THIRTY NINE

47K 1.2K 105
                                    

Complain

"Good morning, prettyhead. Pwedeng pumasok?" bumungad sa akin ang ulo ni Gabriel kinabukasan. Kakagising ko lang at nang kumatok ito sa pinto ay agad na binuksan ko iyon.

"Come in. Kakagising ko lang."

He chuckled. "Obviously, but still, you are beautiful."

Sinabayan niya ng pagkindat ang kanyang pagkasabi. Humalakhak ako ng mahina at inirapan ito. "Ang agang mambola ha, Gabriel."

Pinasadahan lang niya ng tingin ang loob ng kwarto ko at tinungo ang settee. He sat there. Tinapik nito ang espasyo at tumalima naman agad ako.

Humarap siya sa akin at kumunot noo. Puno ng pagtataka ang kanyang mukha. "What happened to your lips? Parang namaga ata."

I bit my tongue para hindi makasinghap. Shit. I haven't checked myself on the mirror yet. "Akala mo lang yun." at the back of my mind, I'm wishing Gab will just ignore this.

Inabot niya sa akin ang kanina ko pang napapansin na paper bag. Umakbay ito at bumuntong-hininga.

"Ano ito?" Kunot-noong tanong ko.

"Buksan mo kaya para malaman mo." tawa nito sabay gulo sa buhok ko. Kinurot ko lamang din ito sa pisngi.

Binuksan ko nga iyon at sa loob ay may dalawang maliliit na kahon. Pamilyar sa akin ang isa ngunit ang isang kahon na kulay pilak ay hindi ko makilala.

Tinignan ko muna si Gabriel at tumango lamang ito sa akin. Malungkot na ngumiti ako at binuksan ko ang kulay pula na kahon.

Kumikislap ang mga batong brilyante nang nabuksan ko iyon nang tuluyan. Hinaplos ko ang singsing. Ito yung singsing na sana ay ibibigay sa akin ni Jack nung gabing naaksidente ito.

"Bakit mo dinala ito?" I asked him.

He shrugged. "Nakita ko lang sa drawer sa kwarto mo. Naisipan kong dalhin dito. Iniisip ko na makakatulong yan para hindi mo sukuan ang aking kapatid. Pampatibay ng loob kumbaga."

I smiled sadly. "I will never give him up, Gabriel. Not until my last breath on this earth."

"Good. Now, open the other box." he said enthusiastically. Mukhang excited itong mabuksan ko ang isa pang kahon.

Nang mabuksan ko nga iyon ay nalaglag ang panga ko. Nanlaki rin ang mata ko at hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.

"How?" ang salitang nabigkas ko.

"The girls. Pinagawa nila sa jewellery shop na pinagbilhan ni kuya."

Suminghap ako at pinilit huwag maiyak. Oh! I'm so happy!

Kumalansing ang mga charms nang tinanggal ko iyon sa kahon. Nilagay ko iyon sa aking palad at pinagmasdang maigi. Buo na ulit ang bracelet na binigay ni Jack sa akin noon! Ang buong akala ko ay tinapon na ito nila Emz.

"Thank you for this. Thank you." niyakap ko si Gabriel dahil sobrang nagagalak ako.

"Sa mga girls ka magpasalamat Julz. Inabot lang yan sa akin kahapon ni Emz nang dumaan ako sa hotel." hirap na tugon nito dahil halos masakal ko siya sa yakap ko.

Napasigok ako dahil tuluyan na akong naiyak. "I will call them. Pero thank you pa rin, Gab. Sa lahat lahat."

"You deserve nothing but the best, Julz. And I believe kuya is the best man for you. And you're the best woman for him too. You deserve to be happy. Forever."

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon