FOUR

68K 1.8K 73
                                    

Don't Bet On That


Isang black chiffon dress na hanggang tuhod ko ang haba ang pinili kong suotin para sa araw na ito. Ito ang first day ko sa recruitment agency bilang manager. Wala pa akong idea sa kung ano man ang naghihintay sa akin doon but somehow, I was able to read some information from the folders Gabriel gave me a week ago. Pinag-aralan ko ang iba doon at medyo nagkakaroon ako ng kahit konting kaalaman kahit paano. May natutunan naman ako sa mga pros and cons ng agency na iyon at konting kaalaman din sa kung paano ito patakbuhin.

Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay pinusod ko iyon. Nag-apply ako ng light make-up para hindi mahalata ng mga tao ang pamumutla ko. Lumabas na ako sa silid at dumiretso sa kusina para maghanda ng aking agahan. May oras pa naman ako dahil alas otso pa ang bukas ng agency.

Pero dahil sa medyo ninerbyos ako, nakatamaran ko nang magluto ng almusal. Kaya granola at fresh milk na lamang ang aking hinanda.

Laking pasalamat ko at naalala naming mag grocery muna kagabi bago tuluyang umuwi sa condo. May mall dito sa Davao na hanggang alas dose ng gabi ang bukas. VCV Mall ang pangalan kung tama ang pagkakaalala ko.

Hinugasan ko muna ang aking pinagkainan at tinaob sa tray. Kinuha ko na ang aking shoulder bag at cardkey at lumabas na ng condo.

Nasabihan ko na ang guard kanina habang ako'y kumakain na ikuha ako ng taxi. As expected, may naghihintay na ngang taxi sa akin sa labas ng lobby at nagpasalamat muna ako receptionist bago ako tuluyang umalis sa building.

Pagkatapos kong magbayad sa taxi ay umibis na ako mula roon. I sighed as I raked my sight all throughout the building of the recruitment agency.

Kulay asul ang pintura niyon at dalawang palapag lamang ang gusali. Hindi iyon kalakihan ngunit palagay ko'y hindi naman masikip sa loob.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakamawalan ko bago ako humakbang papunta sa entrance door.

Pagpasok ko ay halos sabay na nag-angat ng tingin ang mga taong nakayuko kanina sa kani-kanilang table.

Tumikhim ako. "Good morning."

Nakanganga silang lahat sa akin at walang may balak sagutin ako ng pagbati. Pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy akong na-conscious.

"Hi. Sino po sila? Hindi ka naman mukhang mag-aaply sa abroad Miss, di ba?" Salita ng isang babaeng naka eyeglasses at nakaupo sa pinakalikod. May hawak-hawak itong mga papeles.

"No. Uhm." Shit. Paano ba ang tamang approach. Pinadala ako ni Gabriel? Na girlfriend niya ako? Oh! Pero sinabihan ko pala si Gab na huwag ipaalam ang relasyon namin kahit kanino. Ayokong maisipang nabigyan lamang ng pabor kaya naging Manager agad ang posisyon ko. Sasabihin ko ba na ako ang bagong manager? Paano ba!

"I'm Julianne Gutierrez." Tanging pangalan lamang ang aking nabanggit. Nahihiya kasi akong magsabi ng rason kung bakit ako nandito ngayon sa harap nila.

Umawang ang labi nung babaeng nagtanong. "Ikaw si Ms. Gutierrez?" She seemed surprised.

Napahigpit ang hawak ko sa aking bag na dala. "Ako nga." Tumango ako ng bahagya at ngumiti ng alanganin.

Mabilis itong kumilos at lumapit agad sa akin. Kinuha nito ang aking palad and she shook my hand. "It's nice meeting you, Ma'am. Welcome to our humble office. Pasensiya na po kung hindi namin napaghandaan ang pagdating mo. Ang sabi kasi ni Sir Gab sa akin last week, eh tanghali pa daw ang dating nyo." She gave me an apologetic smile.

Nakahinga ako ng maluwag. Oh, thank God. It isn't that difficult. I thought introduction is way harder than this. Ayoko kasing mapintasan agad kaya nauunahan ako lagi ng kaba.

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon