Silently In Love (Completed)

By kevayDREAMER

328K 5.7K 798

This story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inl... More

Silently In Love
Chapter 1: Best Friends
Chapter 2: ang sakit. Sobra </3
Chapter 3: since then
Chapter 4: IceCream
Chapter 5: Torpe at Manhid
Chapter 6: Miss Him
Chapter 7: Ghost??
Chapter 8: lub.dub.lub.dub
Chapter 9: Destiny
Chapter 9.5 : Kismet
Chapter 10: Hindi na sana umasa
Chapter 11: beside him
Chapter12: Knight
Chapter 13 Cupid </3
Chapter 14: Weird
Chapter 15: If I cry a thousand tears
Chapter 16: aylabshoochu
Chapter 17: Just a kiss
Chapter17: Just a kiss:baby (PART TWO)
Chapter 18: Under the moonlight
Chapter 19: Inexplicable Feelings
Chapter 20: Last Question
Chapter 21: Give UP?
Chapter 22: Future GIRLFRIEND
Chapter 23: Curiosity Kills
Chapter 24: Okay lang ako
Chapter 25: One thing
Chapter 26: Bahala ka!
Chapter 27: Tired
Chapter 28: Hindi kita iiwan
Chapter 29: Princess and Knight
Chapter 30: His Ex
Chapter 30.5 His Reason
Chapter 31: So close
Chapter 32: Leaving
Chapter 33: Always be yours
Chapter 34: Knight?
Chapter 34.5: Step Yes/No!
Chapter 35: Misunderstood
Chapter 36: don't worry
Chapter 37: Pain
Chapter 38: Christmas Ball
Chapter 39: I'll never go
Chapter 40: Like a Skyscraper
Chapter 41: December 16
Chapter 42: The Prince and the Knight
Chapter 44: The Princess and the Knight
Chapter 45: You got me
PART2 SIL Chapter 46: Beginning
Chapter 47: Practice Game
Chapter 48: Student Teacher
Chapter 49: ST-Ashley
Chapter 50: I'm his GIRL
Chapter 51: GAME
Chapter 52: Fieldtrip
Chapter 53: Not a big deal
Chapter 54: Love Bite
Chapter 55: You and Him
Chapter 56: Their Secrets
Chapter 57: With him
Chapter 57.5 First
Chapter 58: Go back
Chapter 59: I exist
Chapter 60: He's back
Chapter 61: Video
Chapter 62: Pygmalion and Galatea
Chapter 63: Love me?
Chapter 64: Memories in the past
Chapter 65: Forever and always
Chapter 66: Heartache
Chapter 67: Please me
Chapter 68: Waiting
Chapter 69: Mine again
Chapter 70: Clingy
Chapter 71: Prom Night
Chapter 72: His Girl
Chapter 73: For real?
Chapter 74: Double Date
Chapter 75: Player
Chapter 76: Gift
Chapter 77: Dream
Chapter 78: Perfect
Chapter 79: Remember
Chapter 80: Task
Chapter 81: Decision
Chapter 82: Plan
Chapter 82: Again
Chapter 83: Do you love me?
Chapter 84: Still
Chapter 85: Three
Chapter 86: Say GoodNight
Chapter 87: Be your everything
Chapter 88: Say something
Chapter 89: End

Chapter 43: The Prince and the Princess

3K 51 9
By kevayDREAMER

Oh my! Ang habaaaaaaaaaaaa. Hindi ko na macut dahil may sinusundan po akong chapters. Dami kasing singit na chapters.. puro si Vince. -.- Ayan tuloy. Haha. Kaya minsan namamali ako ng paglalagay ng chapters. Akala ko 40 palang 43 na pala. 0__0 :”>>

k.k. just read.vote.comment.follow. :”>

thank yah :**

Dedicated to her miNxGed :”>>

****

"sandali! Wag ka ngang tumakbo!"

"ano ba nilalaro natin?"

"habulan--ee. Hindi kita mahabol! Hinihingal na ako"

"ang taba mo kasi. Ahaha"

"hindi ako mataba!"

she sat on the ground and started crying. Napahinto sa pagtakbo yung batang lalaki at agad nilapitan sya. He seems so worried.

"Uy, joke lang. Wag ka ng umiyak"

She looked at him still crying.

"babagalan ko nalang takbo ko. Tahan na"

she smiled at agad nyang tinulak yung batang nasa harap nya.

"Taya! Bleh!"

she playfully smile and run away from him.

"Ashley..."

"Ash..."

pati sa panaginip naririnig ko yung boses ni Daniel na tinatawag yung pangalan ko. Pati yung way ng pagtusok nya sa pisngi ko, nafifeel ko.

"hmmm.."

"Ashley, gising na"

panaginip parin ba ito? Imposible namang andito sya para lang gisingin ako.

Psh. Pati sa panaginip ko nanggigising. Aish.

"Ang tagal mo naman magising Ash.. Naiinip na ako. Pakiss nalang muna ah?"

bigla akong napamulat sa narinig ko. Sht!  Bakit sya nandito?! Napabalikwas ako ng bangon.

"Anong ginagawa mo dito?!"

tinakpan ko ng unan yung mukha ko. Shiz!  Kanina pa ba sya dito?! Hindi naman tulo-laway ako diba? Nakanganga ba ako kanina? Hindi naman ako naghihilik. Ano ba itsura ko ngayon?!  NAKAKAHIYA!!

"Merry Christmas Ashley! Wag mo ngang takpan mukha mo."

"iih. Ayaw. Nahihiya ako!"

"nice. Bago yun ah. Ahaha. Wala ka naman dapat ikahiya. Saka ilang beses nakitang nakita na bagong gising.. Even when you’re vomiting. Haha"   sht. Ipaalala ba naman daw yun?! hinila nya bigla yung unang hawak ko. 

"See? You're beautiful"

parang gusto ko itakip ulit yung unan sa mukha! Shocks!!! Nagblablush ako!

"b-bakit ka ba kasi nandito?!"

pag-iwas ko sa sinabi nya. Naman kasi! Kinikilig ako. Kung makatitig pa kasi, nakakalaglag puso.

Ay! O.A lang!?

"May pupuntahan tayo, nagpaalam na ako kila Tito"

napatingin naman ako sa alarm clock ko. 9:23am

"ang aga pa. Tinatamad pa ako. Alam mo bang napuyat kami. 3am na yata ako nakatulog"

muli akong humiga at niyakap unan ko.

Hayst. Inaantok pa ako.

"dali na. May ibibigay ako sayo para hindi ka na tamarin."

"hindi yan effective.. Tulog kelangan ko."

pinikit ko na yung mga mata ko. Gusto ko pa talagang matulog ngayon. Kahit mga 1hr pa.

"aw. Sayang naman pala. Ang hirap pa naman hanapin nito."

hindi ko sya pinansin. Nanatiling nakapikit yung mga mata ko.

"hmmm. Ang sarap yakapin nitong baboy.. Parang ikaw lang Ash"

psh.double meaning ba yun? Masarap akong yakapin o para akong baboy?

Tinignan ko sya. Nakayakap sya sa malaking pink na stuffed toy.

"omg!!Piglet!!!!"

napabangon ako bigla at walang pasabing kinuha yung stuffed toy. Ang laki nya. Grabeh! Parang kaheight nya yung mga 7yrsold na bata. Waaaaahh! Hindi common yung ganito. Mahirap na kasi talaga maghanap ng ganito kalaking Piglet. Pwede pa kung si Pooh.

"Akin nalang toh ah?"

"sayo talaga yan."

“Yeheyy! Thank you! thank you!”

parang nabuhayan talaga ako dito. Yinakap yakap ko ng mahigpit si Piglet. Ang lambot! Ang laki pa! Sarap-sarap nyang yakapin. Halos magpagulong ako sa kama habang yakap yakap yung stuffed toy.

"sana yung nagbigay may yakap din na ganyan."

pabulong-bulong pa sya, naririnig ko din naman. Ayan oh, nakapout na naman sya. Ahaha. Dinedma ko lang yung sinabi nya. Hinigpitan ko pa lalo yung yakap ko kay Piglet.

Hmmm... Ang bango nya. Kaamoy nya si Daniel kaya masarap talaga syang yakapin.

"ano kayang name mo?"

ano kayang bagay sayo? Hindi ka na piglet eh. Baboy ka na. mwahaha.

"dey-dey"

napatingin naman ako kay Daniel.

"bakit dey-dey?"

"Para short for Daniel"

"Psh. Ang korni.. Panget"

I rolled my eyes and niyakap yakap ulit si Dey dey. Yah! Ang kyut talaga!

Oo na! Defense mechanism ko lang yun. Bakit ba?! Gusto ko syang inaaway eh. Mean! Mwahaha.

"tss. Sino ba nagbigay?"

"k. Fine. Dey-dey!"

pinisil ko yung pisngi nung stuffed toy at hinalik-halikan. Waaah! Natutuwa talaga ako! Super love ko yung gift nya.

Parang nagniningning yung mga mata ko ngayon sa sobrang tuwa.

"binabawi ko na pala yung regalo"

bigla nyang hinila sa akin si deydey.

Omo! (omg!) No way!

binigay na nya bakit kelangan pa nyang bawiin ngayon?!

"HEY! Pumayag na nga akong Dey-dey yung name. Akin na nga yan!"

pilit kong inaaagaw sakanya si Deydey kaso ang lakas nya sa akin. Hindi ko man lang mahila.Huhu.

"Ayoko. Magiging kaagaw ko pa sya sayo!"

napahinto ako at tinignan sya. Seryoso syang nakatingin sa akin.

Pffft. What does he mean? Na nagseselos sya sa isang stuffed toy?

"Pinagseselosan mo si deydey?"

pilit kong pinipigilan yung tawa ko. Ahahaha. Seriously? Pagselosan daw ba?

"sana nga naging stuffed toy nalang ako"

Sinimangutan nya ako. Mehehehehe. Seryoso nga sya! Wag kang magulo Ashley, may nagseselos. Mwahahaha.

"ibigay mo na sakin yan, please...."

nagpuppy eyes pa ako. Oh please, umeffective ka. Lumapit pa ako sakanya at ginaya yung style nya--Pouty lips.

Nakita kong biglang nagbago expression ng mukha. Tinignan pa nya ako ng maigi. Ako naman todo pigil sa tawa makuha lang ulit si deydey.

"hayst. Oh, ayan na! Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko binili yan!"

Nakasimangot nyang binigay sakin yung stuffed toy at saka humiga sa kama ko. Hindi naman totally nakahiga, nakasayad parin kasi sa sahig yung paa nya. 

Galit nga yata talaga...

Pinikit nya yung mata nya at pinatong yung kamay sa may noo nya.

Pumunta ako sa may cabinet habang bitbit si deydey. Yah! Ang bigat! Laki laki naman kasi ng biik na toh.! Sobrang kyuuut.

Kinuha ko yung gift ko para sakanya at inupo sa tabi nya si deydey.

Umupo narin ako at inilagay sa kamay ng stuffed toy yung gift ko sakanya.

"uy, gift namin ni deydey sayo"

tumingin naman sya sa akin. Ngumiti ako at pinatong ko yung gift sa may dibdib nya.

"buksan mo na. Dali!"

bumangon sya at kinuha yung gift. Tumingin pa sya na parang nag-aalangang buksan.

"Go na! Gusto kong makita reaction mo"

binuksan na nga nya yung gift pero parang wala naman syang reaction nung makita yung laman.

Maganda naman ah. Nike kaya yan. Nahirapan pa ako sa pagpili ng ireregalo sakanya, tapos ganyan lang reaksiyon nya.

"hindi mo gusto?"

malungkot kong tanong. Naiiyak na nga ako kasi first time ko syang reregaluhan tapos ganyan reaksyon nya.

Tumayo sya. Sinuot nya yung sumbrerong regalo ko at nagpapogi pa sa harap ng salamin. Humawak pa sya sa chin nya at tinignan ako.

"ang pogi ko ba?"

nakangiti nyang tanong. Yung tipong Mr.Pogi ang peg. But seriously, ang pogi nga nya lalo. Tama lang pala yung binili ko, bagay sakanya.

"deydey, sana naging cap nalang sya nuh?"

Imbis na sagutin sya, kinausap ko nalang yung stuffed toy. Napa-PSH sya at lumapit sa akin. Sabay halik sa pisngi ko.

"Thank you! Alam na alam mo ang gusto ko"

nakatingin lang ako sakanya. Nakakagulat naman kasi yung ginawa nya. Pinapabilis lagi yung tibok ng puso ko.

"n-napipilitan ka lang e. W-wala ka ngang reaction kanina." nauutal ko pangsabi. Shiz. Yung mata na naman nya kasi, naiilang ako sa pagtitig nya.

"ahaha. Jinojoke lang kita kanina. Hindi ko kasi ineexpect na may gift ka sakin...Ang ganda kaya nito. Marunong kang pumili ah."

napangiti ako sa sinabi nya. Yiiiee. Natutuwa ako kasi nagustuhan nya.

"che! Akala ko ba may pupuntahan tayo.? Labas ka na nga."

tumayo na ako at inayos yung kama ko. Itinabi ko narin si deydey kasama nung piglet ko.

"Ashley, namiss kita. Hindi mo ba ako namiss?"

naramdaman ko yung pagpulupot na naman ng kamay nya sa tiyan ko. Urgh. Nakikiliti ako. Hindi ba nya alam na kinikilig tyan ko kapag nakabackhug sya sakin? Myghaasss!

"OA! 2days lang tayo hindi nagkita. Alisin mo nga yan."

"yun nga, 2days palang namimiss na kita pano pa kaya kapag 1week na?"

hinigpitan pa nya lalo yakap sakin. Nakikiliti ako. Para kasing inaamoy nya yung buhok ko. Aish! Ano bang amoy ko? Hindi pa ako nakakaligo. Nakakahiya!!!

"Layo ka nga! Naiilang ako sayo! Hindi pa ako naliligo!"

kinurot ko yung kamay nya kaya nakaalis ako sa pagkakayakap nya. Humarap ako, na sana hindi ko pala ginawa. Ay naman oh! Muli nya akong niyakap at ang lapit ng mukha nya sa akin.

"ang bango mo nga, amoy baby ka parin kahit hindi ka pa naliligo"

inamoy nya ako mula balikat hanggang leeg. Bigla naman akong natense. Myghaad! Yung hininga nya ang init! Ramdam na ramdam ko!

Lub.dub.lub.dub.

Ayan na talaga yung puso ko, malapit ng malaglag!!!!

"sus. Amoy baby daw, alis nga! Hindi pa pala ako nagtutoothbrush. Tabi!"

tinakpan ko ng kamay yung bibig ko habang nagsasalita. Naman! Daldal ako ng daldal kanina pa, hindi pa pala ako nagtutoothbrush! Medyobaboy lang?!

"Amoy baby ka nga talaga..parang bagong ligo lang. Saka hindi ka naman bad breath ah."

"kahit na! Alis! Naiilang ako."

"sus. Hinahalikan pa nga kita kahit lasang alak, kahit nung bagong toothbrush pa."

nanlaki naman mata ko nung sinabi nya yun. Sabihin daw ba yun?! Lalo tuloy akong nahiya at pulang-pula na yung mukha ko ngayon.!

"Shut up! Don't mention it again!"

"what? That I kissed you twice on your lips--"

tinulak ko yung mukha nya palayo sakin. Aish! Aish! Aish! Tawa pa ng tawa! Kainis!!!!!!

"ahaha. Ano kayang lasa ng bagong gising?"

Urgh! I covered my face. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko. Asar!

Shiz! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis mga pinagsasabi nya!

"galit na ako sayo! Kapag hindi ka pa tumigil hindi na ako sasama sayo!"

"joke lang! Hindi na kita aasarin".

Inalis nya yung kamay na nakatakip sa mukha ko. Nakangiti lang sya at hindi parin binibitawan yung mga kamay ko.

"ang kyut mo. Kakulay na ng mukha mo si deydey"

"che! Manahimik ka na nga Daniel! Isa pa! Hindi na talaga kita papansinin kahit kelan!"

"ahaha. Natutuwa lang ako kapag nagblablush ka."

"iih! Alis na nga! Maliligo na ako! Chupi na!"

tinulak-tulak ko sya palabas ng kwarto ko. Nakakainis kasi talaga! Trip na trip nyang asarin ako.

"Sandali Ash.."

pinigilan pa nya yung pagsarado ng pinto. 

"ano na naman!?"

inis kong tanong magkasalubong na yung kilay ko  pero siya nakangiti parin sya akin.

"pakiss...ahaha"

"urgh! Hate you!"

sinarado ko na yung pinto! GRRR! Napahawak ako sa pisngi ko at ang init-init na nya. Idagdag pa yung ngiti kong abot tenga. Maygas!

***

"hoy ikaw! Dito lang pala tayo pupunta ayaw pangsabihin kanina"

"atleast nasurprised ka.ahaha."

hawak-hawak nya yung kamay ko habang naglalakad kami sa loob ng school.

Opo. Nasa Shireo Science High School kami ngayon. Grabe! Akala ko naman kung saan pupunta. Psh. Nakakasurprised nga.

Dahil nga close sila ng mga guards at ninang nya yung principal dito, hindi kami pinagbawalang pumasok.

"Manong, ok na po?"

nakasalubong namin yung isang guard ng school.

"ok na ok iho. Nung nagtext ka inayos ko na agad."

"salamat po.! The best ka talaga Manong."

"sige,basta ikaw"

tinignan ko sya pagkaalis na pagkaalis ni manong. Alam nyang nagtataka ako pero ngumiti lang sya at kinindatan ako. Psh. Ano kaya yun? Pakindat-kindat pa.

Hinila nya na ako papunta sa may bench.

Napansin ko agad yung mga pagkaing nasa lapag. So, trip nyang magpicnic kami dito? Ahaha. Nakakatuwa pa yung pagkakaayos. May nakalagay pa na bouquet ng flowers at gitara. Tapos may petals pa sa paligid.

"anong trip mo?"

nangingiti kong tanong sakanya.

"upo ka muna my sexy princess"

inalalayan nya ako sa pag-upo sa may bench. Kinuha nya yung gitara at lumuhod sa harap ko.

"huy! Naaaning ka ba?"

Oh-em! Umpisa pa lang namumula na mukha ko. Hindi ko alam gagawin ko. Geez! Kelangan ba nya talagang lumuhod sa harap ko.

"Matagal ko na tong gustong gawin kaso nag-aalangan ako. Hindi pa kasi ako masyadong magaling mag-gitara. Wag mo kong pagtatawanan ha? Pakinggan mo nalang boses ko"

ngumiti sya at tinignan muna ako sa mga mata bago magstart magstrumming.

Halata sa mga kamay nyang kinakabahan sya..nanginginig kasi. Ahahaha. Pigilan ang tawa, masisira ang diskarte. Pffft.

“It took one look and forever I laid out in front of me.. one smile.. then I died… only to be revived by yout..”

Ang lambing ng boses nya. Yung tipong ang mellow sa pandinig.. pero hindi ko alam kung bakit naninikip yung dibdib ko ngayo..

“ there I was thought I had everything figured out. Goes to show just how much I know bout the way  life plays out..””

Ewan ko ba pero unti-unting nawawala yung ngiti ko.

Bakit sa dami daming pwedeng kantahin, bakit yan yung kinanta nya?

"I take one step away, and I find myself coming back to you, my one and only one and only you..."

naaalala ko pa yung sinabi ko noon..

‘Hiniling ko na sana kantahin nya yan... Tinupad naman yun ni Lord kaso nakalimutan kong hilingin na sana kantahin nya para sa akin...’

"Ashley, bakit ka umiiyak?"

ibinaba nya yung gitara at halata sa mukha nya yung pag-aalala.

Hindi ko kasi talaga mapigilang umiyak kapag naririnig ko yung kantang yun.. hindi ko maiwasang hindi maisip yung araw na  yun…

Simula kasi nun, kung kelan narinig kong kinakantahan nya si Trisha kinamuhian ko na yung kantang yan. Nasasaktan ako kapag naaalala ko yun.. 

"Daniel..diba yan din yung kinanta mo kay Trisha?"

halos pumiyok-piyok na yung boses ko sa pagkakaiyak. Pinunasan ko yung luha ko at pilit na ngumiti sakanya.

"ha? Anong sinasabi mo?"

"nakita ko kasi kayo noon nung kinakanta mo yan.. Sinabihan ka pa nga ni Trish na pasado ka na. Ikaw naman tuwang-tuwa at...at"

hindi ko masabing nakita ko kung paano nya niyakap si Trish.

Napayuko ako. Hanggang ngayon tandang tanda ko parin yung pangyayaring yun.

"para kanino ba talaga yung kantang yan? One and only pero bakit dalawa kaming kinantahan mo?"

napatingin ako sakanya ng hawakan nya yung pisngi ko at punasan yung mga luha ko.

"hindi ko alam kung kelan yun o kung saan mo kami nakita. Basta ang alam ko para sayo lang yung kantang yun." ngumiti sya habang nananatiling nakatingin sa mga mata ko. "naiinis kasi ako kila Carlo nun, inaasar ako. Hindi mo daw ako sasagutin kapag hinarana kita dahil hindi ako marunong maggitara, kaya kay Trish ako nagpaturo. Pasikreto nga lang yung pagtuturo nya, nakakahiya din kasi. Sa babae pa ako nagpaturo."

Halos mapanganga pa ako sa narinig ko. Whattheeff?! Yun yung araw na iyak ako ng iyak dahil sakanya! Bwisit na bwisit pa ako sa sarili ko, tapos...tapos... Aish! Hateyouuuuu!!! T@nga lang Ashley! Hilig magconclude kasi! Pahiya.com ka tuloy ngayon. Psh.

"eh bakit kasi sakanya ka pa nagpaturo pwede naman sakin?!"

Galit galitan lang ang peg para iwas pahiya.

"hindi nga kita malapitan nun, saka ikaw haharanahin ko tapos sayo ako magpapaturo?"

hinawakan pa nya yung mga kamay ko. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala nakaluhod yung isang tuhod nya.

"Psh. Dapat kasi kay Carlo nalang kahit inaasar ka pa nya!"

tumayo na ako. Nailang din naman ako sa pagluhod nya sa harap ko.

Si Carlo talaga may kasalanan nito! Epal talaga sya sa buhay ko! Alam nyo yun? Kontrabida samin ni Daniel. Kung hindi sya nakipag-unahan manligaw kay Daniel, eh di sana matagal na kami ni Daniel. Hindi ko na experienced masaktan, umiyak, umasa kay Daniel. Tapos ngayon, eto..  Humanda talaga yang lalaking yan sakin sa pasukan! Badtrip!

Tumayo narin sya at hinapit yung bewang ko sakanya.

"tapos na yun, masyado ka namang nagseselos."

what did he say?! Aish! Yung ngiti pa nya ngayon mapang-asar.

"Hindi ah! Alis nga!"

tinulak ko sya pero hindi sya nagpatinag.

"may gusto ka ba sa akin noon pa?"

nanlaki yung mata ko at napanganga ako sa sinabi nya. Myghaaad! Bakit sya nagtatanong sakin ng ganito?!

"luH.Shabu pa dre.! Ayos lang yan ah."

"hindi nga Ash..mahal mo ba ko?"

lub.dub.lub.dub.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Eto na eto! Mother! Father! Shiz. Napakagat ako sa labi ko. Hindi nya inaaalis yung titig nya sakin.

Huminga ako ng malalim.

Sasabihin ko na ba?

Dug.dug.dug.dug.

"ASA! Wag ka ngang feeler dyan"

"Bakit hanggang ngayon naaalala mo parin na kinanta ko yun kasama si Trish? Ako nga hindi ko na maalala yun. Saka bakit ka umiiyak kanina? Bakit ka nagseselos lagi kay Trisha?"

sunud-sunod nyang tanong. Bakit kelangan nya akong paaminin ngayon?! Aish!  Tama na please! Kapag ako nainis talaga!...kapag lang talaga......mapapaamin na ako.

"hindi ako nagseselos! Wag ka ngang assuming!"

"ok hindi na. Bakit ka nalang madalas umupo dito kapag nagprapractice kami? Bakit kapag nagkakasalubong tayo umiiwas ka ng tingin? Hindi ka man lang makatingin sa mata ko kapag nakikita kita. Bakit madalas kang matulala kapag kaharap mo ako noon? Kahit nung sumabay ako sayo dati sa jeep.. Madalas pangmamula yung mukha mo kapag kinakausap kita. Bakit---"

"BAKIT ANG DAMI MONG TANONG?! nakakainis ka na! Malay ko ba kung anong sagot dyan! Dapat ikaw ang may alam nyan eh! Ikaw yung may dahilan kaya nahilig akong manuod ng basketball! Yung mata mo bakit ba ganyan!?! Parang magnet kapag tinitignan ko hinihigop ako papalapit sayo! Hindi ko rin alam kung anong ginawa mo sa puso ko! ang bilis-bilis kapag kausap ka o kahit kapag malapit ka lang sakin! Ewan ko ba sayo! Hindi nga talaga kasi kita mahal! Lagi mo kong pinapaiyak! Lagi mo kong sinasaktan ng hindi mo man lang alam! Lagi nalang akong umaasa! Lagi ko nalang sinasabing hindi kita mahal pero bakit iba yung sinasabi ng puso ko----"

napatakip ako bigla sa bibig ko. Sinabi ko nga ba yun sakanya? Diba kausap ko lang isip ko?

Lub.dub.lub.dub.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hinihingal ako. Parang hinahabol ko yung hininga ko.

Inalis nya yung kamay kong nakatakip sa bibig ko.

Hindi nya yun narinig diba? Wala syang narinig.!

"napapadalas pagiging iyakin mo Ash ah.."

ngumiti sya sa akin at pinunasan yung mga luha ko sa pisngi. Ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala ako. 

"Ashley, diba tinatanong mo lagi kung bakit ikaw ang mahal ko..."

tumango ako at nanatiling nakatingin sakanya.

"alam ko na pala yung sagot..."

hindi parin nya inaalis yung kamay nya sa mga pisngi ko. Unti-unting lumapit yung mukha nya sakin. Eto na naman yung mata nya, yung sinasabi kong nanghihigop. Kapag tinitignan ko ng matagal pakiramdam ko napapalapit ako sakanya.

"I love you" pinikit nya yung mata nya at unti unti kong naramdaman yung labi nya sa labi ko.

Lub.dub.lub.dub.

Napapikit ako at pinakiramdaman yung puso ko.

Pangatlong beses na nya ito na halikan ako, pero parang first time lang ang lahat. Ito yung una na alam kong walang halong sakit akong nararamdaman.

Huminto siya at tinignan ako. Halos habulin ko na yung hininga ko ng mahiwalay sakanya.

Nakatitig lang kami sa isa't isa. Ngumiti sya sakin. Inalis na nya yung kamay nya sa pisngi ko at hinawakan naman ang kamay ko.

Alam ko kung ano na kulay ng mukha ko ngayon. Pero wala akong pake! Namumula din mukha nya eh. Yay! Ahaha! Hindi nya ako maasar dahil ganun din sya ngayon.

"Simple words can't explain my feelings for you.. But I want to say that I love you, because you're the  the one I'm afraid of losing and the one I want to keep in my life forever..the one and only you.."

out of words.

Hindi ko alam kung anong irereact ko sa sinabi nya. Natatouch ako. I can feel every words he said.

"I want you to trust me, Ashley... Ikaw lang ang mahal ko, wala ng iba"

Ngumiti ako sakanya. At isa lang ang nasa isip ko ngayon...

"I want you to be my Prince, Daniel"

kitang-kita sa mukha nya yung pagkabigla sa sinabi ko. Sya naman ngayon ang naspeechless.

"ayaw mo? Wag na lang"

pang-aasar ko. Natauhan naman sya bigla.

"ano ulit sinabi mo?"

"ayoko ng ulitin. Ibahin mo yung tanong mo!"

"anong itatanong ko?"

"psh. Yes or no question!"

"ha? Ano ba yun? Sinasagot mo na ako?"

sarap batukan nito. Hindi ko akalain na may pagkaslow din tulad ko.

"Oo na nga! Nagiging slow ka na ah!"

"tayo na Ash?!"

"Ampuch! Babatukan kita Daniel eh! Yes nga diba?! OO!"

lumawak yung ngiti nya at niyakap ako ng mahigpit! Tapos binuhat ako at umikot kami.

"Yes! I LOVE YOU ASHLEY!"

"Ibaba mo nga ako! Nahihilo na ako"

ibinaba na nya ako. Hindi parin nawawala yung ngiti nya.

Bigla syang lumuhod at inilahad sa yung kamay nya sa harap

"can I have a dance with MY girlfriend? Hindi ko kasi sya naisayaw nung Christmas Ball."

natawa naman ako sa pag-ooffer nya ng dance. Kelangan ba nakaemphasize yung my girlfriend?

"wala namang music eh."

"kakanta ako."

nagwink pa sya. Iniabot ko naman yung kamay ko sakanya, at saka sya tumayo.

He place my hand on his shoulder, then place his one hand on my waist. Tapos hinawakan nya na yung isa pang kamay ko.

Kahit napakaliit ng kamay ko sakanya, feeling ko fit na fit yung mga kamay namin kapag hawak nya.

You always ask me those words i say and telling me what it means to me

Every single day..you always act this way ,for how many times i told you..

I love you for this is all i know ..”

kumakanta sya habang nagssway na kami. Hindi ko maalis yung titig ko sakanya ngayon.

Come to me and hold me And you will see 

The love i give 

For you still hold the key 

Lub.dub.lub.dub

Hanggang ngayon napapabilis parin nya ng ganito yung tibok ng puso ko.

Every single day 

You always act this way 

for how many times i told you 

I love you for this is all i know 

I'll never go far away from you 

Even the sky will tell you 

That i need you so 

For this is all i know 

I'll never go far away from you 

"I love you.."

nagkiss sya ulit sa lips ko. Smack lang sya pero hinampas ko parin sya sa braso nya. Kanina pa sya, nakakarami na. Pasaway!

"Tama na yun! Sobra ka na"

ngumiti sya at hinalikan naman nya ako sa noo.

"You're the Best Christmas gift"

niyakap nya ako. Napangiti nalang ako at niyakap din sya.

You're the Best Christmas gift I have, too....Daniel.

//// to be continued J

SILA NA!!! :D

What do you think about this chapter? Bukod sa sobrang haba. :P

Comment. Vote. Follow me dears :”>

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
27.3K 1K 71
Masaya siya kasama ang mga kabarkada niya. Kaya niyang mag-isa pero mahal na mahal pa din siya ng lahat. Normal lang ang buhay niya pero simula nung...
22.6K 378 23
"Kahit kailan ay hinding hindi ako maiinlove sa isa sa mga Montenegro Brothers" yan lang naman ang laging tinatandaan ng ating bida.Ang ating bida na...
2.3K 190 152
Hidding more to said you are the great pretender Date started Dec 23 22 Date Finish March 27 23