SEVENTEEN

53.1K 1.4K 79
                                    

Delivery

It's been almost a month now since the day Gab asked me to live at Jack's mansion. Ang plano ko noon na isang linggo lang na pagtira dito ay naging halos isang buwan na.

Everything is perfect, at least for me. Hindi pa ako kailanman naging masaya katulad ngayon mula ng nawala ang magulang ko.

Tuwing kasama ko si Jack, I'm always lost for words. Every moment counts. Even happiness is an understatement. It's beyond that. More than that.

Gab never called me since then. Tinatanong ko si Jack sa tuwing may oras kami at bihira lang din daw siya nitong tawagan. The last news he heard from him was he's in Europe together with his team and colleagues.

I sighed. There's something wrong. I know there is. Hindi ko lang alam kung ano. Hindi ko maipaliwanag. Pero alam kong may hindi tama dito.

"Ang lalim naman ng buntong-hininga mo, hija. Hindi ko maabot." Napakislot ako sa pagdantay ng kamay ni tiya Leonora sa balikat ko. Hindi ko namalayang nakalapit na pala ito. Kanina lang ay pinagmamasdan ko pa ito sa hardin na nag ii-spray sa kanyang mga bulaklak.

Nginitian ko ito. "Wala po yun, tiya. Marami lang gumugulo sa isipan ko."

Nilipat ko ang aking tingin sa taong nagtatampisaw ngayon sa swimming pool. He's doing butterfly stroke. Kita ko ang paglitaw-lubog ng kanyang matitigas na masel sa likod.

"Gumugulo sa isipan ba o sa puso?"

Marahas ang pagbaling ko kay Tiya na pakiwari ko'y mababalian ako ng leeg. "Po?"

She smiled at naupo sa vacant chair. Inabot nito ang kanyang iced tea at uminom doon. Nilapag niya ulit iyon sa centre table.

"Hija, hindi man ako nagkapamilya ng sariling akin ngunit naranasan ko rin naman ang umibig. Kaya alam ko pag ang isang tao ay umiibig sa unang pagtama palang ng mata ko sa kanya. Hindi ako tumanda ng ganito kung pati ang bagay na yan ay hindi ko mapansin. You are in love."

I swallowed. "Opo." Hindi ko naman maipagsisinungaling ang ganung bagay.

She nodded. "And so is he." Ininguso nito ang lalakeng nagpalutang-lutang ngayon sa tubig.

Napakagat labi ako at napayuko. "Uhm. Siguro din po."

"Nagmamahalan kayo."

Malakas ang aking pagsinghap dahil sa sinabi nito. Hindi ko akalaing didiretsahin niya ako ng ganito. At kahit alam kong may posibilidad na malalaman ng ibang tao ang kung ano man ang mayroon sa amin ni Jack, nakakabigla pa rin pala pag ganitong diretsahan.

"Po?"

She reached for my hand and pressed it tenderly. Her eyes are not being vindictive, in fact, they're soft, assuring me that she doesn't feel bad about it.

"Maniwala ka sa akin pag sinabi kong naiintindihan kita, hija. Alam kong matino kang babae at may paninindigan. Pero lahat ng tao ay nagiging marupok pagdating sa pag-ibig. It's our weakness that we can never escape from." She sighed.

"When you fall in love, there's no inhibitions and limitations. All you could feel is love." Then she looked at me, straight to my soul.

"Pero dito sa mundong ating ginagalawan, hindi lahat ng tama ay pwede. At hindi lahat ng pwede ay tama. Hindi ko sinasabing mali ang pag-iibigan nyo ni Jack, hija. Ngunit hindi ko rin naman sinasabi na tama. Hangga't alam nating may masasaktan, hindi ito kailanman magiging tama. Ang maipapayo ko ay mag-usap kayong tatlo ni Gabriel. Mas mainam na yung nakasakit ka sa damdamin ng iba dahil nagpakatotoo ka, kesa sa makasakit ka sa damdamin ng isa dahil pinili mong ilihim. Tell him the truth because after all, truth will set you free." Tumayo iyon at gumilid sa mesa.

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon