entry 4

96 4 0
                                    

~ LBOS 10K ONE SHOT (4)~

BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ni MR. IAN JOSEPH BARCELON.

DEAD AIR: 66.6 FM RADIO STATION

(what station are you listening to?)

- originally written by: Ian Joseph Barcelon.

©NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED

note: short fiction story. tags: Horror/Scary/fiction

MARLYN WAS DRIVING HOME. Late night na at ngayon pa lang siya makakauwi, overnight kasi siya ngayon sa office. Isa siyang call center agent, Manila Area.

Nakasakay siya sa kaniyang sasakyan at nagmamaneho, masaya siyang nakikinig ng radio. Listening to radio was her hobby, since highschool pa lang siya. madalas siyang nakikinig kapag gabi, tuning in sa mga DJ na puwedeng makausap niya over her phone (pampatanggal ng boring). magaganda din naman kasi ang mga tugtugan tuwing gabi kaya sino nga naman ang hindi mahuhumaling makinig?

Saka madalas rin ay naa-assign siyang mag overnight kaya pang aliw nalang sakaniya ang makinig ng music through her mp3 o makinig ng radio sa sasakyan pauwi. Panlaban niya na lang ito sa antok for short.

Naramdaman niyang medyo boring na ang music na nagpe-play sa radio so she started to tune it, jumping to another station. “Ano bang magandang station?” she thought. madalas siyang makinig sa radio station 101.9 dahil mas okay sa kaniya ang mga tugtugin, pero bakit ngayon pakiramdam niya ang boring dahil puro old songs nalang ang pine-play?

(----------) no signal. (---------) no signal. (---------) no signal.

nagtaka na siya dahil ng halos lahat ng madaanan niyang station ay blanko. Sinubukan niyang i-turn off ang radio at i-turn on ulit, pero walang pagbabago. Binalik niya sa kaninang pinakikinggang station (101.9) but still walang pagbabago. Nainis na siya kaya naisipan na lang niyang i-off iyon at ituloy na lang ang pakikinig sa kaniyang mp3.

She was about to click the ‘OFF’ button of the radio when suddenly, one station came on. narinig niyang may nagsalitang DJ, kaya hindi niya itinuloy ang pag off. tinignan niya din ng mabuti ang fm radio station at ang nakalagay do’n ay,

“66.6 FM radio station?” nagtaka siya. for the rest of her life, ngayon niya lang nakita ang station na ‘to. kabisado na nga niya lahat halos ng station sa radio, pero this one ay kakaiba. AS IN.

“Magandang gabi sa iyo! Nasa 66.6 FM radio station ka. wala ka bang makausap? Gusto mo ba ng kakulitan? Tawag na! 666-666-666!” Masiglang sigaw ng ng DJ sa naturang radio station.

she finds herself curious, sa station at sa ibinigay na telephone number. may Load naman siya ngayon kaya naisipan niyang tumawag. dial: (666-666-666)

“Mukhang may caller tayo on the other line! Hmmmm, magbilang muna tayo ng 6 bago natin sagutin...Ready?”

nakakatakot ang background music, makes her feel uncomfortably. gumapang ang takot sa katawan niya, hindi niya alam kung bakit. She finds it scary, creepy – kakaiba ang dating sa kaniya.

“1.....2.....3.....”

habang umaandar ang segundo, unti unting nababalot ang katawan ni Marlyn ng takot. tumataas ang kaniyang balahibo at pakiramdam niya lumalaki ang kaniyang ulo.

“4.....5.....6......”

narinig niyang sinagot ng DJ sa kabilang linya ang tawag niya. napatingin siya sa maliit na clock sa harapan ng sasakyan niya at nakita niyang already 12 midnight na pala.

“Magandang gabi sa iyo, Hahahahaha! Anong sinadya mo kung bakit napatawag ka?”

Isang malaki at malademonyong boses ang bumungad sa kaniyang pandinig, sinamahan pa ng talagang nakapangingilabot na halakhak. Yeah, and It was creepy beyond belief.

nakaramadam na siya ng lamig, kahit na off naman ang aircon ng kaniyang sasakyan.

Hindi niya alam ang sasabihin kaya ang sarili niyang bibig ang nagsalita para sakaniya, “Uhhhh, nacurious lang kasi ako sa station niyo...matagal na po ba itong s-station niyo?” mahina at nanginginig na tanong niya. gusto niya lang malaman dahil ngayon lang talaga niya na-play ang station na ‘to.

“Hahahaha! Matagal na kami...kalat kami sa mundong ginagalawan mo ngayon....Unti Unti naming lilipunin ang mga tao para mapasakamay namin! Hahahahahaha!”

pakiramdam niya nilalamon siya ng kaniyang takot, nanliliit siya sa narinig na tinig. Hindi niya alam ang ibig sabihin ng tao sa kabilang linya. gusto niyang mapasigaw sa takot ngunit hindi niya magawa.

Nagdasal siya sa kaniyang Isipan, paulit ulit siyang umusal ng ‘Lord jesus christ.’

“Hahahaha! Wala na kayong magagawa pa! Unti unti na kayong bumababa mga tao! Samin ang punta ninyo! Wahahahahaha!” the voice slowly fade away.

Isang malakas at malamig na hangin ang umihip. the cold wind that touches her ears, she knew that someone or something was there behind her, breathing hard. more than just the uneasy feelings – someone at the back was sucking the life out of her!

Hindi siya makahinga ng maayos, ayaw niyang lumingon sa takot na baka kung ano ang makita niya.

10 minutes had passed, when she realized that she was out of her track. natulala pala siya, hindi niya alam kung bakit. as soon as she got a chance, she started her car’s Engine at mabilis na pinatakbo ito palayo.

*****

Isang masamang panaginip kung maituturing ito ni Marlyn. hindi niya din maaaring sabihing Isang masamang panaginip dahil alam niyang dilat ang kaniyang mga mata, bukas ang kaniyang tainga at ramdam niya ang takot ng mga sandaling mangyari iyon sa kaniya.

2 taon na din ang makalipas ng maranasan niya ang kakaibang karanasang iyon, Isa sa mga hinding hindi niya malilimutan sa tanang buhay niya. walang kahit sino ang may alam ng pangyayaring iyon, itinago na lamang niya sa kaniyang sarili at ipinagdasal sa itaas na sana ay protektahan siya palagi. Suot suot niya din ang kwintas na may cross na pendant, panlaban sa mga masasama.

hindi na siya ngayon nakikinig ng radio sa twing alam niyang siya lang mag isa, dahil natatakot na siyang maulit pa ang nangyari sakaniya noon. Ilang beses niya ding hinanap ang stasyong iyon (66.6), ngunit bigo siyang makita.

nanatiling isang misteryo ang pangyayaring ito kay Marlyn, hindi masasabi kung bakit at pano nagkaroon ng ganitong numero o stasyon. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang stasyong iyon ay matatawag na Devil’s radio station. (666-devil’s sign)

ikaw? anong radio station ang madalas mong pakinggan?

Hindi mo alam, baka sa kakalipat mo ng stasyon, matapat ka sa ------ 66.6 FM STATION.

(devil laugh)

WAKAS.

© Ian Joseph Barcelon

Beware! You should not get the 666 when it becomes the mark of the beast. 666 is a well known but mysterious number. What is the meaning of 666?

Revealing secrets the Devil does not want you to know. Discover the meaning of 666. Take a few minutes to read information that may save your life.

If you worship the beast and receive his 666 mark you will receive the complete wrath of God. The book of Revelation in the Bible gives us this strong warning:

“If anyone worships the beast and his image and receives his mark on the forehead or on the hand, he, too, will drink of the wine of God's fury, which has been poured full strength into the cup of his wrath.” Revelation 14:9,10

10K SPECIALS (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon