TEN

52K 2K 92
                                    

Gone

Naalimpungatan ako sa kaluskos na nagmumula sa labas. Wari ko pa nga ay may nabasag na kung ano. Ano na naman kaya iyon?

Tinignan ko ang aking radio clock at napagbatid kong mag-aalas kwatro na ng madaling araw. Gising pa ba si Jack sa mga oras na ito?

Bumangon ako at kumuha ng cardigan. Kahit nakaroba kasi ako ay nilalamig pa rin ako. Pagkatapos kong isuot iyon ay tuluyan na akong lumabas sa aking silid.

Madilim pa rin ang living room at tanging post lamp lamang ang nagsisilbing tanglaw. Mula dito sa living room ay pansin kong may aninong kumikilos sa balcony ng condo. Bukas kasi ang sliding door niyon.

Hindi ako nagdalawang isip na tumungo doon dahil anino pa lang nito ay kilala ko na. Bakit gising pa ang lalakeng ito?

Sumilip ako at nagisnan ko si Jack na nakaupo sa settee. Ang isang kamay nito ay hawak ang isang shot glass at ang isa naman ay iniipit ang nakasinding sigarilyo.

He seems restless and tense.

Tumikhim ako. Nilingon niya ako na may gulat sa kanyang mga mata. Agad niyang nginudngod ang sindi ng sigarilyo sa ashtray na nasa mesa sa harap niya.

"Bakit gising ka na?" He asked.

"May narinig lang akong ingay. Parang may nabasag."

"Oh. Hinagis ko lang ang basyo ng alak sa basurahan. Hindi naman siguro nabasag yun." He chuckled without humour.

Humalukipkip ako at tinitigan siyang mabuti. Nilipat ko ang tingin sa mesa. May isang bote na Red Label ang mukhang kakabukas pa lang. Kung ganun ay nakaisang bote na ito?

"Don't look at me like that, Julianne. Nagpapaantok lang ako." napapalatak ito.

"You smoke." It's a statement from me.

"Occasionally. Pag ganitong may gumugulo lang sa isipan ko. The last time I smoke was ages ago."

"Grabe pala yang gumugulo sa isipan mo noh? Nakakasampung stick ka ng sigarilyo eh." Sarkastiko kong sagot. Kung tama ang bilang ko ay sampung upos ng sigarilyo ang nasa ashtray.

He shrugged his shoulders.

I sighed. "I know I should mind my own business. And meddling with other's affairs isn't my cup of tea, but I'm sorry for asking you, Jack. What's bothering you? May problema ba?"

"Wala Julianne. Everything is under my control."

"Then why are you acting like that? You smoke. You're drinking alcohol. At hindi ka pa natutulog. Kung ang problema mo ay tungkol sa pag-ibig, I mean with Wendy, malalagpasan n'yo rin yan."

Umiiling-iling ito na natatawa. "Wendy and I are fine, Julianne." Tinapik nito ang gilid ng upuan. "Come, join me." Naglahad ito ng palad at inabot ko iyon.

He chuckled once more. "And my problem is a far cry from love issues, my love."

Tumango ako. "So may problema ka nga?"

"It's not a problem, I'm more of worried." Sumandal ito sa pader na naghihiwalay sa living room at balcony.

"Worried saan? Kanino? Definitely not with Wendy dahil kakakita nyo pa lang kagabi."

"Wendy is a just a friend, Julianne, kung nais mong malaman. At katulad nga ng sinabi ko, we're okay."

"I didn't ask what kind of relationship you have with her, Jack. It's purely none of my business."

"Alam ko. I'm just informing you."

"So you're friends. Friends with benefits, I presume." Binaling ko ang aking atensyon sa ibang direksyon. Alam ko ang sagot but then, I dread of what he's going to say.

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon