entry 21

60 2 0
                                    

~ LBOS 10K ONE SHOT (21)~

BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ni MS. SHYL-Z

THE FOURTH NIGHT

by: Shyl-Z

*HAPPY 10K LBOS FAMILY! First time ko pong gumawa ng one shot, at sana’y ma-enjoy niyo pa rin ang story kahit wala kayong mapupulot na aral dito hihi...*

MAHINANG ungol ang kumawala sa bibig ni Ze habang pinipilit labanan ng kanyang mga mata ang nakakasilaw na liwanag na tumatama sa kanyang mukha. May naramdaman siya. Malambot, matigas...mainit! Humaplos ang kamay niya sa kung ano mang malapad na bagay na iyon pababa. Napahinto siya. May iba na siyang nakapa. Parang may nakaumbok doon. 

‘Ano kaya ito?’

Nag-angat siya ng ulo. At doo’y nasalubong niya ang itim na itim na mga matang nakatitig sa kanya—ang mukhang may katigasan ang dating ngunit sadyang nakakapang-akit...ang mga labing nag-aanyaya ng isang marubdob na halik...

‘Oh my!’

Napakunot-noo siya nang bigla itong magsalita. Malalim ang boses nitong pumuno sa kanyang pandinig. “Gising ka na pala...”

Natigagal siya. Natauhan. At nanlalaki ang mga matang napabalikwas siya ng bangon sa kama.

Teka—sa kama?

Napalibot ang tingin niya sa paligid. Nasa loob siya ng isang silid—isang silid na walang kahit anong makikita kung hindi ang napakalaking kama na kulay puti. Mataas ang kisame at yari sa kahoy ang dingding at sahig. Nakabukas ang malaking bintana na sinasabitan ng puti ding kurtina. Malakas ang hangin mula sa labas. Mataas na rin ang sikat ng araw.

Pero isang bagay ang hindi niya matiis—amoy karneng inihaw ang paligid!

“S-sino ka? Nasaan ako? At bakit ka nakahubad?” Nakaramdam na siya ng pagpapanic. Magising ba naman siyang may kayakap na isang lalaking nakakatakam ang katawan, ewan na lang niya kung hindi mag-react ang buong diwa niya.

Dahan-dahang bumangon ang binata at prenteng umayos ng pagkakaupo sa kama. Pang-itaas lang naman ang wala dito at nakasuot pa rin ito ng pantalon. Napalunok siya habang pinapagapang ang mga mata sa malapad nitong balikat...sa matipuno nitong dibdib...hanggang sa tiyan nitong kay sarap pisilin ng mga kalamnan. Nakakabusog ding pagmasdan ang mala-tsokolate nitong balat na talaga namang nakakagigil haplusin.

‘Ganito ba ang humalay sa ‘kin?’ eksaheradang tanong niya sa sarili.

“M-may nangyari ba sa ‘tin?” Madali niyang sinipat at kinapa ang sariling katawan. May damit pa naman siya. Nakasuot siya ng puting leggings at itim na sleeveless shirt na pinapatungan ng denim vest. Ito ang naalala niyang suot niya kahapon n’ong mamasyal siya sa bayan. Sabik siya sa probinsya dahil kelan lang siya umuwi dito kasama ang pinsang si Febe upang magbakasyon. Sinulit na nila ang vacation leave na pinaaprubahan nila sa bangkong kanilang pinagtatrabahuhan sa Maynila. Masaya naman sila na makitang muli ang isa nilang pinsan na si Elvie, pati na rin siyempre ang kanilang Lola Elden.

“Hindi mo ba nararamdaman?” Mapanuksong ngiti ang sumilay sa mga labi ng gwapong binata. Nahigit niya ang kanyang hininga. Natatakot siyang isipin ang posibilidad na may nangyari nga sa kanila—lalo na, kung naganap iyon nang wala siyang malay. Sayang! 

Iniling-iling niya ang kanyang ulo upang iwaksi sa isip ang kapilyahan niyang ‘yon, saka siya napayakap sa sariling katawan. Ni minsan, hindi niya naisip na maaga niyang maisusuko ang pagkabirhen niya. Bente-uno anyos pa lang siya, masyado pang bata para sa ganitong bagay. Kung sa ganitong lalaki rin lang, hindi naman siya masyadong aangal. Pero hindi ngayon, at hindi sa lugar na ito...

10K SPECIALS (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon