entry 14

98 2 0
                                    

~ LBOS 10K ONE SHOT (14)~

BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ni MS. LADY MHAY.

UNDER THE MOONLIGHT

by: lady mhay

Pag- iibigan maari nga bang ipapatuloy sa kabilang buhay?

Dalawang katauhan iisa ang mukha?. Dalawang katauhan maari kayang iisa ang kaluluwa? Isang pag ibig na pinangakong hindi magwawakas at sumumpa sa ilalim ng maliwanag na buwan. Posible ba na ang naputol na pag iibigan ay maari pang dugtungan mula sa nakaraan at hanggang sa hinaharap? 

Pag ibig na nasimulan noon maari bang ipagpatuloy sa panahong moderno na ,mahirap ng ipaliwanag at paniwalaan? Ano ang naghihintay sa hinaharap ng dalawang taong magtatagpong muli mula sa nakaraan? Tunay kayang makapangyarihan ang pag ibig o kathang isip lang na likha ng malawak na kaisipan? Tayong maglakbay at sundan ang kwento nina Michael at Michelle.

**Taong kasalukuyan**

Michael Montenegro 26 na taong gulang, lumaking isang makisig na lalaki, mabait at masunurin. Lumaki sa kanyang lolo samantalang ang tunay na magulang ay nasa ibang bansa. Nag iisang anak kaya lahat ng pagmamahal ng pamilya ay sa kanya ibinuhos. Isang professional na Pintor at kilala sa napiling larangan. Minana ang pagkahilig sa pagpinta sa kanyang mahal na Lolo Nicolo Montenegro. Kilala ang pamilya di lang dahil sa kanilang larangan. Kilala sila sa angkin na kabutihan. Ang ina ni Michael na si Greta at ama na si Luis ay pareho namang Arketekto. Namalagi sa America dahil naroon ang kanilang negosyo. 

Si Michael ang madalas magbyahe upang makasama ang mga magulang. Wala ng mahihiling pa ang binata dahil halos nasa kanya na ang lahat ngunit babaeng mamahalin nalang ang nais na mahanap niya. Meron siyang matalik na kaibigan si Evelyn Alagos isang simpleng babae at tunay na kaibigan.

Evelyn Alagos Maaasahan at lubos na mapagmahal sa pamilya. Si Eve ay isang Guro sa kanilang baryo sa edad na 24 ay subok ng matatag sa buhay pagkat madami ng pinagdaanan ang pamilyang kinalakhan.

Michelle Ortega 25 na taong gulang. Nag iisa ding anak. Lumaki sa payak na pamumuhay isang magsasaka ang magulang. Mahirap ngunit masayang namumuhay na sama sama. Isang masipag na guro si Michelle sa isang paaralan na malapit lang sa baryo nila. Mapagmahal na anak at guro ito. Inuuna lagi ang mga magulang kesa sa sariling kapakanan. Marami mang nanliligaw hindi niya ito hinaharap lahat ay bigo na maangkin ang pihikan niyang puso.

Si Kris Kim ay matalik namang kaibigan ni Michelle. Mula sa mayamang pamilya ngunit hindi alintana ang katayuan sa buhay pagkat ito’y mapagbigay lalo sa mga nangangailangan. Mabait at mabuting kaibigan ngunit palaban at mahirap na kaaway. Nag iisang anak siya ang namamahala sa kanilang malawak na lupain taniman ng mangga at mayroon antique shop sa Maynila.

========

“Michael apo mabuti at nandito kana kanina pa kita hinihintay.” Nakaupo at nakangiting wika ng matanda sa apong kararating lamang mula sa isang exhibit.Nagmano naman si Michael sa Lolo na kahit 76 na taong gulang na ay malakas parin.

“Oho pasensiya na din Lo nanggaling din ako sa kabilang baryo. “ wika ni Michael at umupo sa tabi ng Lolo.

"doon ka na naman galing sa baryo Aguado apo. Kung ako sa iyo ligawan mo na ang tipo mong binibini roon. Wag ka nang mag alinlangan, isa kang gwapo at matipono tulad ng lolo kya sigurado akong magugustuhan ka nun." sambit ng nakangiting matanda habang hawak ang tungkod niya.

10K SPECIALS (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon