HABAK

By Alex_Camiller

143K 5.9K 365

Mula ako sa angkan ng mga malulupit na aswang. Ang nais lang namin ay padamihin ang mga katulad namin at nang... More

Author's Note
Prologue
1
2 : Uninvited Visitors
3 : Training
4 : Malupit na Kahapon
5 : Pagsasanay sa Karagatan
6 : Makamandag na Tuka
7 : Mapaglarong nilalang
8 : Silverio
9 : Bow and Arrow
10 : Ang Pagsasalin
11 : Pagpapaliwanag
12 : Paghaharap
13 : Kadiliman
14 : Kalakasan
15 : Kapangyarihan at Di Kilalang Kalaban
16 : Ang matinding kalaban
17 : Pag-ibig part I
18 : Pag-ibig part II
19 : Pag-ibig III
20 : Pag-ibig IV
21 : Pag-ibig V Lucretia
22 : Pag-ibig VI Castaneda
23 : Pag-ibig VII Panganganak
24 : Pag-ibig_Bagong Tagapagligtas
26 : Pag_Ibig Mapanganib na Marquis
27 : Pag_ibig_Pagpapaalam
28 : Pag_Ibig Simon
29 : Pag-ibig_Manliligaw
30 : Pag_ibig Pagtitipon
31 : Pag_Ibig_Piano
32 : Pag-Ibig_Alcance
33 : Pag_Ibig Pagtakas
34 : Pag_Ibig Pagsugod ng Aswang
35 : Pag-ibig nila Adelina at Simon
36 : Pag-ibig_KALI
37 : Pag-ibig_kakaibang kaibigan
38 : Pag-ibig_Pamanang Likido
39 : Pag_Ibig_Ang Piging
40 : Pag_ibig_Dalagitang aswang
41 : Pag-ibig_Pagliligtas kay Simon
42 : Pag-ibig_Sagupaan sa Gubat
43 : Pag-ibig_Mga Dambuhalang Puno
44 : Pag-ibig_KAIBIGANG TAGAPAGLIGTAS
45 : Pag-ibig_Paalam
46 Pag-Ibig : Durog na Puso
47 Pag-Ibig_Pagtulong
48 Pag-ibig_Matinding kalaban ng aswang
49 : Pag-ibig_Mga naiwan
50 : Buhay sa tabing dagat
51 : Mga taong Nasagupa
54 : Talon
55 : Mga Bagong Kalaban
56 : Paghihiganti ng mga Aswang
57 : mga taong sinlalaki ng puno
58 : Gubat Geryon
59 : Dayo
60 : Umuusbong na Pag-ibig
61: Pamilya ni Cipriano
62 : Aling Saida
63 : Pagtatapat
64: Pagtanggi sa Manliligaw
65 : Pagdukot kay Andres
66 : Isang BABALA at TULONG
67 : Pagsugod ng Lobo
68 : Ang Paghaharap
Pagsunod kay Andres

25 : Pag-ibig_Pagpapagaling

1.8K 83 2
By Alex_Camiller

Hi Friends,

This is dedicated to Lulai2323 thank you for reminding me to write. Akala ko wala akong maisusulat ngayon dahil kagigising ko lang para kumain ng lunch at kailangan ko ring matulog ulet para may lakas mamayang gabi. Alam nyo naman bampira mode ako. Sana makapagsulat din ako ng tungkol sa bampira kahit napakarami ng naglipanang story tungkol sa kanila. Anyways I hope you will like this chapter. Salamat po ulit sa lahat ng nagbabasa ng Habak at ng Habay. Ang Habay ay isang subok lang na story na para sa dalawang kaibigan na mahilig sa katatakutan. O sha bukas na lang ulit Ill cross my fingers. Hehehehe Be safe everyone....

Don't forget to vote, comment and share. Enjoy reading.

God bless you all,

Alex_Camiller

=======================

This may be a work of fiction I pray that whoever read this story will be protected under the mantle of love of our Blessed Virgin Mary.

=======================

Adelina's POV


Gising na ang diwa ko subalit hindi ko pa makayang imulat ang aking mga mata. Sa tuwing pinipilit ko napapapikit agad ako sa tindi ng liwanag na nakikita ko. Wala na akong alam kung nasaan na ako basta ang naririnig ko ay yabag ng paa; para bang naglalakbay ako ng nakahiga dahil marahang nararamdaman ko ang paggalaw ng katawan ko. Hindi ko alam kung kinabukasan na ba ito o pang ilang araw ng maimulat ko ang aking mata nasa isang silid ako ngunit nang tangkain kong ikilos ang aking katawan upang makaupo ay mistulang bato ito. Natakot ako sa naramdaman kong reaksyon ng aking katawan kaya naman nagpasya na lamang akong ipikit ang aking mga mata. 


"Hanggang ngayon wala pa rin syang malay," narinig kong sabi ni Sonya.

"Masyadong nahirapan ang katawan nya sa pakikipaglaban. Huwag kayong mag-alala dahil mabisang gamot ang ibinigay ko sa kanya," sabi ng isang lalaking hindi ko kilala.

"Salamat sa pag-liligtas sa amin," sabi ni Sonya.

"Wala talaga akong balak tulungan kayo. Pero noong makita ko ang lahat ng ginawa ni Marquis para sa inyo ay nagdalawang isip ako. Talagang itataya nya ang buhay nya para sa inyo."

"Nagpapasalamat pa rin ako. Pero nagtataka ako paano mo nagagawang pigilan ang sarili mo kasama naming mga tao?"

"Ako ma'y nagulat din sa nangyayari. Lalo pa't may sanggol kayong kasama. Alam nyo bang napakabango nya at maihahalintulad sa isang masarap na putahe."

"Maawa ako sa anak ko."

"Huwag kang mag-alala wala akong balak na kainin sya. Noon galit ako kay Marquis dahil nakikipaghalubilo sya sa mga tao. Pagkain ang tingin namin sa inyo. At ang pinakanais ng mga tulad namin ay pamunuan ang mundo at maging alipin kayo. Wala kayong gagawin kundi ang magparami para manatili kaming buhay."

Narinig kong napaiyak si Sonya.

"Huwag kang mag-alala hindi naman mangyayari ngayon iyon. Magpasalamat ka kay Marquis at nahabag sya sa inyo."

"nais kong malaman kung anong plano mo?"

"Kapag maayos na si Adelina dadalhin ko kayo sa malayong lugar para magsimula ulit."

"Paano si Marquis?"

"Iuuwi ko na sya."

Pinigilan ko ang sarili kong magsalita sapagkat kailangan ko pang marinig ang sasabihin nya. At isa pa baka kung anong gawin nya kung sakaling magkamali ako ng desisyon kawawa naman ang anak ni Sonya.

"Sigurado akong hahanapin sya ni Adelina."

"Mas makakabuting ilayo na ng tuluyan si Marquis. Masyadong malubha ang tama nya kaya kakailanganin na ilayo sya dahil kung hindi manganganib ang buhay ninyo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"May kasamang lason ang itinarak ng kapatid ni Marquis. Sapat para makaramdam sya ng matinding pagnanasa na kumain ng laman."

"Ano!"

"Para syang bagong sibol na aswang at hindi nyo magugustuhan ang gagawin nya. Ayoko namang may mapahamak sa inyo. Paano kung dumating ang panahon na maging maayos na si Marquis tapos malalaman nyang napatay nya kayo. Iyon ang iniiwasan kong mangyari dahil panigurado magwawala sya ng husto."

"Diyos ko po."

"Pakiusap habang kasama nyo ako huwag na huwag mong mababanggit ang panginoon ninyo."

"Ha?"

"BASTA SUMUNOD KA NA LANG SA SINASABI KO!"

"Opo."

"Malulungkot ng husto si Adelina sa mangyayari."

"Para din naman sa ikakabuti ninyo ang lahat. Isubo mo na sa bibig nya ang gamot na ginawa ko."

"Sige."


Naramdaman kong bahagyang ibinuka ni Sonya ang bibig ko. Isang likido ang pumasok sa aking bibig na may mapait na lasa at dahil doon hindi ko napigilan mapaubo ng husto. 


"Adelina?" tanong ni Sonya.

Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko habang nakahiga ako, "Gising na yata sya."

Subalit nanatili akong nakapikit.

"Tabi titignan ko."

Naramdaman ko na may pinaamoy sya sa akin na sa sobrang tindi napadilat ang mata ko sabay kabig sa kanyang kamay. Napatingin ako sa kanya : malamlam ang kanyang mga mata, matangos na ilong, manipis ang labi, kwadrado ang mukha at maputi ang kanyang balat.

"Sino ka?" mahina kong tanong. 

"Ako si Gryffen pinsan si Marquis," sabi nya.

Pinilit kong maupo pero bumabagsa ang katawan ko sa tuwing sinusubukan ko.

"Huwag mong pilitin hindi mo pa kaya."

"Nasaan si Marquis?"

"Nasa isang lugar kung saan ligtas sya at kayo."

"Kasama ka nila Lucretia? Paano ako maniniwala syo."

"Kailangan mong maniwala dahil wala ka ng aasahan pa maliban sa akin. Magpagaling ka na lang."

"Siguraduhin mo lang na maayos si Marquis dahil kapag hindi at gumaling ako papatayin kita."

"Hahahaha ngayon alam ko na kung bakit ka nagustuhan ni Marquis. Nakakatuwa ang katapangan mo."

"Adelina magpahinga ka na nga baka mabinat ka pa nyan," sabi ni Sonya.

"Pasensya ka na Garpin wala akong tiwala syo."

"Gryffen ang pangalan ko hindi Garpin."

"Pareho na rin iyon."

"Makinig kang mabuti Adelina kung kalaban ako doon pa lang pinatay ko na kayo. Napakamiserable na ng kalagayan ninyo ng panahon na iyon. Wala kayong pag-asang manalo sa amin. Kaya kung ako syo manahimik ka at magpagaling na lamang."

Tumulo ang luha ko, "Parang awa mo na huwag mong patayin si Marquis."

"Hindi mo kailangang magmakaawa dahil wala akong balak patayin si Marquis. Kahit naman si Lucretia wala syang balak patayin si Marquis ang gusto lang nya bumalik sya sa pagiging aswang nya dahil lubha syang nahumaling syo."

Natahimik ako.

"Kailangan ba talagang ilayo sya sa akin?"

"Adelina huwag kang mag-alala maalala ka pa naman nya subalit nakasisiguro akong sya na rin mismo ang lalayo syo dahil hindi ka na magiging ligtas kahit sa kanya."

Napatungo ako.

"Magsabi ka nga sa akin ng totoo Adelina mahal mo na ba si Marquis?"

"Mahal ko sya bilang nakatatandang kapatid."

"Mabuti. Dahil hindi maaaring maging kayo. Isipin mo na lang kung nagkatuluyan kayo kawawa ang magiging anak ninyo."

"At paano mo naman nasabi iyon?"

"Alam ko lang."


Lumipas ang maraming araw unti-unti ng nanumbalik ang aking lakas. Walang humpay ang pag-aaruga sa akin nina Sonya at Francisco. Parang din akong isang paslit na kinailangan pang akayin sa pagtayo, paarawan at iba pa. Si Gryffen naman ay lagi lamang nakamasid sa pag-usad ng paggaling ko. Nang tuluyan na akong gumaling walang araw na hindi ko tinanong si Gryffen kung nasaan na si Marquis.


"Hindi ka pa ganun kagaling para makita si Marquis."

"Bulag ka ba? magaling na ako. Nagsimula na nga ulet akong magsanay para kung saka-sakaling may sumugod sa amin maipagtatanggol ko na sila Sonya."

Tinignan nya ako ng masama.

"Huwag mong ipilit dahil alam ko kung kailan kayo maaaring magkita. At sa araw na iyon ipangako mo sa akin na matibay yang dibdib mo dahil ibang Marquis na ang makakaharap mo!"  


Continue Reading

You'll Also Like

23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48.1K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...
232K 8.8K 33
#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a rather unusual situation--living in a world where he's completely invisibl...
27.5M 700K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
527K 6.2K 38
This is a very popular urban legend here in the Philippines. This was made even more popular when the book, True Philippine Ghost Stories(book 2), pu...