entry 10

84 2 0
                                    

~ LBOS 10K ONE SHOT (10)~

BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ni MS. MARIA.

SA AKING PAGLAYO 

by: maria

( kwento po ito ng isang anak na simula ng magkaisip siya ay hindi man lang niya maramdaman ang pagmamahal ng kanyang ina at mga kapatid. sa bandang huli ay natuklasan niya na isa lamang pala siyang ampon kaya ganun na lang ang turing sa kanya ng mga ito. isang alila! ) 

Mga kaibigan, isa na naman pong handog ko na kwento sa inyo at sanay kapulutan po ninyo ng magandang aral, pero sa pagkakataong ito mga piling supporters ko po ang magiging characters sa pagpapasalamat ko na rin sa kanila at sa suporta sa page ng ngayon ay umabot ng 10K. Happy 10K LBOS FAMILY!!! 

*maria* 

Siya si Liz, bunso na anak nina Mr. & Mrs George Martinez. Sa kinamulatan na pamilya ay masasabi niya sa sarili na isa siyang api-apihan ng kanyang mommy Vera at mga kapatid na sina Maria Fiona, Jhune Christian at Melai simula ng mamatay ang kanilang daddy. Katulong ang turing sa kanya ng mga ito. 

Sa murang edad ay ginawa siyang tagapaghugas ng mga pinggan, taga linis ng bahay nila kasi ayaw na kumuha ng mommy niya ng kasambahay at malaki na rin daw naman siya kaya pwde ng tumulong sa mga gawaing bahay. At dahil nga mas matatanda ang mga ito sa kanya kaya lahat ng mga pinag-uutos ng mga ito ay tahimik niyang sinusunod at di naman niya magawang ipagtanggol ang sarili at kahit na magsumbong pa siya sa kanilang mommy ay wala rin mangyayari dahil mas kinakampihan pa nito ang kanyang mga ate. 

Utos dito, utos doon, kunin mo yon, dalhin mo ito, ibigay mo sa akin, at kung anu-ano pang pag-uutos ang pinapagawa sa kanya. Lumipas ang mga panahon na nagsi2pag-aral na silang apat na magkakapatid. 10 yrs old na siya at kasalakuyang nasa grade 3 at ang ate Melai niya naman ay grade 5, si ate jhune christian naman ay 1st year highschool at graduating naman ang ate Fiona niya. 

Every year ay pulos bago ang mga kagamitan ng kanyang mga ate, mapasapatos,medyas, uniform, bag at iba pang burluloy sa katawan samanta siya ay tanging pinaglumaan lang ng ate Melai niya ang napapasakanya. Minsan nga ay nagreklamo siya sa kanilang mommy kung bakit taun-taon na lang puro luma ang natatanggap niya ni hindi siya nito magawang bilhan ng bagong gamit pero ang nangyari ay sinumbatan pa siya ng mommy nila na dapat pa nga raw siyang magpasalamt sa mga ate niya dahil binibigyan siya ng mga gamit na pinaglumaan tpos ito pa siya at may ganang magreklamo na wala naman daw siyang pera. 

Nagtataka na rin siya bakit may kinikilingan ang kanilang mommy at tanging mga ate lamang niya ay binibigyan nito ng atensiyon at pagmamahal. Bakit siya di magawang mahalin ng kanilang mommy. Ginagawa na nga niya lahat kahit napapagod na siya sa trabho ay ok lang walang reklamo na namumutawi sa kangyang bibig. 

Nag-aaral din siyang mabuti at taun-taon ay may karangalan siyang natatanggap ngunit di pa sapat iyon para matuwa ang mommy nila sa kanya. Kaya naman inggit na inggit siya sa kanyang mga ate dahil nakukuha ng mga ito ang bawat naisin nila.

Isa pang kinasasama ng loob niya non ng magraduate siyang elementary dahil nakuha naman niya ang 2nd place pero wala man lang regalo sa kanya ang kanilang mommy at ang damit na ipinasuot sa kanya ay yong damit na ginamit ng kanyang ate melai ng mggraduate itong elementary. 

Sabi pa nga ng mga friends niya na sina Kathy, Janeth, Jennalyn, Annalyn, Michelle, Ailyn, Nadia at Airich na anak din ng may kayang pamilya bakit daw luma ang suot niyang damit. Kasi mga ito ay talagang pabonggahan ng mga damit at lahat bago talaga. Sagot na lang niya maganda pa naman at di pa gaano kalumaan kaya pwde pang isuot. 

10K SPECIALS (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon