Blade X (Completed) 2016 Vers...

By Ange_Mayao

11K 598 94

Paano kung isang araw, ang buhay mo ay magbago nang dahil sa isang sekreto? Nang dahil sa isang insidente, na... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chpater 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Epilogue

Chapter 24

116 13 0
By Ange_Mayao

Chapter 24

***Azer Zarften***

Nakatulog ba ko?....

Hindi ko maimulat ang mga mata ko...

Ang sakit din ng ulo ko...

Teka... May tao...

Tao?...

"Azer?" Nakita ko bigla pagmulat ko ng mga mata ang mukha ng isang babae na may maikling brown na buhok.

"Sino ka?" Napa-upo ako bigla sa kama.

"Si Sephiel to Ace..." Sabi nya.

Ah. Si real Azeya pala to...

"B-bakit ka nandito? Nasaan na sya ?" Cold kong sabi. Ayoko syang harapin ngayon. Wala ako sa mood.

"Bumaba sya saglit para kumuha ng tubig." Sagot nya. "K-kumusta ka na, Ace?" She tried to smile. Pero kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi nya. Meaning iiyak na.

Kumusta ako? Ito. Okay naman. Gulung-gulo pa nga e. "Okay lang." Sagot ko.

"Ace... I'm sorry..." She said. Umiiyak na sya. Ang bilis naman nitong umiyak. Magda-drama pa sana ako e.

"Sorry for what?" Sabi ko na nakatingin sa labas ng bintana. Ayoko syang makitang umiiyak. Nasasaktan din ako gaya nya

"Sorry kasi...."

"Gising ka na pala." Biglang bumukas ang pinto at lumitaw si Azeya na may dalang tray na may lamang isang basong tubig at tinapay.

"Azeya..." Tawag ko sa kanya.

She just looked at me with a blank face. "Sa susunod, hwag kang mag trespassing dito. Mapapatay na kita kapag ginawa mo pa yan."

Hindi mo pa man nagagawa, napatay mo na ko Azeya... Noon pa...

"Ate..." Sabi nung nagpapanggap na Sephiel. "Ate, I have to tell you this... Habang wala pa sila."

Pareho kaming napalingon sa kanya. Inilapag ni Azeya yung tray sa may mesang malapit sa kama.

"Huh?" Bulalas nya. "Ano namang sasabihin mo, Seph?"

"Ate... Kasi...." Hindi nya tuwid na masabi. "Ano... Kasi..."

"Kasi ano? Puro ka ganyan. Deretsahin mo na nga ko. Ano ba yun ha?" Mataray na sabi ni Azeya.

"Hinipnotize ka ni Alexa, ate... Kaya hindi mo maalala si Azer. Boyfriend mo..."

Hypnotize? Woah. Just woah. Ang tindi ah.

"Bangag ka nanaman noh? Kakanood mo yan ng SciFi." Natawa lang si Azeya. "O, Ikaw naman, bumangon ka na dyan at nang makaalis ka na."

"Azeya..." Yan lang ang nasasabi ko the whole minute. Wala akong masabi sa kanya.

"Wala akong panahon sa inyong dalawa." Matapos nun ay lumabas na sya.

Tiningnan ko yung tunay na Azeya. "Paano ko maibabalik si Sephiel sa dati?"

Nagulat sya nang banggitin ko ang tunay na pangalan nung tunay na Sephiel. Nakabawi rin naman sya.

"Kailangan mong kausapin si Alexa. Sya lang ang may alam sa ganyan..." Tumayo na sya. "Pero, hwag muna ngayon, Ace. Masyado pang vulnerable ang lahat. At busy sila sa paghahanda sa pag sugod ng thirteenth ward. Tyumempo ka...." Iniwan naman nya ko mag isa sa kwartong yun.

Iniwan nila akong dalawa...

Tumayo na ako at tinungo ang bintana. Mabilis akong tumalon pababa.

Pero......

Reaksyon nung lalaki na may banner sa noo. Mukha syang gangster. Pareho kaming nagulat. At ang mas ikinagulat ko... SI MR. MONTELVANA NANDITO DIN!!!

"S-sir...!" Sa gulat ko lumuhod ako sa harap nya.

"WOAH! PARE! ANG GALING MO AH!! ANG TAAS NG TINALON MO! MAY LAHI KA BANG NINJA?!" na-amaze pa si banner guy sa pagkapahiya ko -__-

"Azer? What're you doing here? At saka bakit ka dumaan sa bintana? Bukas naman ang main door." Kalmadong sabi ni Mr. Montelvana.

Kung alam nyo lang po... Na ako ay nanghimasok sa kwarto ng anak nyo.. T^T

"Uh---Ahehehe... Sorry po sir... Nag pa-praktis lang ako ng mga stunts... Ahehehe..." Sige. Palusot lang ng palusot.

"Oh, I see..." Natawa naman si Mr. Montelvana. Buti na lang mabait sya.

"Sya nga pala, sir, makakaasa po ba ako sa inyo?" Sabi ni banner boy.

"Yes, you can count on me anytime. Hwag kang mag alala, Gerald." He smiled again.

"Maraming Salamat po." Yumukod lang sandali si Gerald at nag paalam na si Mr. Montelvana. May gagawin pa raw kasi sya.

"Sasabay na ko sayo." Sabi ko.

"Ah! Sige!" Natuwa naman sya.

Pumunta kami sa may main gate kung saan naroroon ang motor nya. Nakita ko si miss Ann na may dala-dalang basket at may lamang pagkain. Mukhang kanina pa sya naghihintay?

"Gera---AZER?! WAAAHH!! ANONG GINAGAWA MO DITO??" Sabi nya sakin.

"Hoy! Babaeng ano, tumabi ka nga dyan sa motor ko." Cold na sabi nung Gerald.

Dinedma sya ni Ann. "Oh my gosh! Hindi ako na-inform na pupunta ka dito... Nakausap mo na ba sya? Nagkita na ba kayo??? Ha?? Ha??"

Magsasalita pa sana ako kaso...

"TARA NA BRO!" Hinigit ako ni Gerald papunta sa motor at pinasakay. Pinaharurot nya yun ng mabilis.

***

"So, magkakilala kayo ni miss Ann?"

Oo, nag kwentuhan na nga kami nitong si Gerald. At nai-kwento na nya sakin si miss Ann. Grabe yung story nila.. EPIC.

"Matagal na matagal na. At saka, hwag mo ngang tawaging miss Ann yun. Hindi bagay sa kanya." Sabi nya sabay kagat sa kinakain nyang turon na binili nya pa sa naglalako.

Narito lang kami sa may tulay. Hindi ko tanda pangalan ng tulay na to. Basta tulay. Nakatambay lang kami habang nakatingin sa ilog. Gusto ko rin kasing mapag-isa. Eh kaso, nag insist tong si Gerald na samahan ako. Baka raw kasi tumalon ako any time.

"Nga pala, bakit hindi ka na maalala nung jowa mo? May ginawa ka ba na ikakagalit nya?"

Umiling ako. "Wala naman."

"O, e bakit ganun? Imposibleng walang rason kung bakit."

Ewan ko ba... Magaan ang loob ko kay Gerald. Maybe kasi mabait lang sya. But, I'M NOT A GAY.

"Alam mo, dapat kausapin mo sya ng masinsinan. Kailangan lang ng paliwanagan nyan pare." Nginuya nya yung pagkain nya.

"Hindi naman sya nakikinig sa akin e.."

"Asus! Kunwari lang yown!" Natawa pa sya. "Ang mga babae, minsan, nagtatampu-tampuhan yan, para lambingin sila ng mga lalaki. Kiss mo lang, or yakapin mo, or sabihin mong mahal mo sya mawawala na galit nun."

"Is that so?" Natawa ko bigla. Hinalikan ko na nga lahat-lahat yun di pa rin ako maalala.

"Oo naman! Well experienced to!" Pag mamalaki nya.

"Hmm.. Kaya pala halos i-regret mo si miss Ann." Biro ko naman.

"ABA'T... LOKO KA AH!" Binatukan naman nya ko. Tawa naman ako ng tawa. Yung mukha nya kasi ang pula na! XD

"TUUUWOOOOONG!!"

Napalingon kami sa isang maliit na boses. Si alien kid! Teka... Anong ginagawa nya dito?

Tumakbo sya papunta sa kinaroroonan namin. At niyakap nya ang hita ko. Ang liit nya kasi. Kinarga ko naman sya.

"Anong nangyari? Bakit ka tumatakbo?" I smiled to her. Pinunasan ko rin ang mga luha nya. Kawawa naman..

"Zion!" May pamilyar na boses na tumawag sa kanya.

I looked at her, she look at me.

Our eyes met....

I remember last night... Nung hinalikan ko sya. At nakita ko ang mga alaala nya...

"Ibigay mo sakin ang bata." She said coldly.

"Paano kung ayoko?" Cold ko ring sabi.

May namumuong dark aura sa pagitan namin. Hinugot nya yung sword nya at itinutok sa akin.

"Then," she raised her sword. "kailangan kong gawin 'to."

"Oy!! Teka lang----" Sinubukan ni Gerald na pumagitna pero mabilis sya. At agad na sinugod ako.

Hawak ko pa rin si Zion at takot na takot sya. Kaya naman iniilagan ko ang bawat atake nya. Kapag nasasayad sa lupa yung sword nya, nabibitak! Ang lakas nya talaga!

"GERALD! SALUHIN MO!" Hinagis ko si Zion sa direksyon ni Gerald. Maliit lang naman sya e. Kailangan ko lang talagang mailayo ang babaeng to sa direksyon ni Gerald. Dahil kakalabanin ko sya.

"HOY! AZER! ABNORMAL KA TALAGA! TAPUSIN MO NA YAN AH!" Si Gerald naman, pinaharurot agad ang motor nya. Well, as expected, mage-gets nga nya ang plano ko.

Susundan sana ni 'Real Sephiel' si Gerald, kaso, humarang ako.

"Tumabi ka!" She shouted.

"Then fight me," inilabas ko ang sword ko na inilabas ko sa pamamagitan ng isang spell. "Sephiel."

Continue Reading

You'll Also Like

9.9M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
5.1K 864 59
A girl who'd rather spend her time playing a mobile game called 'Mobile Legends' instead of reading love stories And a Boy who'd rather spend his tim...
REPLICA II By Ceres

Mystery / Thriller

4.8K 135 44
"Sino ka?! Why are you wearing my face? Is that your new technique to kill me?" "Ikaw ang sino ka?" "I am the Empress Regnant of this empire. And you...
20.6M 759K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...