entry 20

46 1 0
                                    

~ LBOS 10K ONE SHOT (20)~

BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ni MS. PRINCESS ARBI.

BAHAY PARI

by: princess arbi

story dedicated to: Ian, April, Mafe Jesusa.

"Father!Father Joseph!"tawag ng isang sakristan kay Fr.Joseph ang kura paroko ng baryo ng Centro bayan ng Ballesteros

"Oh Ian bakita?"tanong niya

"Fr si Ate Mafe po sinasabiban na naman daw!"humihingal na tawag ng bata

"o siya paandarin mo ang motor at puntahan natin"sagot ng di katandaang pari at saka ito dinala ang gamit

Pagdating sa bahay nina Mafe ay madami ang tao lalo na ang mga nakikiusyoso

"Fr.......ang ...aking...kapa...tidd...."iyak na salubong ni April sa kanya

"Tena sa loob iha"sagot ni Fr Joseph na nakasunod si Ian

Binasbasan niya ito ng Holy water at ipinagdasal.

Maya maya ay naging kalma na si Mafe

Ang mga taong kanina ay marami unti unti na ring nagsiwalaan

"kumusta na ang pakiramdam mo?"ang tanong ng pari

"okay na po,Fr.Salamat"si Mafe

"ano ba ang nakikita o nararamdaman mo?"tanong ni Ian

"may mga anino akong nakikita o kaya minsan ay may nagpaparamdam sa akin tapos kapag diko pinapansin pumapasok sila sa katawan ko"sagot niya na mangyak iyak

"aling Lolita,mas maganda po sigurong manatili muna si Mafe sa bahay pari"pagbibigay suhestyon ng pari sa ina ng dalagita

"kung gugustuhin niya Fr Joseph at makakabuti sa kanya ay wala pong problema"sagot ni aling Lolita

"O sige po maunan na kami.ipagbigay alam niyo na lamang po sa ating simbahan"sagot ng pari at umalis na sila ni Ian

Makaraan ang isang linggo ay pumayag sila sa na manatili si Mafe sa bahay pari,isang tahanan ng mga kapospalad at gustong magbagong buhay.Tutok ang mga madre at pari rito kaya maganda para kay mafe.

Sa unang gabi ni Mafe ay di siya makatulog.Parang ang alinsangan ngunit malakas naman ang ulan.Naririnig pa nga niya ang langitngit ng hangin

Dumungaw siya sa bintana at para siyang may nakita na imahe

fdahan dahan itong bumaba upang lapitan ng patago

nakaitim ang imahe at nakatalukbong.

Di siya kumurap pagmasdan ngunit laking gulat niya ng tumingin sa kanya ay walang ulo ngunit tila may anyong mukha na nakangiti

Hingal na hingal siya at nagpipigil na huminga

Nagdasal ito!pagtinging muli sa lugar kung saan siya nakakita ng imahe ay wala na ang tao.

Pinuntahan niya ito at gamit ang walis tambo hinukay ang munting lupa roon.

"WAAAHHHHHH"sigaw ni Mafe sa ulo na nkita.

Ulo ito ng kanyang ina.

"father!father!!uuwi na ako!parang awa nio na pauwiin nio ako!"si Mafe na kumakatokl sa silid ng pari kahit basang basa at putik na putik ang katawan

"ano ba ang nangyayari sayo?"naalimpungatang tanong ng pari

"parang awa niyo na po uwi na ako!papatayin ng mga multo ang nanay ko!please father"lumuhod si Mafe sa pari na umiiyak

Dahil sa lakas ng ulan ay di naihatid pauwi si Mafe

Iyak ito ng iyak

Nang sumunod na araw ay dinala nila sa kanila ang bata.Nakaburol na ang kanyang ina

"sinab ko na sa inyo gusto nilang patayin ang nanay ko!"galit na sigaw ni mafe sa pari at kay Ian na naghatid

"nadaganan siya ng kahoy"si Ian

"hindi!HINDI!PINATAY SIYA NG MULTO"pagwawala niya

Nagwawala ito at nagsusuntok.

"arayyyyy"reklamo ni April

"ate mafe gumising ka nga!nannanaginip kana naman"si april

Parang galing naman sa pakikipaglaban na bumangong hingal na hingal si Mafe

"asan ang nanay?"tanong niya

"malamang tulog din!"si april

"napanaginipan ko kasi eh!"sagot niya at kumatok sa kwarto ng ina

"o bakit mafe"tanong ni aling Lolita

"nay,love you po!!natakot ako sa pananginip ko!patay daw kasi kayo!"halos maiyak niyang wika at yumakap sa ina.

-the end

10K SPECIALS (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon