TWENTY SIX

49.5K 1.5K 73
                                    

Start Over Again

Nakahalukipkip ako habang pinagmamasdan ang buong Davao. Parang mga diyamente ang mga ilaw na nakalatag at nagkikislapan sa buong siyudad.

I glanced at the night sky. Katulad ng mga bituin ang siyudad. The stars are shining so bright na para bang nagpipiyesta ang madilim na kalangitan.

I sighed. It's been what, a week? Yes, a week mula nung huling pagkikita namin ni Jack. That night when he carried me into my room. Kinabukasan ay nalaman ko kay Gabriel na umalis si Jack. Magbabakasyon daw ito. Pero hindi namin alam kung saan. Wala daw itong sinabi.

That same day, I also packed my things at nakiusap ako kay Gabriel na sa condo na lamang ako titira.

The mansion has lots of memories of me and Jack. Wala akong gagawin doon kundi balikan ang mga sandali namin nito kung magtatagal pa ako. At baka hindi makakatulong sa akin ang pagtigil doon ng matagal. Alam kong ako ang nakiusap sa kanya na ganito muna ang mangyayari sa aming dalawa, kaya dapat kong panindigan ito.

Pero pagdating ko sa condo, umiyak lang din ako. Marami rin kasing alaala namin ni Jack sa unit na yun. Kung tutuusin ay kaya ko namang maghanap ng ibang lugar, o di kaya ay bumalik na lamang sa Manila. But I chose to stay here. Nandito ang mga totoo kong kaibigan. Nandito ang kaligayahan ko.

Makakaya ko namang pagtagumpayan ang bawat araw na iniisip pa rin si Jack. Wala rin naman kasi akong balak na kalimutan siya. Even if I would, my heart won't follow. I remember few lines from a song.

My head is saying, fool, forget him but my heart is saying, don't let go.

And yes, I won't let go. Hindi naman kasi nangangahulugan na ang pagkakalayo sa isa't isa ay maghihiwalay na ng tuluyan.

"Julz." tawag sa akin ni Elena. Sinundo niya ako kanina sa condo. Tumanggi kasi akong sumama sa pagtitipon na ito ngunit kung matigas ang ulo ko, mas na sila. At isa pa, we are going to celebrate the good news of Isay being pregnant. Hindi agad namin naicelebrate noong nalaman namin ang tungkol dito sa ospital dahil mahina pa si Emz noon. And I'm happy for her. We all are.

I look at her and she gave me that 'lets get inside' gesture. Tumango ako at sumunod sa kanya papasok sa penthouse nila Emerald.

Sa dining area ay nakaupo sila Emz at Isay. Parehong karga ng mga ito ang kambal. Sa center table ay ang macbook ni Emz. Nasa Skype si Vernonica ngayon. Nasa Palawan kasi ang mag-asawa para ipagpatuloy ang kanilang honeymoon. Naging maiksi lang kasi iyon noong manganak si Emerald.

Nabulabog ang mga girls nang nalaman ng mga itong ang nangyari sa amin ni Jack. Medyo nagtampo pa nga ang mga ito dahil hindi ko daw agad sila sinabihan. At ang pagtitipon na ito ay paniguradong tungkol sa bagay na iyon.

"Nandito na si Julianne." rinig kong sabi ni Isay na nakatingin sa laptop. Lumapit ang dalawang yaya at kinuha ng mga ito mula kay Emz at Isay ang mga supling.

Nginitian nila ako. I smiled back at them. Lumapit ako sa kanila at hinalikan sa kanilang pisngi. I missed them.

"Maupo ka." salita ni Emz. Ilang linggo palang buhat ng manganak ito ngunit hindi mahahalatang galing lang sa pag-anak. Mukhang hiyang ito sa pagiging ina. And I'm sure Lawrence is taking good care of his wife and their babies.

I sat at nilapit ni Isay ang laptop sa harap ko. Veronica waved at me.

"Kumusta?" bati ko.

She rolled her eyes. "Ikaw ang kumusta na?"

I laughed softly. "I'm good."

"Good? Well, it seems you don't look good at all, Julianne. Your eyes are sad, you look pale and damn, you're so thin!"

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon