You're still the one

By AwzmAvhie

6.9K 1.8K 1.2K

"There are different kind of love in the world but never the same love twice." Hi, I'm Iya. Samahan niyo kon... More

PROLOGUE
Chapter 1: Start of Something New
Chapter 2: Kuys
Chapter 3: Almost lover
Chapter 4: Eye to eye
Chapter 5: Mr. President
Chapter 6: KFC
Chapter 7: New lover
Chapter 8: Jeepney love story
Chapter 9: The suitor
Chapter 10: My Inspiration
Chapter 11: Surprise
Chapter 12: Tagaytay
Chapter 13: Iya's project
Chapter 14: To the rescue
Chapter 16: Hello Boyfriend
Chapter 17: Face to face
Chapter 18: Jealous Michael
Chapter 19: The game
Chapter 20: Bring me
Chapter 21: Little Mermaid
Chapter 22: No Boyfriend
Chapter 23: Operation Maria
Chapter 24: The Truth
Chapter 26: The choice
Chapter 27: The Sin
Chapter 28: Graduation
Chapter 29: The truth will set you free
Chapter 30: The consequence
Chapter 31: Who are you?
Chapter 32: The choice
Chapter 33: The proposal
Chapter 34: Run away

Chapter 15: Michael Vs Jason

191 73 44
By AwzmAvhie

Hindi mapakali si Jason sa waiting area ng clinic. Lakad dito, lakad doon. Pababalik balik lang siya, hindi mapakali. Daig niya pa ang Mister na naghihintay sa Misis na nanganganak. Gusto na nga niyang sapakin ang pader to release the tension.

"Ahhm Jason? Jason right? ah eh maupo ka muna dito baka nahihilo ka na diyan kakalakad mo, pabalik balik ka lang e"

Nagulat ang binata at kilala siya ng matangkad na babae.

"Nakukwento ka kasi ni Iya. By the way, April nga pala"

Mukhang nabasa ng babae ang katanungan niya at sinagot iyon. Lumundag naman ang puso niya ng malaman na naikukwento nga siya ng dalaga sa mga kaibigan, nabuhayan siya ng loob na baka sakaling hindi pa nakakamove on ang iniirog sa kanya.

"And eto naman sila Kristal and Rochele" Pagpapatuloy ni April.

Itinuro niya ang iba pang kasamahan na nginitian niya din. He smiled back and offered them a hand. Pasalamat naman si Jason at friendly sila.

Napaupo siya sa tabi nila at nakipagkwentuhan, mabuti narin to para marelease ang kaba ko.

"Maiba usapan" Pilit binago ni Jason ang usapan.

"Ano pala nangyari kay Iya? May sakit ba siya? Palage ba siyang ganito?"

May pagaalalang tanong ng binata. Hindi naman kasi nito kilala bilang sakiting bata si Iya, katunayan nga ay palage pa nga tong masigla. Nanghinayang tuloy siya sa dalawang taong iniiwasan niya lang ang dalaga.

"Baka buntis?!"

Namimilog ulit ang mga mata ni Kristal. Bumagsak naman ang balikat ni Jason at napakunot ang noo sa sinabi ni Kristal.

"Ha?"

Pagbingi-bingian nito. It can't be. Hindi naman siguro. hindi naman siguro boyfriend ni Iya yung lalakeng yun. Alam ko hihintayin niya ko. Napapikit na lang siya ng mata para mawala ang masamang iniisip.

"Haaay nako Jason, pasensya ka na dito sa kaibigan namin. Mukhang hindi pa namin napainom ng gamot kaya kung ano ano pinagsasabe"

Tinakpan ni Chele ang bibig ng kaibigan at nanghingi ng paumahin sa binata. Jason smirked, pilit na inaalis sa isipan ang posibilidad na yun. Dalawang taon. Maraming pwedeng mangyari sa dalawang taon.

"Aaargg! Get off me. Nako Jason, pwedeng nagjojoke lang ako? Joke lang yun a."

Nakalaya rin si Kristal mula sa kamay ng kaibigan at nanghingi rin ng paumanhin. Natawa na lang ang binata sa pinakitang effort ni Kristal para bawiin ang sinabi.

"Where's Iya?... Kristal, Chele, April, nasaan ang kaibigan niyo?!"

Nagulat ang binata at ang mga babaeng kausap niya ng may lalakeng pumasok sa clinic na parang Mayor or Presidente ng Pilipinas kung makapasok dahil walang pakundangan kung buksan ang dalawang pinto ng clinic.

Tumigas ang tindig niya ng magfunction na ang utak niya kung sino yung kapapasok pa lang na lalake. Ito yung lalakeng makailang huli niya ng kasama ni Maria.

May relasyon kaya sila ni Iya? Wag naman sana, pero kung wala eh bakit ganito siya kung magalala. Nalungkot na lang ang binata ng maisip isip na may karibal siya sa puso ng dalaga.

Pinahinahon ng magkakaibigan ang lalakeng nasa harapan ni Jason. Nakatayo siya sapagkat binigyan niya ng space ang kararating para umupo at magcalm down na daig pa ang isang tatay kung maghystertical dito sa clinic.

Maya maya pa ay napaangat ng ulo ang lalake at tinitigan siya, hindi naman siya nagpatalo at tinitigan lang din to.

Nalintikan na! Bakit andito tong lalakeng to? Don't tell me siya ang nagbuhat kay Iya papunta sa clinic?

Yan ang tumatakbo sa utak ni Michael. Tinext lang kasi siya ni Kath kung anong nangyari sa nililigawan niya kaya dali dali siyang nagexcuse sa klase niya at tumakbo sa school clinic.

Not expecting na itong lalaking to ang makikita, hindi niya to talagang kilala sa totoong buhay pero parang matagal na niya tong kilala base sa mga kuwento ni Iya sa kanya.

Alam niyang ito ang lalakeng nang-iwan at pinagtabuyan si Iya kaya naniningkit ngayon ang mga mata niya. Bakit kaya andito yung kumag na yan? Tanong niya ulit sa sarili. Natatakot siyang biglang maudlot ang ligawan stage nila ng dalaga dahil sa pagbabalik sa eksena ni Jason, ang lalakeng nangiwan sa dalaga.

"Ahm Jason si Michael, president ng institute namin and student council. And Kel, si Jason kababata ni Iya"

Naramdaman siguro ng magkakaibigan ang maliit na kumosyon sa pagitan ng dalawang lalake kaya pinakilala na lang sila sa isa't isa ni April.

"I knew him"

Matigas na sabi ni Michael, hindi inaalis ang titig kay Jason na parang sinasabing anong-ginagawa-mo-dito-ang-kapal-ng-mukha-mo-lumayas-ka.

Hindi na lang pinansin ito ng binata at nakipagshake hands sa kaharap. Medyo may kumurot sa puso niya sapagkat kilala siya ng kaharap, siguro ay naikuwento din siya ni Iya dito. Pero ayon sa asta nito sa kanya mukhang hindi maganda ang pagkakakuwento ni Iya tungkol sa kanya na para bang gusto siyang bugbugin nito.

Maya maya pa ay lumabas na ang school doctor at kinausap silang anim.

"Okay na si Ms. Gomez. Pwede niyo na siyang puntahan. Mamaya magiissue ako ng excuse slip para sa kanya and eto ang reseta niya. Please remember, bawal na siya mastress a. Masyado siguro siyang stress at  nagpapalipas ng gutom kaya hindi na kinaya ng katawan at bumigay. Nilalagnat din siya ng mataas. So basically, it's over fatigue. Please let her rest."

Paliwanag ng school doctor sabay turo sa kwarto kung nasaan si Iya.

Kukuhain sana ni Jason ang reseta pero naunahan siya ni Michael. Pinagkibit balikat lang to ni Jason at sumunod kila Kristal sa kwarto ni Iya.

Nakahiga ang dalaga sa pinakadulong hospital bed. Katabing katabi ng pader, pumalibot ang lima sa kanya.

Si Michael ang pinakamalapit na nasa may uluhan ni Iya at si Jason ay nasa paanan ng dalaga. Pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na dalaga.

Napacute parin kahit tulog sabi ni Jason sa sarili sabay ngiti. Para siyang baliw at kinakausap na naman ang sarili. Buti na lang at hindi siya napansin ng mga katabi.

"Good Afternoon, Excuse me lang. Balik ko lang tong nabitawan kanina ni Ms. Gomez nung dinala niyo siya dito"

Sabi ng isang school nurse na tumabi kay Jason sa Paanan, dala nito sa kamay ang white hanky ni Iya.

Napatingin si Jason sa panyo sapagkat may naalala siya bigla dito. Pasalamat na lang siya na siya ang katabi ng Nurse at siya ang pinagbigyan nito.

Una ay tinitigtigan niya lamang ito, pangalawa ay hinaplos haplos niya ito lalo ng ang nakaburdang mga letrang JLM, na nangangahulugang JASON LOVES MARIA.

Napangiti na naman siya na parang baliw sa naalalang parang magic kasi agad agad sumusulpot.

flashback...

"NANDARAYA KA NA NAMAN JASON E! ANG TANDA TANDA NA NATIN PERO DINADAYA MO PARIN AKO SA PIKO, NAKAKABWISIT KA!"

Pagmamaktol ni Iya ng matalo siya ni Jason sa nilalaro nilang piko.

Bata pa lang sila ay itong laro na ang nilalaro kaya hindi naman ito nawala nung tumanda na sila. Yun lang e hindi naalis kay Iya ang pagiging pikon sa laro, lalo na kapag natatalo siya ng binata.

"Ang pikon pikon naman ng Maria ko!"

Pangaasar na may halong lambing ni Jason habang ibinabato ang pamato

"YUN OH! MAY BAHAY NA NAMAN AKO WOOOO! IBA NA TALAGA PAG MAGALING!"

Pagmamayabang ni Jason ng makakuha na ulit siya ng bahay. Mapagkakamalan siya na nanalo sa Olympics kung makapagyabang ngayon.

"BWISIT!MADAYA!"

Sinipa ng pikon na si Maria ang pamato ni Jason at pinagpapalo ang binata ng dala dala niyang maliit na kahon.

"HA! EH ANO BA IYA- MASAKIT! -ARRRG -M-MASA—-IYAAAA N-NMAN E!"

Pagrereklamo ni Jason sa pagpapalo ni Iya sa kanya. Naghabulan lang ang dalawa sa loob ng compound na kinalakihan. Hindi nakailag si Jason at nadapa sa nakaharang na planggana sa daan.

"Sorry na kasi. Ikaw kasi! Ang daya daya mo sa piko. Halika na dito gagamutin ko"

Napagod din maghabulan ang dalawa. Nakaupo na sila ngayon sa sala ng bahay ng binata at ginagamot ngayon ni Iya ang mga konting bukol at sugat ng binata kakapukpok niya ng kahon dito at sa pagkadapa nito.

"OUCH! Ano ba? -IYA NAMAN E! MASAKIT! OOOOUCCH!"

Pagrereklamo ni Jason na parang inahing baboy kung makasigaw.

"Shut up. konti na lang"

Tinitigan lang ni Jason si Iya habang ginagamot siya nito, pinagmasdan niya lang ito na parang kinakabisado niya ang bawat anggulo nito at inaappreciate ang pagkahubog ng mukha nito na parang ito ay isang masterpiece ng isang sikat na artist.

"Ayan, okay na Jeje"

Nakangiting sambit ni Iya habang inililigpit yung mga gamit panggamot.

"Ayoko ng Jeje parang jejemon"

Nakangusong sabi ni Jason habang hinihimas ang ulo na may bukol. Pinipigilan naman tumawa ni Iya.

"Pero sige na nga. Basta, ikaw si YAYA hahaha- OUUUCCCCH!"

Pag-ganti ng binata sana kaso automatic hinampas na naman siya ni Iya, dahilan kung bakit napatayo siya sa kinauupuan.

"Ang bigat bigat ng kamay mo YAYA a!"

Magkasalubong na kilay niyang sinabi habang hinihimas naman ang bagong palo ni Iya sa braso niya na kala mo ay magpapasa sa lakas ng pagpalo ng kababata rito.

"Ay Sorry na ulit Jeje, akin na gamutin natin uli"

Hinila ni Iya si Jason paupo ulit sa tabi niya. Nakaisip naman ng bright idea ang binata kaya dali dali itong umupo at isiniksik ang sarili sa dalaga.

"Eto oh masakit"

Turo ni Jason sa braso na kakapalo lang ni Iya, agad naman hinimas ito ng dalaga.

"OUCH! eto rin pala"

Pagiinarte ulit ni Jason sabay turo sa may ulo.

"Nagamot na kita diyan e" Pagrereklamo ni Iya.

"Eh masakit pa e"

Hindi na nakipagtalo si Iya at hinaplos at ginamot rin to. Kinuha naman bigla ni Jason ang kamay niya at dinala ito sa kanyang mga labi at kaliwang dibdib.

"Parehas din yan masakit"

May bakas ng pilyong ngiti sa mga labi ng binata.

"Ay loko loko ka talaga" Pamumula ng pisnge ng dalaga.

"Talaga naman e, ikaw lang gamot diyan. Yakapsule at kispirin okay na ko"

Pangusong sabi ni Jason na nageenjoy sa itsura ng kausap dahil pulang pula na ito.

"Ah e- loko ka forever, halika magtahi na lang tayo"

Pagiiba ni Iya ng usapan at kinuha ang box na kanina ay pinapalo kay Jason.

"Basta, masayang bonding to"

Nabasa siguro ng dalaga ang pagtaas kilay ni Jason. Gayunpaman ay hindi to tumanggi at naki-join kay Iya sa pagtatahi nito sa isang kapirasong puting tela.

"Ano kaya ilalagay natin?"

Inilabas na ni Iya ang mga sinulid, gunting at karayom.

"JLM ilagay mo"

"ha? JLM? bakit naman?"

"Maganda yun" At nagapprove sign pa si Jason.

"Eh ano nga yun?" Pagtataka na naman ni Iya.

"Jason loves Maria"

Mahiya hiyang sabi ni Jason pero lihim na natuwa ng makita si Iya na abot tenga ang ngiti.

"Ay sige JLM sakin tas MLJ sayo para tag-isa tayo"

Buhay na buhay na sinabi ng dalaga, kinuha ang sinulid para umpisahan na.

"What is it Iya?"

Napansin niya kasing napatahimik ang dalaga at nakatulala. Halatang malalim ang iniisip.

"Wala"

"Anong wala? sabihin mo na" He knew something is wrong.

"Wala nga"

"Mangungulit lang ako, alam mo yan."

Hindi siya titigil hanggat di nalalaman ang nasa isipan ni Iya. Hindi niya alam kung bakit pero parang sobrang attached na niya sa babaeng ito at super naapektuhan na siya sa simpleng pagtulala lang.

Iya sighed and give up.

"Well, sabi kasi nila kapag binigyan mo ang isang tao ng panyo e ibig sabihin nito puro lungkot at iyak lang ang mararanasan ng taong mapagbibigyan" Sabi ni Iya ng matapos na nila tahian ang dalawang panyo.

Tinignan lang ni Iya mabuti yung panyo, hinihimas yung tinahi nilang initials dito.

"Saan mo naman narinig yan?" Napakunot noo si Jason. Girls are overthinker talaga.

"Ewan ko. Basta narinig ko lang pero baka ang ibig sabihin nun magkakahiwalay tayo o kaya papaiyakin mo ko?"

Sabay tingin ni Iya kay Jason, as if gustong malaman ng dalaga sa mga mata ni Jason kung talagang seryoso ba ang binata sa kanya. At kung makikita niya ba dun ang kasagutan kung may forever nga ba?

"Sus, nonsense! Mga pinagiisip mo talaga. HINDI MANGYAYARI YUN, OKAY?"

Iniharap ni Jason ang dalaga at pinisil ang ilong para manahimik sa pinagiisip. Napaaray naman si Iya at pilit kumawala pero hinila siya ng binata at yinakap.

"Hinding hindi tayo maghihiwalay"

Ipinatong niya ang ulo ni Iya sa balikat sabay pinalupot ang kamay sa balikat nito.

"Promise?"

Napa-angat ang ulo ni Iya dahilan ng paglapit ng mga mukha nila ni Jason, it's too close na naiisip na ni Jason halikan si Iya kaso naiisip niyang nasa bahay nila sila and his parents won't like the scene. They're still too young.

"PROMISE. Hinding hindi, kahit anong mangyari andito lang ako sa tabi mo at never kitang iiwan. Ikaw at ako sa dulo ng walang hanggan. Hindi yun magbabago"

Natuwa naman si Iya sa sinabi ng binata at napakayap ito ng mahigpit sa binata.

****

Nakatayo na ngayon si Jason sa uluhan ni Iya katabi ni Michael, pinagmamasdan parin ang dalaga na mahimbing ang tulog.

Gustong gusto niya tong lapitan pa lalo at yakapin ng mahigpit dahil matagal niya itong hindi nagawa kaso lang ay nasa tabi niya si Michael at alam niyang nakatitig ito sa bawat kilos niya. Wala na rin ang mga kaibigan ni Iya, pumasok ito sandali sa klase para ipaalam sa Professor ang nangyari.

Maya maya pa ay nagising na ang dalaga. Halos hindi malaman ni Michael and Jason ang gagawin ng marinig na umungol si Iya, mukhang magkakamalay na ito. lumapit ang dalawa sa kama ng dalaga.

"J-Jasoon?"

Ang unang binigkas ng dalaga na bahagyang nakapikit pa at hindi pa gaano maimulat ang mata.

"Yes Iya? Andito ako, andito ako sa ta—"

Bigla ulit pinikit ni Iya ang mga mata niya, sabay naman ng paghila ni Michael sa kamay ni Jason papalabas ng Clinic.

"What are you doing?- Pare, LET GO OFF ME"

Pagpipiglas ni Jason sa nakahawak sa kanya. Medyo napipikon na siya rito at gusto ng sapakin kung hindi lang sila nasa unibersidad ay nagawa niya na siguro ito.

"Anung pare pare ka diyan? Pare your face! Hindi ka pwede makita ni Iya kaya umalis kana, bago pa siya tuluyang magising"

Mahina lang ang pagkakasabi ni Michael pero may diin ang bawat salita dahil ayaw nito gumawa ng eskandalo sa loob ng unibersidad.

"And why not? Sino ka para utusan ako?! Kaibigan niya ko. Kababata niya ko. Matagal niya na ko kilala. And she loves me. Ako nga hinahanap niya ngayon e. So that means na may karapatan ako! "

"Oh really? Karapatan na ba ang pinaguusapan natin ngayon?"

Minatahan ni Michael si Jason na parang hinahamon ng suntukan.

"Bakit iniisip mo ba na may karapatan ka? Hindi ka rin naman boyfriend uy!" Jason said in a matter of fact tone.

"Alam mo, mas may karapatan ako sayo. Kasi ako, hindi ko siya iniwan, hindi ko siya sinaktan. Kaya Pare, please lang umalis ka na at ayoko ng gulo"

Hinablot ni Michael ang panyong hawak hawak ni Jason. Hindi naman na nakasagot si Jason dahil pumasok na sa loob ng clinic si Michael at naiwan siya dung tulala at inaabsorb lahat ng sinabi ng nakasagutan.

Siguro nga wala akong karapatan mahinang sabi ni Jason sa sarili habang naglalakad ng palayo sa clinic.

Continue Reading

You'll Also Like

10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
28.1M 712K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...