SIXTEEN

54.2K 1.9K 127
                                    

Did It All

Hindi ko alam kung paanong nairaos namin ni Jack ang ilang araw na pasikretong nagkikita sa balcony tuwing gabi at pag tulog na ang mga kasambahay. Minsan ay madaling-araw ito kumakatok sa french door ng balcony. Katulad na lamang ngayon.

Napasulyap ako sa radio clock sa gilid ng aking kama. Mag aalas dos na ng madaling-araw. Nagtataka ako kung bakit minsan ay ganitong oras ito nakakauwi ng bahay. Minsang naitanong ko sa kanya ay ang sagot sa akin ay trabaho. Over time daw. Minsan ay sasabihing naaaya iyon ng kanyang mga kaibigan at kahit tumanggi siya ay sinusundo daw siya ng mga ito sa office.

Hindi ko na lamang kInwestIyon ang mga rasong iyon dahil tingin ko naman ay nagsasabi ito ng totoo. May mga gabi din naman na sabay-sabay kaming tatlo nina Tiya Leonora maghapunan at maaga din itong umuuwi minsan. Yun nga lang nagkukulong ito sa library at may tinatapos na kung ano-ano.

"Hi." bati ko sa kanya nang mabuksan ng tuluyan ang pinto sa balcony.

There's a twinkle in his eyes when he met my gaze at agad na hinila ako palabas at niyakap ng mahigpit. "I miss you, love."

Kinurot ko ang kanyang tagiliran. "Miss agad? Araw-araw naman tayong nagkikita ah. We even had breakfast together this morning."

Umungol lang ito at ibinaon ang mukha sa aking leeg. He inhaled my scent. "Iba pa rin pag ganitong nayayakap kita, mahal. Nagkikita nga tayo pero hanggang sulyapan lang. Mas gusto ko ang ganitong moments. Nahahalikan kita, nayayakap. I feel the warmth of your skin against my own. It's satisfying. Natatanggal lahat ng pagod ko." Bulong nito sa aking leeg.

"Kawawa naman ikaw. Laging pagod. Bakit kasi lagi kang nag-o-overtime." Hinahaplos ko ng banayad ang kanyang likod.

"Kailangan kasi ako doon, mahal ko."

May paper company din kasi itong pinapatakbo. At syempre, may night shifts. At nag-su-supervise din daw ito sa gabi.

"Magpatulong ka kay Gab kasi Jack. Hayaan mo at kukumbinsihin ko siyang tulungan kang magpatakbo ng iba ny'o pang kompanya." Wala sa sariling sagot ko.

He tensed when I mentioned his brother's name. "Julianne."

"Sorry. I didn't mean it." Kagat-labing tugon ko.

He held my cheeks. "It's okay. But Gab has his own company as well. He separated from me a long time ago, right? Binili ko ang shares niya sa mga sa kompanya ng pamilya namin at bumukod na ito. I don't mind if he wanted to share again but I don't think that will ever happen."

I nodded. But unlike Jack's, maliit lang ang kompanya ni Gab. He's more into investments. Kumabaga kung sa height, higante si Jack. Si Gab ay bubuwit lang. But I can't blame the youngest. Mas gusto nito ang simpleng pamamalakad at simpleng buhay lang.

Isa yun sa mga bagay na nagustuhan ko kay Gab. He's a simple person with a simple dream. Pero nagtataka ako sa sarili ko kung bakit ko minamahal si Jack ngayon na siyang kabaligtaran ni Gab.

I sighed. Love is complicated, I think. Love moves in mysterious ways, indeed.

"What's with the sigh?" He asked.

Iginiya niya ako sa settee na naroon at umupo kami. Ngunit nagulat ako dahil hinila niya ulit ako at pinaupo sa kanyang kandungan.

"Jack." Saway ko ngunit ngisi lang ang iginanti nito.

Hinayaan ko na lamang ang sarili ko sa nais niya. When I seated on his lap comfortably, I leaned my head against his shoulder.

Naamoy ko ang mamahalin niyang pabango. It's intoxicating, just like the the man himself.

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon