TWENTY NINE

47.7K 1.3K 28
                                    

Heaven

"Jack, saan tayo pupunta?" I asked him after he pulled me out from the restaurant where we just had our dinner. We are now heading towards the carpark.

Bigla na lamang kasi itong nag-aya na may pupuntahan daw kami, kaya wala akong kamalay-malay kung saan kami tutungo.

"I'll show you something." nilingon lang niya ako para kindatan.

Gamit niya ang kotse na muntik nang bumangga sa akin noon. He opened the door for me. Pagpasok ko sa loob ay hindi ko talaga mapigilang mamangha sa karangyaan ng kotseng ito. In fact, halos ayokong kumilos dahil baka magasgasan ko ang kotse niya. It's Dodge Viper SRT, damn it!

"Bakit?" tanong niya agad nang mapansin niya siguro ang pagkakatigagal ko.

"Wala. Nakakalula lang kasi itong sasakyan mo. Next time huwag ito ang gamitin mo ha. Hindi ako komportable." ngumiwi ako ng mahinhin.

Humalakhak ito at pinisil ang ilong ko. "I thought you remembered the time we first met. It was a fancy moment." he smiled mischievously.

"What's wrong with this sports car, love?" he added.

"Hindi nga ako komportable. Nalulula ako. Hindi ko maiwasang icalculate sa utak ko kung magkano ang halaga nito."

"Silly." he said and sighed afterwards. "Okay, so yung Mazda 6 na lang ang gagamitin natin next time?"

Napatapik ako sa aking noo. "Mazda 6?"

He faced me with a lopsided smile on his lips. "Love, cars are our toys. Wala kang mabibiling kotse sa halagang one hundred thousand lang. Kung mayroon man, second hand lang tiyak iyon at old edition pa. Cars are one of our most priced possession. You should know that by now."

Bumusangot ang mukha ko at sumandal nang nakahalukipkip. "Bakit si Gabriel, dadalawa lang ang kotseng mayroon siya tapos puro pa second-hand." I answered him nonchalantly. Oh well, simpleng tao lang kasi ang bunsong kapatid nito. Walang ere sa katawan at hindi maarte. But Jack is a good man himself. May kanya-kanyang lifestyle lang talaga ang bawat tao. Ipinanganak itong may gintong kutsara sa bibig pero gayunpaman, alam kong hindi matapobre ang pamilya nila. Edi sana, hindi ako pinagkainteresan ng lalakeng katabi ko. I smiled at myself.

Binaling ko ang aking mukha sa bintana at inisa-isa ang mga sasakyang magagara na natatanawan ko ngayon. They called cars their toys? Damn right.

Jack started the engine at hindi na umimik. Tinignan ko siyang nagmamaneho at pansin ko ang pagdilim ng kanyang mukha.

"Hey." hinawakan ko ang kanyang braso. Medyo napaigtad pa ako sa init ng kanyang balat. Hindi nakaligtas sa akin ang paghigpit ng kanyang kamao habang nakahawak sa manibela.

"Hmm?" he hum without glancing at me. Paliko na kami patungo sa Ramon Magsaysay Avenue.

"Bakit tumahimik kang bigla? May nasabi ba akong masama?"

He sighed deeply at umiling. "Wala. Don't mind me." ngumiti ito ng tipid.

Ngumuso ako at umusog palapit sa kanyang upuan. Sinundot-sundot ko ang kanyang pisngi na may dimple na malalim. Isa iyon sa mga gusto kong katangian niya. Lalo itong gumagwapo pag lumilitaw ang kanyang magkabilang biloy.

"Nagtatampo ka ba? Sumama ba ang loob mo dahil binanggit ko si Gabriel? Pero wala naman nang problema kay Gab, Jack. Tanggap na niya tayo."

"Hindi iyon." sabi nito. "Hindi ko lang mapigilang ma-insecure sa kapatid ko. Syempre, siya ang una mong minahal. Siya ang lalakeng tipo mo. Siya ang lalakeng pinangarap mo. Ang layo ko sa kanya, Julianne. I'm the bad guy. And I'm sorry for being one." hinuli nito ang kamay kong nasa mukha niya at dinala sa kanyang labi para halikan.

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon