10K SPECIALS (©LBOS)

Por LBOSAccount

2.2K 75 5

BABALA: Ang kwentong ito NAKAPALOOB sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar... Mais

entry 1
entry 2
entry 4
entry 5
entry 6
entry 7
entry 8
entry 9
entry 10
entry 11
entry 12
entry 13
entry 14
entry 15
entry 16
entry 17
entry 18
entry 19
entry 20
entry 21
entry 22

entry 3

153 4 0
Por LBOSAccount

~ LBOS 10K ONE SHOT (3)~

BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ni MS. REIGNMARCH.

LOVE FROM A DISTANCE

by: reignmarch

Ang pagmamahal ng isang ina sa mga anak nito ay hindi maaaring mawala pero,paano ang pagmamahalang sinumpaan sa harap ng altar? Hanggang kailan mo makakayang tiisin ang hirap sa piling ng lalaking pinili mo,kung sa araw-araw nalang ay ganito ang makikita mo. Tunghayan po natin ang kwento ni Nadia,naway pakapupulutan po ng aral lalo na sa mga ama na naiwan sa tahanan.

"Bakit ito lang ang sahod mo? Kasya ba ito sa pang-araw-araw natin? Galit na wika ni Cris sa asawa, imbis na matuwa dahil inabot lahat ni Nadia dito ang isang buwang sahod na tinanggap mula sa pagtuturosa isang pampublikong paaralan,ay heto at nagalit pa.

"Cris,alam mo namang substitute lang ako,at isang linggo akong hindi nakapasok dahil nagkasakit ako".

"Lintik!na rason na iyan!hindi magkasya itong sahod mo tatlong anak na pakakainin mo".

"May kita ka naman mula sa paglalagari ng mga puno ah".

"Ahhh!hindi mo na maaasahan iyon,ipinambayad ko kay Pareng Titoy dahil nagkautang ako sa kanya noong natalo ako sa sugal".

"Eh bakit ba naman kasi inuuna mo pa ang sugal kaysa sa pamilya mo?

"Aba!at sinusumbatan mo na ako ngayon?hoy Nadia tumigil ka ha bago ka pa makatikim sa akin,makaalis na nga lintik na buhay to oo".mabilis pa sa alas kwatro na nawala si cris sa kanyang harapan dala ang perang binigay niya,tiyak nasa sugalan na naman ito.

Anim na taon na silang nagsasama pero tinitiis lamang ni Nadia ang ugali ng asawa dahil mahal niya ito,at may tatalong anak na sila sina Ram ang panganay na lalake,si Reign ang pangalawa at nag-iisang babae at si Renz ang bunsong lalake.

Isang substitute teacher lang siya kaya hindi kalakihan pa ang sahod,ngunit kinukuha ito ni Cris at iniwanan lang siya para sa pagkain,kung hindi naman niya bibigay ay mauwi lang sa saktan siya ng asawa, naiiyak na lamang si Nadia habang pinagmasdan ang tatlong anak na naglalaro sa labas ng kanilang bahay,may kaya ang pamilya ni Nadia,ngunit magmula nang mabuntis siya ay itinakwil siya ng kanyang mga magulang,ngunit ng maipanganak niya si Ram ay unti-unting lumambot din ang puso ng kanyang ina,pero dala sa hiya at alam niyang hindi pa tanggap ng kanyang mga magulang si cris ay nahihiya siyang lumapit sa mga ito.

Kinagabihan,ay magkasalo silang mag-iina sa hapunan,pritong tuyo ang kanilang hapunan.

"Nanay,si Tatay po?tanong ni Ram.

"Maya-maya ay darating na iyon anak,sige bilisan nyo na ang pagkain,para makatulog na kayo".

Sumunod naman ang tatlo.

"Nadia!

"Nanay,nandyan na si Tatay", wika ni Reign.

"Cris,halika at kumakain na kami ng mga anak mo,tinirhan ka namin ng tuyo".wika ni Nadia sa asawa. Lasing si Cris.

"Tuyo na naman ang ulam?kahapon tuyo rin!pese talagang buhay na to!

Nagulat na si Nadia nang biglang buhatin ni Cris ang mesa at itinulak,napatayo naman sina Ram at Reign samantalang agad na kinuha ni Nadia si Renz bago pa ito maipit ng mesa.

"Wala ka na bang iba ipakain sa akin ha Nadia kundi tuyo?

Napaiyak Nadia,ganun din ang nagulat na mga bata,nahulog sa sahig ang lahat ng pagkain.

"Ito lang ang makakayang bilhin ng perang itinira mo sa akin Cris".

"Ganun?bakit hindi ka mag-isip ng paraan para magkapera? Guro ka nga pero ang bobo mo", sinaklit nito sa braso si Nadia saka itinulak sa sahig.

"Tay,tama na po,maawa po kayo kay nanay", naiiyak na wika ni Ram sa ama anim na taon na ito.

"Huwag kang makialam gagong bata ka,hala umakyat kayo sa itaas at magtutuos kami ng nanay nyo! Sigaw ni Cris sa tatlong bata.

"Mga anak,umakyat na kayo sa kwarto,sige na",utos ni Nadia sa mga anak.

Inakay ni Ram ang dalawang kapatid paakyat sa itaas.

"Bigyan mo ako ng pera Nadia,kailangan kong bumalik sa sugalan".

"Wala na nga akong pera cris,nasa iyo na lahat".

"Lintek ka!bibigyan mo ba ako o hindi?nanlilisik ang mga mata ni cris at hinubad ang sinturon nito saka itinaas at nakahandang ihampas sa katawan ng asawa.

"Isa!

"Wala na nga akong pera". Naiiyak na wika ni Nadia. "Parang awa mo na cris,huwag mo na akong saktan".

"heto ang nababagay sayo babae ka! Hinampas ni Cris ang hawak na sinturon sa hita ni Nadia.

Napaigik sa sakit si Nadia.

"Ilabas mo na ang pera!

"Wala na nga!saan ako kukuha ng pera".

"magmamatigas ka talaga ha,heto pa! Muling hinampas ni Cris ang sinturon sa katawan ni Nadia,hanggang sa magsawa na ito at nagmumurang lumabas ng bahay.

Masakit ang katawan at luhaang bumangon si Nadia,narinig niyang umiiyak ang kanyang mga anak.

"Sinaktan ka na naman ng asawa mo? Tanong ni Cherry kay Nadia,hipag niya ito dahil asawa ng kanyang kuya.

"Naghahanap po ng pera ate,inubos na nga niya ang sayod ko".

"Hay naku Nadia bakit ba kasi binigay mo lahat,paano nalang kayo ng mga anak?

"Hindi ko na po kaya ate,ganito nalang palagi".

"May alam akong agency papuntang HongKong,baka gusto mong lumayo muna dyan sa asawa mo".

"Paano naman po ang mga anak ko Ate?ang liit pa nila para iwanan ko".

"Nadia,hindi pababayaan ni Cris iyang mga anak mo,mabuti na iyong malayo ka muna para atleast makapag-isip isip na rin iyan,malay mo kapag wala ka na dito magiging responsable na rin iyan".

Umalis si Nadia sa pagiging guro at pumunta ng HongKong,sa awa ng Diyos ay napunta siya sa mabait na amo.

Tuwing linggo ay tumatawag ito sa asawa at mga anak.

Nagiging mabuting ama nga si Cris,hindi na ito palaging umalis ng bahay,inaalagaan na nito ang kanilang anak, naging panatag si Nadia kahit namiss na niya ang kanyang mga anak,pero kailangan niyang kumayod para may maipadala sa pamilya

Ngunit ilang buwan lang ang nakaraan ay bumalik na naman ang dating cris.

"Ram!tama na ang laro magsaing ka na dun",utos ni Cris sa panganay,habang kasama nito ang mga kaibigan na umiinom sa labas ng bahay.

Sumunod naman ang walong-taong gulang na si Ram.

Ngunit wala itong makitang panggatong.

"Reign,halika nga at samahan mo muna akong maghanap ng panggatong",tawag nito sa kapatid. Kumuha sila ng mga tuyong kawayan mula sa katabing abandunadong bahay.

Oras nang hapunan at pinagsaluhan ng tatlong bata ang sinaing kanin ni Ram at isang pack ng noodles na niluto din ni Ram,dahil nasobrahan nito ng tubig kaya walang lasa.

"Heto lagyan nalang natin ng kunti asin",wika ni Ram sa mga kapatid.

"Kuya,hindi ba magagalit si Tatay kapag ito lang ang ulam niya mamaya?

"Tulog na iyon Reign,baka bukas na iyon kakain,sige na tapusin nyo na iyan,para makatulog na tayo,mamaya wala ng gas itong ilaw natin".

Pinagtulungan ng magkapatid na linisin ang kanilang pinagkainan,si Ram ang umigib ng tubig samantalang si Reign ang naghuhugas,hindi pa sila tapos nang magising ang kanilang ama.

"Matulog na kayo at ako ay aalis muna".

"Tay,sino po ang makakasama namin dito?

"Babalik din ako kaagad",wika nito at nagmamadaling umalis.

Matapos magligpit ay isinara ni Ram ang pintuan ng kanilang bahay,isang malapad lng iyon na flywood at nilagyan lang ng upuan para hindi matumba.

Pinatulog ni Ram ang kapatid,samantalang hinintay ang pagdating ng ama. Maghating gabi na nang magising si reign dahil sa kakaibang ingay na narinig,kinalabit niya ang kanyang kuya Ram.

"Kuya,narinig mo iyon? Mahinang tanong niya sa kuya.

"Ssssh huwag kang maingay Reign",saway ni Ram sa kapatid,madilim sa loob ng kanilang kwarto pero maaninag niya ang dalawang kapatid,mahimbing na natutulog si Renz. Hinawakang mabuti ni Ram ang buntot ng page na katabi parati sa pagtulog,mahaba iyon at matulis pa ang mga tinik.

Sige pa rin ang kakaibang ingay na narinig nila.

"Kuya,aswang na po iyan", takot na sumiksik si Reign sa tabi ng kuya,sabay hablot kay Renz. "Saan na ba si Tatay?

"Hindi pa umuwi si Tatay",bulong ni Ram.

Maya-maya lang ay parang may ingay na parang bumagsak sa kanilang bubong.

"Kuya,nandito na".

"Sssh huwag kang matakot,hindi tayo kakantihin niyan,takot lang niyan sa hawak kong to".tumayo si Ram.

"Kuya,saan ka pupunta?

"Dyan ka lang,bantayan mo si Renz.

Bitbit ni Ram ang flashlight at buntot ng pagi ay lumabas ito ng kwarto. At saka malakas na ihihampas sa hangin ang buntot na pagi,tulad ng bilin ng kanyang ina,inihampas niya ito at gumawa ng ingay.

Ilang sandali lang ay narinig nila ang tila lumipad na malaking ibon.

Pinatulog ni Rama ang kapatid,mag-uumaga na nang dumating ang kanilang ama.

Lingid iyon sa kaalaman ni Nadia, akala nito ay nagbago na ng tuluyan ang asawa dahil kapag magkausap sila ay puro magaganda ang naririnig niya dito.

Samantalang papasok ng skwela ang mga bata.

"Reign,hali na kayo,sabay na tayong papasok", mula sa kalsada ay tawag ni Jennylyn classmate ni Reign sa grade I. Pumasok ito at naabutang kumakain pa silang magkapatid.

"Anong ulam nyo?takang tanong ng bata dahil wala namang nakikitang ulam sa plato nila,puro kanin lang.

"Eto kanin na nilagyan ni Kuya Ram ng mainit na sabaw at saka asin", sagot naman ni Reign.

"Pwede ba yun?di ba sa abroad naman ang nanay nyo bakit wala kayong ulam?dapat nga marami na ang pera nyo".

Napatingin si Reign sa kuya.

"Huwag kang maingay Jenny baka marinig ka ni Tatay,nandyan lang siya sa itaas at natutulog.

Tumahimik naman ang bata.

Minsan naman makaulam din sila kung sisipagin si Cris magising sa umaga pero kung hindi Sardinas,pritong tuyo o di kaya ay noodles na may maraming sabaw.

Hindi naman naghahanap ng masarap na pagkain ang mga bata dahil takot din ito na mapagalitan ng ama.

Tanghaliang tapat ay napadaan ang ina ni Nadia sa bahay nila,nagtataka ito dahil umusok ang kusina.

"Ram,kumain na ba kayo?tanong nito ng makitang nasa kusina ang apo.

"Hindi pa po Lola,nagsasaing pa lang po ako",sagot ng bata.

"Ano?at anong oras na ngayon?nagsibalikan na ang mga kaklase nyo sa school,nasaan ang mga kapatid mo?

Napatingin si Maria Luz sa parating na dalawang bata at pinagtutulungan ang isang timba ng tubig.

"Por diyos por santo!nasaan ang magaling nyong ama?agad umusbong ang galit ni Maria Luz para sa manugang.

"Hindi pa po dumarating Lola,kahapon pa po umalis".

"Anong kahapon?

"Opo lola,kami lang po dito kahapon pa,ang sabi ni Tatay,pupunta daw ng city para kunin ang pinadalang package ni Nanay",paliwanag ni Ram.

"Oh siya doon na kayo sa bahay kumain,para hindi na kayo malate sa skwela".

Mahigit isang linggo na nawala si Cris,pagbalik nito at dala nga niya ang isang malaking box na may lamang gamit para sa mga anak na galing kay Nadia.

Masayang-masaya ang mga bata dahil sa mga bagong damit,sapatos,laruan at mga school supplies.

Ngunit sinumbatan ni Maria Luz ang manugang.

"Ano itong pinagagawa mo sa pamilya mo Cris?naatim mong iwanan dito ang tatlong bata?

"Nay,may emergency lang po kaya hindi ako nakauwi kaagad,at saka alam kong nandito naman kayo at hindi nyo pababayaan itong mga apo nyo".

"Ah ganun!hanggang ngayon irerponsable ka pa rin,sa susunod hinding-hindi ko aalagaan iyang mga anak mo".

"Eh hindi kung hindi ang dami nyo pang satsat dyan!

"Bastos ka talagang lalake ka!ewan ko ba kung ano ang nakita ng anak ko sayo", nanggigil na wika ni Maria Luz sabay alis.

"Tay,bakit po dito sa lista ni Nanay 6 na piraso itong shorts,bakit 4 nalang po? Tapos kulang din po ang mga towalya at sabon,pati chocolates po", wika ni Ram sa ama habang hawak-hawak ang lista na ginawa ni Nadia.

"Ah anak,baka kinuha iyan ng custom alam mo naman ang gobyerno dito kurakot".

Isang kibit balikat lang ang naging tugon ng bata.

Linggo at schedule na naman ng pagtawag ni Nadia sa pinas, kausap nito si Cris.

"Oh kamusta ang mga bata? Nagustuhan ba nila ang pinadala ko?

"Mabuti naman sila,oo tuwang-tuwa nga sila,at saka Nadia,kailan ka magpapadala ng pera para sa pagpapatayo ng bahay natin?

"Sa susunod na buwan siguro Cris,basta sundin mo kung ano ang sa plano ko ha,at saka ang mga bata huwag mong pababayaan".

"Huwag kang mag-alala Nadia, matataba sila dahil palagi kong nilulutuan ng masarap na pagkain".

Paniwalang-paniwala naman si Nadia sa sinasabi ng asawa.

"Kuya,kailang kaya uli tayo makakain ng adobong baboy? Kasi araw araw nalang sardinas,o di kaya tuyo,kung hindi pa tayo bibigyan ni lola ng ulam saka lang tayo makakain ng hindi tuyo o sardinas",wika ni Reign.

"oo nga kuya,sabihin mo kaya kay Tatay na bilhan naman tayo ng masarap na ulam",singit din ni Renz.

"Hayaan nyo na mga kapatid ko,baka pagdumating ang pera ni Nanay ay bibilhan din tayo ni Tatay, iyong ang palaging inaasahan ng magkapatid, ngunit hanggang asa lang iyon.

Isang araw ay nagluto nga si Cris ng adobong baboy,ngunit nagulat ang magkapatid dahil dumating ang mga barkada nito at may kasama pang mga babae, pinulutan nila ang niluto ni cris.

Binigyan nga sila pero tag dalawang maliliit na hiwa.

"Hayan nakakain na rin tayo sa wakas", tuwang tuwa na sabi ni Renz.

Hanggang umaga na nagkakasiyahan ang mga bisita ng ama nila.

Kinabukasan ay inutusan ni Cris si Reign at Renz na bantayan an pinabiling ulam sa tricycle driver dahil matutulog ito.

"reign! Renz! Nasaan kayo! Malakas na sigaw ni cris.

Napatigil naman sina reign at renz sa paglalaro ng tansan dahil sa galit na boses ng ama, hintatakot na lumapit sila.

"Tay,bakit po?

"Di ba ang sabi ko sa inyo hintayin nyo ang pinabili kong pagkain,saan kayo galing! Hala akyat! Pinaakyat sila ng ama sa kwarto saka pinagpalo ng nakitang kawayan sa may pinto.

"Sinabi ko nang matutulog ako,hindi nyo pa binantayan!ito ang nababagay sa inyo!

"Tay huwag po,masakit na po! Naiiyak na sigaw ni reign sa ama sabay taas ng kamay para pigilan ito sa pagpalo sa kanya pero walang nagawa ang bata nahagip pa pati kamay niya ng kawayan. Napaupo sa sakit si reign,ganun din si Renz na kasunod ding pinalo ng ama. Wasak ang kawayan matapos itong magsawa sa dalawang katawan ng bata.

"iyan at magtanda na kayong dalawa,sa susunod kung ano ang sinabi ko sundin nyo!

Patuloy lang sa pag-iyak ang dalawang bata, samantalang kadarating rin lang ni Ram galing sa paglalaro.

"At ikaw namang gago ka saan ka galing?hindi ka pa nakasaing!

"Maaga pa naman po Tay",wika ni Ram.

"Ah ganun!@halika nga nga gago ka,ikaw ang pinakamatanda sa inyo ikaw pa itong walang utak! Hinablot ni Cris ang anak saka ibinitin ng patiwarik mula sa kahoy na nasa mababang parti ng bubong.

"Tay,huwag po maawa po kayo Tay!

"Mga wala kayong kwentang mga anak! Hayan at magtino na kayong tatlo!

Umiiyak na tiningnan nina Reign at renz ang kuya na nakabitin.

"Tay,ibaba nyo na po si Kuya,maawa na po kayo sa kanya".

"Tumigil ka dyan,baka ikaw ang ibitin ko dyan mamaya!

Napatuwid si Reign.

"Ano bang---".

Napatingin sa pinto ang mga bata saka sabay takbo kay Cherry.

"ano ka ba naman cris,ibaba mo si Ram!sigaw ni Ckerry sa bilas.

"Huwag kang makialam dito ate,dinisiplina ko lang sila".

"Hindi namang pagdisiplina iyan sa mga bata,pag malaman ito ni Nadia".

"Bakit ate sasabihin nyo ba kay Nadia?sige sabihin nyo tingnan natin kong hindi ito uuwi dito.para sama-sama sila ng kanyang mga anak sa paghihirap dito".

"Baliw ka na talaga Cris,naghihirap din ang asawa mo sa abroad para may maipadala dito sa inyo,pero ano itong pinagagawa mo?

"Wala kang pakialam ate cherry dahil pamilya ko ito,kaya pwede ba umalis ka na".

"Ibaba mo na si Ram,anak mo iyan hindi iyan hayop".

"tay,ibaba nyo na po ako parang awa nyo n po", naiiyak na nagmamakaawa si Ram.

Agad na yumakap si Ram sa tiyahin nang makababa.

"Siguro naman magsitanda na kayo!

Walang patid ang iyak ng tatlo kahit umalis na ang ama.

"Sana po nandito na po si Nanay",wika ni Renz.

"Sssssh tumigil na kayo,lasing pa ang tatay nyo,oh ano kumain na ba kayo?

Sabay na umiling ang tatlo.

Naawa talaga si Cherry sa mga pamangkin,kaya parati niyang tinitingnan ang mga ito.

Nagpadala si Nadia ng pera para pambili ng mga materyales para sa pagpatayo ng kanilang bahay,ngunit hanggang toilet lang ang napuntahan at wala pang bubong.

Nalaman din nina cherry na may babae si Criz kaya naging madalang na ang pag-uwi nito sa mga anak,kaya nang tumawag si Nadia ay sinabi na nila ang totoo.

"Ate,huwag naman kayong magbiro ng ganyan,matinong tao na po si Cris".

"Nadia,ang mga anak mo mismo ang may alam kung saan napunta ang pinapadala mo,naniniwala ka sa sinungaling mong asawa".

Napaiyak si Nadia lalo na nang makausap si Ram at nagsumbong ang bata.

Parang pinunit ang kanyang puso,sa ginawa ni Cris,ngayon pang malaking halaga ang pinadala niya dito.

"Ate,gusto ko nang tumalon na lamang sa bintana ng bahay na ito,labis labis na itong paghihirap ko".

"Makinig ka Nadia,tigilan mo iyang masamang iniisip mo,ang isipin mo ay ang tatlo mong anak".

"Pero Ate mahal ko si Cris,hindi ko makakayang makikitang may iba na siya",humahagulgol si Nadia sa kabilang linya.

"Walang kwenta ang lalakeng iyon Nadia,mag-isip ka,kung may masamang mangyari sa iyo dyan,anong buhay ang naghihintay dito sa mga anak mo? Nanaisin mo bang mawala ka ng tuluyan sa kanila? Ngkaroon na nga sila ng iresponsableng ama,pati pa ba ikaw ay iiwan din sila?

Humigpit ang paghawak ni Nadia sa telepono,lalo na at narinig niyang umiiyak si reign sa tabi ng hipag,bakit siya pa? Bakit?

"Nadia,parang awa mo na,isipin mo ang iyong mga anak!

Pinahid ni Nadia ang mga luha sa kanyang mga mata.

Nagkagulo sa bahay nina cris nang dumating si Cherry,dahil sinugod ng kapatid ni Nadia si Cris,nang malaman ng mga ito ang panlulukong ginawa ni cris sa asawa.

"Walanghiya ka cris,ito pa ang ipapakita mo sa amin?matapos mong kunin si Nadia at pahirapan sa iyong piling?dapat ka lang mamatay! Hinabol ni Greg si Cris ng balisong, naghiyiwan naman ang mga tao sa takot dahil mukhang maabutan nito si Cris,ngunit dumating ang ilang brgy opisyal at inawat sila.

Kinabukasan ay bumalik si Cris at kinuha ang mga anak, ngunit nakatakbo na si Reign sa bahay ng lola nito,natatakot ito sa ama.

Tanging sina Ram at Renz lang ang nadala ni Cris,dinala niya ito sa bahay ng kireda na kasalukuyang buntis na.

Binalikan ni Cris si Reign sa school nito kinabukasan ngunit nang makita ni Reign ang ama ay agad itong tumakbo pauwi sa bahay ng lola.

"Lola,parang awa nyo na huwag nyo po akong ibigay kay Tatay", naiiyak na pagsusumamo ng bata.

"Hindi ka niya makukuha reign".

"Pero sina Kuya Ram po at Renz ay sumunod po kay Tatay".

"Huwag kang mag-alala Reign hindi niya pababayaan ang iyong mga kapatid".

Si Nadia ang labis na nasaktan sa mga nangyayari,gusto niyang umuwi para makuha ang mga anak pero may kontrata siyang dapat tapusin.

Nagpapadala pa rin siya ng suporta para sa dalawang anak sa kapatid ni Cris.

Umuwi si Nadia matapos ang kontrata nito at tuluyan nang nakipaghiwalay kay Cris,at ipinaglaban ang kustudiya para sa dalawang anak na ginawang katulong ng kerida nito.

Hindi man naging madali ang lahat para kay Nadia,pero nagawa rin niyang itaguyod ang tatlong anak kahit nasa malayo pa rin siya.

Makalipas ang 15 years ay namatay si Cris sa sakit sa baga,sa loob ng mahabang panahon na iyon ay hindi na muling nagkrus ang landas nila ng dating asawa,pero dahil ito ang ama ng mga anak niya at unang lalakeng minahal niya ay nagawang umuwi si Nadia,para masilayan lang man ang mukha ni Cris kahit sa huling hantungan.

"Matagal na kitang pinatawad Cris",usal ni Nadia.

The End

Author's note:

I thought I was not able to write this one but eventually as I started memories of my childhood appears. Those are the gloomy side of our lives which I want to share,sometimes life really unfair but its not the reason to surrender,like Nadia,hindi man naging maganda ang naging buhay niya sa piling ng asawa but she could still manage to move on,lahat po tayo ay may kanya-kanyang krus na pinapasan,pero lahat ng problema ay malalampasan manalig lang po sa Maykapal hindi niya tayo pababayaan.

Happy 10K po LBOS Family!

Continuar a ler

Também vai Gostar

15M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
11.8M 283K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
8.6M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
534K 27.7K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...