FOURTEEN

53.7K 1.6K 40
                                    

Wish


"Pasensya ka na hija kung hindi ka na namin ginising pa para maghapunan. Mukhang mahimbing na kasi ang tulog mo." Ngumiti sa akin si Tiya Leonora na nakaupo sa aking tapat.

Nag-aalmusal kami dito sa dining area. Si Jack ay blangko lamang ang ekspresyon habang kumakain. Nakaupo ito sa kabisera.

"Mabuti na rin po at hindi n'yo ako ginising, tiya. Napasarap nga po ang tulog ko eh." Kagat-labing tugon ko.

Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang aking pisngi. Dahil siguro sa nangyari kagabi? Last night was magical. It was pure bliss and sheer happiness.

We danced under the moonlight. That was the first time I experienced dancing with a man. He held me closed to his body. And all I could think of was how our hearts beat for each other.

Tumikhim si Jack kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Pasikretong nagtaas ito ng kilay at may naglalarong ngisi sa kanyang mapulang labi. Pakiwari ko'y nababasa niya ang tumatakbo sa utak ko.

Ngumuso ako at nagpatuloy sa pagkain. Alam kong pinagmamasdan niya ang bawat kilos ko sa sulok ng kanyang mata.

"Ihahatid kita sa office mo, Julianne." Mababang tonong bigkas nito.

Nahihiyang tumango ako. "Okay. Salamat." Nakaka-intimidate kasi ang mga sulyap ni tiya Leonora sa aming dalawa ni Jack. Palipat-lipat kasi ang kanyang tingin sa amin. Hindi ko mabasa ang kanyang saloobin.

"Tumawag na ba si Gabriel sa'yo, Julianne?" Inabot nito ang tasa niyang may kape.

"Kahapon po ng umaga."

She nodded. "I hope he's doing well now."

"Tiya." Bigkas ni Jack at bumaling sa matanda. Hindi ko alam kung nadadaya ba ako ng aking pandinig ngunit parang may babala sa boses ni Jack.

Pinilig ko ang aking ulo. Guni-guni ko lang iyon.

"He's sick, Jack. Nasabi naman niya tiyak iyon kay Julianne, di ba?" She glanced at me and I saw the panic in her eyes.

Nalito ako sandali. "May lagnat po siya, yun po ang sabi niya. Pero pagaling na daw po ito."

She sighed dramatically at sumulyap kay Jack. Umaliwalas ang mukha nito na para bang naginhawaan. "See? Nakwento nga ni Gab sa kanya, hijo."

Tipid na tumango lamang ang lalake at kumuha ng table napkin para magpunas ng bibig. Humigop muna ito ng kape sa kanyang tasa bago tumayo.

"I'll wait you in the car, Julianne." Salita nito bago humakbang paalis sa dining area. Sinundan namin ito ng tingin.

Umiiling-iling si tiya Leonora nang maglaho si Jack. May hindi ba pagkakaunawaan ang dalawa?

"Finish your food hija dahil ayaw na ayaw ng pamangkin kong pinaghihintay ng matagal." She smiled.

"Patapos na po ako, tiya." Inuubos ko na lamang ang kape ko.

Kinuha ko ang aking table napkin at nagpahid sa gilid ng aking labi. Nang tumayo ako ay tumayo rin si tiya Leonora.

"Mauna na po ako sa inyo."

Kinuha ko na aking shoulder bag na nasa kabilang upuan at naglakad na.

Julianne." Napatigil ako sa paghakbang dahil sa kanyang pagtawag sa akin. Tumigil ito sa aking harapan at hinawakan ang isa kong kamay.

"I'm glad na nandito ka ngunit hindi ko alam kung dapat bang magtagal ka dito." Seryoso ang anyo nito.

I frowned. "Hindi ko kayo maintindihan, tiya."

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon