntahan niya ang kaniyang Ama. Tatapusin niya ang kaniyang sinimulan.

—end of flashback—


"She killed my brother," nagngangalaiting sambit nito. "No. She didn't." Saka niya ito itinulak at siniko patalikod. Bumagsak ang binata ng walang malay. "Pin! Queen's on her way to the target," sambit ji Harry at pareho sila ni Cliff na nakasakay na sa sasakyan. "Send me the location," at nang matanggap na niya ito ay narinig niya ang pagkasa ng baril at dumikit sa kaniyang ulo ang malamig na metal.


"Tell me where is she," sabi ni Stone. Lalaban na sana ang binata ngunit mabilis ang lalaki at sa isang iglap ay nawalan na rin ito ng malay. "Take them," sambit nito nang dumating ang mga tauhan niya. Kinuha niya ang spywatch ni Pin at mabilis na nilisan ang lugar. Sinundan niya ang lokasyon na nakapakita roon.








Papasok sa isang tunnel ang daraanan ni Rain at madilim ito. Nang palabas na siya sa dulo ng tunnel, isang malakas na pagsabog ang nangyari. Tila ba bumagal ang oras habang nasa ere ang sinasakyan ng dalaga na umiikot matapos na tamaan ang sinasakyan niya ng bala ng bazooka. Tumilapon ito ng paikot ikot at lumiliyab ang apoy mula rito. Nang makita nilang tumba ang sasakyan ay nilisan na nila ang lugar.


Naiwang walang malay si Rain at duguan. Nakabaliktad ang sasakyan at dumadaloy sa kaniyang mukha ang dugo niya. Ang gasolina ng sasakyan ay tumutulo at ang apoy na lumiliyab rito ay maaaring magdulot ng pagsabog kung magtama ang dalawa. Walang ibang mga sasakyang dumaraan doon dahil papasok ito sa liblib na lugar.






Sa di kalayuan ay may sasakyang parating. Kita nito ang usok at umaapoy na sasakyan. Binilisan nito ang kaniyang pagpapatakbo at inihinto saka tumakbo papunta rito. Lumiyab pa ito lalo kaya naman agad niya tinungo ang harap ng sasakyan. Mula rito ay nakita nia ang dalaga na walang malay at naliligo sa sarili niyang dugo. Ang sasakyan ay wasak kaya naman mahirap buksan ang pinto. May mga natitira pang bintana ng sasakyan na basag basag at kailangan niya itong tanggalin upang mailabas ang dalaga. Gamit ang kamay niya, hsinira niya ito. Nagtamo siya ng mga sugat ngunit hindi niya iyon alintala at pilit hinihigit si Ra]n palabas ng sasakyan. Isang beses ang lumiyab ang sasakyan. Kita nito ang pagdami ng gasolinang tumutulo. "Come on..." nagmamadali niyag sabi habang tinatanggal ang seatbelt ng dalaga at unti-unti niya itong hinila palabas. Nang mailabas na niya ito ng tuluyan, agad niyang binuhat ang dalaga at itinakbo palayo kasabay ng tuluyang pagsabog ng sasakyan.


Tinamaan ng mainit na metal ang lalaki nang tumalsik ito at napadaing ito sa sakit ngunit hindi siya tumigil sa pagtakbo. Sinakay niya ang dalaga at kahit na masakit ang likod niya dahil sa natamo, agad siyang sumakay ng sasakyan at nagmaneho ito papalayo. "Hey! Wake up!" Sinubukan niyang gisingin ang dalaga ngunit hindi ito rumeresponde. Mas binilisan nito ang takbo ng sasakyan at dinala sa kaniyang mansyon. Buhat buhat niya itong ipinasok sa loob at sinalubong siya ng mga tauhan niya. Gulat naman ang mga ito nang makita ang dalaga. "Where's the doctor? CALL THE DOCTOR RIGHT NOW!" sigaw nito at agad namang gumalaw ang mga tauhan niya.


Inilapag niya ang dalaga sa pinakamalapit na kwarto at sinuri ang kaniyang pulso at paghinga. Saktong dumating ang mga doktor. Kinuwelyuhan niya ang isa sa mga ito at saka sinabing "SAVE HER!" Natakot naman ito ngunit nanghina bigla ang lalaki kaya naman inagapan siya ng mga tauhan niya at idinala sa kabilang kwartto upang gamutin ang sugat niya.


Maraming dugong nawala sa dalaga at  wala ni isa sa kanila ang may kapareho ng blood type niya. "Sir, we have a problem," usal ng sekretarya nito sa lalaki. "She's loosing too much blood and we don't have her blood type," sambit nito. "What's her bloodtype?"

"AB Negative."





"I am AB negative." He said and went with him. Although he's also having quite a struggle, he still went for it. Patuloy ang paggamot nila sa dalaga habang sinasalinan naman siya ng dugo ng lalaki.


Matapos ang ilang oras ay natapos na rin ang operasyon. Panay benda ang mga tama ng dalaga ngunit wala pa rin itong malay. Tinungo ng lalaki ang kinaroroonan ni Pin kung saan nakagapos ito sa isang kwarto. Pati siya ay namamaga ang mukha at maraming sugat na natamo. "I only have one question. This will decide whether I'll spare you or kill you."

Iniangat nito ang ulo niya at nagulat nang makita kung sino ito. "Ra—" hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang suntukin siya nito sa sikmura. "Who is she?" tanong nito na mas lalong nagpalito sa binata. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang tanong niya. Hanggang sa may haka haka siyang nabuo sa kaniyang utak na iniisip rin niyang hindi ito kapani-paniwala. There's no way... isip nito.


"Who is she?!" sinuntok ulit niya ito ngunit sa mukha na. Natumba ang binata at agad naman siyang kinuwelyuhan ng lalaki. "Tell me, why does she look like her?"

Tanging sagot ni Pin ay pagngisi. Hinding hindi niya magagawang traydurin ang kaniyang minamahal. Hindi na napigilan ni Stone ang kaniyang sarili at sinapak pa ito ng isang beses at nawalan na naman ito ng malay. Tinungo niya ang kwartong kinaroroonan ng dalaga at pinagmasdan ang mukha nito.

"Why do you look like her?" bulong niya sa sarili. Nagmulat ng mata ang dalaga at itinutok ang baril sa kaniya.



Ngunit nang makita niya ang mukha nito, tila tumigil ang mundo.

***
The Night Queen
by jrhabellie

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

7.9K 64 44
These are my few recommended books for all those people who loves fantasy and supernaturals. Taglish books Books are not mine, credits to its rightfu...
7.7K 1.1K 84
Amara is lost. A former princess turned assassin, she has lived in darkness ever since her kingdom was taken by the evil wizard Goroth. Amara now onl...
2.8K 379 36
*They are fire, they are water, they are earth, they are air, they are elementals* -------------------------------------------- Sapphire is a norm...
189K 4.3K 30
Orphaned at a very early age, a young man goes through self-discovery as he uncovers his demonic past and faces a heavenly challenge. After discoveri...