entry 16

54 1 0
                                    

~ LBOS 10K ONE SHOT (16)~

BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ni MS. JM.

THE POWER OF LOVE 

by: JM

Masayang-masaya sina Renalyn Obeso Pasangilan Estares at James Nervana dahil ilang araw na lamang ay magaganap na ang hinihintay nilang pag-iisang dibdib.Halos limang taon ang tinagal ng kanilang relasyon at sa kalaunan naisip na nilang lumagay sa tahimik.

Mula sa isang simpleng pamilya ang dalawa.Parehong ulila sa ama at tanging ang mga ina na lamang at mga kapatid ang kasa'kasama nila sa buhay.Mga kaibigan at halos sa lugar nila ay parang isang pamilya ang turingan,kaya naman walang pasidlan ang saya ng lahat nang sa wakas ay sila pa rin daw ang magkakatuluyan.Sa kabila ng mga pagsubok na dumaan sa kanilang buhay.

Kararating lang nila sa kanilang tagpuan.At makikita mo sa kanilang mga mata ang labis na pananabik sa isat-isa.

"Mahal na mahal kita Renalyn at handa na akong makasama ka habang buhay."ani James."Kung mawala man ako,hihilingin ko na maalala ka ng kaluluwa ko para pwede pa rin kitang patuloy na mamahalin." sabay hawak nito sa magkabilang pisngi ng dalaga.

"Salamat James, buong buhay ko wala akong hinangad kungdi ang makasama ka,at kung mawala ka man ikaw at ikaw pa rin ang hahanapin ng puso ko." ganting wika ni Renalyn.

Walang katumbas ang ligaya at saya ng bawat isa.

Sa kabilang dako ang magkapatid na Ethanel Refugio Anzano at Omar Refugio Anzano sila ang 2 anak ng kilalang mayaman sa San Isidro.Ang may pinakamalaking Rancho sa karatig bayan.Kung saan si Renalyn ay isang manggagawa sa Hacienda ng pamilyang Anzano.

Hindi lingid kay Renalyn na may gusto sa kanya ang binatang amo,pero hanggat kaya nya ay iniiwasan nya ito,Ayaw nyang makaabot kay James ang maling haka-haka ng nasa paligid nya,baka dahilan pa ito ng pag-aaway nila.

Susunduin sya ni James ngayon may surpresa daw ito para sa kanya.

Kaya naman ng pauwi na sya nasalubong nya ang among binata.

"Hi Renalyn! Lalo kang gumaganda ah, hmm pauwi ka na ba? Pwede ba kitang ihatid."

Tumaas ang isang kilay nya.

"Sorry po pero hindi na kailangan,"aniya."Sige po hinihintay na ako ng aking nobyo."hindi na nya ito hinintay pang sumagot at agad-agad na syang tumalikod.

Laking pasalamat na lamang ni Renalyn dahil hindi ito nakita ng nobyo.Dahil tiyak na magtatanong ito,wala pa naman syang maisip na isasagot.

"Hmmm ano ba yung sorpresa mo?"tanong nya kay James ng makasakay na ito sa likod nya gamit ang motorsiklo ng binata.

"Kaya nga surpresa di ba."wika ni James."Malalaman mo rin."

At napayakap na lamang sya sa likod ng nobyo.

Pumarada ang motorsiklo sa harap ng bahay.

"James anong ginagawa natin dito?"tanong nya.

Hinawakan ni James ang magkabilang balikat nito at pinaharap sa kanya.

"Ito ang surpresa ko sayo Renalyn,"aniya."Matagal ko na itong pinag-ipunan,maliit lamang pero sana magustuhan mo.Dito tayo bubuo ng masayang pamilya."

"James hindi mahalaga kung maliit man o hindi ang importante kasama kita."napayakap ito sa kanya.

Naguumapaw ang sayang nararamdaman nila kung pwede lang hilain ang araw para tuluyan na silang magkasama ay ginawa na nila.

10K SPECIALS (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon