entry 17

69 1 0
                                    

~ LBOS 10K ONE SHOT (17)~

BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ni MS. SOLDIER’S LOVER.

SOMEWHERE IN THE NIGHT

by: soldier's lover

Sa isang pambihirang pagkakataon at lugar minsan natatagpuan ng isang tao ang pag ibig. Minsan,sa paraang masalimuot,mga pagkakataong hindi lubos maisip ng isang indibidwal pero anumapan,ang pag ibig ay kusang dumarating,hindi hinahanap,hindi minamadali..ito'y kusang sisibol sa panahong inilaan ng Dyos. Pag-ibig na tapat,dalisay at puro..subalit,paano kaya kung ang dumating sa iyo ay isang bawal na pagmamahal? 

Tungahayan po natin ang isang storyang magpapatibok na naman sa ating mga puso,magtuturo satin kung paano ngumiti at lumuha,at higit sa lahat,nagpapakita ng isang mabuting aral sa atin sa kabila ng maling paniniwala at bugso ng damdamin...

"Hey honey what's up?"masiglang tanong ni Clarissa sa kanyang asawa.

"Im okey honey,pasensiya kana ha ngayon lang ako nakatawag,biglaan kasi yung operation ng tropa kagabi,may intelligence report kasing natanggap ang S2 namin tungkol sa isang malaking kuta ng mga rebelde sa bundok,kaya hayun,pinuntahan namin"mahabang paliwanag ni Jun sa kanya.

"It's okey honey,ang importante maayos ang lagay mo,i missed you so much"paglalambing niya kay Jun. 

Mahal na mahal niya ang asawa pero dahil sa klase ng trabaho nito ay di sila halos nagkakasama. Isang militar si Cpl.Jun Robles,gwapo,maasikaso at higit sa lahat,mahal na mahal siya. Tandang tanda pa niya noong una silang magkakilala ng lalaki. Nag-aaral pa siya nun,nasa 3rd year college na sa kursong Education. Iginagapang siya ng pamilya para makapagtapos at dahil sa likas na matalino si Clarissa,nairaos niya ang pagiging skolar sa isang sikat na Unibersidad ng Mindanao. Sabado noon,abala siya sa pag aayos ng kanilang mumunting tindahan habang nag aaral ng mga leksiyon dahil sa nalalapit nilang exam. Bigla nalang sumakop sa isang sulok ng kanyang mga mata ang mga naglalakad na sundalo. 

ANG GWAPO NAMAN NUNG ISA,sa isip isip niya habang patuloy sa pagbubuklat ng libro. 

Dumaan lang ang mga iyon sa kanilang bahay,di narin niya pinag aksayahan ng panahon kung saan ang mga ito tutuloy dahil abalang abala siya sa pag aaral. Ilang sandali pa ay bumalik yung isang sundalo na sa pagkakatanda niya ay pinakagwapo ata sa pangkat.

"Yes sir,may maitutulong po ba ako?magalang niyang tanong dito,di pinapahalata na nanginginig ang kanyang boses.

"Pabili lang po ako ng kape maam,sagot naman nito na nakangiti. Sa tingin niya ay lalo pa itong gwumapo sa nakangiti nitong mapupulang labi. Walang tugong kumuha siya ng kape na sinasabi nito.

"Ah maam,kung pwede rin po sana makikitext aq,pakiusap uli nito sa kanya.

Ngiti lang ang isinagot ni Clarissa habang inaabot niya dito ang kanyang cellphone.

"Heto na po maam salamat"wika ng sundalo sa kanya. 

"Okey lang",matipid naman niyang sagot saka itinuon ang mga mata sa binabasang libro kahit pa ang totoo ay di naman niya maintindihan kung ano yung binabasa niya,ang mahalaga ay di na magkaroon ang lalaki ng pagkakataong makipag usap sa kanya. Ayaw niya kasi ang presensiya nito. 

Ilang sandali pa ay nagpaalam na nga ang sundalo.

Kinahapunan ay nagulat siya ng magtext ito sa kanya. 

10K SPECIALS (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon