The Gentlemen Series 4: Jack...

By Winter_Solstice02

2.7M 66.3K 3.1K

Gabriel is the love of my life. He is the kind of man any other women would dream of having. He is my knight... More

Jack, The Disc Jockey
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY

EIGHTEEN

46.4K 1.6K 42
By Winter_Solstice02

Midnight Blue


"Tama na yan Elena! Nako ang kiri ng boylet mo! It's Julianne's turn! Papasukin na natin ang pinakahuling delivery!" rinig kong sambit ni Veronica. Naghagikhikan silang lahat.

Pinagpapawisan ako ng malagkit. More or less, ay alam ko na kung sino ang mga lalakeng dumating kanina. Obvious din naman sa mga boses palang nila eh.

"Namumula si Julianne! Hindi na siya makapaghintay!" Sambit ni Isay.

"Excited na siyang makakapa!" Hiyaw ni Veronica.

"Para akong tanga dito nakatayo mag-isa. Ang sasama n'yo talaga. Hindi ko naman party ito ah. Bakit ako yata ang finale?" Maktol ko.

"Dahil new member ka sa group, kailangan mong binyagan." Isay laughed.

I stuck my tongue out at them. Ang sasama nila. Makakaganti din ako.

Tumahimik ang lahat nang bumukas sara ulit ang pinto.

Napalunok ako. Ang lakas ng pintig ng puso ko at bawat ugat ko sa katawan ay nanginginig. Nanlalamig din ang aking mga kamay at pawisan na ang aking likod.

"Ayan na!" Tli nila.

"Kinakabahan ako sa inyo..." Napakagat-abi ako. My lips are trembling. And so is my whole body.

Nagbago ang kanta. Fuck. Puma-ere ang instrumental song ni Glenn Frey na The One You Love.

"Showtime baby!" Naririndi ako sa mga hiyawan nila. Pakiramdam ko'y mababasag ang eardrums ko.

Muntik na akong mapatili nang may humawak sa magkabila kong kamay. He placed it on his bare chest.

Holy shit.

I bit my lip when that familiar electricity hit my every nerves. Adrenaline started rushing through my veins. My heart pumped erratically.

"Feel him Julz! Explore his body!"

Sa nanginginig na mga kamay ay pinadausdos ko ang mga iyon at banayad na hinaplos ang kanyang matitigas na abs. His skin hot and sweaty. I could feel him trembling with my touch. Is he nervous?

Ramdam ko ang kanyang mabilis na paghinga na tumatama sa aking mukha. His scent is very familiar. Ngumiti ako.

Nang mag-umpisang kumalma ang aking pakiramdam at ang kaba ay napapalitan na ng excitement, mas naging mapangahas ako.

Ibinaba ko pa ang paghaplos sa kanyang tiyan hanggang sa tumama ang kamay ko sa kanyang sinturon.

"Fuck. Don't go there, love, I forbid you. You gonna kill me if you touch me down there and please, not in front of these crazy people." He whispered.

"Jack." I breathed.

"Your one and only." He whispered huskily. I can sense him smiling from ear to ear.

"Ano ang binubulong-bulong nyo d'yan? Tanggalin mo na ang piring ni Julz!" Si Veronica na nangingialam na naman.

I scoffed pero ngumiti na lang din. This is so entertaining. Nang tinanggal ni Jack ang piring ko, kinintalan niya agad ako ng halik sa labi.

"Awww...." They exclaimed.

They are looking at us. The boys are smiling like crazy at nakaakbay sa mga girls nila. Isay was sitting on Reid's lap, while Emerald was leaning against Lawrence, holding her big bump.

Chris was embracing Veronica from behind.

"Okay na?" I asked.

"Hindi pa po." Ngumuso si Veronica at lumapit sa akin. "Dito ka lang, hindi pa tapos si Jack. Oh Jack, sayaw na. Unfair sa mga boys."

Natawa ako nang magkamot ito sa batok na parang bata. His cheeks are burning. Gosh! He's so cute!

"Go Jack!"

"Galingan mo paggiling pre!"

Umirap ang lalake sa kanilang pangangantiyaw.

Tagay muna pampalakas loob." Inabutan ito ni Ian ng shot glass na may lamang Hennessy. Agad niya itong tinungga.

"Game." Wika nito pagkatapos ubusin ang laman.

Yung background music pa rin ni Glenn Frey ang patuloy na tumutugtog. Ilang metro ang layo niya sa akin. He tipped his head up pati na rin ang dalawa nitong braso at pinaikot-ikot niya ito sa ere habang gumigiling patungo sa akin. And he's biting his lip! Great lord!

Lumapit si Jack sa akin at humawak sa aking bewang.

He started grinding on me! Jesus Christ!

Naghiyawan ang mga tao sa aming paligid. Hindi ko na pinansin na tumayo rin ang mga ito at pare-pareho silang sumasayaw kasabay ng tugtog.

Ang atensyon ko ay na kay Jack lamang. Ano ba ang talent ng lalakeng iyon na hindi ko pa nadidiskubre?

Nakanganga ako habang gumigiling ito sa akin. Napako ata ako sa aking kinatatayuan at paraan akong nahipan ng hangin. Hindi ko magawang ikurap ang mata ko and I dare not to.

He's fucking sexy like hell!

Our eyes met and I know there's something in the way he looked at me. They were hypnotizing me. The way he moves makes him more fascinating. Hindi matigas ang katawan nito. In fact, he's very graceful.

Wala sa sariling sinabit ko ang aking mga braso sa kanyang leeg at sinabayan siya sa paggiling.

"You're driving me crazy, Julianne." He whispered against my ear at napaungol ako sa pagkagat niya sa parte kong iyon.

"You're driving me to insanity, Jack." I said in a breathy tone.

Pinagapang nito ang kanyang haplos sa aking likod pababa hanggang sa aking butt. He pressed it. Napapikit ako.

"Lord, you're turning me on love." Nahihirapang bigkas nito.

Bumaba ang mukha nito sa akin at sinalubong ko ito. We kissed hungrily.

Pumalakpak silang lahat nang matapos ang kanta na hindi ko man lang namamalayan.

Okay guys. We had a lot of fun. Goodness! Let's have dinner everyone at mag iisip muna ako ng games pa natin."

"Hep, hindi muna." Salita ni Chris. "May surprise pa kaming mga boys sa inyong mga girls. Pinag-isipan namin ito kanina sa kabilang suite."

Humalukipkip si Veronica. "Talaga? Ano naman iyon?"

Chris kissed her on the lips before he answered. "Just watch."

"Kaninong pakulo ito?" Sambit ni Emz.

"Edi sa groom to be. Nakailang replay kami sa YouTube para lang makuha ang steps."

Humalakhak si Isay. "Pustahan tayo may kondisyon ito kaya kayo napapayag."

"Sweetheart, hindi afford ni Chris ang kondisyon namin." Tawa ni Reid na agad niyakap si Isay.

"Just for fun. We just want you girls to have a good laugh even at our own expense. Ganun namin kayo kamahal."

"Aww....that's my Ian." Mabilis na lumapit si Elena kay Ian at pinugpog ng halik ang buong mukha ng lalake na tuwang-tuwa naman.

"Sayang lang at kulang tayo. Wala si James. Alam nyo na, zero ang lovelife." Gumawa ito ng hugis zero sa hangin.

"Di bale, gawin natin ulit pag nagka lovelife na rin ang bakulaw na iyon." Ani ni Jack.

"Naks Jack. Bet na bet mo na ata ang ganitong pakulo ha. Kung dati sukang suka ka sa tatlong itlog na yan pag pinag-uusapan ang buhay pag-ibig. Ngayon, ikaw na ang may ganang magsabi ng ganyan ha. Wow. The power of love!" Pang-aasar ni Veronica dito.

Humagikhik kami nang bumusangot ang mukha ni Jack. I kissed his cheek. "I love you." Bulong ko dito.

He smiled genuinely at lumabas ang magkabilang biloy nito sa pisngi. "I love you more, love. More and more each day." He tenderly tugged my lower lip with his teeth.

"Sige nga boys. Show us what you've got."

Nagkumpulan kaming mga babae at ang mga lalake naman ay pumwesto na rin ayon sa instruction ni Chris.

Ano kaya gagawin ng mga ito?

Nang sinalang ni Chris ang cd na baon nito at pumaere ang tugtog, humalakhak kami ng wagas!

Susme! Twerk it Like Miley!!!!!!

Mamamatay na yata kami sa kakatawa habang pinapanood sila. Ginaya pa talaga nila ang dancestep ni Maja Salvador.

Napapaindak din kami sa kanta. Ngunit nagulat kami nang akala namin ay tapos na ay aba! May Nae Nae pa palang kasunod!

Parang kengkoy lang mga ito e. They are all over the place! At hindi synchronized ang kanilang step. Hindi nila alam kung sino ang susundan. My goodness. Kakabagan na ata kami kakatawa. Si Emz ay baka manganak pa nang wala sa oras.

Hawak-hawak namin ang aming kanya-kanyang cell phone habang vini-videohan naming sila. Nakakaloka at nakakawindang sila. Ngunit pak na pak pa rin para sa amin. Siyempre, mahal namin eh. At higit sa lahat, kahit ano pa gawin nilang kaing-ingan e, hindi pa rin kabawasan sa kanilang taglay na charm at karisma.

Sumalampak sa mahabang sofa ang mga boys pagkatapos. Napagod sila sa pagsayaw. Kung pagsayaw nga ba ang tawag sa ginawa nila.

"Pag pinost ko to sa Facebook paniguradong viral agad ito." Wika ni Elena.

"Ako, ibebenta ko ng milyon. Paniguradong may bibili." Segunda ko.

Humalakhak si Veronica. "This is the best Bridal Shower ever written in history." Nakatitig ito sa mga lalakeng hapong hapo.

Sabay na sumilay ang malawak naming ngiti. May init na gumapang sa aking puso.

"Aren't we all lucky?" si Elena.

"We are indeed." We answered in chorus.

Yeah. Sobrang swerte namin sa kanila. Sobrang swerte ko kay Jack. And I hope this happiness will never end.

**********

We are having dinner. Actually, kanina pa kami dapat tapos kumain kaso nag-aasaran na naman ang mga lalake habang pinapanood nila ang video na galing kay Veronica.

"Jack, akalain mong may talent ka pa pala sa pagsayaw. Akala ko'y hanggang sa pagkanta at pagiging DJ lang ang kaya mo. Pwede ka rin palang maging dancer. You can beat Justin Timberlake, dude." Tawa ni Reid.

Kumunot ang noo ko. Did he just say DJ? Jack cleared his throat loudly.

"Ibenta natin tong video ni Jack. Lagyan natin ng caption, 'Midnight Blue danced sexily to Glenn Frey Song'. Paniguradong patok ito sa media." Ngisi ni Ian.

Mabilis ang pagbaling ko kay Jack na naniningkit ang mata sa mga kaibigan niya. The girls are just laughing.

"Mi—midnight Blue? Yung DJ?" Mabagal kong bigkas. I need confirmation. Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko. Unti-unti akong nanlamig.

No way.

"Yes. Midnight Blue. Si Jack. He owns the FM station. Sino pa bang Midnight Blue ang tinutukoy natin dito? Mayroon pa bang iba?" Nagtataka ang mukha ni Emerald.

"Wait a second there. Hindi mo alam na si Midnight Blue at si Jack ay iisa?" Tanong ni Elena na mataman ang titig sa akin.

"All this time hindi mo alam? How come? Jack, hindi mo sinabi?" Sambit ni Isay.

Natahimik ang paligid. Lahat sila ay nakatitig lamang sa aming dalawa ni Jack.

Ako ay nanatiling nakayuko sa mesa at nakakuyom lamang ang aking kamao. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. I feel betrayed. Bakit hindi niya sinabi sa akin na siya pala si Midnight Blue samantalang ilang beses namin itong pinag-uusapan?

Alam na ba niya kung sino ako sa umpisa pa lang? Yung pagkanta niya live on-air, sadya niya ba yun? Did he recognize me all along? Sa park ng restaurant, was it a part of his plan as well?

Hindi ko alam kung ano ang dapat isipin at ramdamin. Pero isa lang ang alam kong ginawa niya......

Ginawa niya akong tanga!

"Love—"

Bigla ang pagtayo ko. Halos matumba ang upuan dahil sa ginawa ko.

"Biglang sumama ang pakiramdam ko. Pwede ba akong mahiga saglit sa isa sa mga kwarto mo Veronica?" My voice faltered.

"Sure. Sure. Tara sasamahan kita." Tumayo rin ang dalaga.

Hinawakan ni Jack ang kamay ko ngunit pinalis ko iyon. Kating-kati akong sampalin siya ngunit ayokong gawin iyon sa harap ng kanyang mga kaibigan.

"Let me explain, Julianne." Nagsusumamo ito.

"Ilang beses nating pinag-usapan si Midnight Blue noon Jack. But you didn't tell me the truth. You fooled me, bastard. I don't want to talk to you." Hindi malakas ang boses ko ngunit mariin ko itong binigkas.

I want him to know how angry and hurt I am. Nag-excuse ako sa mga kasama namin at tumungo sa kinatatayuan ni Veronica.

Nagpupuyos ang kalooban ko!

All this time, niloloko niya ako!

Pagpasok namin sa loob ng room ni Veronica ay humingi ako ng paumanhin. I don't want to spoil this special moment of her life. Kaya nga kahit gusto ko na lamang umuwi ay hindi na lamang kasi magtatampo tiyak ito.

"I understand, Julz. Magpahinga ka muna. And I'm sorry too. Wala naman kasi kaming alam na tinatago pala ni Jack sa'yo ang pagiging DJ niya. Pero malay mo balak pala talaga niyang sabihin sa'yo. Naghahanap lang ng timing. Wag kang mag-alala, sasabunin namin mamaya. Pero kung sakaling gusto ka niyang kausapin, pakinggan mo siya. You have to hear his side too para at least, naging fair ka naman sa kanya. Ako, naniniwala akong tayong mga babae ang nagdadala sa isang relasyon. Tayo ang mas maunawain, tayo ang mas mapagparaya at tayo ang mas mapagpatawad. Men need guidance from women. Kasi tayo may instinct tayo na wala sila. Kaya kadalasan, sila ang mas under kesa sa babae." Humagikhik ito kaya natawa ako.

"Kaya nating paikutin sa ating palad ang mga lalake dahil pag nagmahal kasi sila, ibubuhos nila lahat sa atin at wala silang ititira ni katiting sa kanilang sarili. That explains their possessiveness towards us. They love us to destruction, Julz."

Tumango ako sa sinabi niya. Tinaas nito ang duvet hanggang dibdib ko at hinalikan ako sa pisngi.

"Take a rest. We'll check on you later, okay?"

"Salamat."

"Don't mention it." She smiled at lumabas na sa kwarto. Rinig ko ang boses niyang nagsasalita sa labas.

"Mamaya mo na siya kausapin, sa amin ka muna maipaliwanag damuho ka."

Mapakla akong ngumiti. Masama ang loob ko ngunit hindi ko magawang umiyak.

Why suddenly I feel like Jack is hiding something big from me?

Ano pa ba ang dapat kong malaman?

Continue Reading

You'll Also Like

34.8K 1.9K 18
The filming for their upcoming movie was finally done. Francesca Ingrid Loreto has never been more thrilled and excited for her vacation after months...
1.6M 38.3K 39
Isang dalagang ina si Cherry at sa loob ng walong taon ay itinago niya ang lihim sa likod ng tunay na pagkatao ng kaniyang anak na si Justine. Iniiwa...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
7.4M 207K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...