The Gentlemen Series 4: Jack...

Per Winter_Solstice02

2.7M 66.3K 3.1K

Gabriel is the love of my life. He is the kind of man any other women would dream of having. He is my knight... Més

Jack, The Disc Jockey
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY

TWENTY TWO

46.5K 1.5K 57
Per Winter_Solstice02

If Only

I boredly play the pen with my fingers on the table. Ang titig ko naman ay hindi maalis sa aking kaliwang kamay. Nakatutok ang aking mata sa bracelet na bigay ni Jack kagabi.

Kulay silver ito. Natutuwa ako sa mga charm na nakakabit at pag winasiwas ko ang aking kamay ay kumakalansing ito. Nakakaaliw din ang letter J na kung tama ang bilang ko ay mga sampung piraso ang nakasabit doon.

J for Jack and Julianne. How amazing is that? Ngayon ko lang napansing pareho palang J ang first letter ng aming pangalan.

Natatandaan ko pa ang anyo ni  Jack kagabi. Alam kong may bumabagabag sa kanya. Ramdam ko ang kanyang lungkot at pag-aalala.

Pero hindi ko alam kung para saan ang mga iyon? Bakit siya umaaktong ganun kung maayos naman kaming dalawa?

Was he telling the truth when he said he's just tired from work? Well, I guess that made sense a little. Sa dami ba naman ng pinagkakaabalahan ng lalakeng iyon.

Nalipat ang tingin ko sa calendar na nasa kabilang panig ng aking mesa. Kung ganun ay magdadalawang buwan na pala kami ni Jack.

Napangiti ako. Hindi ko namamalayan ang paglipas ng araw. Is the bracelet his gift for me? Monthsary? Pero wala siyang binanggit tungkol dito. Oh well, ano bang alam ng taong yun pagdating sa ganung bagay.

Does he even aware what monthsary stands for?

Masiglang tumayo ako at sinakop ang aking mga gamit na nagkalat sa mesa. May naisip akong gawin para sa kanya.

Mag aalas kwarto pa lang ng hapon. Tiyak akong nasa opisina pa niya ito. Ang balak na nabuo sa isip ko ay ipaghahanda ko siya ng dinner at sa garden kaming dalawa maghahapunan. With candlelight.

Nangisay ako sa kilig. I love my idea. Tinawag ko si Wella. Mabilis naman agad itong nagtungo sa aking opisina.

"I'm going home." bungad ko sa kanya.

She glanced at the wall clock. "Maaga pa ah. May lakad ba?" her voice teasing me.

Pinaikot ko lamang ang aking mata. "May alam ka bang bakeshop na malapit lang dito?"

"Oo naman. Anong klaseng bakeshop ba gusto mo, yung pangmayaman o pangmahirap?" she grinned.

Lumabi ako. "Siyempre yung pang sosyal."

She chuckled. "Sabi ko nga. Sa Maxim's Bakeshop. Dollar presyo dun." she winked.

"Tse! Pinagloloko mo ako."

Humalakhak lamang ang babae. "Ipapatawag kita ng taxi."

"Yes please. Thank you."

She shrugged her shoulders at lumabas na ng aking office. Tumunog ang cellphone ko at nang makitang si Brenda ang caller ay kinancel ko ang tawag. Itetext ko na lamang ito pag nasa taxi na ako. Wala akong time makipag chismis sa babaeng yun.

Nang makarating ako sa bakeshop ay sinabihan ko ang driver na hintayin na lamang ako sa labas. Hindi naman ako magtatagal sa loob.

Ang dami nilang display na cakes na iba't iba ang shapes. Nakyutan ako sa heart-shape na cake. It's Chocolate almond cake with buttercreme icing. Hitsura palang nito masarap na. I hope Jack likes chocolate because I'm a chocolate lover.

May kamahalan nga ang cake pero mukhang sulit naman ang presyo nito. Nang makabayad na ako ay lumabas na ako at pumasok ulit sa nakaabang na taxi.

"Manong, sa The Royalty Village poh."

Ngumiti lang ang driver sa akin at tumango. Binaling ko ang aking paningin sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga kaganapan sa paligid. Hindi na siguro ako babalik ng Manila. Nagugustuhan ko na ang siyudad ng Davao dahil sa mas payapa dito at safe ang mga tao.

At higit sa lahat, nandito ang mahal ko. Bakit pa ako lalayo kung nandito naman ang aking kaligayahan? I just hope and pray that Gabriel will understand us.

I really hope he will.

Papasok na kami sa Village. Tinuro ko kay Manong kung saang mansyon paparada. Mabilis akong nagbayad at umibis na ako sa sasakyan.

Pagpasok ko sa may driveway ay pansin ko agad ang dalawang kotse na nakahimpil. Kumunot ang noo ko nang mapagtantong kotse ni Jack yung isa na gamit niya kaninang umaga. At ang isang Silver Montero ay hindi ko alam kung sino ang may-ari.

Pumasok ako sa loob ng mansyon at kataka-taka ang katahimikan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay pinanindigan ako ng balahibo. Parang may kakaiba sa paligid ng mansyon.

Ang balak kong pumunta sa kusina para ilagay sa loob ng refrigerator ang cake ay natigil nang mapansin ko ang mga kilos sa sulok ng aking mata. Nakarinig ako ng kaluskos patungo sa lanai.

Imbes na dumiretso sa kusina ay ang daan patungo sa lanai ang tinahak ko. Habang papalapit ako doon ay namataan ko ang dalawang lalakeng nakatayo at nakatalikod. Nakaharap sila sa man made falls na kanugnog ng swimming pool.

Napatigil ako sa paghakbang at agad na sinalakay ng kaba ang dibdib ko!

Gabriel?

I was about to call their attention but I heard Jack spoke. "So, are you back for good?" Seryoso ang tono nito but plain.

Gabriel seems ecstatic. "Yeah. Definitely for good, brother."

"Are you completely healed now? Wala na bang complication sa operation mo? You scared me to death, Gab."

Gabriel laughed. "I know kuya. And thank you for being there. The heart transplant was successful. Nagkaroon ng konting komplikasyon pero naagapan ng mga doktor. Dito na lamang sa Davao Doctors itutuloy ang regular check-ups ko."

I saw Jack nod at namulsa.

I was confused. Anong heart transplant ang pinag-uusapan ng mga ito?

"What will happen to Julianne?" Jack questioned slowly.

"I'm gonna take her back kuya, that's for sure. Alam kong mali ang ginawa ko pero now that I'm still alive and kicking, pwede ko ng pakasalan si Julianne."

Jack sighed at umiiling-iling. Lumapit si Gabriel dito at hinarap ang kuya niya. "Why kuya? Are you against with it?"

"She's inlove with me, Gab." he said bluntly.

Ngumiti si Gabriel ng matamis. "Ofcourse she is. Knowing your ways to women. And besides, that's our main plan di ba? Ang paibigin mo siya at maging kayo."

"Alam mong tutol ako sa plano mo na yun, Gabriel." matigas na sagot ni Jack.

"Pero alam kong hindi mo mahihindian ang paki-usap ng isang taong mamamatay na. And I really thought I was gonna die months ago. Sa isip ko ay kung hindi rin lang kami mangyayari ni Julianne, mas mainam ng mapunta siya sa'yo. Mas magiging kampante ako sa kabilang buhay."

"Don't say that!" Jack's voice took up a notch.

Gabriel just chuckled. "But I'm here now, brother. Alive and kicking. Ah, I miss my girl. I want to see my girl." he threw his head up to the ceiling.

"Gabriel."

Nilingon siya ni Gab. His smile fade and he frowned at his brother. "Bakit kuya, don't tell me umiibig ka kay Julianne? That's impossible. You don't know love at all."

Pigil ang hininga ko habang nakikinig sa kanila. Hindi ko namalayang umaagos na pala ang luha sa aking mata. My body's trembling for suppressing my emotions to overflow. What's this? Ang lahat ba ng nangyari ay planado? Ang lahat ba ng iyon ay peke?

Umiling si Jack but his jaw clenching. "Ofcourse not. I don't love her and I never will. Alam ko naman na sa'yo lang siya. Kayo ang nakalaan sa isa't isa."

Sa narinig ko mula kay Jack ay nanghihinang napahawak ako sa hamba ng pinto. This is not true. Mali lang ang narinig ko. Tutop ng isang palad ko ang bibig para walang umalpas na hikbi. Pakiramdam ko'y biglang umikot ang paligid.

Tinapik ni Gabriel ang balikat ni Jack. "Thanks brother. At okay lang sa akin kung umiibig si Julianne sa'yo. Hindi ako nasasaktan dahil iyon naman talaga ang hiningi ko sa'yo sa una palang. But now that I'm here kukunin ko na siya at ipaparamdam ko ulit sa kanya ang pag-ibig ko hanggang sa matutunan na niya ulit akong mahalin. Madali lang yun. Dalawang taon din ang pinagsamahan namin kompara sa dalawang buwan na pagkakakilala nyo. Gayunpaman, thank you for taking good care of her. I'll take it from here."

Isang buntong-hininga ang pinakamawalan ulit ni Jack. Panay ang pag-igting ng kanyang panga and his palms are twitching. "Si Julianne. Masasaktan si Julianne pag nalaman niya ang lahat ng ito. Damn it! I should have stop pursuing her from the very beginning."

Umupo si Gabriel sa bakanteng settee. "Kuya, kung sakaling naiba ang sirkumstansya at hindi ako gumaling, hindi ka makakaramdam ng guilt ngayon. This is all for her. Siya lang naman ang naisip ko at wala ng iba. What will happen to her when I'm gone? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag naiwan ko siyang mag-isa lamang sa buhay. That's why I made this plan. Kaya plinano kong kilalanin mo siya at kung maaari ay kunin ang loob niya. Magiging masaya na ako sa kabilang buhay pag ang dalawang taong mahalaga sa akin ang siyang magkakatuluyan."

"Siguraduhin mo lang Gabriel na magaling ka na ng lubusan! Dahil hindi na ako papayag na masaktan na naman si Julianne sa ikalawang pagkakataon!" galit na bigkas ni Jack sa kapatid.

Bumaling si Jack kay Gabriel at nagsalita ulit. "Kunin mo na siya sa akin." there was sadness in his eyes. Nanginig din ang boses nito. "Magpakalayo kayong dalawa. Or better yet, ako muna ang iiwas sa inyo. Manatili kayo dito sa mansyon at ako ang lalayo. This mansion is too small for the three of us." he checked his wrist watch. "Susunduin ko siya sa office. She's expecting me."

"Hindi na kailangan."

Pareho ang pagbaling nila sa aking direksyon. Mabilis na tumayo si Gabriel at mabagal na lumapit sa akin.

"Honey." he whispered and stop in front of me. Tumaas ang palad nito at hinaplos ng magaan ang aking pisngi. "You have no idea how much I missed you."

Kahit hilam sa luha ang aking mata ay nagawa ko pa ring pansinin ang pagkahumpak ng pisngi nito. Nangangayayat ito at malalim ang mga mata. He looked pale too.

"Do you expect me to feel the same way, Gabriel after I heard your conversation?"

Yumuko ito at ginagap ang palad ko. Tinaas niya ang mga ito at dinala sa kanyang palad. Sa gilid ng aking mata ay kita ko ang pagtagis ng bagang ni Jack kasabay ng pagpikit. When he opened his eyes, he looked away.

"Pag-usapan natin ito Julianne. Marami akong gustong ipaliwanag sa'yo." 

Piniksi ko ang aking kamay sa kanyang hawak. Nilagpasan ko si Gabriel at dumiretso sa kinatatayuan ni Jack. Hinagis ko sa sahig ang kahon ng cake at tumilapon iyon.

I'm so angy and deeply hurt!

Isang malakas at malutong na sampal ang pinakawalan ko at dinapo sa pisngi ni Jack. Napabaling sa kabilang direksyon ang mukha nito sa aking sampal.

"How dare you, Jack! Ang kapal ng mukha mo! Walang hiya ka! Niloko mo lang ako. Niloko mo ako." tuluyan ng naglaho ang pagtitimpi ko at sinalakay ko si Jack.
Pinaghahampas ko ang kanyang dibdib sa sobrang galit ko sa kanyang ginawa! Hindi ko siya mapapatawad sa panglolokong ginawa niya sa akin! Hinding hindi! Hindi ito natinag at hindi rin nanlaban. Hinayaan niya akong ibuhos ang lahat ng galit ko sa kanyang ginawang panloloko.

Mabilis ang pagyakap sa akin ni Gabriel mula sa aking likuran ngunit nakawala ako at hinarap ko rin ito. Isang sampal din ang pinakawalan ko dito.

"Magkapatid nga kayo! Pareho kayong manloloko! What do you think of me? A toy? Did I come too cheap for you to treat me this way? Both of you are liars! Pinaglalaruan nyo lang ako. Ang kakapal ng mukha ninyo. Mga hayop kayo. Oh my god, I don't deserve this. I don't deserve this." humakbang ako paatras sa kanila. 

Sa aking gilid ay sinulyapan ko ang cake na nagkalat sa sahig. Nasira na ang design nito ngunit nababasa pa rin ang greetings na pinalagay ko.

Happy monthsary, I <3  U

Nagmura si Jack. Bumalatay ang hapdi sa kanyang mukha at tumalikod sa akin. No, Jack. Don't act as if you're hurting because you're not! Ako ang nasasaktan dito! Dahil ako ang pinaglaruan ninyo!

Tumakbo ako palabas ng lanai. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko but I need to get out of here.

"Julianne!" tawag sa akin ni Gabriel ngunit hindi ako lumingon sa kanya.

Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan paakyat sa kwarto ko nang may malalakas na bisig ang yumakap sa akin mula sa likuran.

Tumalon ang puso ko. Ofcourse, iisang tao lang naman ang nakakapagpagawa niyon sa puso ko. But sadly, he's the same person who also breaks my heart into pieces.

"Don't hate me, love. Please." he whispered at the base of my neck. Garalgal ang boses nito. Binaon niya ang mukha niya sa parte kong iyon.

Pumiglas ako ngunit higit na malakas ang yakap niya na pakiwari ko pa nga ay mababalian na ako ng buto sa sobrang higpit.

"Why should I not hate you Jack when I have all the reasons to feel that towards you?" nabasag ang boses ko.

"I'm sorry."

"Sorry? To hell with your sorry! Sa'yo na yan! Hindi ko yan kailangan! The damage has been done! Nasaktan mo na ako and the pain is cutting my heart apart. Sobrang sakit ng ginawa mo Jack. Sobrang sakit na pakiramdam ko'y titigil na sa pagtibok ang puso ko." humagulhol ako.

"Hindi ko alam kung paano ko ibabalik lahat, Julianne. Kung alam ko lang na magiging ganito kalala, hindi na sana kita---"

"Hindi mo na sana ako inangkin pa, tama? Yun ba ang gusto mong sabihin? I tell you what." hinarap ko siya at dinuro sa dibdib. "FUCK YOU!"

He grimaced of the word I used. He held my shoulders. "Patawarin mo ako."

"Madaling magbigay ng kapatawaran, Jack. Pero mahirap kalimutan ang lahat ng ginawa mong ito sa akin. You used me. Ginawa mo akong tanga. Pinaglaruan mo ang damdamin ko sa loob ng dalawang buwan. Anong nagawa kong mali sa'yo? All I did was to love you with all of me! Minahal kita ng buong puso ko! Minahal kita ng buong pagkatao ko! Binigay ko lahat sa'yo, Jack. At wala akong itinira sa sarili ko. Alam mo yun. And this is all I get? Hurt. Pain. Suffering. Sana pala sa umpisa pa lang, pinatay mo na ako. Dahil pakiramdam ko'y ikamamatay ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon, Jack."

He sniffed and I realize he was crying too. Kumuyom ang kanyang kamao at para bang may gusto itong sabihin.

"Julianne. Ang lahat ng nangyari sa atin ay langit ko. What we had is so special at wala akong itatapon sa lahat ng pagkakataong magkasama tayo. Mahalaga ang lahat ng yun katulad ng kung gaano ka kahalaga sa akin."

Tinitigan ko siyang mabuti. "Minahal mo ba talaga ako, Jack? O lahat ng iyon ay pagkukunwari lang?"

He blinked. He opened his mouth only to close it once again. "I'm sorry."

That's it.

Umalpas ang hikbi sa aking lalamunan at napahawak ako sa barendilya ng hagdan. I nod. "Thank you. Atleast you're being honest this time." I said sarcastically. Tinalikuran ko siya at tinahak ko ang daan sa aking kwarto.

Sa gilid ng aking mata ay natanawan ko pa si Gabriel na napatingala sa amin.

I locked the door at dumapa sa kama. How am I going to fix this broken heart of mine? Or will it ever be fixed? When?

Dahil pakiramdam ko ay hindi na ako makakaahon sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Ang sakit. Sobrang sakit. At sana hindi na ako magising pa. O di kaya sana isang malaking bangungot lamang ang lahat ng ito at pagkagising ko ay babalik na sa panahon kung saan walang Gabriel at Jack sa buhay ko.

If only I could turn back time......




A/N: I'm sorry Julianne :'(

Hindi tayo quota guys last chap! How sad :-(

Continua llegint

You'll Also Like

60.2K 1.6K 53
Would you still love even if you had a worst past? Well, maybe. Lets just know everything.
116K 2.6K 33
Vandros Darrick Sandoval is an elite bachelor and finally found someone whos way younger than him. Is it history repeats it self? Or this is their Ve...
7.5M 208K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.6M 38.3K 39
Isang dalagang ina si Cherry at sa loob ng walong taon ay itinago niya ang lihim sa likod ng tunay na pagkatao ng kaniyang anak na si Justine. Iniiwa...