entry 19

61 1 0
                                    

~ LBOS 10K ONE SHOT (19)~

BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ni MS. MARIA.

NANG DAHIL SA PAG-IBIG 

by: maria 

( mga kaibigan, isa pa pong kwento ng buhay ang aking inihahandog sa inyo lahat at sana po ay kapulutan niyo ito ng aral at maging inspirasyon sa buhay. Masarap po ang magmahal pero kapag tayo ay nasaktan, halos kung pwd lang huwag ng muling tumibok ang puso at muling umibig para di na natin maranasang muli ang kabiguan. ngunit di po natin hawak ang ating mga puso na kahit ang ating isip ang siyang nagdidikta dito ay wala pa ring kapangyarihan na mahadlangan upang matutong magmahal muli. hindi po natin natuturuan ang puso dahil kusa itong tumitibok sa taong napili nitong mahalin. gudluck na lang po sa mga nagmamahalan diyan at sana maging maligaya kayo ng inyong mga napiling mahalin. don naman po sa mga broken hearted, alam ko darating ang panahon na may taong nakalaan para sa inyo. kusa po siyang darating sa buhay niyo kaya hwag kayong mawalan ng pag-asa. maraming salamat. ) 

*maria* 

Unang pag-ibig ni Edralyn si Jasper kaya naman ibinuhos niya ang lahat ng pagmamahal at atensiyon sa nobyo. Buong akala niya ay magiging kontento na ito sa kanyang pagmamahal ngunit maling akala pala ang kanyang pinaniwalaan. Nagawa pa rin siyang iwan ng nobyo at ipagpalit sa ibang babae. Paano na nga ba maibabalik ang dating sigla at mga ngiti sa labi ng dalaga kung ang buong buhay niya ay nakakulong sa pagtataksil ng kasintahan. Magagawa ba kaya niyang magmahal muli? 

" Jas, alam mo bang mahal na mahal kita? Ikaw ang unang lalaking minahal ko at pinakahuli na rin dahil di ko na magagawa pang umibig sa iba. Tanging ikaw lang ang nag-iisa dito sa puso ko. " pagtatapat ni Ed sa kasintahan.

" Mahal na mahal din naman kita at pangako hinding-hindi kita iiwan. " tugon naman ni Jas sa dalaga. Naging maganda naman ang kanilang relasyon. Palagi silang masaya kapag magkasama at wala na nga mahihiling pa si Ed sa binata dahil ramdam niya ang pagmamahal nito. Umabot na ng isang taon ang kanilang relasyon na hindi man lang sila nagkaroon ng problema. Kaya naman naging panatag na ang kalooban ng dalaga at nangako rin sa kanya ang nobyo na pagkatapos pa ng isang taon at sa simbahan na hahantong ang kanilang pagmamahalan. 

Sobrang saya niya dahil sa wakas ay matutupad na rin ang kanyang pangarap na makasama sa habambuhay si Jas. Lumipas pa ang ilang buwan at ganun pa rin ang naging takbo ng kanilang relasyon. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay muling bumalik sa buhay ni binata ang dating kasintahan nito na si Vicky.

Napamahal na sa kanya si Ed ngunit ng muling magkita sila ni Vic ay nanumbalik ang pagmamahal niya sa dating kasintahan. Lumayo ito sa kanya noon dahil sa pangarap na makapgtrabaho sa canada bilang nurse at isinakripisyo ng dalaga ang magandang relasyon na naipundar nila sa limang taon. Sobrang nasaktan siya dahil sa ginawa nito at buong akala niya ay di na siya muling magmamahal pa. Dumating sa buhay niya si Edralyn at ipinadama sa kanya nito ang pagmamahal na hinahanap niya sa dating kasintahan. 

Noon, ginawa niyang panakip-butas ang dalaga pero lingid sa kaalaman nito dahil hindi pa rin niya makalimutan ng tuluyan ang dating kasintahan ngunit sa paglipas ng mga panahon ay nagawa ng dalaga na burahin sa puso at isipan niya si Vicky at natutuhan na rin niya itong mahalin. Sinuklian niya ang pagmamahal nito at napakasaya lagi ni Ed kapag sila ay magkasama. Makikita sa mga mata ng kasintahan ang walang katumbas na kasiyahan. 

Naging sila ulit ni Vic pero hindi niya sinabi sa huli na may kasalukuyan aiyang nobya. Pinaniwala niya ito na wala pa ring pumalit dito sa puso niya at naging sila muli. Masaya si Jas sa piling ng dalawang babae na nagmamahal sa kanya. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag. Minsan nanood sila ni Vicky ng sine sa isang mall sa maynila ng hindi niya inaasahan na mismong bestfriend pa ni Edralyn na si Rlg Libra ang makasalubong nila sa paglabas ng sinehan. 

Manonood din ito kasama ang kasintahan at ng makita sila ni Vicky na magkaholding hands pa ay hindi ito makapaniwala at nakita niya sa mga mata na nito ang tinitimping galit para sa kanya ngunit di naman ito makapagsalita at hinila na nga nito ang nobyo papasok sa loob ng sinehan. Nagulat din si Jas sa nangyari at ng mga oras na iyon ay naguguluhan na siya. Tiyak niyang makakarating ito sa kaalaman ng kanyang kasintahan at hindi alam kung paano siya magpapaliwanag sa nobya.

Habang papasok ang magkasintahan sa loob ng sinehan ay di maiwasan ni Rlg na isipin ang kataksilan ni Jas sa kanyang kaybigan. Naaawa siya kay Ed dahil sobrang mahal nito ang nobyo at di niya rin sigurado kung paniniwalaan siya nito kapag magsumbong siya. Noon pa man kasi ay mabigat na ang loob niya sa lalaking iyon. Mahal lang ito ng kaybigan niya kaya nakikisama na lang siya dito. Hindi niya akalain na magagawa pang lokohin ni Jas ang nobya gayong halos buong buhay ng kaybigan niya ay minahal ito. Paano nga ba ang gagawin niya para paliwanagan ang kaybigan na tigilan na ang kahibangan sa pag-ibig para sa lalaki? Naguguluhan na rin naman siya.

Isang araw ay kinausap niya si Ed ng masinsinan habang nagmemerienda sila sa bahay nito. " Best, may sasabihin sana ako sayo pero hindi ko alam kung paniniwalaan mo 'ko or pag-iisipan na sinisiraan ko lang si Jas sayo. Alam ko na mahal na mahal mo siya pero sana magising ka na sa kahibangan mo. Hindi siya nararapat sa pagmamahal mo. " pagkasabi niya sa kaibigan. Hindi niya inaasahan ang magiging reaksiyon ng kaybigan dahil bigla na lang itong yumakap sa kanya at umiyak hanggang sa nauwi sa paghagulhol. 

" Best,,,,,, huh,,,,hu,,,,,huh,,,hu,,,, wa,,,lllaaa,,, na si Jas. Ini,,,,waaannn,,,aaannn na ni,,,yaa a,,,,kooo. Huhuhu,,,,huh,,,huhu,,, ang sa,,,bi niya mas ma,,,haaallll pa raw niya si Vicky at sila na ang magkasama ngayon. Pa,,,,nooo na a,,,kooo? Mahal na mahal ko siya at di ko makakayang mabuhay ng wala siya sa piling ko? hirap na hirap ang kalooban ni Ed habang sinasabi niya 'yon sa kaybigan. 

Kahapon ay pinuntahan siya ni Jas sa bahay at humingi ito ng tawad at sinabing nagkabalikan na ito ang dating nobya. Mahal daw siya ni Jas pero mahal na mahal pa rin nito si Vicky. Nakiusap siya sa nobyo ng hwag siyang iiwan nito kahit pa dalawa na sila ni Vicky sa buhay ni Jas ay tatanggapin niya hwag lang ito mawawala sa kanya. Hindi nangyari ang kagustuhan niya dahil sa huli si Vicky pa rin ang pinili ng nobyo at pagkatapos humingi ng tawad ay nilisan na nito ang dalaga ng luhaan. 

" Ssshhhh,,,,,tama na yan best, walang kwenta ang pag-iyak mo na iyan dahil di siya karapatdapat sa pagmamahal mo. Hayaan mo tutulungan kita makabangong muli. Andito lang ako at tandaan mo na hindi ikaw ang nawalan kundi siya! May mas karapatdapat pa sa isang katulad mo at asahan mo na darating ang araw ay magmamahal kang muli." pag-aalo niya sa kaybigan. 

Nakalma na ang kalooban ni Ed sa ilang sandali ng pag-uusap nila ng kaibigan. Mula ng araw na iyon ay ipinangako niya sa sarili na hinding hindi na siya muli pang magmamahal. Galit at poot ang namamahay sa kanyang puso. Itutuon na lamang niya sa trabaho ang buong panahon niya at kakalimutan ang kabiguan na minsan kanyang naranasan.

Hindi inaasahan ni Ed na muli pang magtatagpo ang landas nila ni Jas. Limang taon din ang matuling lumipas at sa pagtatagpo nilang iyon ay muli na naman naramdaman ng dalaga ang pagmamahal sa dating kasintahan. Nag-usap silang dalawa at nalaman niya na namatay na si Vicky pagkatapos magsilang ng anak nila, limang buwan pa lang ang nakakalipas. 

Awang-awa siya sa kalagayan ni Jas at minsan pang ipinadama niya dito ang pagmamahal at sinabi pa niya sa binata na ito pa rin ang nagmamay-ari ng puso niya. Ni minsan di niya nagawang magmahal muli dahil kahit sobrang nasaktan siya ng dating nobyo ay mahal na mahal pa rin niya ito. 

Hindi na siya tumanggi na alukin siya ng kasal ni Jas at muling nangako ito sa kanya na hinding-hindi na mauulit pa ang pananakit nito sa damdamin niya kaya naman nagpakasal silang dalawa at namuhay ng maligaya kapiling ang anak nila Jas at Vicky at itinuring niya itong kanyang anak. Sa bandang huli sila pa rin ni Jas ang nagkatuluyan at naging masaya na muli si Edralyn kasama ang kanyang mag-ama. 

WAKAS...

10K SPECIALS (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon