HABAK

By Alex_Camiller

143K 5.9K 365

Mula ako sa angkan ng mga malulupit na aswang. Ang nais lang namin ay padamihin ang mga katulad namin at nang... More

Author's Note
Prologue
1
2 : Uninvited Visitors
3 : Training
4 : Malupit na Kahapon
5 : Pagsasanay sa Karagatan
6 : Makamandag na Tuka
7 : Mapaglarong nilalang
8 : Silverio
9 : Bow and Arrow
10 : Ang Pagsasalin
11 : Pagpapaliwanag
12 : Paghaharap
13 : Kadiliman
14 : Kalakasan
15 : Kapangyarihan at Di Kilalang Kalaban
16 : Ang matinding kalaban
17 : Pag-ibig part I
18 : Pag-ibig part II
19 : Pag-ibig III
20 : Pag-ibig IV
22 : Pag-ibig VI Castaneda
23 : Pag-ibig VII Panganganak
24 : Pag-ibig_Bagong Tagapagligtas
25 : Pag-ibig_Pagpapagaling
26 : Pag_Ibig Mapanganib na Marquis
27 : Pag_ibig_Pagpapaalam
28 : Pag_Ibig Simon
29 : Pag-ibig_Manliligaw
30 : Pag_ibig Pagtitipon
31 : Pag_Ibig_Piano
32 : Pag-Ibig_Alcance
33 : Pag_Ibig Pagtakas
34 : Pag_Ibig Pagsugod ng Aswang
35 : Pag-ibig nila Adelina at Simon
36 : Pag-ibig_KALI
37 : Pag-ibig_kakaibang kaibigan
38 : Pag-ibig_Pamanang Likido
39 : Pag_Ibig_Ang Piging
40 : Pag_ibig_Dalagitang aswang
41 : Pag-ibig_Pagliligtas kay Simon
42 : Pag-ibig_Sagupaan sa Gubat
43 : Pag-ibig_Mga Dambuhalang Puno
44 : Pag-ibig_KAIBIGANG TAGAPAGLIGTAS
45 : Pag-ibig_Paalam
46 Pag-Ibig : Durog na Puso
47 Pag-Ibig_Pagtulong
48 Pag-ibig_Matinding kalaban ng aswang
49 : Pag-ibig_Mga naiwan
50 : Buhay sa tabing dagat
51 : Mga taong Nasagupa
54 : Talon
55 : Mga Bagong Kalaban
56 : Paghihiganti ng mga Aswang
57 : mga taong sinlalaki ng puno
58 : Gubat Geryon
59 : Dayo
60 : Umuusbong na Pag-ibig
61: Pamilya ni Cipriano
62 : Aling Saida
63 : Pagtatapat
64: Pagtanggi sa Manliligaw
65 : Pagdukot kay Andres
66 : Isang BABALA at TULONG
67 : Pagsugod ng Lobo
68 : Ang Paghaharap
Pagsunod kay Andres

21 : Pag-ibig V Lucretia

1.9K 81 4
By Alex_Camiller

Hi Friend,

Sorry po ngayon lang walang pumapasok sa imagination ko kaya di ako nakapagsulat. Sana po magustuhan ninyo ang chapter na ito.

Dont forget to vote, comment and share some love!

God bless you all,

Alex_Camiller

=======================

This may be a work of fiction I pray that whoever read this story will be protected under the mantle of love of our Blessed Virgin Mary.

=======================

Sa matagal na magkasama kami ni Adelina ay ngayon lamang ako tunay na natakot para sa kanyang kaligtasan. Nakita ko mula sa itaas ng parola ang paparating kong kapatid na si Lucretia. Dali-dali kong hinanap si Adelina upang mabigyan ng babala subalit hindi ko sya makita sa buong kabahayan. Kaya wala akong nagawa kundi lumabas at salubungin sila Lucretia. 


"Nakakagulat ang pagdating mo Lucretia. Akala ko ba hindi ka naniniwala sa mga pinaniniwalaan ko?"

"Hahayaan ko ba naman na umalis ng ganun ganun na lang ang aking kapatid."

"Huwag mong sabihin na ginamit mo ang kapangyarihan mo para makita ako."

"Syo ko lamang ginamit ang kapangyarihang iyon. Mapagkakatiwalaan talaga ang ibon na ipinadala ko para sundan ka."

"Hahahaha as usual ang galing sa mahika ang ginamit mo."

"May nalaman akong nag-udyok sa akin para puntahan ka dito ng personal."

Kinabahan ako sa sinabi nya, "Ganun ba?"

"Nagtataka lang ako bakit palagi kang may kasamang tao?"

"Lucretia," tawag ko sa kanya ng bigla syang nagtuluy-tuloy sa bahay samantalang nanatili naman sa labas ang apat na kasama nya na pawang mga kamag-anak din namin.

Nilingon nya ako, "Bakit Marquis?"

"Dahil gusto ko ang taong ito."

"Gusto mo pala bakit hindi mo ginawang aswang?"

"Mas gusto ko syang manatiling tao kaysa maging aswang," madiin kong sabi.

"At bakit mo itinuturo sa kanya ang mga bagay na tayo lamang dapat ang nakakaalam. MARQUIS alam mong magagalit si Ama sa ginawa mo."

"Mahirap maintindihan ang ginagawa ko dahil ni minsan hindi mo pa naranasang magmahal."

"Kung mahal mo sya gawin mo syang aswang para habang buhay mo syang makasama."

"Hinding-hindi ko gugustuhin na maging kagaya sya natin Lucretia."

"Alam mo naman ang panganib na maidudulot ng pagtuturo mo sa kanya ng bagay na iyon. Hindi mo ba naisip paano kung hindi ka nya mahal at umalis sya sa poder mo. Paano ka? Paano kung ituro nya sa ibang tao ang natutunan nya. Magkakaroon ng mga taong maglalakas loob na labanan tayo!"

Nanatili akong tahimik.

"Hindi ako makapaniwalang nabulag ka ng isang ordinaryong babae. Nasaan ba sya?"

"Utang na loob Lucretia huwag na huwag mong pagtangkaan si Adelina."

"At anong gagawin mo Marquis? Lalabanan mo ako?"


Napatakbo ako sa labas ng marinig ko ang pagkakagulo sa labas ng bahay. Pareho kaming nagulat ng makita naming lumipad ang ulo ng isa sa mga kasama ni Lucretia habang ang tatlo ay nakahanda ng sugurin si Adelina. Mabilis akong tumakbo sa kanya para pakalmahin si Adelina at subukang makipag-negosasyon kay Lucretia.


"Adelina, kumalma ka kasama sya ng mga kapatid ko."

"Ano?" nagtatakang tanong ni Adelina.

"Ikaw pala ang babaeng kinahuhulamingan ng kapatid ko."

"Lucretia ang itinuro ko sa kanya ay kung papaano nya maipagtatanggol ang sarili nya laban sa isang aswang."

"Nakita ko nga kung gaano sya kagaling. Ang kauna-unahang tao na nagpalipad ng ulo ni Francesco. Hindi ako papayag na manatili kang tao! Mamili ka Marquis ikaw ang gagawa na gawin syang aswang o kami!"

"Sinabi ko naman syong ayoko syang maging aswang."

"Paano ba yan Marquis dahil nakapagpasya na kami sa ayaw at gusto mo gagawin namin syang aswang!"

"Mapipilitan akong labanan kayo!"

"Isa kang baliw mas pinapanigan mo ang tao kaysa sa sarili mong lahi."

"Sabihin na nating napagtanto kong mas maganda maging tao kaysa maging aswang. Isa tayong halimaw, walang pinagkaiba sa mabangis na hayop na ang nais ay kumain ng laman ng tao."

"Ito ang buhay na niyakap natin ng mahabang panahon Marquis nakakalimutan mo na ba?"

"Isang buhay na gusto ni Ama. Kung tutuusin wala naman tayong alam sa pwedeng maging buhay natin noon at ni minsan hindi tayo tinanong kung gusto ba nating maging aswang," kalmado kong paliwanag.

"Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon. Mapangahas na kapatid!" malakas nyang sabi sabay sugod sa amin.


Kasunod nito ay ang pagsugod ng tatlo pang kasama. Pareho kaming naghanda ni Adelina at dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng puso ni Adelina. Naririnig ko rin ang kanyang isipan sa kabila ng kanyang pananatiling tahimik.


"Kailangan naming matalo ang mga ito. Ayoko pang mamatay bata pa ako at sayang ang lahat ng itinuro sa akin ni Marquis."


Napangiti ako sa mga salitang nasa isip nya. Malaki na nga ang ipinagbago ni Adelina mula sa mahinang babae ay naging matapang at alam na kung anong gustong mangyari sa buhay. Mabilis kong nahawakan ang kamay ng aking kapatid at binalibag sya palayo sa amin. Samantalang si Adelina ay natamaan sa braso ang isa at kapag sinabi kong natamaan literal na lumipad sa ere ang parte ng katawan ng aswang. Napaatras ang dalawang kasama ni Lucretia at bigla na lamang nagbago ang aming kapaligiran. 


"Adelina talasan mo ang isip mo. Ginagamit na ng kapatid ko ang kanyang matinding kapangyarihan."

"Oo Marquis."


Nasa gitna kami ng kagubatan at napapaligiran ng naglalakihang mga puno. Narinig ko ang matinis na tunog ng isang bagay na papunta sa amin.


"Adelina Ilag!" malakas kong sigaw.


Pero nanatiling nakatayo si Adelina at gamit ang espada ay malakas nyang natamaan ang isang sibat na paparating at ito ay lumipad palayo sa aming kinalalagyan. 


"Pinabibilib mo ako!" malakas na tinig ni Lucretia.

"Lucretia itigil mo na ito."

"Malabo ng mangyari ang gusto mo aking kapatid dahil mas tumitindi ang kagustuhan kong maging aswang ang babaeng iyan."

"At hanggat naririto ako hindi ko papayagan ang gusto!"

"Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo MARQUIS!"


Sunod ay narinig namin ang pagdagundong na buong kapaligiran kasabay ang lalong pagdilim ng kapaligiran. Isa-isang naglabasan ang mga pulang mata sa paligid sa dami mahihirapan ang kahit sino na bilangin ito. Sabay-sabay itong tumakbo patungo sa kinalalagyan namin at wala akong nagawa kundi gamitin ang kapangyarihan ko. Apoy ang pinalipad ko mula sa aking mga kamay para matalo ang mga unggoy na may mapupulang mata. alam kong ginamit ito ni Lucretia para magkaroon ng pagkakataon na makalapit sa amin at kung saka-sakaling makalmot o makagat si Adelina ay mabilis syang manghihina at unti-unting dadaloy sa kanyang katawan ang kamandag ng isang aswang. Hinawakan ko si Adelina at inilagay ko sya sa aking harapan para mas lalo ko syang maprotektahan. Nagulat ako ng biglang nilagay ni Adelina ang kanyang mga binti sa aking torso. Noong una ay nagulat pa ako sa ginawa nya pero nung napagtanto ko ang nais nyang gawin ay mas lalo akong humanga sa kanya. Sadya nyang binitiwan ang espada at nanatili itong nakatayo sa lupa. Kinuha nya ang kanyang pana at kahit pareho kaming nahihirapan sa lagay namin ay tiniis lang namin kaysa naman magtangumpay si Lucretia. Habang ako ay umikot para gumawa ng apoy na nakapalibot sa amin si Adelina nama'y isa-isang pinapana ang lahat ng papasugod mula sa aking likuran. Nakagawa kong lawakan ang apoy sa paligid namin at ang iba'y lumilipad na apoy papunta sa kalaban.  Nang mapinsin ito ni Adelina ay bumaba na sya at nanatili sa pagpana. Naisipan kong sabayan ng apoy ang bawat panang lilipad at sa kanyang panglimang tira ay narinig namin ang malakas na daing ng isa sa mga kasama ni Lucretia. Nagulat ako sa nangyari at napalingon ako kay Adelina. alam kong wala syang kamalay malay na may isa na syang natira na totoong kalaban. Nananatili syang pumana at maya-maya narinig ko ang lakas na hiyaw sa sakit ni Lucretia at sa isang iglap ay bumalik kami sa totoong kinalalagyan namin. Nakita ko sa di kalayuan na inaalalayan si Lucretia ng dalawa nyang kasama at isa dito ay wala ng kaliwang braso. Tinanggal ang tumarak na pana sa bandang dibdib ni Lucretia ng isa nyang kasama na may kumpletong braso. At ako nama'y gumawa ng napakalaking apoy at ang plano ko ay ibato ito sa kanila subalit bigla na lamang silang lumipad sa ere. 


"Hindi pa tayo tapos MARQUIS at sa susunod na pagkikita natin papatayin ko kayong DALAWA!"   

Continue Reading

You'll Also Like

8.3K 507 55
"Gusto ko na lang lunurin ang sarili ko sa paraan ng pagkanta niya ngayong hating gabi, pero umaasa ako na isang araw, masilayan ko siya, sa umaga, k...
45.4K 1.5K 31
🔥Highest Ranked Achieved #31 in Paranormal 🔥THE MEGA WATT AWARDS 2017 Best in PARANORMAL WINNER. ( 50% MYSTERY&THRILLER, 25% PARANORMAL, 15%HORROR...
169 28 13
A COLLABORATIVE WORK WITH @darkchives "The university? Check! The course to take? Check! The things to bring? Check! The place to stay? Um... not sur...
40.4K 3.6K 69
Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added...