I've Got You (SPG Girls #5)

By faultyscribbler

139K 2.3K 409

|✔ COMPLETED| "Blow me off all you want, but I've still got you." Started: June 22, 2015 / Restarted: August... More

Warning!!!
I've Got You
000xxxx
001xxxx
002xxxx
003xxxx
004xxxx
005xxxx
006xxxx
007xxxx
008xxxx
009xxxx
0010xxxx
0012xxxx
0013xxxx
0014xxxx
0015xxxx
0016xxxx
0017xxxx
0018xxxx
0019xxxx
0020xxxx
0021xxxx
0022xxxx
0023xxxx
0024xxxx
0025xxxx
0026xxxx
0027xxxx
0028xxxx
0029xxxx
0030xxxx
0031xxxx
0032xxxx
0033xxxx
xxxFINxxx
KIEL x STORM

0011xxxx

3.8K 80 21
By faultyscribbler

0011xxxx
Permitted

"Bakit tayo nasa bahay niyo, Paoline Herrera?" mariin kong tanong nang mag-text siya sa akin kanina na sa bahay na lang daw nila dumiretso.

Naabutan ko na dito ang iba pa namin na kaibigan maliban kay Thea na nasa honeymoon niya. Halos hilahin ko na lang kasi ang katawan ko papasok sa bahay ng mga David dahil maling desisyon yata ang boxing session ko kanina.

Tapos na kasi ako sa self-defense class na kinuha ko ilang buwan na ang nakakalipas. Ayaw naman sumama ng mga kaibigan ko since busy sila. Busy rin naman ako pero kailangan ko ng mapaglalabasan ng energy.

"Paoline Herrera-David," pagtatama pa niya sa akin bago mag-settle sa bago nilang sofa set na kulang na lang ay maging kama sa sobrang lawak. Iniirapan ko siya bago ihiga ang katawan ko, "Ang hirap naman umupo sa sofa na ito. Dito ba kayo natutulog? Parang kama, a."

"David? E, hindi pa nga kayo kasal?" natatawang bwelta ni Amelle habang ipinapaurong ako ng kaunti para makasandal siya. Nakahilig lang siya pero sa laki at lawak nga nito ay kasya kaming dalawa.

"Ano sabi ko nung reception ng kasal ni Teyah last year?" Nagsikunutan ang aming mga noo at nagkatinginan. Pilit naming inaalala yung sinabi niya pero I came in blank. Wala rin naman silang maalala.

Natawa siya bigla, "Sabi ko ako na next na ikakasal. Pero naunahan pa din ako ng kapatid ko. But I assure you, ako na susunod. Makapanganak lang ako, itatali ko na 'yan si Gage."

Hinimas-himas niya yung tiyan niya habang masayang nakaupo sa pinakasulok ng sofa na ito while propped on so many pillows courtesy of her fiance.

"Kailan balik ni kambal mo, Teyah?"

"Next week yata? Parang gusto yata nilang magtagal pa doon at mapadpad ng Russia!" asar na sagot ni Teyah. Nainggit lang 'yn sa kambal niya since humahanap pa sila ng tiyempo na makapag-travel dahil maliit pa ang kambal.

Lahat naman kami inggit. We have longed to travel anywhere together. Kaso tingin ko, imposible na mangyari pa 'yun. I'm fine with that as long as everybody is happy. I can go and travel alone para makapag-unwind

"So, how's Dr. Storm Noguiera?" napatigil ako sa pagsubo ng cake dahil sa tanong.

"Bakit sa akin niyo kinakamusta 'yun si Storm? He's still Storm and he's still a doctor," I told them nonchalantly before biting onto the decadent red velvet cake.

"Mag-de-deny ka pa samantalang nakita ka namin na umalis nu'ng wedding reception," panghuhuli at pagsingkit ng mata ni Teyah sa akin. Sinamaan ko naman ng tingin si Amelle at Anne na kasama ko nu'ng gabing 'yun para takasan si Storm.

Ngumiti lang sila nang pilit at hindi makatingin sa akin. Uminom na lang muna ako para hindi matuloy 'yung pagbabara ng cake sa lalamunan ko.

"Wala bang mas matapang na inumin maliban sa juice? Beer? Wine? Whatever na may alcohol?"

Kailangan ko yata ng mga kahit ano doon dahil nabuksan na naman ang topic about kay Storm. Wala namang ganap dahil muli na namang hindi tumupad 'yung lalaking 'yun sa usapan. Isang linggo?! Saktong pangalawang linggo na ngayon wala pa rin!

Hindi naman sa nagbibilang ako, pero super extended na 'yun pasensya ko sa kanya. Masasabunutan ko talaga 'yun.

"No alcohol here. Sana nagdala kayo. Itinago lahat ni Gage ang alak somewhere inside this house pero hindi ko alam kung saan. I'm too lazy to do the search and rescue operations for those."

Napapikit ako sa sinabi niya. Kahit man lang isang naligaw na can ng beer? Or kalahating bote ng wine. Mukhang ako ang magiging laruan ng mga kaibigan lalo na't wala si Thea. Nakita pala nila 'yun. Buti na lang walang sumunod papunta sa garden.

"Bakit naman ngayon niyo lang sinasabi sa akin na alam niyo? Sana hindi na ako nagpunta dito. This is freaking ambush," natawa silang lahat. I showed them my annoying annoyed face na mas lalo nilang ikinatuwa.

"And that's the reason we didn't tell you. This is not ambush, though... this is, uhm..." nag-isip sandali si Teyah ng isusunod na tawag sa ginagawa nila.

"Permitted interview," pag-supply ni Anne.

"Permitted?! Anong may permit? Hindi ko nga alam. Akala ko naman may ganap. Ako pala may ganap? Hindi ako informed," sumubo na lang ako ulit ng cake at galit na ngumuya.

"Wow. You really need to get laid. Wala bang nangyaring pagyanig?" Bigkas pa ni Pao habang tinatawanan pa din ako. They find this funny dahil hindi sila ang nasa hotseat!

"Bumalik ako, hindi ba? It's not as if we can get it on the garden? Nag-usap lang kami," I huffed out.

Pao feigned a gasp, "Are you not that creative, girl? Gage and I first did it on top of his Range Rover's hood."

"Too much freaky info, Paoline!"

Sabay namin na sigaw at napatakip na lang ako ng mukha ko.

"'Wag nga kayong pa-demure. Tayo-tayo lang naman ito. I haven't even got to the details yet. Gusto niyo ng mas detailed? I can still vividly replay it," she comfortably sat in her corner and crossed her legs.

Tiningnan kami isa-isa habang nakangisi pa rin, "I love you all enough to make you squirm and torture you... we just christened this sofa set this morning."

And just like lightning, napatayo at napalayo kami sa sofa.

Si Paoline naman, hindi magkandatuto sa kakatawa. Nalamutak na niya yung unan sa ibabaw ng tiyan niya sa sobrang tawa niya. Pakiramdam ko tuloy, e, mapapaanak na lang siya samantalang hindi pa kalakihan ang tiyan niya.

"Oh my god, girls! You should've seen your faces. Para kayong binuhusan ng kung anong nakakadiri," bumunghalit na naman siya ng tawa. Binantaan ko pa siya na tatawagan si Gage kung hindi siya mananahimik.

"Binibigla mo kasi kami. Kailangan pa ba namin malaman 'yun? Your couch is so comfortable to lie on tapos sasabihin mo sa amin yun?" tanong ko bago sumalampak sa sahig. Ayoko nga umupo muli sa sofa.

Pao threw hands up in the air in defeat, "Okay. Sorry. Pwede na kayong maupo diyan. May comforter diyan noon. It's practically clean. But you're not getting the point. You should get freaky and sexy and creative."

"So you want me to give up my virginity in public?" I ask in disbelief.

"No, all I'm pointing out is that hindi excuse ang nature ng lugar."

Nagkibit siya ng balikat at nakarinig ako ng pagsang-ayon mula kay Teyah. Isa pa itong isang ito. Yung dalawa ay siya nang bumalik sa kanilang pwesto at naiwan ako sa gitna.

"Wala man lang kiss? Full on make-out session or... you know?" pagtaas ng kilay ni Pao.

"Hindi ba sa iisang hospital lang kayo? Hindi mo siya nakikita?" tanong ni Anne habang nag-settle na siya sa panibago niyang pwesto - dun sa kaninang hinigaan ko.

"Tinanong ko si Mommy nu'ng nakaraan. Naging mentor pala siya ni Storm," pagdagdag ni Teyah. Tumango lang ako dahil kilala si Tita Loreta as one of the best OB/Gyn at lahat ng dumadaan sa kanyang juniors niya ay sumusunod sa yapak niya. Isa na doon si Storm. Naging colleagues si Tita pati na rin ang nanay ni Storm noon.

"Wala siya after ng reception. Almost two weeks din siyang wala due to some emegencies. Parang may nangyayari yata sa pamilya nila. Mga Noguiera, e. If you've heard some news," bulong ko while still trying to take in those information on him.

We've been together for months at hindi man lang na-open ang about sa mga magulang niya or family life niya. I didn't ask either since gusto ko siya mismo mag-share.Ayoko naman magmukhang hayok personal information niya.

"Wait," napatigil si Amelle. "Is he related to Senator Noguiera?"

Tumango lang ako bilang sagot. Nakapangalumbaba na ako ngayon at nakatulala na lang. Saan na kaya napunta 'yung isang 'yun? Napakagaling. Nag-around the world na rin yata.

"Alam niyo," pagsisimula ko. "Nag-usap kami noong gabing 'yun. at sinabi niyang babalik siya after one week. Hello? Dalawang linggo na," umikot ang mata ko dahil sinasabi ko na nga bang dapat hindi ako umasa.

Itinuro ko yung eyebags ko sa kanila na literal nang naging box sa sobrang laki. "Ilang linggo na akong literal na dilat magdamag dahil diyan kay Storm."

"Bakit? Do you like like him? You have choices, Kiel, why are you waiting for Storm? That's not the Kiel we know."

Napatingin ako kay Paoline na kumakain ng dried mangoes dahil 'yun ang pinaglilihian niya.

"I...like him. Isang rason bakit gulung-gulo ako. Peak of my moving on plan tapos bigla siyang susulpot? And then he'll kiss me like he owns me as if nothing happened. Walang explanation. Sabi niya sa loob ng isang linggo, mag-uusap kami. Aba! Nakapag-dalawang session na ako ng boxing wala pa rin. Hindi ko na siya sasabunutan, sasapakin ko na lang."

"Men will always be men," pagbigkas ni Anne na parang maraming alam sa lalaki. Sumang-ayon naman silang lahat sa sinabi ni Anne.

"Pero hindi ko alam kung saan niya nakukuha yan dahil alam naman nating lahat na walang karanasan yan. But I agree. Ganyan din naman kami noon ni Dreigo."

"At kami ni Gage. Nilayasan ko nga, hindi ba? Dahil kay Sigrid," natawa lang siya sa ginawa niya noon. Pilit man siyang lumayo, alam niyang hindi niya kaya at si Gage talaga 'yung mahal niya.

"Why don't you do something about it?" tanong ni Amelle habang naka-prop yung legs niya sa sandalan ng couch. Nakabaliktad na siya dahil yung ulo niya ay nasa paanan na na nung sofa. Lahat sila tumatango.

"Gusto niyong i-push ko itong atraksyon na ito kay Storm? Like as in jump into bed with him?"

"No. Not yet, at least. Make him grovel. Hayaan mong paghirapan niya muna. Let him pursue you and see if he can keep up with you."

"Plano ko 'yun. I told him that night. Pero hindi ko pa din alam. Maybe I'm not for relationships?"

Narinig ko si Anne na humalakhak, "Sabi sa inyo, hindi lang ako forever single dito! Pare-pareho lang 'yan sila!"

May nagbato ng unan sa kanya na siyang sinamaan niya ng tingin. Si Teyah yata ang nagbato since palagi naman silang nagtatalo. Aso't pusa 'tong dalawang 'to, e.

"Joke lang naman," sambit ni Anne nang mahimasmasan. "Bakit hindi mo subukan? Sa tingin ko mas magsisisi ka kung hindi mo man lang bigyan ng chance kung sakaling bumalik siya. Alam namin na gusto mo siya since sobrang apektado mo."

Napatingin lang ako sa kanila isa-isa. Ganu'n din naman sila sa akin at naghihintay ng sagot. Bumuntong hininga ako at tumayo para pumunta sa pinakamalapit na bean bag. I slump myself there and think.

"That would be true. Paano naman na hindi? You all know how fascinated I am with long-haired guys na naka-manbun," I remind them dahil kaming lahat ay naka-follow sa isang page na dedicated sa man-bun guys.

"Wishful thinking lang dahil iilan lang ang mga lalaking nagpapahaba ng buhok dahil sa init ng klima dito. And he has a tattoo. Alam niyo, parang nadagdagan nga tattoo no'n since I've last seen him.

"Ay! Destiny or fate? Whatever," Kilig na kilig pang paghalinghing ni Anne na siya na namang tinabig ni Teyah.

"Anyway, ano bang hinihintay mo? There's your dream man. Don't run away from him. Let him explain his side lalo na't may problema siya sa pamilya niya, if the headlines and news are telling facts."

"Huh? Hindi ba dapat mas lalo akong lumayo? Nakakabahala ang mga balita na lumalabas. Palagi na lang sangkot sa issue ang tatay niya."

"Bakit? Hindi naman si Senator Javier jojowain mo, ha? Para na rin sa ikatatahimik mo, wait for his explanation. 'Pag hindi ka satisfied, bye-bye. Simple as that. What do you think?"

What do I think?

Tingin ko nga ay hindi na ako nag-iisip. Kahit naman anong gawin ko, hindi mawala sa isip ko si Storm. Kahit slight sana, naalala niyang may pinangakuan siya. Nakakadalawa na siya. Isa pa talaga, makaka-strike sa kamao ko.

Baka siya ang unang magamitan ko ng suntok. Once and for all, tatapusin ko 'to.

Kung babalik pa siya.

Continue Reading

You'll Also Like

6.1M 3.5K 2
Read @ Dreame/Yugto apps
216K 5.3K 23
"This time I'll make sure we'll have our happily ever after without the end" Book1 and Book2 here
49.1M 1.4M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
14.5M 776K 82
He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrera, her sensible and almost perfect boyfr...