TWENTY THREE

46.8K 1.4K 54
                                    

I Missed You

"Hoy, tama na yan. Susme, ang bilugan mong mata naging singkit na. Hindi ka na brazillian beauty, mukha ka ng tsikwa beauty." ang sabi ni Brenda sabay abot sa akin ng panibagong tissue box. Naubos ko na ang isa at hanggang ngayon walang patid pa rin ang pagbuhos ng luha sa aking mata.

Gusto ko mang tumawa sa biro niya, but I just can't. Masidhi pa rin ang kirot na nararamdaman ko ngayon sa puso ko. Hindi ko kayang ipaliwanag ang sakit na nararanasan ko  ngayon. Hindi ko alam kung makakaahon pa ba ako sa aking kinasasadlakan.

"Tama na yan." she added when she noticed I'm not buying her jokes. She tapped my back lightly.

"I'm sorry ha. Nagkalat pa ako dito." hikbi ko. Dalawang araw na ako dito sa condo unit nilang magboyfriend. Dahil sa biglaan kong pagdating the other night, hindi pumasok sa office ang pinsan ko sa loob ng dalawang araw at imbes ay dinamayan ako. Baka daw kasi maabutan niya akong nagbigti o di kaya ay bumubula na ang bibig. Ang morbid din nitong mag-isip
Kahit pakiramdam ko'y namatayan ako, mahal ko pa rin ang buhay ko.

Wala akong naitulog kagabi. Puro iyak lang ang ginawa ko habang sinasabayan ko ng kwento para sa kanya. Kagabi ay gustong gusto niyang sugurin ang mansyon ng mga Aragon ngunit naawat namin ito ni Matt.

She was furious. And so am I. Pero alam kong hindi makakatulong ang pag iisnkandalo nito. Mas makakalala lang sa sitwasyon.

"I don't mind. Kahit baliktarin mo lahat ng gamit dito, go ahead. Kung makakabawas man lang sa iyong nararamdaman. Those Aragon brothers are jerks! My god! How could they do this to you. Pinaikot ka nila sa kanilang palad. At ikaw namang gaga, nahulog naman agad ang loob mo doon sa nakakatanda na sa umpisa lang pala ay may lihim ng binabalak."

Suminghap lang ako at sinandal ang ulo sa backrest ng sofa. I closed my eyes. My head is aching until now. Pero balewala ang sakit ng ulo ko kumpara sa sakit sa puso ko ngayon.

"Sasamahan kitang bumalik sa mansyon. Pack your things and you're going to live here with me."

Tinignan ko siya at umiling. "Marami pa akong gustong malaman mula kay Gabriel, Brenda. Gusto ko siyang kausapin pag medyo kaya ko ng pakiharapan siya. Gusto kong klaro ang lahat bago kami maghiwalay ng tuluyan."

"And how about Jack?"

"He can go to hell." mariin kong sagot. Tumulo ulit ang panibagong luha ko ng maalala ko ang mga pagkakataong naging masaya kami. Yung mga panahon na naramdaman ko ang pagmamahal niya. Hindi ko akalaing lahat ng iyon ay pagkukunwari lang. There was no love involved, atleast in his part. Kasi ako, buong puso kong binuhos sa kanya ang pagmamahal ko. Lahat ng iyon ay totoo para sa akin.

"Talaga lang ha? You hate him that much?"

Niloko niya ako at pinaglaruan. Pinaniwala niya akong mahal niya ako. Sinadya niyang mahulog ako sa kanyang patibong. Sa tingin mo, magagawa ko pa ba siyang mahalin?"

Tumayo si Brenda at tumungo sa kusina. Kumuha it ng pitsel na may lamang orange juice at isang baso sa kabilang kamay nito. Umupo ito sa kanyang kinauupuan kanina at nagsalin sa baso. "Hindi naman ako naniniwala dyan, insan. Alam kong kahit gaano pa kalaki ang galit mo sa kanya, kahit gaano pa kasama ang loob mo kay Jack, alam kong mahal mo pa rin yung tao. Hindi naman agad nawawala ang pagmamahal. Hindi yan bula na maglalaho na lang ng biglaan. Tell me insan, sigurado ka ba talagang hindi ka mahal ni Jack?" she asked.

Inabot nito ang baso sa akin na may lamang juice. I grabbed it ngunit nilapag ko lang din sa center table.

Nakatitig lamang ako sa baso. Parang ilog na rumaragasa sa aking isipan ang mga tagpong magkasama kami ni Jack. Mga tagpong panakaw. Mga tagpong puno ng harutan at lambingan. Suminghap ako. Ganun ba siya kagaling para mapeke niya ang tuwa at saya sa mukha sa tuwing magkasama kami? Yung mga halakhak niya. Ang tawa niya. Ang ngiti niya. Ang mga salita niyang nakakatunaw sa puso ko, totohanan ba yun o drama lang?

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon