entry 15

54 1 0
                                    

~ LBOS 10K ONE SHOT (15)~

BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ni MS. AKIEZI_PINKGOTH.



JUST WANNA LET YOU KNOW
by: akiezi_pinkGoth


Just Wanna Let You Know. Pero pano mo ba talaga sasabihing mahal mo ang bestfriend mo? Maraming tanong ang papasok sa isip mo. Tulad ng-- magagalit kaya siya? Magiging masaya? O baka naman lumayo pa? Pero pano mo malalaman kung di mo susubukan? Tama kaya na sinabi ko pang "JUST WANNA LET YOU KNOW"? O pagsisisihan ko? May happy ending ba o iiyakan ko nalang siya?

********

"uy, ano ba kasing tinitingnan mo diyan?" sabi ni rex sa kaibigang si LG na kanina pa nakatingin sa cellphone nito.
"wala to." sabi naman ni LG.
"akin na nga yan!" sabi ni rex sabay hinablot ang cellphone ni LG.

"picture ng lalaki? Sino naman to?" sabi ni rex habang nakakunot ang noo.
"hmm..wala ka ng pake diyan." sabi ni LG sabay kinuha ang cellphone niya na hawak ni Rex.

"akin na. Buburahin ko. Wag ka ngang naga-aksaya ng oras sa kakatingin ng mga gantong bagay." sabi ni rex sabay binura ang mga pictures ng lalaking tinitingnan ni LG.
"ang sama mo." sabay irap ni LG.

"eh wala ka naman kasing mapapala sa ganyan." sabi ni rex sabay isinauli na ang cellphone ni LG.

Umalis na si Rex at naiwang mag-isa si LG sa kwarto nito. Di parin niya kasi talaga alam ang gagawin. Kung sasabihin niya ba kay Rex na gusto niya ang lalaki. Natatakot siyang masira ang pagkakaibigan nila kung sakaling umamin siya. May girlfriend na pati si Rex. Si Hazel na bestfriend din ni LG. Napagpasyahan nalang ni LG na pumunta sa bahay nila Hazel. Pagdating niya, andun din pala si Rex. Magkatabing nakaupo si Hazel at Rex, magka-holding hands. Pilit na ngumiti si LG.

"oh?" sabi ni Hazel.

"uh, kala ko kasi ikaw lang ang andito. Sige alis na rin ako." sabi ni LG. Palabas na dapat siya ng bahay nila Hazel ng magsalita si Rex.

"bakit aalis ka na?"

"ahm..kasi...ah, tumawag kasi si ate, pinapauwi nako." sabi ni LG. Di naman siya talagang pinauwi ng ate niya, di lang kaya ng puso niyang makita ang dalawa na ang sweet sweet. Nang makauwi si LG, di na niya talaga alam ang gagawin niya.

Gustung-gusto na niyang umamin pero may pumipigil sa kanya. Ngunit napag-isip isip na niya rin na kailangan na niyang sabihin ang itinatagong feeling kay Rex. Kinagabihan, tinawagan niya ang kaibigan.
"rex pwede ba tayong magkita?" tanong ni LG.
"ah, oo naman. Bakit?"

"may kailangan lang akong sabihin."
binaba na ni LG ang tawag at ilang minutong nakalipas, dumating na si Rex.

"dun tayo oh." sabi ni LG at umupo sa sofa.
"oh? Anong sasabihin mo?" sabi ni Rex sabay umupo na rin sa sofa.

"uh,, kasi.. ahm.." di pa nakakapag-salita si LG pero nagsalita naman si Rex.
"ano ba yun?"

"uh, rex kasi,,, mahal kita." di sila nagsalita parehas. Paglipas ng ilang minuto, nagsalita na si rex.
"sorry LG, mahal ko talaga si Hazel."
"ha? Uh, ok lang naman eh. Di naman talaga ko umaasang meron ka rin para sakin."
"sorry LG."

umalis na si Rex. Ilang linggong nakalipas, di na nagpaparamdam si Rex. Si Hazel, di na rin niya ma-contact. Pakiramdam niya guguho nang mundo niya, di na niya alam ang gagawin dahil bigla nalang nawala ang dalawa niyang kaibigan. Ilang buwan ang nakalipas, nabalitaan niyang bumalik na pala si Rex at Hazel na galing america. Dumalaw ang dalawa sa bahay ni LG. Si LG naman, nasa loob lang ng kwarto niya, dinaramdam parin ang pagkawala ng dalawang kaibigan. Kumatok si Rex at Hazel sa pinto ng kwarto ni LG. Di binubuksan ni LG ang pinto dahil ang akala niya, ate lang niya ang kumakatok. Hiningi ni Rex at Hazel sa ate ni LG ang susi ng kwarto nito. Nang buksan ni Rex at Hazel ang pinto, nadatnan nila si LG na umiiyak.

"ba't ka umiiyak?" tanong ni Hazel kay LG. Di sumagot si LG. May tampo parin siyang nararamdaman sa dalawa. Di man lang kasi nagpaalam ang dalawa at bigla nalang umalis. Nasasaktan parin siya sa ginawa ni Rex sa kanya. Kahit naiintindihan niyang mas mahal nito si Hazel, di parin maialis sa kanya ang masaktan sa ginawa ni Rex.

"LG, ikakasal na pala kami next week." sabi ni Rex. Hindi parin talaga sumasagot si LG.
"ok ka lang ba? Bakit di ka sumasagot sa mga tanong namin?" tanong ni Hazel.

"bakit kasi kayo umalis ng di nagpapaalam? Ano bang nangyari?" tanong ni LG.
"biglaan ang lahat. Bigla nalang sinabi ni mama na aalis na kami." sabi ni Hazel.

"kaya pala kahit tawag di niyo nagawa." sabi ni LG.
"sorry LG." sabi ni Rex. Umalis na rin si Rex at Hazel. Si LG, napaiyak nalang ulit. Di niya alam kung kaya pa niyang pumunta sa kasal ng dalawa. Lumipas ang isang linggo, araw na ng kasal ni Rex at Hazel. Si LG, parang wala talagang planong pumunta. Tinanong siya ng ate niya.
"di ka ba pupunta sa kasal ni Rex at Hazel?"
"hinde ate. Di ko kaya."

Lumabas ang ate ni LG sa kwarto nito. Nagmukmok lang si LG at di na rin pinansin ang cellphone na kanina pa ring ng ring dahil tumatawag si Hazel. Taon na ang lumipas, di parin naka-move on si LG. Pinagsisisihan niya ang pag-amin kay Rex. Dahil pakiramdam niya, yun ang dahilan kung bakit umalis ang dalawa. Binuksan ni LG ang facebook niyang matagal na niyang di natitingnan. Bumungad sa kanya ang litrato ni Rex at Hazel na magka-holding hands at naka-sandal si Hazel sa balikat ni Rex. Lalo ng nalungkot si LG. Gusto niya ring puntahan sila Rex at Hazel ngunit di niya alam ang mararamdaman niya sa oras na makita niya ang dalawa na ang sweet. Lumipas na ang ilang taon, di na niya talagang binisita ang dalawa. Di na niya nirereplyan ang mga text ng dalawa.

Masakit parin sa kanya kahit sobrang tagal na ng panahong lumipas. Pinagsisisihan niya ang pag-amin sa kaibigan. Lagi niyang naiisip kung ano kayang nangyayari ngayon kung di siya umamin. Masakit parin para sa kanya pero pinilit niyang kalimutan ang mga nangyari. Nag-asawa na rin siya at bumuo na ng sariling pamilya hanggang sa nagkita kita sila nina Rex at Hazel sa isang mall.

Nang makita nito ang dalawa, di niya alam ngunit parang may tumusok sa puso niya. Di nalang niya ito pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Namuhay naman sila ng mga anak niya at ng kanyang asawa ng maayos. Pero, may konting sakit parin siyang nararamdaman kada maalala niya ang dalawang kaibigan.


*THE END*

10K SPECIALS (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon