entry 2

177 8 0
                                    

FROM CYBER TO FOREVER

by: catwoman

Anong sabi mo ako ang nag nakaw ng baon mo? ang tanong ni merlinda sa kanyang classmate na si soraida

" gusto mo suntukan tayo? 

Siya si merlinda villame, mas kilala siya sa tawag na rakz, dahil yun ang palayaw niya. Isa sa siyang babaeng palaban walang takot at walang inuurungan

Ang sabi ng iba sigiro tulog siya noong naghasik ng kagandahan ang diwata. Lagi siyang tinutukso ng kanyang mga kaibigan at yan din ang dahilan kung bakit lage siyang nakipagsuntukan 

" raks ang sabi ni soriada pangit ka raw at magnanakaw pa ng baon " gatong naman ng kaklase nilang si anita

" tingnan mo mamaya suntukan tayo ng makita mo " pagbabanta ni raks kay soriada

Halos araw araw tuwing uwian sa skwela ay ganun ang eksina 

" anak sabi ko na sayo , wag kanang makipagsuntukan malapit Kanang magdadalaga daig mo pa ang isang amazona " saway ng kanyang ina ng umuwi itong puro dumi ang damit dahil sa pakikipag suntukan

" inay sinabihan kasi nila akong mag nanakaw eh "

" kahit na anak pabayaan mo sila, hindi ka naman nag nakaw diba?

" inay pangit ba talaga ako?

Nakaramdam ng parang nilukomos ang puso ni aling berta sa tanong ng anak

" anak ikaw ang pinaka maganda para kay nanay " lang aalo ni aling berta sa anak

" nakaramdam naman ng ginhawa si raks sa sinabi ng ina, kahit alam niyang pakonswelo lamang ito

lumipas ang mga taon at nasa high school na si raks, wala man sa kanya ang kagandahan sa panlabas na kaanyuan pero nasa kanyang naman ang magandang hubog ng katawan

" ang ganda ni raks " bulalas ng isa niyang kaklase 

" oo nga pag naka talikod " gatong naman ng isa at halos manglupasay na ito sa tawa

Nasaktan man si raks sa kanyang narinig pero binaliwala nalang niya ito, nasanay na siya sa mga pangungutya sa kanya simula noong maliit pa siya, kaya niyang kontrolin ang kanyang sarili, binalingan nya ang dalawang kaklase nya na halos manglupasay na sa tawa at nag dirty finger sign lang siya sa mga ito

Pagka graduate ni raks ng high school ay hindi na siya nakapag aral ng college dahil hindi sapat ang perang kita ng kanyang ama sa pang araw araw nilang pangangailangan

Kaya namasukan si raks bilang isan security guard sa isang mall 

" oh raks mabuti ang pag security ang naisipan mo kasi pag nag sales lady ka wala,, hindi ka matanggap nangunguna ka kasi sa pleasing persinality " pangungutyang biro ng kanilang kapitbahay na si aling norma

Tipid na ngiti lang ang sinukli ni raks kay aling norma saka niya ito nilagpasan

Kahit kabilaan ang pangungutya sa kanya ay hindi niya ito pinansin bagkos ito pa ang ginawa niyang sandata para lalo siyang maging matatag, hindi siya nagpadala sa mga pangungutya sa kanya, mas lalo pa niyang tinibayan ang kanyang loob

Ginugol nalang ni raks ang kanyang oras sa kanyang trabaho, di importanti para kay raks kung isa lang ang kanyang kaibigan at least totoo naman ito, at nandiyan naman ang kanyang mga magulang na laging nandiyan para sa kanya at ito pa ang mga bestfriend niya dahil wala silang lihiman sa isat isa

"LUMIPAS ANG MARAMING TAON"

habang nagpapahinga si raks sa kanyang silid at papindot pindot sa kanyang celphone ay biglang dumating ang kanyang matalik na kaibigang si Nora

10K SPECIALS (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon