You're still the one

By AwzmAvhie

6.9K 1.8K 1.2K

"There are different kind of love in the world but never the same love twice." Hi, I'm Iya. Samahan niyo kon... More

PROLOGUE
Chapter 1: Start of Something New
Chapter 2: Kuys
Chapter 3: Almost lover
Chapter 4: Eye to eye
Chapter 5: Mr. President
Chapter 6: KFC
Chapter 7: New lover
Chapter 8: Jeepney love story
Chapter 9: The suitor
Chapter 10: My Inspiration
Chapter 11: Surprise
Chapter 12: Tagaytay
Chapter 13: Iya's project
Chapter 14: To the rescue
Chapter 15: Michael Vs Jason
Chapter 16: Hello Boyfriend
Chapter 17: Face to face
Chapter 18: Jealous Michael
Chapter 19: The game
Chapter 21: Little Mermaid
Chapter 22: No Boyfriend
Chapter 23: Operation Maria
Chapter 24: The Truth
Chapter 26: The choice
Chapter 27: The Sin
Chapter 28: Graduation
Chapter 29: The truth will set you free
Chapter 30: The consequence
Chapter 31: Who are you?
Chapter 32: The choice
Chapter 33: The proposal
Chapter 34: Run away

Chapter 20: Bring me

184 64 42
By AwzmAvhie

"Okay ka na ba talaga?" Michael asked.

Hindi ko sigurado kung tinutukoy niya ba yung naramdaman ko sa pagkahulog ko o tunay na nararamdaman ng puso ko.

Honestly, naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil all this years naapektuhan parin ako sa presence ni Jason.

Umpisa pa lang ng game hindi ko na maiwasang silipin siya, hanggang sa matalo kami ay di ko parin siya matiis. Nabubwisit ako sa sarili ko dahil nagagalit ako sa kanya at naiinis ako sa pangyayari. Bakit ba kelangan namin magsama sa isang lugar kasama pa ang isang taong malapit sa puso ko?

Ayoko naman na iba isipin ni Michael samin. Ayokong bigyan siya ng dahilan para magselos.
Mag iisang buwan pa lang kami ni Kel and natutuhan ko narin siyang mahalin.

Michael has been the perfect boyfriend, a girl could ever wish for. At kung maibabalik ko lang yung oras ay mas pipiliin kong si Michael ang una kong makilala kesa kay Jason dahil I'm sure na si Michael kahit anong mangyare ay hindi ako iiwan at papabayaan kagaya ng ginawa sakin ni Jason.

"Are you okay Iya?"

Nagulat ako ng lapitan kami ni Jason at hindi ako makapaniwalang kinakausap niya ko ngayon.

Gusto kong matawa dahil maga-apat na taon na kaming hindi naguusap at parang naninibago ako ngayong lalapit siya para kausapin ako.

"I'm good" sabi ko sabay ngumiting matipid.

Nararamdaman kong may gusto pa siyang sabihin pero ang awkward dahil katabi ko rin ngayon si Michael. At kung may sasabihin man siya e He's four years late.

"By the way, Michael this is Jason, kababata ko and Jason this is Michael my...."

Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa dahil mukhang naghuhulaan sila kung sino ang isa't- isa at kung ano ang papel sa buhay ko.

Kilala naman ni Michael kung sino si Jason dahil naikwento ko sa kanya ito dati pero hindi niya alam ang itsura nito.

Jason, on the other hand ay matagal akong walang balita kaya hindi ko alam kung interesado ba siyang malaman kung sino ang kasama ko. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong nautal. Ipapakilala ko si Michael bilang boyfriend ko kaya dapat proud ako. Ano bang nangyayari sakin?

"I'm Iya's boyfriend"

Pagtatapos at nakangiting pagpapakilala ni Michael. Inilahad niya ang kamay sa kaharap na agad namang kinuha ni Jason at nakipagkamay rin.

"Jason, pare. Nice meeting you"

Nakahinga ako ng maluwag at mukhang okay naman sila. Baka asa sakin lang ang tensyon at kung ano ano iniisip ko.

Dapat isipin ko lang na nakamove on na kami parehas ni Jason para di ako napaparanoid ng ganito. Pero, hindi parin ako mapakali at naiinis ako sa kanya.

Naiinis ako dahil kelangan pang lumipas ang apat na taon bago ako kausapin. Ano bang problema niya sa buhay? Nakakamove on na ko e. Sana hindi na siya bumalik sa buhay ko. Guguluhin niya lang to.

"Ahm ang init ngayon. Gusto ko magshake. Do you want any? My treat, para makabawi naman ako" Pagpiprisinta ni Jason.

Nagpapahinga kami ngayon sa Nipa hut bar.

Huminto sandali yung games dahil narin sa nangyari sakin. Natapilok kasi ako ng bahagya kaya kelangan pa ko buhatin ni Michael papunta dito para makapagpahinga saglit at hilutin yung paa ko.

"No thanks"

Masungit kong pagtanggi. Nalungkot naman ang mukha ni Jason sa pagkakita ng iritable kong mukha.

"Mango shake will do, favorite yun ni Iya"

Akala ko tatanggi si Michael dahil may pagkaseloso rin tong boyfriend. Ayaw niyang may ibang bumibile ng pagkaen o gamit para sakin. Gusto niya siya lang.

"I remember"

Ngumiti ulit si Jason na parang may naalala. Hindi ko alam bakit niya pa kelangan sabihin yun baka magselos pa si Michael.

Pero, simula bata kami Mango shake na ang favorite ko at kabisado yun ni Jason. Yun ang pinapasalubong niya sakin palage pag may lakad siya o kaya pag kakaen kami sa labas at oorder siya. Automatic na mango shake yung drinks ko.

Pilit kong inalis sa isipan ko yung memories dapat hindi ko na yun inaalala dahil iniwan lang ako ng lalakeng to na walang malinaw na dahilan kaya hindi ko siya dapat iniisip ng ganito.

"Waiter? Isang four season and two mango shakes for this lovely couple"

Dagdag niya na feeling ko ay may pagkasarkastiko sa pagsabi ng lovely couple.

"Thank you"

Pagpapasalamat ni Michael habang iniinom namin yung shake.

Tumahimik lang ako dahil nagusap na sila. Hindi ko yun inakala dahil pagkakita pa lang ni Michael dito ay nagselos na ito. Bigla atang nagiba ang ihip ng hangin dahil ngayon ay nagtatawanan pa ang dalawang nagkukwentuhan.

"Nagtext si Alison. Bumalik na raw tayo at next game na" Pagputol sa usapan ni Jason.

Yes! Napasigaw ako sa isip ko. Ang awkward masyado pag andiyan si Jason. Gusto kong malubog sa buhangin at hukayin na lang nila ako pag uuwi na kami sa Manila.

"Next game ay BRING ME, excited na ba kayo?" Sigaw ni April.

"Childrens party na ba talaga to?" Patawang sabat ni Kristal na ikinatawa ng lahat.

"Masaya to guys. Ang mananalong group ay makakatanggap ng massage service from the losing team"

Excited na sabi ni April. Marami ring napa-ooohh and aaaah dahil masarap magpamassage sa ganitong panahon at by the beach pa.

Gumawa ulit ng bagong grupo, ang red at ang blue team. May isang kahon na naglalaman ng pula at asul na tela na itatali daw namin sa ulo.

Isa isa kaming lumapit kay Jonathan para kumuha ng tali sa kahon. Pulang tali ang nakuha ko habang asul naman kay Michael.

Nanghinayang ako dahil hindi na naman kami magkagrupo. Si Kristal ay nasa kabilang grupo kasama si Alison. At sa grupo ko napunta si Chele at ang hindi ko gustong makasamang na si Jason.

"Bring me.... Bring me..."

Paputol putol at natatawang utos ni April. Nagtatawanan ang lahat dahil ang una sa pila ng kalaban ay si Kristal at sa grupo namin ay si Chele.

Halatang patakbo na si Kristal kaya nagtatawanan ang lahat ng binibitin to ni April at tila pinagtitripan ang kaibigan.

"Ano ba kasi! Bring me, bring me ka diyan. Bringmihin kita diyan e!"

Asar na sigaw ni Kristal na ikinatawa ng lahat

"Mataas ang tirik ng araw friend. Wag mahighblood baka matusta ka diyan" Pangangantyaw pa ni Chele.

"Okay eto na talaga. hmmmm Bring me a blonde/ mestizo guy"

Naghiyawan ang lahat dahil nakatakbo na ng ilang hakbang sila Chele and Kristal ng pituhan ni Jonathan. Hindi pa raw kasi sumisigaw ng ready get set go.

Bumalik sa pila na inis ang dalawa at ng pinutuhan ulit ay nagmamadaling tumakbo sa foreigners para kausapin at dalhin sa pwesto para sa bring me game.

Lumakas ang tawanan ng madapa si Kristal at nanguna si Chele sa pagkausap sa isang amerikanong kasing edad lang namin at kamukha ni Justin Bieber.

Naghiyawan pa lalo ang lahat ng ngumiti ang lalake at kumaway samin lahat. Nakaakbay pa ang lalake kay Chele habang tumatakbo pabalik sa pwesto namin at lahat halos kami ay mapapaos na kakasigaw.

Kasunod naman nila Chele ay nakakuha rin ng amerikano si Kristal na kasing edad rin namin na kulot ang buhok at may green eyes. Patakbo din silang tumakbo pabalik sa pwesto namin habang nakapalupot si Katherine sa braso ng amerikano.

Nanalo sa game si Chele pero parang silang dalawa ang nanalo dahil naging instant loveteam na nila yung dalawang Amerikano.

Sumama rin sa games yung tatlo pa nilang mga lalakeng kaibigan at nakilaro sa mga inihandang games nila April and Jonathan.

"Okay, mga friendships. We have the next challengers, the gorgeous Alison for the blue team and the pretty Iya for the red team"

Pagpapakilala ni April samin ni Alison na parang announcer sa boxing game. Pasuspense pa si April sa sasabihin dahil tumigil siya ng mga ilang segundo habang lahat kami ay nakaabang para sa sasabihin niya.

"Bring me.....a gray sando ng isang lalake"

"Ep ep ep.... I did not say the get set go word yet"

patakbo na sana kami ni Alison ng pigilan kami ni April na nakahalukipkip pa.

"Before we start, my catch lang tong next game kasi last na kayo sa team so kayo ang magpapanalo. Gawin nating mas exciting ang game"

Pagpapatuloy ni April habang naghihiyawan naman ang lahat dahil mukhang may masamang binabalak ito.

"Again, bring me a gray sando but no touch. Dapat you should take off their sandos using your teeth"

Sabi na at masama binabalak nito.

Sumangayon na lang kami ni Alison kasi we have no choice naman. Pumito na si Jonathan hudyat na pwede na kami magumpisa.

Agad kong hinanap si Kel dahil naalala kong color grey ang suot niyang sando ngayon na iniregalo ko dati sa kanya.

Kaso huli na ko dahil ilang hakbang na lang ang pagitan nila ni Alison na ikina-inis ko dahil alam naman nitong nobyo ko si Kel pero dun parin siya tumakbo.

Bigla akong natigilan ng matignan ko pa maigi si Alison. I knew I already saw her somewhere and mukhang tama nga ako. Siya nga yun.

Parang nanlambot yung mga tuhod ko sa naalala ko dahil biglang nagflash back ang lahat. Naalala ko yung mga panahon na hinihiling ko lageng pansinin naman ako ni Jason pero nakuntento na lang ako sa mga pasulyap sulyap niya. Yung mga panahon na nasasaktan na nga ako pero okay lang sa kanya at nasa piling pa siya ng iba.

Nakakatawa talaga ang pagkakataon dahil hindi lang si Jason ang nakasama ko ngayon pati ang babaeng pinalit niya sakin. Siguro kaya ayaw na niya bumalik sakin ay dahil kay Alison. Nakakainggit naman siya kung ganun.

"Huuuuy Iya! Ano nangyayari sayo?! kilos kilos rin"

"Hoy babae kilos!"

"Iya! galaw galaw baka mastroke"

Natauhan lang ako ng sigawan na ko ng mga ka-team ko. Nakita kong pailing-iling si Kel habang inumpisahan na ni Alison ang pag-alis ng Sando niya using her teeth.

Gusto kong sumabog at kaladkarin si Alison palayo sa nobyo ko. Tumingin naman sakin si Michael at bumigkas ng salitang sorry.

Ayoko naman gumawa ng eksena kaya pinilit ko na lang pakalmahin yung sarili ko. Nagsisigawan parin sila lahat, siguro dahil kay Alison and Michael. Nakaramdam tuloy ako ng selos.

Napatingin ako sa team ko at naglilisik ang kanilang mga mata. Sinisigiwan nila akong kumilos na dahil matatalo na kami. Luminga linga ako para humanap ng nakasando na gray at sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay bukod tanging si Jason na lang ang naka-sando na gray.

Bakit ba sa dami dami ng lalake siya pa ang natirang choice sakin. Bakit hindi na lang yung sarili kong boyfriend? At eto namang si Alison, for sure close na close sila ni Jason at mukhang sila nga e kaya dapat kay Jason na lang siya lumapit at hindi sa boyfriend ko.

Ilang hakbang na lang ang layo ko kay Jason pero parang ayoko talagang lumapit. Lumapit naman si Chele sakin at tinulak ako papunta kay Jason, na ikinasubsob ko sa dibdib niya.

"Sorry" nahihiya kong sambit

"You don't have to do it Iya, if you don't want to"

Nakahawak yung dalawang kamay ni Jason sa braso ko at inalalayan akong makatayo.

"I'm fine. Don't worry"

Hindi ko alam pero medyo nainis na naman ako sa kanya. Hinawi ko yung kamay niya at dahil no touch daw sa boys ay walang nagawa si Jason. Nilagay niya sa likod ng katawan ang kamay habang lumuhod ako sa buhangin at inumpisahan tanggalin ang sando niya gamit ang ipin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

529K 19.4K 55
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 Mint Academy Series #2 Have you ever tried to kill someone? have you o...
10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
169K 9.3K 41
Phantom Academy was a prestigious school for the elites. Everything was in order not until a mysterious game emerged, which lies beyond their phones...