entry 11

79 2 0
                                    

~ LBOS 10K ONE SHOT (11)~

BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ni MS. RED.

GLORY of LOVE 

by: red

"Noong dumating ka' sa buhay ko,hindi ko akalain na ikaw ang lalaking pinapangarap at magpapatibok ng mailap kong puso.Akala ko isa ka lang ordinaryong tao na dadaan sa buhay ko.Isang taong handang isuko ang kanyang katanyagan para lamang akoy maproteksyonan.Hindi ko akalain na malaki ang naging parte mo sa pagkatao ko,hindi ko inisip na baguhin mo ang paniniwala ko'at bigla ko naisip na may kulang sa akin,na kahit pigilin ko na huwag kang mahalin, dahil sa antas ng ating buhay.Pero wala akong magawa,dahil hindi ako BUO kong wala KA."

Napailing na lamang ang dalagitang si Novelyn'habang paulit-ulit na bumalik sa kanyang balintataw ang eksina kanina sa school,para silang tunay na magnobyo ni Michael Cawit habang isinasadula nila ang drama.

Si Novelyn Anical ang Lading lady at si Michael ang Lading Man. 

Doon natitigan ng lubusan ng dalaga ang lihim niyang tinatangi.Matagal na niyang crush ang binata,ni isa sa mga kybigan niya walang nakakaalam nito.Alam ng dalaga na hindi siya mapapansin ni Michael dahil may girlfriend na ito'at sikat din sa buong campus.Kung tutuosin kayang pantayan ni Novelyn ang girlfriend ng binata kung sa ganda lang din ang pinag-usapan.Nakatago kasi sa malaking salamin ang maamo niyang mukha at malalantik na pilik mata,bukod pa doon'hindi siya mahilig magsuot ng mga sexing damit na kagaya ng nobya ng binata . 

Aw aw aw aw ....tahol ng Aso at may isang malakas na sigaw.

"Huh" ano iyon.?bakit tumaas ang boses ni Inay?"tanong nito sarili.

Dali-daling lumabas si Novelyn sa kanyang kwarto.Nagtataka ito' kung anong meron sa harapan bakod nila' at bakit parang may kaaway ang kanyang Inay.

"Lumayas ka!hindi ko kylangan ang taong tulad mo.Matapos mong magpakasaya sa piling iba at ilustay ang perang minana ko sa aking Amat/Ina.Ngayon babalik ka dito at magmamakaawa na tanggapin muli ?"Huh"hindi na."salitang namutawi mula sa bibig ng Ina ni Novelyn .

"Inay...tama na po'nagsisi na po si itay sa pag-abandona niya sa atin noon.Bigyan nyo po siya ng isa pang pagkakataon Inay,kahit para nalang po amin ng mga anak niyo."saad ng dalaga.

"Hindi" Novelyn..kung hindi dahil sa kanya,hindi sana ako itinakwil ng aking mga magulang.Ipinaglaban ko siya dahil sa pag-akala kong matino siyang tao.Pero ano ang isinukli ng aking pagsasakrepisyo,niluko niya lang at pinabayaan tayo."naghihinagpis at lumuluhang wika na Ina ng dalaga.

Nadala na din sa emosyon ang dalaga,unti-unting namamalisbis ang luha ng kanyang mata.Sa lahat kasi ng pinakaayaw niya ang makita itong umiiyak at nagdurusa ang mahal niyang Ina.Kung pwede lang sana akuin nito ang sakit na dulot kanyang Amang si Mang Nardo.Gagawin ito ng dalaga'maibsan lamang ang bigat nitong nadarama.

Nilapitan ni Novelyn ang kanyang Ina.Niyakap niya ito ng mahigpit 

upang ipadama na hindi ito nag-iisa.Naaninag ng kaliwang mata nito'na laylay ang balikat ni Mang Nardo habang papalayo.Naawa din siya kahit papano sa kanyang Ama, kahit sa kabila ng pag-iwan nito sa kanila.

"Matulog kana anak'may pasok ka pa bukas.Alalahanin mo ngayon kana magtatapos sa sekondarya,kaya kaylangan pagbutihin mo ang iyong pag-aaral. Novelyn anak.. ito na lamang ang tanging maipamana ko sa iyo na hindi manakaw nino man."madamdaming wika ng Ina ng dalaga.

10K SPECIALS (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon