10K SPECIALS (©LBOS)

By LBOSAccount

2.2K 75 5

BABALA: Ang kwentong ito NAKAPALOOB sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar... More

entry 1
entry 2
entry 3
entry 4
entry 5
entry 6
entry 7
entry 8
entry 9
entry 10
entry 11
entry 12
entry 13
entry 14
entry 15
entry 16
entry 17
entry 18
entry 19
entry 20
entry 21

entry 22

95 2 0
By LBOSAccount

~ LBOS 10K ONE SHOT (22)~

BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ni MS. HYE-IA.

HANGGANG WAKAS

by: Hye-ia

a/n: ang akdang ito ay handog ko para kay Ms. Maribelle Quintana at Mr. Joel Maningaz. Maraming salamat po sa walang sawang pagsuporta sa page ng Lavender Book of Stories. Para po sa lahat, enjoy reading po. God bless you all. :))

Naniniwala ba kayo sa true love at perfect match? Gaano nga ba katotoo na may pag-iibigang tapat at wagas na kahit kamatayan ay di maaaring humadlang? Ano ang iyong gagawin sakaling malaman na ang taong pinakamamahal mo ay may taning na at malapit nang bawiin ng Maykapal? Magagawa mo bang isugal ang puso mo kahit alam mo na masasaktan ka lamang sa huli?

*****

Ako si Joel Maningaz. At siya naman ang aking pinakamamahal na asawa, si Maribelle Quintana-Maningaz.

Matagal na rin kaming nagsasama ng misis ko. Katunayan, ngayong darating na ika-diyes ng Mayo ang 25th wedding anniversary namin. Balak ng aming mga anak na magdaos ng party kung saan iimbitahan ang lahat ng aming mga kaibigan at kamag-anak.

Araw ng Linggo at kumpleto ang aming pamilya. May asawa na rin kasi halos lahat ng aming mga anak liban kay Emma na aming bunso. Nakakamiss rin pala ang ganito. Dati kasi palagi kaming magkakasabay kumain. Nagkukuwentuhan ng kung ano at minsan naman ay naglalambingan o di kaya'y nag-aasaran.

Parang kailan lang, natatandaan ko pa nung una kong makilala si Maribelle. Napakaganda niya kahit sa pinakasimpleng ayos. Nursing student rin siya tulad ko pero mas ahead ako sa kanya ng isang taon. Unang kita ko pa lang sa kanya noon, agad nang tumibok at nagrigodon ang puso ko. Parang nagkaroon ng iba't ibang kulay ang paligid..

Aaa... Sinabi ko na noon sa aking sarili na siya na ang aking mamahalin at gustong maging ina ng aking mga anak.

OA siguro dahil di pa naman kami nagkakakilala sa personal. Gusto ko siyang lapitan para magpakilala pero naroon naman ang pakiramdam na nahihiya ako at naaalangan.

Ha? Ako? Si Joel Maningaz? Kilalang hearthrob at matinik sa chikababes, natotorpe?

"Naman, tsong... Nasan na ang confidence mo sa mga babae?" ang madalas nilang kantyaw.

"Iba ito mga pare. Tinamaan na yata talaga ako ng true love." sagot ko sa kanila.

"Whooh! Tsong, baduy ka na..."

At nagkatawanan ang aking mga kaibigan. Pero natigil rin sila lalo na nang makita na seryoso pa rin ang expression ng mukha ko.

"Mukhang seryoso a.."

"Seryoso talaga ako. Gusto kong makilala ang babaeng yun. At pag ganun, liligawan ko siya ng seryoso."

"Sino ba kasi sa kanila ang natitipuhan nitong si Joel?" tanong ni Rudnie.

"Ayun pare. Nakita mo yung nursing student na may panyong pula at nakangiti? Iyon yun!"

Namangha naman ang binata nang malaman na ang tinutukoy na greatest crush/love ng kaibigan ay ang kanyang pinsang buo.

"E, pinsan ko yan e."

Dahil sa kanyang sinabi, gulat at mabilis na tumabi sa kanya si Joel.

"Pinsan mo? Ipakilala mo naman ako sa kanya pare.."

"Ayoko nga! Baka mapabilang sa listahan ng pinaiyak at niloko mo ang pinsan ko."

"Hindi! Di ko gagawin yan. Pangako!" itinaas pa ni Joel ang kanang kamay tanda ng panunumpa.

Napailing naman ang iba sa kanyang mga katropa pero talagang desidido na siya! Gusto niyang makilala at maging nobya ang pinsan ni Rudnie.

"Sige na naman pare.. Pagbigyan mo na ako. Pangako, di ko siya lolokohin."

"Sigurado ka?" nagdududa pa ring tanong ni Rudnie.

Tango naman ang kanyang sagot kaya laking tuwa niya nang yayain sila ni Rudnie na puntahan at lapitan ang pinsan nito.

*****

"Maribelle,"

Kumakain ng spaghetti ang dalaga nang lapitan nila.

"Kuya Rudnie..."

Ang ganda ng boses niya. Para tuloy sandaling dinala sa ibang mundo ang diwa ni Joel.

"Siyanga pala pinsan may ipapakilala pala ako sa'yo.." panimula ni Rudnie.

Di naman nagsalita si Maribelle. Samantalang palihim namang siniko ng ibang kaibigan ang natulalang si Joel.

"Joel, pare si Maribelle. Pinsan, si Joel.."

"Nice meeting you Maribelle. Ang ganda pala ng name mo, bagay sa'yo..." si Joel na inilahad ang kamay sa dalaga.

"Thank you. Nice meeting you din." sagot ng dalaga bago nakipagkamay rin.

Pakiramdam ni Joel, may boltahe ng kuryente na dumaloy sa kanyang kalamanan.

Kilig na kilig siya noon at iyon ang nahalata ni Maribelle kaya naman siya'y nagwika..

"E mister, baka naman puwedeng bitiwan mo na ang kamay ko?"

"Ay sorry. Pasensya ka na..." hinging paumanhin ng binata.

Nang mabitiwan ang kamay, nagpaalam na ang dalaga.

"Sige kuya, may klase pa ko e."

"Okay, sige."

Hanggang makaalis ang dalaga, nakatanaw pa rin dito si Joel. Tuloy, nanaig na naman ang panunukso.

"Salamat pare. Nga pala, okay lang ba kung liligawan ko ang pinsan mo?"

"Sa akin, basta wag mo siyang sasaktan. Pero di ko kasi alam kung may boyfriend pa siya e."

"Aigoo, bopols ka na pala pare. Mukhang taken na e."

"Di pa naman sila kasal. Isa pa, marami pang puwedeng mangyari noh.."

"Bahala ka. Basta andito lang kami kung sakali." si Rudnie.

"Salamat." nakangiting sabi ni Joel.

*****

Pagsapit ng uwian, kasabay palang lagi ni Rudnie si Maribelle. Doon din kasi ito pansamantalang nakikituloy sa bahay ng kanyang kaibigan. Balak na niyang simulan ang pagpapaalam na manligaw sa dalaga kaya kinausap niya ang kaibigan na makikitambay muna siya sa bahay nito. At pauwi na nga sila noon.

Tahimik lamang ang dalaga habang ang dalawang lalaki ay may pinag-uusapan ukol sa nalalapit na eksamin. Pero kahit ganun, di naman nakakalimutan ni Joel na sulyapan ng lihim ang dalaga. Hanggang sa makarating sila sa bahay nina Rudnie, di man lamang niya narinig ulit ang boses ni Maribelle. At nang sila'y pumasok sa loob, naiwan sa salas sina Joel at Maribelle. Nagtungo naman sa kuwarto si Rudne upang magpalit ng damit pambahay.

"Tahimik ka bang talaga?"

Napatingin si Maribelle sa kanya.

"P-pasensya na sa tanong ko--"

Di pa man natatapos si Joel nang magsalita si Maribelle.

"No, di naman. Kaso kasi wala naman akong maisip sabihin kaya tumahimik na lang ako."

"A, akala ko kasi ayaw mo lang makipag-usap sa 'kin.."

Napangiti ang dalaga kaya napangiti rin siya.

"Siguro iniisip mo na timang ako kaya ka nangingiti?"

"Ha? Di a! Nakakatuwa ka lang kasi.. Talaga bang iyan ang tunay na ikaw?"

"Bakit mo naman naitanong 'yan?"

"Wala naman. Para kasing iba sa naririnig ko ang nakikita ko ngayon sa'yo e."

"Ha? Anong naririnig? Negative ba? Naku, wag ka maniwala ha." biro ng binata para maibsan ang kabang nadarama.

"O, mabuti naman at nag-uusap na kayo."

Si Rudnie ang nagsalita na kalalabas lang mula sa pinasok na silid.

"Nasabi mo na pare?"

Umiling si Joel. Nagtaka naman si Maribelle.

"Ang alin?"

"A, ito kasing kaibigan ko matagal ka ng--"

"Matagal ng ano?" si Maribelle na tumingin pa sa katabi.

"E..." napakamot pa sa ulo ang binata.

"G-ganito kasi... A... Pa'no ba? Ahmm..."

Di malaman ni Joel kung paano sasabihin ang kanyang pakay.

"E..."

"Ano ba yan pare. Sabihin mo na!"

"E kasi... Kasi... A, puwede ba akong umakyat ng ligaw sa'yo?"

Gulat ang rumehistro sa mukha ng dalaga. Ilang sandali pa siyang natulala kaya naman kinabahan ang binata.

"Wag mo sanang isipin na presko ako.. Ang totoo, matagal na kitang gusto. Matagal na kitang gustong lapitan at makilala pero nadidiyahe ako sa di malamang dahilan..." nahihiyang pag-amin ni Joel.

Nakikinig naman si Maribelle pero buo na sa kanyang sarili ang desisyon niya. Gayunpaman, hinayaan niyang isiwalat ng kaharap ang nararamdaman.

"Kaya nang malaman ko na magpinsan kayo ni Rudnie agad ko siyang pinakiusapan na ipakilala tayo sa isa't isa. At nangyari na nga kanina. Ayun, kaya sumama ako rito ay para magsabi sa'yo. Sana pumayag ka..."

Napatingin ang dalaga sa kanyang pinsan. Tumango naman si Rudnie bilang pagsuporta at patotoo sa isiniwalat ng binatang kaibigan. Tiningnan din niya si Joel. Nginitian kaya naman kahit paano ay nakakita ng pag-asa ang binata.

"Sa totoo lang, nagulat talaga ako. Natutuwa rin at aamining nakaramdam ng matinding pagmamalaki sa aking nalaman." panimula niya.

"Bakit hindi? Kilala ka sa campus bilang hearthrob. Pero..."

Bumuntong-hininga muna si Maribelle bago nagpatuloy.

"Pero sana maunawaan mo na di ako puwedeng magpaligaw. May nobyo na kasi ako at mahal namin ang isa't isa... Pasensya na pero hanggang tinging pagkakaibigan lang kaya kong ibigay."

Kahit na binalaan na siya ni Rudnie, di pa rin niya inaasahan na may nobyo na ito. Kaya naman nakaramdam siya ng panlulumo.

"Joel, marami pang iba riyan. Sa taglay mong mga katangian, I'm sure maraming gusto na makuha ang pansin mo.. Pero di ako iyon."

Matagal na katahimikan ang namagitan. Pero mayamaya nagsalita rin si Joel.

"Ayos lang. Nasabi na rin naman kasi ni Rudnie kanina. Ako lang ang pasaway na sumige pa rin."

"Pare..."

"Sige, mauna na muna ako. Maribelle, thanks sa friendship na iniaalok mo."

Nakatayo na siya noon at naghahanda sa pag-alis kaya naman tumayo na rin ang magpinsan upang siya'y maihatid hanggang sa gate.

Sa may gate...

"Joel..." si Maribelle.

Nilingon naman ng binata ang dalaga.

"Sorry..."

Ngumiti ng tipid ang binata. Di naman kasi niya kayang ngumiti ng todo gayung umaantak ang kanyang puso sa kabiguan. Pero wala naman siyang magagawa kundi igalang ang pasya ni Maribelle. At iyon ay ang maging magkaibigan lamang sila.

"Wala kang dapat ihingi ng sorry. Basta, pag kinailangan mo ng makakausap, lagi akong narito..." sabi niya. "Sige, alis na ko.."

"Ingat pare." si Rudnie.

"Ingat." sabi ni Maribelle.

Tumango ang binata saka nagsimula nang maglakad pauwi.

Para pa nga siyang wala sa sarili. Lutang ang kanyang pakiramdam.

"Ganito pala ang pakiramdam ng masaktan..." sa isip niya.

"Sa dami ng pinaiyak ko at niloko, ito na siguro ang karma ko. Ang magmahal pero di naman mapapasaakin ang babaeng iibigin ko.."

"Haay Joel... For the record, nabasted ka, di ka pa man nakakagawa ng first base.."

"Friendship lang ang relationship na gusto niya. Makakaya mo ba yun?"

Nagtatalo ang kanyang isip. Di niya malaman ang susundin. Pero ang suma total nun, hanggang pangarap na lamang niya si Maribelle.

*****

Lumipas ang ilang buwan na patuloy pa ring minamahal ni Joel si Maribelle. Patuloy din naman siyang umaasa sa wala. Hanggang isang araw, kumatok sa pinto ng bahay niya ang isang Maribelle na umiiyak...

"Joel! Huhuhu!"

"O bakit? Ano ang nangyari?"

"Kainis! Matagal na pala akong niloloko ni Rico. Apat pala kami sa buhay niya at ako ang latest! Huhuhu!"

Nahabag naman ang binata sa babae. Inis naman ang kanyang nadama para kay Rico. Siya nga, matagal nang umaasam ng pagmamahal ni Maribelle. Samantalang ang lalaking yun, nasa kanya na nagagawa pang lokohin at saktan ang damdamin nito.

"Wag ka nang umiyak. Ang mga ganung klase ng lalaki, di dapat pag-aksayahan ng luha."

"Mahal ko kasi siya e.."

"Tama na 'yan. Wag mo na siyang pag-aksyahan ng panahon dahil marami pang nagmamahal sa'yo Maribelle..."

Napatingin ang dalaga sa kanya. Ang ginawa niya, pinunasan muna niya ang bakas ng luha sa pisngi nito sabay hawak sa kamay ng dalaga.

"Tara!"

"Teka, saan tayo pupunta?"

"Basta.."

Dinala niya sa Wildlife ang dalaga. Pinasyal niya upang makalimutan nito ang manlolokong nobyo. Ayaw niya kasing makita na malungkot ang dalaga kaya gagawin niya kahit na ano para lang mapasaya ito. At nagtagumpay naman siya! Di na kababakasan ng lungkot ang aura ni Maribelle. Ngumingiti na ito di gaya kaninang mabungaran niya sa kanyang bahay.

Ginabi na sila sa pamamasyal. Pagod man, di naman maikakailang pareho silang nag-enjoy. Inihatid ni Joel ang dalaga sa bahay ng pinsan nitong si Rudnie.

"Sige na, pasok ka na.." sabi niya.

"Pumasok ka na muna. Tiyak, andyan na si kuya.." alok ni Maribelle.

"Di na. Sige una na ko. Magpahinga ka na.."

"Okay. Salamat ha."

"Mahalaga ka sa akin Maribelle. Alam kong alam mo 'yan. Pero di ko naman ipipilit ang gusto ko. Sapat na sa akin na pinagtitiwalaan mo ako.. Sige."

Akmang tatalikod na si Joel nang magsalita ang dalaga.

"Jo, kung kaya mong maghintay baka dumating yung araw na... Alam mo na..."

Sandaling nangunot ang kanyang noo. Di kasi niya maintindihan ang sinabi ng kaharap.

"Sana ganun pa rin ang estado ko sa puso mo pag dumating ang araw na 'yon. Sige na, ingat sa pag-uwi."

Naisara na ni Maribelle ang gate pero nanatili lamang roon si Joel. Nakatulala at parang di makapaniwala sa narinig.

"Sana ganun pa rin ang estado ko sa puso mo pagdating ng araw..." mistulang casette tape na paulit-ulit niyang naririnig. Mayamaya pa'y unti-unti na ring napangiti ng malawak ang binata. Isa lang naman kasi ang ibig sabihin nun, binigyan na siya ng tsansa ni Maribelle. At ang pagkakataong yun ang di niya sasayangin!

"Yoohoo! Sa wakas! Nagbunga rin ang pangarap ko.."

Masaya nang naglakad pauwi si Joel. Dala niya ang napakalaking pag-asa na magiging sila rin ni Maribelle isa sa mga araw na darating.

*****

Niligawan nga ni Joel ang dalaga. Ipinakita at ipinaramdam niya ang pagmamahal at respeto na nararapat dito kaya naman di na rin nagdalawang-isip ang dalaga na sagutin ang panliligaw nito sa ikalimang buwan mula ng mag-umpisang manligaw. Tamang-tama naman at kaarawan din ni Joel kaya iyon ang naisip niyang iregalo bukod sa cookies na siya mismo ang nag-bake.

Tuwang-tuwa naman si Joel nang malamang payag na si Maribelle na maging mag-on sila. Ito na yata ang pinakamasayang araw at birthday n'ya. Sa tindi ng tuwa, nayakap at nahalikan niya sa pisngi ang dalaga. Gaya niya, masaya rin si Maribelle. Alam ng dalaga na di siya nagkamali ng desisyon. Magiging maligaya sila pareho at suportado naman ng barkada ni Joel lalo na ni Rudnie ang kanilang relasyon.

"Ayan, sinagot ka na ng pinsan ko. Ang pakiusap ko lang--"

"Alam ko na yan. Wala kang dapat ikatakot. Mahal na mahal ko si Maribelle kung hindi, sana matagal na ko naghanap ng ibang babae..."

"Ayos yan pare. Basta pag nagkakatampuhan kayo, andito lang ang barkada." si Rudnie.

"Salamat kuya."

"O siya, tuloy natin ang kasayahan. Double celebration dahil birthday ko at naging officially on na kami.." si Joel.

"Cheers!" si Maribelle.

"Cheers!" sagot ng lahat.

Nagkasayahan nga sila. Lagi namang nakaagapay ang dalaga sa nobyo. Nagpapaalala.

Lahat ng iyon ay naaappreciate ng binata. At talaga namang ikinagagalak ng kanyang puso. Hanggang sa matapos ang kasayahan, hanggang sa isa-isang nagsiuwian ang kanyang mga kaibigan, naroon pa rin ang sigla niya. Parang walang kapaguran. Hyper na kung hyper, malamang nasobrahan sa energy. Syempre si Maribelle ang source ng kasiglahan niya!

"A, yun pala ang lovestory n'yo ni mama, 'pa." si Emma.

"Oo. Ako ang unang nagmahal sa aming dalawa. Naging matiyaga ako kaya heto, kami rin sa huli..." sagot ni Joel sa kanilang bunso.

"Mabait at tapat kasi ang papa n'yo mga anak. Sa pitong taon naming magkasintahan, ni minsan di ako sinaktan niyan. Oo, nagkakaroon din kami ng tampuhan pero siya ang gumagawa ng paraan palagi."

"Ang suwerte n'yo mama. Sana ako rin ganyan.." si Emma.

"Oo naman anak. Basta, pakiramdaman mo ang sigaw ng puso mo... Wag kang matatakot na magmahal. Kung masaktan ka sa una, di ibig sabihin na malas ka. Laging may nakalaan para sa atin. Minsan, nasa tabi lamang natin at di namamalayan...."

"E paano n'yo nalaman na kayo na talaga ang para sa isa't isa?"

"Walang eksaktong paliwanag para dyan anak. Ang masasabi ko lang, puso ang gagabay sa'yo ng dapat gawin. Magdasal ka rin para mas malaman at makasiguro ka sa iyong sarili." sagot ni Joel.

"Tama ang papa n'yo. Ako, pinakiramdaman ko talaga ang.... Ang a-aking---"

Di na naituloy ni Maribelle ang kanyang sasabihin. Nakaramdam kasi siya ng matinding pananakit ng ulo at pagkahilo. Labis rin siyang nanghihina.

"Hon, okay ka lang? Emma, kumuha ka ng tubig na inumin.."

Tumalima naman ang anak na inutusan. Si Joel kasama na ang iba pang anak at mga asawa nito ay nag-aalalang dinaluhan si Maribelle.

"Ma, ano ang nararamdaman mo? Gusto mo, tawag tayo ng ambulansya?"

"Kuya Jairus, tumawag ka na.."

"Ito na, dumadial si Enric." si Cristall na ang tinutukoy ay ang asawa.

"W-wag na. O-okay lang ako. Napagod lang siguro kaya ako nahilo..." si Maribelle.

"Hindi. Kailangan mo magpasuri sa doktor, ilang araw ka nang ganyan na biglang nahihilo at nanghihina e." si Joel. "Emma!"

"Ito na po ang tubig.." si Emma na hangos ang paglalakad.

Agad iniabot sa ama ang baso ng tubig. Ipinainom naman iyon sa asawa. Pagkatapos, binalingan ang asawa ng kanyang anak na si Cristall.

"Ano, nakatawag ka na ba ng ambulansya Enric?"

"Yes 'pa. Papunta na raw.."

"J-Joel, pahinga lang ang katapat nito... Wag kang mag-alala..."

"Maribelle di mo naman kasi maiaalis sa akin na mag-alala sa'yo."

"Tama si papa, 'ma. Kaya dapat nating makausap ang doktor." si Jairus.

Ilang sandali lang sila naghintay sa ambulansya. Nang dumating, binalingan ni Joel ang kanyang asawa.

"Kaya mo bang tumayo at maglakad?"

"Pa, alalayan mo na lang baka nahihilo pa rin si mama." si Emma.

"Tama si Emma, papa." sagot ni Jairus.

"O sige." si Noel. "Dahan-dahan lang ha..."

Nakaalalay nga si Joel sa asawa. Ewan niya pero alam niyang may dinaramdam ang kanyang asawa. Nitong nakaraan kasi parang may napapansin siya na di naman niya matukoy talaga kung ano. 

Pagkasakay ng buong mag-anak, wala silang inaksayang sandali. Agad silang nagtungo sa pinakamalapit na ospital. Pagsapit naman sa ospital, si Emma at Cristall ang nagtungo sa may information area upang ipa-admit ang kanilang ina. Sandali lang naman ang naging proseso. Kinuhanan ng timbang at blood pressure si Maribelle. Tinanong kung kailan huling nagpa-checkup. Mayamaya pa, nalaman na nila kung kaninong doktor sila naka-assign.

"Maghihintay lang tayo sandali. May numero hong ibinigay yung nurse sa akin kanina.." si Cristall.

"Ayos lang yan anak. Manood muna tayo habang naghihintay. Ayun o, may tv sa banda roon."

"Sige ho. Pero dun na tayo pumuwesto sa tapat ng kwarto ni Dr. Benitez." si Cristall ulit.

Tumango naman si Joel pagkuwa'y muling inalalayan ang asawa. Kasunod nilang mag-asawa ang mga anak at ang asa-asawa ng mga ito.

Pangatlong pinto sa dulo ang silid ni Dr. Benitez kaya kitang-kita nila ang nasa tv.

"O, upo muna tayo. Number 7 pa lang pala, ano ba ang number natin?" si Jairus.

"Number 10 pa tayo." si Emma.

"Okay lang. Medyo malapit tayo." si Jairus.

Tumahimik na sila pagkatapos nun. Nanood na lamang habang naghihintay.

Ilang minuto rin ang lumipas. Natapos ang number 8 at 9. Ngayon nga'y sila na ang kasalukuyang kausap ng doktor.

"Ilang araw n'yo na ho ba nararamdaman ang pagkahilo?"

"E, mag-isang buwan na po ata dok." si Maribelle.

"Pag nahihilo po kayo, ano yung mga intervals bago kayo mahilo ulit?"

"Five to ten minutes dok."

"Bukod sa pagkahilo, ano pa ang nararamdaman o napapansin mo sa iyong sarili?"

"Ahmm... Medyo di na po ako ganado sa pagkain. Minsan, nakakakita rin po ako ng pasa sa aking katawan partikular sa likod at pigi."

Nagulat naman si Joel pagkat wala naman siyang napapansing pasa sa katawan ng asawa. Pero aminado siya na madalas walang ganang kumain ang kanyang misis.

"Hmmm.. Nahihilo, walang gana sa pagkain at nagkakapasa..."

"Bakit dok, may sakit po ba ang mama namin? Ano po ang initial findings n'yo?" si Jairus.

"Maysakit ang mama n'yo. Actually base pa lamang sa mga sintomas na kanyang sinabi, may hinala na ako ukol sa sakit niya...."

"Di po ba overfatigue lang ang asawa ko dok?" si Joel.

"I guess it's not Mr. Maningaz. Kailangang dumaan sa series ng mga tests ang asawa mo so I will suggest na ikuha n'yo siya ng kuwarto ngayon dito sa ospital."

"Kailan po sisimulan ang tests?" si Cristall.

"As soon as possible kung maaari."

Tiningnan ng doktor ang kanyang relong pambisig.

"Mukhang maaga pa naman. Puwede siguro nating simulan right after n'yo makakuha ng kuwarto para sa kanya."

"Pa, ako na lang ang mag-asikaso. Hintayin n'yo na lang ho ako rito." si Emma.

"Sige."

Lumabas na nga si Emma at nagtungo sa pinanggalingan kanina. Kumuha siya ng private room para sa kanyang ina. Matapos fill-up-an ang form, ibinigay iyon sa nurse na naroon. Nang makuha ang number, bumalik siya sa kuwarto.

"Pa, ayos na ho. Room 306 tayo. Dok, okay na ho." si Emma.

"Okay. Lalabas lang ako sandali para makipag-usap sa mga medic ng ospital. For now, hintayin n'yo ako at ikondisyon na lamang ang pasyente." wika ng doktor.

Tumango naman ang mag-anak. Lumabas nga ang doktor para ipagbigay-alam sa mga medic na may pasyente na mag-undego ng tests. Pagkatapos, bumalik na ulit ng kuwarto ang doktor para sabihan ang buong mag-anak ni Joel.

"Nakausap ko na ang mga medic. Halina kayo nang masimulan na natin..." si Dr. Benitez.

Sabay na silang nagtungo ng examination room. Para mas mapadali ang pagpunta roon, ikinuha na ni Joel ng wheelchair ang asawa. Siya na ang nagtulak habang nasa likuran niya ang mga anak at asawa ng mga ito. Nakasunod lamang sila kay Dr. Benitez.

*****

Dumaan nga sa series of tests si Maribelle. May test pa na kinunan siya ng dugo para masuri kaya lalo siyang nakaramdam ng panghihina. Gayunpaman, di naman niya ipinapahalata sa kanyang pamilya ang tunay niyang nararamdaman. Ilang oras din sila roon sa may examination room. Pagkatapos sumailalim ni Maribelle sa mga tests, kinausap ng doktor si Joel.

"Ihatid n'yo muna sa kuwarto ang asawa mo. Kailangan n'ya ng pahinga..."

"Dok, anong oras po malalaman ang resulta ng mga tests?"

"Mostly, inaabot ng 3-4 hours bago iyon malaman. Pero kung minsan nag-iextend pa dahil sinisiguro naming accurate lahat ng observations bago namin ilabas ang findings."

"Dok, bakit ganyan kayo magsalita? Is there any problem regarding to my wife's condition?"

"Gaya nga ng sabi ko may hinala na ako. Pero mas maigi kung hintayin na lamang natin ang resulta. If you'll excuse me, ipapatawag na lang kita mamaya pag nasa akin na ang resulta..."

Iniwan na siya ng doktor. Binalikan naman niya ang kanyang pamilya upang yayain na sa kinuhang kuwarto kanina ni Emma.

"Ano ang sabi ng doktor 'pa?" si Enric, asawa ng kanyang anak na si Cristall.

"Mamaya pa raw malalaman ang resulta e."

"Pero okay naman ang mama di ba? Napagod lang kaya nakaramdam ng pagkahilo?" sabi ni Emma.

"Sana nga anak. Dahil di mawala ang kaba rito sa dibdib ko e.."

"Honey, kung anuman ang kalalabasan, may dahilan ang Diyos..." si Maribelle.

"Tama si mama, 'pa. Pero mas maigi kung nasobrahan lang sa pagtatrabaho ang dahilan."

Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi ni Cristall. Pinagpahinga naman ni Joel ang asawa. Sinabihang matulog muna. Sumunod naman ang babae at ipinikit muna ang mga mata.

"Pa, bibili lang muna kami ng mga gamit diyan sa mall." si Enric.

"Sama kami kuya.." wika ni Emma sa bayaw.

"Walang kasama si papa't mama. Dito na lang kayo ni Jairus." si Cristall.

"Pumayag ka na anak. Okay lang kami rito. Kayang-kaya kong bantayan ang inyong mama. Sige na."

"Ang bait talaga ni papa. Di bale, uuwian namin kayo ng pasalubong ni mama." si Jairus.

"Babalik kami agad papa.." si Emma.

"Alis na ho kami 'pa!" ang mag-asawang Cristall at Enric iyon.

"Ingat kayo."

Pagkaalis naman ng mga anak, binalingan ni Joel ang natutulog na asawa. Marahang hinaplos ang buhok na nagsisimula nang mamuti dulot ng katandaan.

"Napakaganda mo pa rin Maribelle. Araw-araw, parang di pa rin ako makapaniwala na tayo rin pala ang magkakatuluyan. Dati kasi ako lang naman ang nagmamahal e..."

"Nung sinagot mo ako, ako na yata ang pinakasuwerteng lalaki sa mundo. Nung pumayag kang magpakasal tayo, pinaligaya mo ako pero higit ang naging kasiyahan dito sa puso ko ng bigyan mo ako ng tatlong anak. Napakaperfect wife mo sa akin kaya naman talagang di ko pinagsisisihang ikaw ang minahal ko."

"Kung ang iba ay di makuntento sa kanilang asawa at nagagawa pang manloko, never kong gagawin iyon sa'yo. Ganun kita kamahal e. Kaya sana lang walang masamang ibig sabihin ang doktor kanina. Para kasing binibigyan na niya ako ng hint na malala nga ang sakit mo.."

"Pero wag kang mag-alala, tutupdin ko pa rin ang sinumpaan ko nung ikasal tayo. Di kita iiwan at narito lang ako palagi..."

Kinakausap niya ang asawa kahit na alam niyang tulog na ito. Wala lang, gusto lang niyang maiparating na walang pagbabago sa nararamdaman niya para dito.

Buong pagmamahal niyang pinagmasdan ang maamong mukha ng asawa. Mayamaya, kinuha niya ang magazine na naroon at nagbasa. Matagal pa kasi ang ipaghihintay nila bago ilabas ang resulta.

Halos patapos na siya sa pagbabasa ng dumating ang kanyang mga anak. May dala ang mga itong miryenda na mula sa isang kilalang fastfood restaurant.

"Ano ho, nagpunta na ba si Dr. Benitez? Nakausap n'yo na ba?"

"Hindi pa Cristall. Inulit raw ulit ang pagsusuri e."

"O 'pa, kain muna tayo. Tulog pa rin si mama kaya tayo na lang muna. Itatabi ko na lang ang para sa kanya." si Jairus.

Si Emma naman ang nag-abot ng hamburger at softdrinks sa ama. Pagkatapos, kumuha rin siya ng para sa sarili. Sinimulan nilang kainin ang miryenda kaya binalot ng katahimikan ang buong kuwarto.

Lumipas ang dalawang oras, tatlo, apat hanggang anim na oras. Nagising si Maribelle kaya dinulutan na ni Emma ng miryenda. Noon naman nila narinig ang announcement mula sa paging system ng ospital.

"Paging Mr. Joel Maningaz, please proceed to Dr. Benitez' office. Mr. Maningaz to Dr. Benitez' office. Thank you."

"Mukhang lumabas na ang resulta. Dito muna kayo't bantayan ang inyong mama." si Joel sa mga anak.

"Yes 'pa." sagot ng tatlo.

"Hon, kausapin ko lang ang doktor. Balik ako agad pagkatapos..."

Tumango naman ang ginang. Bago lumabas, hinalikan niya ang noo ng asawa.

Pagkalabas, pumunta siya ng information area para ipagtanong ang opisina ng doktor. Sinamahan naman siya ng isang nurse at iniwan siya matapos niyang makapagpasalamat.

TOK! TOK! TOK!

"Come in."

Narinig iyon ni Joel. Bumuntong-hininga muna siya bago binuksan ang pinto. Nakita niya ang doktor at sinabihan siyang pumasok. Sinunod niya iyon. Inalok siyang maupo kaya naman umupo siya sa harap ng mesa nito.

"Ano ho ang lagay ng asawa ko?"

"Di na ako magpapaligoy-ligoy pa Mr. Maningaz. Kailangang sumailalim ng asawa n'yo sa chemotheraphy."

"C... C-chemo.. C-chemotheraphy?"

Tumango ang doktor.

"Bakit ho? Ano bang sakit ng asawa ko dok?"

Nagsimula nang kabahan si Joel para kay Maribelle.

*****

"Leukemia. Stage three na ang asawa mo. Ang totoo, tama ang hinala ko dahil nasa kanya ang mga sintomas. Mas sinuportahan pa ng mga tests na iyon ang sakit niya..."

"L... L-leukemia? Hindi. Baka nagkakamali kayo dok.."

Di malaman ni Joel ang gagawin. Ang asawa niya, may leukemia? At nasa last stage na?

"Hindi. Di totoo 'yan dok."

"Kailangan mo nang ipa-book para sa chemo session ang asawa mo. Kumakalat na ang cancer sa katawan niya. At iyon ang dapat nating maagapan."

"Hindi..."

"Listen Mr. Maningaz. As of this moment, 70-30 ang chances na gumaling ang asawa mo. At mas lamang na nasa 30% lang siya kaya dapat makapagdesisyon ka na."

Lalong natulig si Joel sa narinig. Thirty percent? Ibig sabihin talagang mangangapa sila sa kalagayan ng asawa n'ya.

"Paano ko ipapaalam ito kay Maribelle. Ayoko siyang matakot at masaktan. Ayokong--" napahagulgol na ang lalaki sa harap ng doktor.

"Paano ko sasabihing may leukemia siya? Ang mga anak namin? Tiyak masasaktan! At ako? Nangako akong aalagaan siya pero bakit ganun? Nagkaroon lamang siya ng sakit! Di ko man lang napagtuunan ng pansin na may pagbabago. Winalang-bahala ko yung mga nakita ko.. Kasalanan ko ito! Huhuhu!"

"Mr. Maningaz, wag mong sisihin ang sarili mo. Ang maipapayo ko, tatagan n'yo ang loob n'yo. Wag kayong magpapakita ng kahinaan sa asawa mo dahil sa inyo siya huhugot ng lakas. Now, kailangan mong kausapin ang pamilya n'yo para mapaghandaan ang gastos--"

"Di mahalaga ang gastos dok. Nakahanda akong punan iyon. Mahalaga sa akin ang kaligtasan ng asawa ko..."

"May ihinanda na akong schedule rito just in case. Sabihan mo ako kaagad pag okay na."

Tumango ang lalaki. Nagpaalam na sa doktor at lumabas na bagsak ang dalawang balikat. Nakaramdam naman ng awa si Dr. Benitez para sa lalaki. Kita niyang mahal na mahal nito ang asawa. Pero kung bakit ito pa ang nabigyan ng ganung pagsubok, tanging Diyos lang ang nakakaalam ng tunay na dahilan.

Pagsapit sa tapat ng kuwarto ng asawa, muling pumatak ang luha sa mga mata ni Joel. Umaantak ang kanyang puso!

Parang di kasi niya matanggap ang sinapit ni Maribelle. Saan ba siya nagkulang? Saan siya nagkamali? Di ba niya nagampanan ang pagiging mabuting asawa kaya ito nagkaganun?"

Halos pinagtitinginan na siya ng mga napapadaang mga nurse at bisita ng mga pasyente roon pero wala siyang pakialam!

Eh, ano? Wala ba siyang karapatang umiyak? Tao pa rin naman siya, nasasaktan! Nasasaktan pagkat alam niyang umaasa lamang sila sa milagro! Traydor ang leukemia! Kahit yung mga survivor, di pa rin nakakasiguro pagkat maaaring bumalik ang sakit!

"Ang maipapayo ko, tatagan mo ang loob mo. Alam kong mahirap at masakit pero dapat mong kayanin. Sa'yo lang kukuha ng lakas ang asawa mo..."

Sa kabila ng pag-iyak, biglang pumasok sa isip niya ang sinabi ni Dr. Benitez.

"Tama siya. Kailangan kong magpakatatag para kay Maribelle at para sa aming pamilya. Di niya dapat ako makitang ganito... Dapat di niya mahalatang pinanghihinaan rin ako ng loob. Ngayon niya ako higit na kailangan!"

Dahil sa mga isiping 'yon, mabilis niyang inayos ang sarili. Pinahid ang mga luhang namalisbis sa kanyang pisngi at mata. At nang masigurong wala ng bakas, unti-unti niyang pinihit pabukas ang pinto.

"Heto na pala ang papa n'yo e." masayang wika ni Maribelle.

Agad namang nilapitan ni Joel ang asawa. Kinintalan ng halik sa noo.

"Mukhang pinag-uusapan n'yo ako nung wala ako a.."

"Ito kasing si Enric, niloloko ako baka raw pinikot mo lang o di kaya'y ginayuma ako.."

"Aha! At ganun pala ha..." biro ni Joel.

"Kunwari lang po." si Enric.

"Nga pala hon, ano ang sabi ng doktor?" tanong ni Maribelle sa asawa.

"This is it! Kailangan mo nang ipaalam sa kanila... Kaya mo 'yan!" hiyaw ng isip niya.

"Makinig kayo may sakit nga ang mama n'yo at di lamang basta karaniwang sakit. May leukemia siya." mahinahon ang pagkakasabi ni Joel pero ang totoo, nais niyang magwala ng mga oras na iyon.

"What? Leukemia?!" si Jairus.

"May cancer ka 'ma?"

si Cristall.

Tahimik lamang ang ginang kaya nagulat sila sa naging aktuwasyon ng kanilang bunsong si Emma.

"Ma! Huhuhu!"

Sinugod ng yakap ni Emma ang kanyang ina. Siya ang pinakamalapit kay Maribelle. Palibhasa bunso, lagi siyang nakadepende rito. Kaya naman ngayong may malalang sakit ang ina, di niya maiwasang makaramdam ng takot.

"Emma, anak..." si Maribelle na hinaplos ang buhok ng anak.

Natahimik naman sina Enric, Cristall, Jairus at si Angela. Samantalang iniiwas naman ni Joel ang paningin sa kanyang mag-ina. Malapit na kasing humulagpos ang totoong nararamdaman niya! At di iyon maaaring makita ng kanyang pamilya!

"Emma, wag ka munang umiyak. Heto, kumuha ako ng schedule para sa session ng chemotherapy ng mama n'yo. Kailangan nating magkaisa at magpakatatag para sa mama n'yo." si Joel.

"Pa..."

"Joel..."

"Hon, everything will be alright. I assure you that. Nandito lang ako, kami ng mga anak mo kaya wag kang susuko ha? Malalagpasan natin ito.."

This time, nakita ni Joel na nagsisimulang pangiliran ng luha ang kanyang asawa. At yun ang inagapan niya. Kinabig niya ito palapit at niyakap.

"Ssh.. Alam mo namang ayokong makitang umiiyak ka diba?"

"Natatakot ako Joel. Pa'no kung walang magawa ang chemotherapy para malabanan ang sakit ko? Ayokong mamatay.. Huhuhu!"

"Ssh... Di ka mamamatay, okay? Magdadasal tayo sa Diyos."

"Tama si papa. Nandito lang kami mama. Sabay nating lalabanan ang sakit mo." si Jairus.

"Tama si Jairus 'ma, dito lang kami.." si Cristall.

"Siyanga naman 'ma. Pagsubok lang ito at di tayo pababayaan ng Panginoon diba Emma?" si Enric.

"Kuya..."

"Lakasan mo ang loob mo Emma, remember this time si mama naman ang nangangailangan kaya dapat maging matatag ka." si Angela, asawa ng kanyang kuya Jairus.

Sa huli, nalinawan si Emma kaya nilapitan ang ina at sinabi...

"Tama sila. Magpapakatatag ako para paghugutan mo ng lakas mama. Pangako yan."

"Salamat sa inyo. Mas lalo akong nagkaroon ng dahilan na lumaban. Di ako mapapasuko ng sakit ko alang-alang sa inyo." si Maribelle na di katulad kanina na natatakot, ngayo'y tapang na ang maaaninag sa boses.

Nagyakap naman ang buong mag-anak. Umaasang may milagro.

*****

Nagsimula ang chemo session ni Maribelle. Positibo talaga siyang gagaling. Lumalaban para sa mga umaasa sa kanya. Para kay Joel at sa kanilang mga anak. Pero lingid sa kaalaman ni Maribelle ang lihim na pagdurusa ng kalooban ng kanyang asawa. Sa tuwing pagkatapos ng chemo, ang lahat ng epekto niyon sa katawan niya, lahat ay iniinda ng lihim ni Joel. Pang-anim na chemo niya kanina at ngayon, nagsusuka na naman siya. Akala nila di iyon kita ni Joel dahil ang pagkakaalam nila ay nasa trabaho pa ito. Si Emma ang umaasikaso noon sa ina. Kita niyang tinupad ng bunsong anak ang pangakong magpapakatatag. Alerto at listo ito sa pag-aasikaso sa ina. Nakatungo ang bunso at hinahagod ang likod ng kanyang asawa.

Ilang buwan na ang lumipas. Malaki na rin ang inihulog ng katawan ni Maribelle. Nalagas na rin ang buhok nito dahil ayon kay Dr. Benitez' parte iyon ng mga pagbabagong mangyayari. Matapang kasi ang gamot na inilalagay sa katawan ng kanyang asawa upang mapuksa ang mga cancer cells.

"Sige 'ma. Kaya mo yan.." si Emma na hinahagod ang likod ng ina.

Parang ayaw pang pumasok ni Joel sa loob. Ang tagal niyang nakamasid sa kanyang mag-ina. Ang hirap at ang bigat pala sa pakiramdam na makitang naghihirap ang mahal mo. Iyong pinag-alayan mo ng kung anong meron ka. Iyong halos sambahin at ingatan mo. Aaa... Ang sakit! Kung puwede lang na siya na lang ang nagkasakit! Kung puwede lang na siya na lang ang sumailalim sa pahirap na chemotherapy! Kung maaari lang hilingin sa Diyos na siya na lang ang pahirapan, wag na ang asawa niya! Napakabait ni Maribelle para dumanas ng hirap. Samantalang siya, una pa lang ay maloko na sa babae. Pinagbago lamang ng pag-ibig na naramdaman niya para sa asawa! Sa wakas, nakita niyang huminto na rin sa pagsusuka si Maribelle. Inalalayan ito ni Emma sa paghiga. Ingat na ingat ang dalaga pagkat konting sagi lamang ay iniinda na ng ina. Ganun katindi ang sakit nito!

"Anak, hirap na hirap na ako..." wika ni Emma na dinig naman ni Joel sa labas.

"Ma, may apat pang session. Pagkatapos, okay na."

"Anak, gusto ko nang umuwi sa bahay."

"Pero--"

"Gusto kong magampanan ang tungkulin ko sa inyo. Sa papa mo. Alam ko, hirap na siya sa pag-aasikaso sa akin. Pagod siya sa trabaho pero di makapagpahinga ng maayos dahil sa akin."

"Ma..."

"Minsan naisip ko parang gusto ko ng sumuko. Naaawa na ako sa inyo. Ako ang maysakit pero mas hirap kayo..."

"Di kami nahihirapan 'ma. Buo sa loob namin na alagaan ka. Kulang pa ito kung tutuusin sa lahat ng sakripisyo n'yo para sa amin." sumigok si Emma pero nagpatuloy pa rin. "Kaya wag kayong mag-isip na pabigat ka sa amin dahil di iyon totoo."

"Di naman sa ganun. Pero pakiramdam ko kasi mas lalong mapapadali ang buhay ko rito sa ospital. Namimiss ko nang mamasyal sa tabing-dagat."

"Pagkatapos na lamang ng therapy n'yo. Pangako, mamamasyal tayo after. Sige na ho, matulog na kayo para makabawi ng lakas."

"Anak, tandaan mo mahal na mahal kayo ng mama. Salamat sa pag-aalaga.."

"Karangalan sa aming maging anak n'yo mama. Sige na ho. Good night."

Hinalikan ni Emma ang noo ng ginang. Nakangiti naman itong pumikit. Ilang sandali pa, nahimbing na rin si Maribelle. Noon naman nagpasyang lumabas ng dalaga para kumain.

Pagsapit sa pinto, nagulat pa ang dalaga ng makita ang ama na nakaupo sa may gilid. Nakatungo, kuyom ang mga kamao at umaalog ng bahagya ang mga balikat. Umiiyak ito!

"Pa?"

"Pasensya na anak pero di ko na kayang makitang ganyan ang mama n'yo. Nasasaktan ako!"

Tinabihan ni Emma si Joel.

"Mahal na mahal ko ang mama n'yo at alam ng Diyos yan. Kahit na gusto ko siyang lumaban pa, pag nakikita ko ang mga paghihirap niya, parang akong sinasaksak ng paulit-ulit!"

"Pa..."

"Ni hindi ko na nga matandaan yung itsura niya nung wala pa siyang sakit. Ni hindi ko na makita yung sigla niya.. Hirap na hirap na ang mama n'yo pero wala man lang akong magawa!"

"Hindi totoo yan 'pa. Ikaw ang inspirasyon ni mama. Ikaw ang pangunahing rason kung b-bakit pinipilit niyang lumaban. You made her life complete and she's very proud to have you as her husband..." sabi ni Emma sa ama.

"Nga pala 'pa, sinabi ni mama na gusto niyang umuwi at sa bahay na lang magpagaling. Sabi ko nga di puwede pero nakiusap siya..."

"Kakausapin ko si Dr. Benitez ukol diyan. Teka, kumain ka na ba? Ang ate Cristall at kuya Jairus mo?"

"Umuwi muna sila sandali. Ang totoo, papunta na sana akong nurse's station para pakiusapan ang isa sa mga nurse na bantayan si mama habang kumakain ako."

"O sige. Sabay na tayong kumain, di pa rin ako nakakapaghapunan."

Sabay nga ang mag-amang tumungo ng canteen pagkatapos makiusap sa isang nurse na nakaduty na bantayan si Maribelle. Umorder si Joel ng pagkain at si Emma naman ang naghanap ng kanilang puwesto. Mayamaya, dala na ni Joel ang kanilang pagkain. Isa-isang inilapag pagkatapos, sinimulan na nila ang paghahapunan.

Nasa kilos ng mag-ama ang bahagyang pagmamadaling ubusin ang pagkain. Ayaw kasi nilang maalimpungatan si Maribelle na walang sinuman sa kanila ang naroon.

Ilang minuto lang ang inilagi nila sa canteen. Pagkatapos, bumalik na sila sa kuwarto ni Maribelle. Tamang-tama namang nakita nilang nagsisisuguran ang mga nurse pati na si Dr. Benitez sa kuwarto ni Maribelle. Kinakabahang nagtinginan ang mag-ama. Iisa ang nasa isip na baka may masamang nangyari kaya mas binilisan pa ang paglalakad.

Pagpasok sa kuwarto, kita nila ang halos pagwawala ni Maribelle. Umaatake na naman ang matinding pananakit ng buto nito.

"Aaaaaaaaa!! Ang sakiiiiitttttt!! Ayoko naaaaaaaa!!" sigaw ni Maribelle.

"Maribelle, kumalma ka muna. Tuturukan kita ng pain reliever.." si Dr. Benitez.

"Aaaaaaaaaaaa!!"

Agad na nilapitan ni Emma ang kanyang ina. Samantalang di maiwasan ni Joel na maikuyom ang kamay. Kasi kung bangungot lang ang lahat, baka sakaling magising siya. Pero hindi! Iyon pa rin ang eksena! Naririnig pa rin niya ang nakalulunos na sigaw ng asawa. Si Emma, bagaman nakahawak sa kamay ng ina ay di napigilan ang pagbalong ng mga luha!

Sa wakas nagawa ring maiturok ni Dr. Benitez ang pain reliever at pampakalma sa pasyente. Inabot rin ng 20 minutos bago kumalma si Maribelle.

Unti-unting naging payapa ang paghinga ng pasyente hanggang sa muli itong makatulog. Noon lamang nagpasyang iwan ng doktor ang pasyente.

"Anak, dito ka muna sandali. Kakausapin ko lang si Dr. Benitez.."

"Sige 'pa."

Sinundan naman niya ang doktor. Para makuha ang atensyon, tinawag na rin niya ito.

"Dr. Benitez!"

Lumingon naman ang doktor.

"Mr. Maningaz..."

"Okay lang po ba kung kakausapin ko kayo regarding sa kalagayan ng asawa ko? May ipapakiusap na rin ho kung maaari..."

Nag-isip ang doktor pagkuwa'y muling nagsalita.

"Sige. Dun tayo sa office ko."

Nagpauna na ang doktor. Nakasunod lamang siya rito. Pagsapit sa opisina nito, sabay na silang naupo. Nagsalita naman ang doktor.

"Ano ang itatanong mo?"

"Nakaanim na po kasing chemo session ang asawa ko. Napapansin ko lang ho na---"

"Tatapatin na kita. Kumalat na ang cancer sa katawan niya. Ayon sa datos na hawak ko, paakyat na sa utak niya ang cancer at alam mo na siguro ang kasunod niyon."

"Dok?"

"Kinausap ko na ang mga medic kanina. Huling chemotherapy na ng misis mo pagkat kahit sumailalim siya, di na rin tatalab ang gamot kahit dagdagan pa ng dosage. Gaya nga ng sabi ko, kalat na ang cancer niya."

"Di totoo yan. Dok, sabihin mong gagaling pa siya! Sabihin mo! Di pa mamamatay ang asawa ko, di ka Diyos!"

"I'm sorry Mr. Maningaz pero mas makabubuti kung iuuwi mo na siya. Ibigay n'yo na lahat ng kanyang hiling dahil baka di na siya umabot ng apat na buwan."

"Hindi!" umiiling niyang sabi. "Di totoo ito. Ang asawa ko, mabubuhay pa siya. Malapit na ang 25th anniversary namin, aabot pa kami ng golden anniversary! Hindi, nagsisinungaling ka lang dok!" galit siyang tumayo.

"I'm sorry."

"You should be! Di ka naman Diyos para sabihing di na magtatagal ang asawa ko!"

Galit siyang lumabas ng opisina. Bumalik siya sa kuwarto at sinabihan ang bunsong anak.

"Asikasuhin mo ang discharge papers ng mama mo. Uuwi na tayo."

Napatingin ang dalaga sa ama. Napansin niya ang pagngangalit ng bagang nito kaya nagtanong siya rito.

"May nangyari ho ba 'pa?"

"Huling chemotherapy na ng mama mo kanina."

"Ha? Pang-anim pa lang ho, a. May apat pa diba?"

"Di na raw tatalab sa kanya kahit dagdagan pa ang dosage. Kalat na ang cancer niya at paakyat na sa kanyang utak.."

"No!" agad pumatak ang luha ni Emma.

"Sabi ng doktor, ibigay na ang lahat ng hilingin ni Maribelle."

"Oh my God!"

"Di ko alam kung paano ko tatanggapin anak.." si Joel na gumaralgal na rin ang boses. "Pero ito na, narito na. Ang masakit lang, bakit siya pa."

"Pa..."

Lihim na nagkaiyakan ang mag-ama. Ngayon pa lamang, pinagluluksaan na nila ang katotohanang di na magtatagal ang buhay ni Maribelle. Ngayon pa lang, di na nila alam ang magiging buhay nila pag wala na ito at di na nila kasama!

*****

Kinabukasan, naipaalam na ni Joel sa buong mag-anak na uuwi na sila. Nang nasa bahay na, sinabi na rin niyang wala ng lunas para sa asawa. At gaya nga ng inaasahan, nagkaiyakan na naman ang lahat. Siya man ay ganun din! Di naman kasi maiwasan pagkat masakit sa kanya na mawawala ang kanyang asawa. Na walang kasiguruhan kung kailan ito mawawala!

"Joel, mga anak wag na kayong umiyak. Ito na ang nakatakda. Anumang mangyari, kalooban ng Diyos ang masusunod." si Maribelle.

"Pero 'ma, masyado pang maaga. Di pa kayo dapat mamatay. Marami pa tayong gagawin! Magba-bonding pa tayo. Malapit na ang anniversary n'yo ni papa. Dalawang buwan na, magpaparty pa tayo.."

"Cristall..." si Maribelle. "Enric..."

"Bakit 'ma?"

"Alagaan mo ang anak at mga apo ko ha? Wag na wag mo silang pababayaan."

"Opo."

"Angela, Jairus..."

"Ma..." sabay na wika ng mag-asawa.

"Alagaan n'yo ang isa't isa. Magmahalan kayo. Kung may tampuhan man, ayusin agad.."

"O-opo."

"Emma..."

"M-mama..." niyakap nito ang ina.

"Gusto kong hilingin na wag ka nang maging iyakin. Ikaw na ang aasahan kong mag-alaga sa tatay at mga pamangkin mo. Anak, di ko maipapangako na aabot pa ako sa birthday mo pero nais kong iparating na ipinagmamalaki ko kayo bilang mga anak ko. Nagpapasalamat ako na kayo ang mga anak na ipinagkaloob sa akin---"

Nagtungo si Joel sa may kusina. Di na niya makayang pigilin ang sarili. Pagsapit niya ng kusina, doon siya impit na umiyak. Para siyang bata na inagawan ng pinakapaboritong laruan. Talagang bumigay na siya! Pero hanggang sa huling sandali, ayaw niyang ipakita sa asawa kung gaano siya kaduwag pagdating rito!

"Joel..."

"Ah, kukuha lang ako ng tubig."

Mabilis niyang pinahid ang mga luha. Tatayo na sana siya ng pigilan ni Maribelle. Niyakap siya ng asawa. Lalo nang napaiyak si Joel.

"Dati, alam ko na nagtatampo ka kapag humihiling ka na yakapin kita sa harap ng marami..." bulong nito.

"Pasensya na kung ngayon ko lang nagawa ito ng may kusa. Mahal kita Joel... Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin."

"Maribelle..."

"Hindi na ako natatakot mamatay dahil alam kong di n'yo pababayaan ang isa't isa. Joel, pag nawala ako sana di ka magbago. Pakamahalin mong lalo ang ating mga anak..."

"Maribelle ayoko pa. Wag ka na munang magpaalam. Di ko kaya! Huhuhuhu!"

"Ssh.. Gusto ko kayong ihanda. Alam ko na di rin magtatagal, lilisanin ko na ang mundong ibabaw. At ang gusto ko, mabilis n'yong matanggap ang pagkawala ko."

"Hindi magiging madali. Mahal ka namin.."

"Alam ko. At mahal ko rin kayo.. Masaya nga ako na kayo ang pamilya ko..."

"Mas pinasaya mo ako nung mahalin mo ako."

Napangiti si Maribelle. Niyakap naman siya ni Joel at kinintalan ng halik sa tungki ng kanyang ilong.

"Joel...."

"Hmm..."

"Kung aabot pa ako sa ating anniversary, gusto ko sana magpunta sa beach."

"Sige. Magpa-file ako ng leave sa opisina. Tapos bukas, bibiyahe tayo papuntang Batangas.. Dun sa beach resort nina lolo. Magbabakasyon tayong lahat. Dun natin hihintayin at ise-celebrate ang ating anniversary. Okay ba?"

"Salamat. Maraming salamat Joel. The best ka talaga!"

*****

Gaya ng pangako, dinala ni Joel ang asawa kasama ang kanyang mga anak, at mga asawa nito sa Batangas. Sinalubong sila ng pinsan ni Joel at inasikasong maigi. Tuwang-tuwa namang pinagmasdan ni Maribelle ang paligid. Ang napakagandang tanawin na ilang beses na hinangaan.

"Nagustuhan mo ba hon?" si Joel.

"Napakaganda pa rin gaya ng dati..."

"Sinadya kong panatilihin ang buong paligid kung paanong ipamana ito ni papa sa akin." wika ng pinsan ng kanyang asawa. "Magpahinga muna kayo. Ipapasunod na lang ang inyong mga gamit. Mamaya, sabay tayong manananghalian. Ipinahanda ko ang mga paborito n'yo."

"Ayos! Tiyak na mabubusog tayo.." si Jairus.

"Salamat tito. Akyat na muna kami.."

"Pinsan..." si Joel.

"Go ahead. Manang, pakituro ang mga kuwarto."

"Opo sir." sagot ng katulong. "Halina kayo.."

Sumunod sila rito. Isa-isa silang inihatid sa kuwarto. Pinakahuling naihatid ang mag-asawang Maribelle at Joel pagkat ang kuwartong pangalawa sa dulo ang ipinagamit sa kanila.

Pagkapasok, agad nahiga sa kama si Maribelle.

"Gusto mong magpahinga? Tulog ka muna..." si Joel.

"Puwede mo ba akong tabihan? Pero kung ayaw mo, okay lang."

"Asus! At bakit naman ako aayaw? Sige, pahinga muna tayo." at tinabihan nga ni Joel ang asawa.

"Joel?"

"Hmm?"

"Puwede mo ba akong yakapin?"

Natawa si Joel gayunma'y ibinuka ang bisig at niyakap ang asawa.

"Okay na?"

Ngumiti ang babae at tumango. Gumanti ng yakap sa asawa at saka kinampante ang sarili upang umidlip.

Ilang oras pa, kapwa na sila nakatulog.

Quarter to twelve ng tanghali nang maalimpungatan si Joel. Tamang-tama lamang na kumatok ang maid para ipaalam na handa na ang tanghalian at sila na lamang ang hinihintay.

"Sige, susunod na kami. Salamat."

Pagkatalikod ng katulong, nilapitan ni Joel ang asawa para gisingin. Pupungas-pungas namang bumangon ang babae. Nag-ayos ng sarili pagkuwa'y sabay na nilang nilisan ang silid at nagtungo ng kumedor.

Pagdating doon, naroon na nga ang lahat bagaman di pa naman nagsisimulang kumain.

"Upo na kayo." ang pinsan ni Joel.

Unang inalalayang umupo ni Joel ang asawa pagkatapos ay siya naman. Dinulutan niya ito ng paborito nitong pagkain.

Magana ang lahat sa tanghalian. Nagkakumustahan at kwentuhan. Nasabi na rin ang ukol sa sakit ni Maribelle na halatang ikinabigla ng labis ng pinsan ni Joel.

"Well, wala na tayong magagawa riyan. Basta ang kailangan, maging memorable ang natitira pang araw ni Maribelle..."

"Yeah, I agree with you tito. Tama na ang lungkot. Wag nating pabaunan si mama ng ganun. Dapat masayang mga alaala lang.." si Jairus.

"Tama. Kaya mag-enjoy tayo ngayon.. Are you ready 'ma?" si Cristall na binalingan ang ina.

Masaya namang tumango si Maribelle. Iyon din naman ang gusto niya. Ang makabalik sa normal sa huling sandaling natitira sa kanya.

Kaya simula ng hapong yun, pinuno nila ng masasayang alaala ang bawat oras. Nagpicnic sila, nagkantahan, kwentuhan, harutan. Kinalimutan muna ang problema upang mapasaya si Maribelle. Araw-araw, ginagawang espesyal para di niya makalimutan kung gaano siya kamahal ng mga ito. Araw-araw din, gumagawa ng video si Maribelle ng lingid sa kanyang pamilya. Sa video na iyon niya sinasabi ang lahat ng posibleng di na niya masabi pag wala na siya. Para kapag dumating ang takdang araw, palaging maalala ng kanyang pamilya na minsan sa buhay ng mga ito, naroon siya at kapiling ng mga ito kahit na sa sandaling panahon lamang.

*****

Ika nga nila, ang problema'y di natin matatakasan. At darating ang sandaling kailangan nang harapin ang bumabagabag sa ating puso.

May 8 kung saan dalawang tulog na lang bago ang anniversary nilang mag-asawa. Kakaiba ang kasiglahan ni Maribelle mula ng gumising ito. Bumalik ang pagiging makulit na matagal ring di nakita ni Joel maging ng kanilang mga anak sa kanya. Ipinaghanda sila ng almusal at mas naging malambing sa kanilang lahat. Pandalas ang yakap nito sa asawa't mga anak. Pandalas rin ang mga bilin at paalala bagay na ikinabahala ni Joel. Para kasing namamaalam na ang kanyang asawa sa kanila.

Dakong alas kuwatro ng hapon, niyaya ni Maribelle ang asawa na magtungo sa tabing-dagat. Ayaw pa sana niya dahil mahamog na ang simoy ng hangin pero nagpilit ang babae. Nagkunwari pang nagtatampo at ayaw siyang pansinin kaya pumayag na rin sa huli ang lalaki. Pinagsuot na lamang niya ng makapal na sweater ang asawa bago sila lumabas.

Ginamit nila ang kotse. Pagsapit sa may tabing-dagat, niyaya ni Maribelle ang asawa na panoorin ang paglubog ng araw. Pumayag naman si Joel. Inalalayan pa nga ang asawa na maupo sa buhanginan. Nang nakaupo na sila, nagsalita si Maribelle.

"Hon, kwentuhan mo naman ako.."

"Ha? Ano namang kwento ang gusto mo?"

"Kahit ano, bahala ka. Kung kailan mo ako nagustuhan, yung mga ugali ko na ayaw mo, mga plano sa anniversary natin..."

"Hmm.. Nagustuhan kita nung makita kita sa canteen. Kasama mo pa yung kaibigan mo... Ano nga bang pangalan nun?"

"Sino?" tanong ni Maribelle na humilig sa balikat ng asawa. Inakbayan naman ni Joel ang babae.

"Yung lagi mong kasama nun. Yung kaibigan mong matindi ang pag-ayaw sa akin bilang nobyo mo."

"A, si Creslyn. Pero gusto ka na nga niya ngayon kasi mabait ka raw pala... So, ituloy mo ang kuwento. Pa'no at kailan mo nalamang mahal mo na pala ako?"

"Nung makita kitang tinulungan yung matandang muntik masagasaan, mas nadagdagan ang paghanga ko. Mula noon, sinubaybayan na kita. Yung tinanghal kang campus queen, isa ako sa mga judges nun. At niligawan ko ang mga kapwa judges ko para lang ikaw ang manalo na kahit di ko pala gawin ay pupuwede. Impressed ang lahat sa'yo dahil maganda ka, mabait at matalino. Bukod roon di ka kababakasan ng yabang sa katawan..."

Pumikit si Maribelle. At sa pagpikit niya, pumatak ang dalawang butil ng mga luha.

Tuloy lamang sa pagkukuwento si Joel. At nang makita niyang nagsisimula ng lumubog ang araw, binalingan niya ang asawa. Nagulat siya ng makitang nakapikit ito. Di niya namalayang nakatulog na pala ang kanyang asawa. Nag-alangan tuloy siya kung gigisingin ba ito o hindi. Pero sa huli, tinapik rin niya ang balikat ni Maribelle saka nagwika...

"Hon, nagsisimula na ang paglubog ng araw. Tingnan mo, napakaganda ang pag-aagaw ng dilim at liwanag.."

Di natinag ang babae kaya inulit niya ang pagtapik at pagtawag.

"Honey...."

"Maribelle?"

Di pa rin ito nagising. Nagsimula nang kabahan si Joel.

"Maribelle? Maribelle!" pinulsuhan na niya ito.

Pero wala na siyang maramdamang pagpintig! Noon din lamang niya napansin na di na rin humihinga si Maribelle!

"Maribelle! Maribelle! Ma....ri....be...lleeee!!"

Napaiyak siya habang yakap ng mahigpit ang walang buhay na katawan ng asawa.

Umiyak siya ng umiyak. Tuluyan na silang iniwan at ang masaklap, di man lang niya nasabi ang I LOVE YOU bago pa man ito mawala! Ni hindi nga niya matukoy ang eksaktong oras ng paglisan nito!

Kalat na ang dilim pero di pa rin siya umaalis roon. Yakap pa rin niya si Maribelle. Umiiyak pa rin siya pero tahimik na lamang.

Mayamaya, dumating ang isang van at mula roon bumaba ang kanyang mga anak, mga manugang kasama ang kanyang pinsan. Hilam sa luha ang mga anak niya maging ang mga asawa ng mga ito. Patakbo na nga silang nilapitan. Nakasunod lamang sa mga ito ang kanyang pinsan.

"Mama... Huhuhu!" sabay na wika ng mga ito.

"Pinsan, condolence."

"Di ko man lamang nasabi sa kanya bago siya umalis na mahal na mahal ko siya... Akala ko naihanda ko na ang aking sarili para rito pero nagkamali pala ako pinsan..."

"Ma, ang daya mo naman, iniwan mo na agad kami. Di pa naman tapos ang taning e! Huhuhu! Mama...." si Cristall.

"Ma, sabi mo wag na ko iiyak. Dapat maging matapang pero di ko maiwasang umiyak ngayon... Akala ko kaya ko na, akala ko tanggap ko na... Pero.... Huhuhu!" si Emma.

"Ma, buntis na ho si Angela. Magkakaapo ka na... Sana di ka muna sumuko..." si Jairus.

"Ma, nangako ka na titikman mo ang bago kong specialty diba? Gumawa ako ngayon 'ma. Pinili ko ang sugpo na gagamitin ko... Gusto ko kasing ihandog sa inyo bilang espesyal na biyenan..." si Angela.

"Ma, di pa kita nayayakap. Di mo pa naririnig ang I Love You ko.. Ma naman!" si Jairus ulit.

"Ma, masakit sa akin na mawala ka. Nung magkasakit ka, di ako masyadong nalungkot dahil nariyan ka pa. Pero ngayon, alam ko na huling pagkikita na natin ito... Sayang kasi, konting panahon lang ang ibinigay sa atin. Pero wag kang mag-alala. Aalagaan ko ang anak n'yo.." si Enric. "Salamat sa pagiging mabuting manugang."

"Pinsan kailangan na nating kumontak para sa funeral service ni Maribelle..."

"Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na mangyayari sa amin ang ganito... Akala ko habang-buhay na akong masaya dahil naipagkaloob sa akin ang lahat! Pero panandalian lang pala..."

"Pinsan, mas maigi kung pag-aaralan mong tanggapin ito dahil nakasisiguro ako na ito rin ang gusto ng asawa mo. Sinadya niyang yayain ka at makasama bago siya umalis... Ninais niyang libangin ka dahil ayaw niyang mahirapan kapag nagpaalam sa'yo..."

"Pinsan, maaari ba kong humingi ng pabor?"

"Sige. Basta kaya ko."

"Ikaw na muna ang kumontak ng funeral service. Sa ngayon kasi, parang di ko pa kaya..."

"Naintindihan ko. Ako na ang bahala. Sa ngayon, wala na siya pero nariyan pa ang mga anak mo. Kailangan nila ang pag-aalo mo..."

Tumango si Joel. Nagpasalamat sa kanyang pinsan pagkuwa'y nilapitan ang tatlong anak at dalawang biyenan.

"Wala na ang mama n'yo. Alam kong mahirap pero kailangan nating tanggapin. Isipin na lang natin na namatay siyang masaya. Isa pa, di naman siya totally mawawala pagkat narito siya." itinuro ni Joel ang tapat ng kanyang dibdib.

"Pa..."

Niyakap ni Joel ang kanilang bunso. Inalo naman ni Enric ang asawa habang sina Jairus at Althea ay nagyakap upang umamot ng lakas sa isa't isa.

Lumapit si Danev sa mag-aama. Sinabing papunta na ang taga-punerarya. Kaya napagpasyahan na nilang bumalik ng resthouse. Convoy sila. Nauna lamang sila ng ilang minuto sa mga taga-punerarya. Pagkadating, inayos na agad ang pagbuburulan. May taga-makeup kaya nalagyan pa ng makeup si Maribelle. Nabihisan na rin ng damit ayon sa request ng ginang. Suot nito ang paboritong damit na iniregalo pa ni Joel nung nakaraang anniversary nila. Pagkatapos, pinagtulungan itong ipasok sa ataul at binuhat patungo sa gitna. May kandila ng nakatirik. May mga bulaklak na rin ng patay. Unang gabi ng lamay kaya di maiwasan na shock pa rin ang mag-anak. 

Si Danev na nga ang kumontak sa pamilya ni Maribelle upang ipaalam ang nangyari. Di kasi makausap si Joel.

"Pinsan, nasabi ko na sa mga in-laws mo ang nangyari. Baka bukas bago magtanghali, narito na sila."

"Salamat ha."

Tapik sa balikat ang naging tugon ni Danev.

"Pa, pahinga ka muna. Kami na lang muna nina kuya ang mag-aasikaso sa mga bisita."

"Tama ang bunso n'yo. Pahinga ka muna..."

Tumango si Joel at nagtungo sa kanilang kuwarto. Pagkapasok, di niya maiwasang maalala si Maribelle. Upang maibsan ang pangungulila, niyakap na lamang niya ang unang gamit nito. Nakatulog siya dahil sa pagod sa pag-iyak. Namimiss na kasi agad niya ang asawa wala pa mang 24 oras itong patay!

"Maribelle... Maribelle...."

*****

Limang araw lamang ibinurol si Maribelle. Agad ding ipinalibing dahil wala namang gaanong hinihintay. Sa libing, balot ng kalungkutan ang bawat isa. Lahat ay umiiyak sa pagkawala ng natatanging babae.

Di naman nagawang matakpan ng makapal na shades ang luha at pag-iyak ni Joel. Nung mga oras na ipinapasok na sa nitso ang kabaong parang gusto pa niyang pigilan! Ayaw niyang pakawalan! Iyak siya ng iyak.

Iyon ang pinakamasakit na araw para sa kanya at sa kanyang mga anak at biyenan. Iyon na ang huling pagkakataon na makikita niya ang mukhang bumihag sa puso niya! Ang mukhang laman lagi ng isip niya mula nung unang makita! Ang mukhang nagisnan niya sa loob ng dalawampu't limang taon nilang mag-asawa. Ang mukhang hahanap-hanapin niya pagkatapos ng araw na yun.

Di umalis ang mag-anak hangga't di natatakpan ng maayos ang nitso. Nauna nang umalis ang mga nakiramay at sila na lamang ang naroon. Wala nang mga luha sa mata ni Joel gayunpaman, naroon pa rin ang lungkot at pangungulila na di niya masabi kung maiibsan pa ba ngayong wala na ang pinakamamahal niyang asawa.

"Pa, natakpan na ang nitso... Tayo na ho. Mukhang uulan pa e." si Emma.

"Mauna ka na. Kayo rin, susunod na lang ako..."

Iniwan naman nila si Joel roon. Alam nilang ito ang pinakaapektado sa kanila. Di man nagpapakita ng kahinaan, nasaksihan at narinig naman nila mismo ang speech nito nung huling araw ng burol.

Naalala pa nila ang eksaktong linya ng kanilang ama....

"Una po sa lahat, nais kong magpasalamat sa lahat ng nakiramay at nagdadalamhati para sa asawa ko. Alam n'yo po, si Maribelle iyong tao na talagang bibilib kayo. Napakaulirang ina at mabait na asawa. Never ko yang kinakitaan ng pangit na ugali. Kahit galit, di siya palasigaw..." panimula ni Joel.

"Karamihan sa inyo alam ang lovestory namin. Ako ang unang nainlove. Nabasted dahil may nobyo pa siya noon pero patuloy ko pa rin siyang minahal. Hanggang sa malaman niyang niloloko lamang siya ng bf niya, sa akin siya tumakbo. Ako ang naging comfort zone ni Maribelle. Ginawa ko lahat para manumbalik ang tiwala niya sa sarili. At doon nagsimula lahat! Pinayagan niya akong ligawan siya hanggang sinagot niya ako nung birthday ko... Napakasaya ko nun. Iyon ang pinakamagandang regalo na natanggap ko..."

"Pitong taon na kaming magkasintahan nang yayain ko siyang pakasal na agad niyang pinahintulutan. Ikinasal kami ng May 10 at biniyayaan ng tatlong kayamanan -- ang aming mga anak..."

"Lalong sumaya at tumibay ang aming samahan bilang mag-asawa. Umabot kami ng 24 years at nung nakaraang Martes sana ang ikadalawampu't limang anibersaryo naming mag-asawa pero sa kasamaang-palad, binawian siya ng buhay dalawang araw bago ito maidaos..."

"Iyon ang pangalawang pinakamalungkot na nangyari sa buhay ko. At ang una? Nung malaman ko na may leukemia siya at may taning na ang buhay. Para na rin akong namatayan na sa tuwing aatakihin siya ng sakit, wala man lang akong magawa kundi ang lihim na masaktan at umiyak.. Akala ng marami, si Emma ang iyakin, ang mahina. Pero ang totoo, napakatapang ng aming bunso. Tuwing matatapos ang chemo ni Maribelle, siya ang personal na umaasikaso. At matapang niyang naharap ang lahat!"

"Ako? Di nila alam, akala ng mga anak ko nasa opisina at nagtatrabaho pero ang totoo, naroon lang ako't lihim na umiiyak. Pinangako ko na di ko siya pababayaang masaktan pero pakiramdam ko, bigo ako ng mga oras na yun.. Naduwag akong harapin lahat ng problema!"

Dinukot ni Joel ang kanyang panyo upang pahirin ang mga luhang nagsisimula na namang lumandas sa kanyang pisngi bago nagpatuloy...

"Nung hapon na tuluyan nang sumuko si Maribelle, di ko talaga alam kung paano ko tatanggapin na wala na siya. Nasanay na rin kasi ako sa nakalipas na dalawang buwan na inaalagaan namin siya, na kasama namin sa pamamasyal. Ngayon, di na natin makikita ang mga ngiti niya. At mamimiss namin ng mga anak ko ang lahat-lahat tungkol sa asawa ko. Mamimiss ko yung mga paglalambing niya, pangungulit, yung ngiti at tinig niya na puno ng pag-aalala... Yung mga paalala, yung mga yakap niya... Maribelle, ang sabi mo sa akin pilitin kong mabuhay kahit wala ka na... Actually kaya ko naman pero things will never be the same without you. Why? Because you are my life, my everything. Alam ko naririnig mo ako at alam ko na ayaw mo kaming umiiyak at nasasaktan pero... Sa oras na ito, hayaan mo na ipagluksa namin ang pagkawala mo. Sabi mo lilipas rin ang mga araw. Makakalimot din kami sa sakit.. Tama ka, pero mananatili ang peklat ng sakit na iyon. Mananatili ka sa aming puso. Mahal na mahal kita sweetheart. Di man tayo ganung katagal nagsama dito sa lupa, alam ko na balang araw muli tayong magkikita. Darating din ang oras na muli tayong magkakasama. At pag dumating iyon, maaari na nating ipagpatuloy ang pagmamahalang ating sinimulan na walang humahadlang kahit pa ang kamatayan..."

"Pero sa ngayon, pansamantala lang muna tayong magkakawalay. Pero wag kang mag-alala, ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko at nais makasama. From the bottom of my heart, sa harap ng lahat ng mga narito, ipinagmamalaki ko na naging asawa kita."

"That's all. Again maraming salamat po sa lahat ng nakiramay."

Tinugtog ang themesong nilang mag-asawa. Naiplay pa ang video na nagawa nila pati na ang ginawa ni Maribelle na ikinagulat ng mag-anak. Pinaghandaan pala iyon ng kanyang asawa kaya lalo silang naiyak pagkat miss na nila si Maribelle.

"Tama na, wag na kayong umiyak. Husto na ang pagluluksa. Gusto kong sumaya kayo...."

Umihip ang hangin sa tabi ni Joel. Parang narinig niya ang boses ng asawa.

"Maribelle..." bulong niya sa sarili.

"Maging masaya kayo. Di naman ako talagang nawala, katawan ko lamang iyon pero mananatiling buhay ang alaala ko sa puso n'yo ng ating mga anak. Alagaan n'yo ang isa't isa. Mahal na mahal kita Joel.. Mahal ko ang ating mga anak.. Lagi ko kayong babantayan, pangako ko yan. Hanggang sa muling pagkikita..."

"Maribelle..."

Umihip ulit ang hangin pagkatapos, muling dumilat si Joel. Nakatulog na pala siya at nasa sasakyan sila ng kanyang mga anak at mga biyenan pati na ni Danev at ang pinsan ni Maribelle na si Rudnie.

"Panaginip pala..." bulong niya sa sarili. "Pero ayos lang. At least narinig ko kahit panaginip lang. Mahal rin kita Maribelle, ngayon at hanggang wakas!"

-END-

**sana'y naibigan n'yo ang kuwento nina Maribelle at Joel. Happy 10k po sa ating lahat ^_____^**

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
4.5M 165K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...