entry 13

62 4 0
                                    

~ LBOS 10K ONE SHOT (13)~

BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ni MS. RUKIA.

TO WHOM I WAS BORN FOR?

by: rukia

"Joy, please... Pakinggan mo muna ako..." pigil ni Dondon sa papalayong kasintahan.

"Ano pa ba ang dapat kong pakinggan Dondon?" singhal ni Joy. "Malinaw na malinaw na niloko mo 'ko!"

"I'm sorry.." napapayukong sabi nito. "It was just for fun. Hindi ko akalaing magbubunga yun."

"It was just for fun?" ulit niya sa sinabi nito. "Anong akala mo sa mga babae? Laruan?"

Hindi makasagot si Dondon, basta lang ito nakayuko.

"At ngayon, ano pang iba mong sasabihin?" tanong niya dito.

"Ikaw ang mahal ko..." nagsusumamong sabi ni Dondon.

"Ako ang mahal mo? Ha! Kung talagal mahal mo 'ko, hindi ka na sana naghanap ng ibang babae!" nakakuyom ang palad na sabi ni Joy. Pigil ang mga luha sa pagbagsak.

"Please patawarin mo na ako... Kung mapapatawad mo lang ako, pakakasalan kita agad. Pangako."

Napabuntong-hininga si Joy. "Mapapatawad kita, pero kahit kailan, hinding-hindi ako pakakasal sa KATULAD MONG MANLOLOKO!!" yun lang iniwan na niya ito. Nagmamadali ang kanyang mga hakbang palayo dito habang nag-uunahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.

They'd been together for more than three years. At hindi lang yun, bago sila naging magkasintahan ay magbest-friend na sila mula pa nung elementary. Hindi niya aakalaing, mawawala lang ang lahat ng pinagsamahan nila dahil sa isang pagkakamali. Ang sakit isipin na ang taong minahal mo ng kay tagal, sa isang iglap lang ay bigla na lang mawawala.

May nabuntisan si Dondon. Kasamahan lang nito sa trabaho ang babaing yun. Ayun kay Dondon, matagal nang nagfi-flirt sa kanya ang babae, pero hindi niya pinapansin. At dahil sa udyok ng mga kabarkada, sa katagalan, pinatulan na rin niya ito. Ang sabi pa ni Dondon, isang beses lang daw ang nangyari sa kanila at agad na itong nabuntis. Duda pa nga si Dondon na baka hindi siya ang ama ng dinadala nito dahil likas na malandi raw ang babaing yun.

Pero kahit ganun pa man, sobrang sakit ang dulot niyon sa kanyang puso. Pakiramdam niya, hindi na niya kayang mabuhay pa.

Ang sitwasyon ay mas lalong lumala nang isang araw ay makasalubong niya si Normina. Ang nabuntisan ni Dondon.

"Hello dear, how are you?" bati nito sa kanya na parang nang-aasar.

"Well, I'm good. Ikaw?" balik tanong niya dito.

"Great! I feel great! Lalo pa at nalalapit na ang kasal namin ni Dondon!"

Parang piniga ang puso ni Joy sa narinig pero hindi siya nagpahalata. Mas magmumukha siyang kawawa kung ipapakita niyang naaapektuhan siya. Her face remain expressionless. 

"Oh! Ganun ba?" tumaas ang kilay na sabi niya. "Well, congratulations. I wish you all the best" aniya at akmang tatalikuran na niya ito.

"Wait." pigil nito sa braso niya. "Wag na wag ka nang magpapakita kay Dondon kung ayaw mong masaktan." banta nito sa kanya.

"Hinahamon mo ba ako?" nakikipagsukatan siya ng titig dito.

"Binabalaan lang kita." madiing sabi ni Normina.

10K SPECIALS (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon