entry 7

93 4 1
                                    

~ LBOS 10K ONE SHOT (7)~

BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ni MS. AGATHA.

MY UNFAITHFUL HUSBAND

by: agatha

-Gaano ba kahirap ang buhay may-asawa? Sabi nila ang pag-aasawa daw ay di katulad ng pagsubo ng mainit na pagkain na pag mapaso ka ay pwede mong iluwa?? Sabi din nila sa buhay mag-asawa normal ang bangayan/alitan at minsan puro tampuhan! Nagkakaroon din minsan ng LOKOHAN? Minsan pag matino si lalaki? Si babae naman ang pasaway pero pag si babae naman ang sobrang bait si lalaki naman ang sobrang kulit! At kung parehong matino ang magulang, ang mga anak naman ang mga pasaway! Pero naisip niyo ba na si God ay sadyang marunong tumingin ng pantay-pantay? Ganun daw talaga yun para subukan ang katatagan ng pagsasama ng bawat mag-asawa.

---------

Si Raine Lamorena Infante sa ganda niya ay talaga nga namang sino ang di mapapanganga diba? At naging masugid niyang manliligaw ang magkababatang sina Jacky Molina at Ponsing Ebreo. Magkaiba ang agwat ng pamumuhay ng dalawang binata. Kung si jacky ay nag-iisang na nagmula sa mayamang angkan? Si ponsing naman ay bukod sa hirap sa buhay ay breadwinner pa ng pamilya niya.

"hi raine tara na sabay ka na sa kotse ko!"yabang na yaya ni jacky.

"ah eh maya pa ako uuwi eh mauna ka na magkomyut nalang ako mamaya."tipid ang ngiti niya medyo napepreskohan kasi siya eh.

"samahan nalang muna kita raine hintayin kita hanggang matapos ka! Wala naman akong ginagawa sa bahay eh,"

"ah eh s-segi kaw ang bahala pero baka mainip ka ha?"

"naku raine kung ganyan kaganda sayo ang kasama ko kahit habang buhay akong di umalis sa tabi mo hehe,"pambobola ni jacky habang isinasara ang kotse.

Habang nag-uusap naman ang dalawa ay nakatanaw pala si ponsing na may na bulaklak na gumamela na pinitas niya sa tabi ng kalsada. Nagseselos siya sa nasasaksihan niya. Kaya umalis nalang siya.

"oh ponsing malungkot ko na naman dyan? Di bagay sayo? Hehe ano bang nangyari?"tanong ni shane.

Si Necar Shane Lausa Villela ang matalik na kaibigan niya mula ng mag-aral siya ng elementarya at magcollege sila. Di naman maipagkakaila na matagal ng may paghanga si shane kay ponsing dahil sa kabutihang loob nito.

"wala lang shane ganito lang talaga siguro ang nagmamahal, nasasaktan,"mapaklang sagot ng lalaki.

"si raine na naman ba? Manligaw ka na kasi ang bagal mo eh nauunahan ka tuloy ni jacky."

"oo nga eh, at pinanghihinaan ako ng loob! Lam mong magkababata kami ni jacky at di ko maikakaila na wala akong laban sakanya. Sa hitsura, sa talino at sa kabuhayan! Di nababagay sakin si raine."

"ponsing naman eh subukan mo na muna bago ka sumuko!"

"segi bukas na bukas din liligawan ko na siya. Salamat shane ha? Da best ka talaga wala kang katulad, sana ikaw nalang si raine,"sabay yakap sa dalaga.

Nangilid naman ang luha ni Shane."sana nga ponsing kung ako na lang siya sana di ka na nasasaktan, at sana masaya na tayo ngayon,"bulong niya sa sarili niya.

Kinaumagahan pumunta si shane sa bahay ni ponsing at pumasok ito sa kwarto ng binata, siya ang naghanda ng damit nito para sa panliligaw kay raine.

10K SPECIALS (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon