EIGHT

57K 2K 99
                                    

Caught

I was awakened by the sound of my alarm clock. Antok na antok pa ako. Pinindot ko ang ibabaw na button niyon at napigilan ito sa pag-iingay. Paisa-isa kong binuka ang aking mata. Pumapasok na ang liwanag sa aking kwarto mula sa mga siwang ng kurtina. Bakit tingin ko'y mataas na ang sikat ng araw?

Inabot ko ulit ang maliit kong alarm clock to check the time. Nanlaki ang mata ko nang malamang alas nueve na ng umaga! Imposible! I set the clock at six thirty AM!

Napasulyap ako sa kabilang side table kung saan nakapwesto ang telephone. Tama ba yung nakikita ko?

Bulaklak?

Umupo ako at sumandal sa headrest. Inabot ko ang bouquet of tulips. Sinilip ko ang card sa baba nito. Binuksan ko ang card at binasa ang nakasaad doon.

Smell me.

Utomatikong umangat ang kilay ko. Paano nagkaroon ng bulaklak dito? Gayunpaman ay hindi ko napigilang samyuhin ang bango nito. I smiled. I love flowers.

"Oh gosh!" Agad na bumangon ako nang maalala na iniwan ko pala si Jack sa sahig kagabi. Sobrang bigat niya kaya hindi ko siya naibalik sa pagkakahiga sa sofa. Kinumutan ko lamang siya dahil baka sipunin sa lamig ng aircon. Ni hindi ko na siya nagawang suotan ng bagong tshirt.

Masyado kasi akong naguluhan sa damdamin ko ngayon. Hindi ko alam kung tama o mali ba ang mga ganitong reaksyon ko sa tuwing kasama ko siya, sa tuwing malapit siya. Sa tuwing kausap siya. Kaya ang ginawa ko ay bumalik na lamang ako sa room ko at iniwan ito sa carpeted floor.

Agad akong lumabas sa aking silid at dumiretso sa living room. Ngunit tanging nakatuping kumot lamang ang nakikita kong nakapatong sa sofa.

"Jack?" Tawag ko. Baka kako nasa silid niya ito ngunit nang buksan ko ay iyon ay malinis ang kwarto at halatang hindi ginamit.

"Nasaan kaya ang taong yun? Maaga siyang nagising?" Di ba pag lasing, late nang gumigising?

Bumalik ako sa living room at naupo sa sofa. Bumuntong-hininga ako. Naaalala ko ang kanyang mga sinabi kaninang madalaling araw. He was drunk, I know. At alam ko ring hindi niya alam ang kanyang mga sinasabi. He didn't mean those words, surely? O baka nga ibang tao ang tinutukoy nito. Naguguluhan din ba siya katulad ko?

Tamad na nagtungo ako sa kusina. May mga nakatakip doon sa ibabaw ng dining table na ikinapagtataka ko. Isa-isa kong tinanggal ang mga food cover.

Toasted bread, sausage, ham, hotdogs and eggs ang naroon. May post-it notes pang nakadikit sa gilid.

Eat Me.

I stifle a laugh. "Parang bata." Bulong ko.

Sa loob ng refrigerator ay may isang tumbler na may nakadikit na note din. Tinignan ko ang laman niyon at fresh orange juice pala ito. Tinanggal ko ang sticker note na nakadikit at may nakasulat na Drink Me.

Pinaikot ko ang mata ko. "Alangan namang itapon kita. Sayang naman."

Bumalik muna ako sa aking silid para maligo at gumayak. After nun ay magana akong kumain. Jack did all of this and it lighten up my mood pretty well.

I put the flowers in the vase at nilagay ko sa center table ng kusina. Where is he now, by the way?

Tumawag ako sa office para ipaalam na male-late ako ng pasok. Ewan ko pero kakaiba ang boses ni Wella. Para itong naeexcite na ewan. Aligaga at parang kinikilig. Weird.

Sa labas ng agency ay nasumpungan ko si Manong na busy sa pagbibigay ng number sa mga aplikante. Binati nila ako at gumanti rin ako. Si Manong ay ngiting ngiti sa akin. Pinilit kong itago ang pagtaas ng aking kilay. Kakaiba ata ang aura ni Manong ngayon.

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon