10K SPECIALS (©LBOS)

By LBOSAccount

2.2K 75 5

BABALA: Ang kwentong ito NAKAPALOOB sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar... More

entry 1
entry 2
entry 3
entry 4
entry 5
entry 6
entry 7
entry 8
entry 9
entry 10
entry 11
entry 12
entry 14
entry 15
entry 16
entry 17
entry 18
entry 19
entry 20
entry 21
entry 22

entry 13

62 4 0
By LBOSAccount

~ LBOS 10K ONE SHOT (13)~

BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ni MS. RUKIA.

TO WHOM I WAS BORN FOR?

by: rukia

"Joy, please... Pakinggan mo muna ako..." pigil ni Dondon sa papalayong kasintahan.

"Ano pa ba ang dapat kong pakinggan Dondon?" singhal ni Joy. "Malinaw na malinaw na niloko mo 'ko!"

"I'm sorry.." napapayukong sabi nito. "It was just for fun. Hindi ko akalaing magbubunga yun."

"It was just for fun?" ulit niya sa sinabi nito. "Anong akala mo sa mga babae? Laruan?"

Hindi makasagot si Dondon, basta lang ito nakayuko.

"At ngayon, ano pang iba mong sasabihin?" tanong niya dito.

"Ikaw ang mahal ko..." nagsusumamong sabi ni Dondon.

"Ako ang mahal mo? Ha! Kung talagal mahal mo 'ko, hindi ka na sana naghanap ng ibang babae!" nakakuyom ang palad na sabi ni Joy. Pigil ang mga luha sa pagbagsak.

"Please patawarin mo na ako... Kung mapapatawad mo lang ako, pakakasalan kita agad. Pangako."

Napabuntong-hininga si Joy. "Mapapatawad kita, pero kahit kailan, hinding-hindi ako pakakasal sa KATULAD MONG MANLOLOKO!!" yun lang iniwan na niya ito. Nagmamadali ang kanyang mga hakbang palayo dito habang nag-uunahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.

They'd been together for more than three years. At hindi lang yun, bago sila naging magkasintahan ay magbest-friend na sila mula pa nung elementary. Hindi niya aakalaing, mawawala lang ang lahat ng pinagsamahan nila dahil sa isang pagkakamali. Ang sakit isipin na ang taong minahal mo ng kay tagal, sa isang iglap lang ay bigla na lang mawawala.

May nabuntisan si Dondon. Kasamahan lang nito sa trabaho ang babaing yun. Ayun kay Dondon, matagal nang nagfi-flirt sa kanya ang babae, pero hindi niya pinapansin. At dahil sa udyok ng mga kabarkada, sa katagalan, pinatulan na rin niya ito. Ang sabi pa ni Dondon, isang beses lang daw ang nangyari sa kanila at agad na itong nabuntis. Duda pa nga si Dondon na baka hindi siya ang ama ng dinadala nito dahil likas na malandi raw ang babaing yun.

Pero kahit ganun pa man, sobrang sakit ang dulot niyon sa kanyang puso. Pakiramdam niya, hindi na niya kayang mabuhay pa.

Ang sitwasyon ay mas lalong lumala nang isang araw ay makasalubong niya si Normina. Ang nabuntisan ni Dondon.

"Hello dear, how are you?" bati nito sa kanya na parang nang-aasar.

"Well, I'm good. Ikaw?" balik tanong niya dito.

"Great! I feel great! Lalo pa at nalalapit na ang kasal namin ni Dondon!"

Parang piniga ang puso ni Joy sa narinig pero hindi siya nagpahalata. Mas magmumukha siyang kawawa kung ipapakita niyang naaapektuhan siya. Her face remain expressionless. 

"Oh! Ganun ba?" tumaas ang kilay na sabi niya. "Well, congratulations. I wish you all the best" aniya at akmang tatalikuran na niya ito.

"Wait." pigil nito sa braso niya. "Wag na wag ka nang magpapakita kay Dondon kung ayaw mong masaktan." banta nito sa kanya.

"Hinahamon mo ba ako?" nakikipagsukatan siya ng titig dito.

"Binabalaan lang kita." madiing sabi ni Normina.

"Kahit hindi mo pa ako sabihan ng ganyan, wala na rin akong planong makipag-kita sa kanya. He's all yours!" singhal niya dito at agad na lumayo.

Derecho ang kanyang mga hakbang sa malapit na simbahan at doon siya lumuhod habang umaagos ang masaganang luha. Taimtim siyang nanalangin. She ask God to help her find a way para makalimutan si Dondon. At para namang isang ilaw na nagbukas, agad niyang naisip ang kaibigang si Jennalyn.

Pagkagaling niya sa simbahan, agad na siyang dumerecho sa kinaroroonan ng kaibigan. Sa Kombento. Oo. Isang madre si Jennalyn at ito lang ang naiisip niyang makakatulong sa kanya.

Nagtaka si Jennalyn pagkakita sa kanya. Marahil nagtataka ito kung anong nagtulak sa kanya para pumunta doon.

Nagkumustahan muna sila habang kumakain ng meryenda na inihanda nito.

"Mabuti naman at naisipan mong dumalaw sa akin." nakangiting sabi ni Sr. Jennalyn.

"Ano kasi..." napayuko siya. "Gusto kong magmadre..." mahina niyang sabi.

Hindi agad sumagot si Sr.Jennalyn. Matagal siya nitong tinitigan na tila ba inaarok ang katotohanan.

"Ano ang rason at gusto mong pumasok sa pagka-madre?" tanong nito.

"I want to serve God..." mahina niyang sabi.

"You can serve God kahit nasa labas ka ng kombento."

"I want to dedicate my life to him.."

"Yan nga ba ang rason kung bakit gusto mong mag-madre?" tanong ni Sr.Jennalyn.

Marahan siyang tumango. Muli siyang tinitigan nito bago muling nagsalita.

"Kumusta na kayo ni Dondon?"

Nagulat si Joy sa tanong nito. Tila ba nabasa nito ang kanyang pinoproblema.

"Wala na kami."

"Kaya gusto mong madre?"

Hindi siya makasagot dahil yun naman talaga ang totoo.

"Joy, kung ang rason kaya ka papasok sa pagka-madre ay dahil nasawi ka, sasabihin ko sa'yo, hinding-hindi ka sasaya sa loob ng kombento. Wag mong gamitin ang pagmamadre just because you want to escape the reality. Face it. Kung nagkahiwalay man kayo ni Dondon maybe it's because he's not really meant for you. I know God has a better plan for you."

"I know. But maybe this is what He really wants me to do. I believe in The Calling."

"Nasasabi mo lang yan ngayon dahil nasasaktan ka."

"Buo na ang desisyon ko Sr. Jen, magmamadre ako."

Napabuntong-hininga si Sr.Jennalyn. It seems kahit ano pang sabihin niya, hindi na makikinig si Joy.

"Okay, kung talagang yan ang desisyon mo, sasabihin ko sa'yo ang mga dapat mong pagdaanan bago ka maging isang madre. First, meron tayong tinatawag na Search-In, kung saan titira ka sa loob ng convent for 1 week para mag-observe sa mga gawain ng isang madre. And after that, saka ka na magde-decide kung tutuloy ka ba sa pagmamadre. At kung magpapatuloy ka, babalik ka sa loob ng convent bilang apostulant. After a year nang pagiging apostulant saka ka pa magsusuot ng puting damit at tatawaging Sister." mahabang paliwanag ni Sr.Jennalyn.

Tumango si Joy bilang pagsasabing naiiintindihan niya ang sinasabi nito.

Pagkagaling niya sa kombento agad siyang umuwi sa kanilang bahay at ipinaliwanag sa mga magulang ang kanyang desisyon. Nabigla man ay hindi na tumutol ang mga ito.

Agad niyang inihanda ang mga damit na dadalhin sa kombento.

Pagkatapos ng isang linggo niyang pagsearch-in ay umiwi siya para ipaalam sa mga magulang na tuloy siya sa pagmamadre.

At bago pa siya bumalik sa kombento, ilang beses tinangka ni Dondon na kausapin siya pero hindi niya binigyan ng pagkakataon na makalapit ito sa kanya.

Sa ikaapat na buwan ni Joy sa kombento bilang apostulant ay nagkaroon siya ng hindi inaasahang bisita. Si NORMINA!

Ano kaya ang sadya nito sa kanya. Kahit sinasabi niyang napatawad na ito, hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng inis dito.

"Kumusta?" tanong nito sa kanya.

"Okay lang." nakangiti niyang sabi. "Ikaw?"

Hindi agad ito nakasagot tila nahihirapan itong sabihin kung ano ang sadya nito sa kanya.

"Joy, I'm sorry..." mahina nitong sabi.

"It's okay, napatawad na kita."

"Joy, I'm sorry I lied to you and to Dondon."

"A...Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi totoong si Dondon ang ama ng dinadala ko..."

Hindi agad nakasagot si Joy. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa sinabi nito.

"Alam na ni Dondon ang totoo. At hihilingin ko sa'yo, please puntahan mo siya. Kailangan ka niya." ani Normina habang nagsisimulang umagos ang luha.

Hindi agad siya nakasagot pero sa isip niya ay gusto niyang makita ulit si Dondon. Sa tulong ni Sr.Jennalyn, pinayagan si Joy na lumabas ng kombento so loob ng dalawang araw.

Hindi na halos makilala ni Joy si Dondon. Mahaba na ang buhok at bigote nito. At ang laki ng pinayat nito. Nang makita siya nito ay agad siyang niyakap nito.

It was like the old time. At aaminin niya there's still spark between them. Pero hindi na maari. She have dedicated her life to serve God. Kaya marahan niya itong tinulak.

Nagsusumamo ang mga mata ni Dondon na tumingin sa kanya.

"Please wag ka nang bumalik sa kombento..."

"I'm sorry Dondon, pero hindi na maari yang hiling mo."

"Please Joy, please..." pagsusumamo nito habang lumuluha.

Maging siya ay napapaluha na rin.

"I'm sorry Dondon, hindi ko na matatalikdan ang pagmamadre..."

"Paano na ako?.."

"You can find a better girl. Kalimutan mo na ako..."

"Hindi maari Joy, hindi ako makakapayag."

"We have to accept our fate." aniya at agad na tinalikuran si Dondon.

"Pwedi ka pang umatras Joy, alam mo yan.."

"Ewan ko! Naguguluhan ako!" ani Joy na napasapo pa sa noo.

"Hihintayin kita bukas Joy. Kung darating ka, ibig sabihin, ikaw ang nakatadhana sa akin pero kung hindi, hindi ko na rin alam kung ano ang gagwin ko sa sarili ko. Maghihintay ako bukas Joy mula umaga hanggang gabi, sa paborito nating tagpuan sa plaza." yun lang at binalikan na nito ang bote ng alak na hawak-hawak nito kanina at agad tumungga.

* * * * * * *

"I know you still love him." boses yun ni Sr.Jennalyn. Hindi niya namamalayang nakalapit na pala ito.

"I don't want God to get mad at me."

"He won't get mad at you. Remember, he created Eve para hindi na malungkot si Adam. And if you think, He created you para kay Dondon, then go for it. God wants you to be happy. Eh ano kung nandito ka nga dedicating your life to Him pero ang totoo, hindi ka naman masaya. Ayaw ni God ng ganyan." nakangiting paalala ni Sr.Jennalyn. "Pag-isipan mong mabuti kung para saan ka nga ba." anito at marahang tinapik ang kanyang balikat saka lumakad palayo. Naiwan si Joy na nag-iisip.

* * * * * * *

Mag-aalas sais na ng hapon pero wala pa rin si Joy sa kanilang tagpuan. Unti-unti nang nauubos ang pag-asa ni Dondon na darating pa ang dalaga. Madaling araw pa siyang naghihintay dun pero nagsisimula nang dumilim wala pa rin si Joy.

Pumatak ang kanyang mga luha. Marahil mas matimbang dito ang pagmamadre. Tumayo na siya at mabibigat ang mga hakbang na naglakad palayo dun. Naisipin niyang pumasok ng simbahan at doon taimtim na nagdasal. Kahit papaano gumaan ang kanyang pakiramdam sa isiping nasa mabuting mga kamay si Joy.

Pagkatapos niyang magdasal lumabas na siya sa simbahan at sa huling pagkakataon, tinanaw niya ang paborito nilang tagpuan ni Joy at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang isang pamilyar na itsura na nakaupo dun! Si JOY!

Agad na tinakbo ni Dondon ang kinaroroonan ni Joy. Di alintana ang maraming tao.

"Joy!" tawag niya dito. Mababakas ang tuwa sa mukha nito.

Agad na napalingon si Joy sa tumatawag at napangiti habang umaagos ang luha.

Agad siyang niyakap ni Dondon habang umiiyak. Nag-iyakan sila sa bisig ng isa't isa.

"Thank you Joy." natutuwang pahayag ni Dondon. "Thank you for choosing me."

Napangiti si Joy. "Ikaw ang pinili ko, kasi, sabi ni God, I was born for you. Kaya, dun ka kay God magpasalamat."

"Thank you God! And I promise, iingatan ko po tong magandang regalo niyo sa akin." ani Dondon na tumingala pa sa kalangitan.

WAKAS.....

-sana po nagustuhan niyo ang aking inihanda para sa 10K special...

Rukia

Continue Reading

You'll Also Like

560K 16K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...
391K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
174K 3.7K 16
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...