THIRTY

51.3K 1.6K 43
                                    

WARNING: SPG

Wild Ride


"This is what I considered my second home." salita ni Jack pagdating namin sa isang room. Ginala ko ang aking paningin. May mini sala set sa bungad ng malawak na silid at prenteng nakaupo doon ang apat na katao. Dalawang lalake at dalawang babae. Mukhang nagkakape ang mga ito base na rin sa mga tasang nakapatong sa ibabaw ng center table.

Sumulyap sila sa amin at kumaway.

"They are my co-dj's." he said. Tumango ako sa kanila at tipid na ngumiti. Hindi nakaligtas sa akin ang pagdaan ng kanilang mata sa kabuuan ko. They're scrutinizing me. Humigpit ang kapit ko sa braso ni Jack. The look on their faces is quite intimidating. Friendly naman ang kanilang aura pero hindi lang ako sanay na tinitigan ng ibang tao.

"It's okay, Love. Hindi sila nangangagat." he chuckled nang mapagbatid nito na humigpit ang kapit ko sa kanya. Narinig ng mga tao ang sinabi ni Jack at napahalakhak ang mga ito.

Tumayo ang isang lalake na pandak at may katabaan. "Oy, bossing. Ipakilala mo naman kami sa kasama mo. Modelo ba siya." nang makalapit ito ng tuluyan ay naglahad it ng palad sa aking harapan. "Hi Miss. Ako si Martin.  Single and very much available. Disk jockey din ako dito at minsan ay sidekick ni boss."

Inabot ko ang palad nito at nasurpresa ako nang inangat niya ang aking palad para halikan. Ngunit agad na inagaw ni Jack ang palad ko sa gulat ng lalake.

"Girlfriend ko yan, Mar. Kiss her and I will kick your ass off my building." Seryoso ang sabi ni Jack.

"Boss naman, para sa kamay lang, ang damot." nagkamot ito sa batok. "Hindi ka na mabiro. Girlfriend mo nga siya, boss. Halata naman eh. Maganda siya at gwapo ka. Lamang ka lamang ng isang paligo sa akin, boss." kumindat ito sa akin at hindi ko na napigilang tumawa. Ang kengkoy din kasi ng mukha nito.

"Tss. Oo na lang Martin. Sino ang nakasalang ngayon?"

"Wala boss. Kakatapos lang ng shift ko. Midnight Blue session na bossing. May ilang minuto na lang bago ka sumalang." sagot ng isa pang lalake na nakalapit na rin sa gawi namin. Tinapik ni Jack ang balikat nito.

Jack nod at the girls at pagkatapos ay umikot sa akin at niyakap ako mula sa likuran. Pinatong nito ang baba sa aking balikat. Pasimpleng pumiglas ako dahil nakakahiya sa mga tao na tumitikhim na ngayon ngunit mahigpit ang pagpulupot niya sa baywang ko.

"Everyone, this is Julianne. My girlfriend."

"Naks. Kaya pala hindi ka na bugnutin ngayon Jack. At mukha ka na ring tao. Hindi tulad nung nakaraang mga araw, para kang ermitanyo na bagong salta lamang sa siyudad." the girl with a curly hair laughed.

"Mukhang pasan kamo ang daigdig. Dinaig pa si Atlas. Pati tuloy tayo naaward." umiiling-iling naman ang isang babae at lumapit sa akin. Kinamayan ako nito. "Salamat naman at nag-kaayos na kayo. Alam mo bang hindi na ako nagulat na Julianne ang pangalan mo? Aba'y pag tuwing lasing to eh parang sirang plakang banggit ng banggit ng pangalan mo. Alam mo bang dito yan naglalagi sa nakalipas na mga araw? Ginawa niyang condo ang station. Tsk. Tsk. Oh well, this is his property after all."

Kumawala ako sa yakap ni Jack at hinarap ko ito. "You stayed here for a week?"

"I have my private lounge here, my love." depensa nito.

"Naks, my labs daw oh." Panunukso nung babaeng blonde ang buhok. "Parang nung sang araw lang, sabi mo ay ayaw mo na ng love love na yan. Ano yun, tulak ng bibig kabig ng dibdib, Jack?"

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon