entry 9

64 2 0
                                    

~ LBOS 10K ONE SHOT (9)~

BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ni MS. SERENDIPITY YESHA.

DANCE WITH MY FATHER

by: serendipity yesha

--Very strict at makapangyarihang ama si Mr.Richard Agustin lalong lalo na sa anak na si KATHY AGUSTIN..ang kanyan unica hija..

Minsan naiisip ng teenager na hindi siya mahal ng kanyang ama,dahil bawat galaw niya'y sinisita nito.Ang daming bawal sa kanya,bawal ang barkada,bawal magpaligaw,bawal maglakwatsa at ang pinakamalupit sa lahat ay parating may bodyguards ang nakabuntot sa kanya.

Tuloy ay naiinggit siya sa kaibigang si GRACE SHELLE,kahit payak lamang ang pamumuhay nito ay mayroon siyang ama'ng laging nakasuporta sa lahat ng gusto niya,kahit hindi mapa-material.

MINSAN gusto na niyang magrebelde sa ama.Dahil pakiramdam niya'y para siyang walang kalaban-labang ibon na nais makaalpas sa kulungan.All that she wanted is FREEDOM.

PERFECTIONIST si Mr.Richard Agustin.Ang nais niya ay sumunod si Kathy sa lahat ng kanyang kagustuhan..ika niya ay"I am just looking up to you,because I wanted you to be the best that you can be".

"but Papa,you never knew what's best for me.Stop controlling me.Let me decide by my own."mahinahong kontra niya sa ama nang pagbawalan siyang makipagkaibigan kay Grace Shelle.

"wala kang karapatang sagutin ako ng ganyan,dahil anak lamang kita!"pasigaw na wika nito sa kanya,at muntik na siyang masampal nito.

That's when she started hating her own father.Gusto niyang maglayas,ngunit wala siyang ideya kung paano,dahl 24/7 nakabantay sa kanya ang dalawa niyang matitipunong bodyguards.

Buong buhay niya ay itinutuon na lamang niya sa pagsusulat ang lahat ng kanyang nararamdaman..ang pagkapoot na nabuo ng ilang taon sa kanyang puso mula pagkabata.

Sa University na pinapasukan niya,nakilala niya ang kaibigang si Grace Shelle na scholar.Mahirap lamang ito,ngunit matalino at puno ng pagmamahal ang buhay nito.

"Grace,naiinggit ako saiyo.Sana,ako na lang ikaw."nakangiti ngunit malungkot na wika niya sa kaibigan.

"ano kath..?nagpapatawa ka ba.?gusto mong maging ako?samantalang lahat nang pinapangarap ng katulad ko'y nasa saiyo na.Marangyang buhay,malaking bahay,nababasa ang kamay sa tuwing kakain lang,ala prinsesa sa isang napakagandang kaharian,at may mga magulang na kilala sa magandang reputasyon sa society."ang parang nananaginip na wika ni Grace Shelle.

Lumuluhang tumawa si Kathy Agustin."perfect pala ang tingin mo sa buhay ko,no?"aniya

"haii kung alam mo lamang ang totoo".piping usal niya.

"bakit,hindi ba.?"tugon ni Grace Shelle."ikaw naman eh kunwari pa".

Sa tuwing break nila sa University ay palihim na sumasama si Kathy Kay Grace Shelle sa munting kubo ng mga ito.

Simple at masayang buhay mayroon sina Grace Shelle at Mang Roberto.Mahal na mahal siya ng ama.Mag-isa siyang itinaguyod nito mula nang mamatay ang kanyang ina sa panganganak sa kanya.Natutuwa naman si Mang Roberto kay Kathy,dahil kahit anak mayaman ito ay hindi mapangmata.

Kapag nandirito siya sa tahanan nina Grace Shelle,pakiramdam niya'y buo siya.

Ngunit sa tuwing umuuwi siya sa kanila ay para siyang nagigising sa isang masamang panaginip.

10K SPECIALS (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon