I've Got You (SPG Girls #5)

Autorstwa faultyscribbler

137K 2.3K 409

|✔ COMPLETED| "Blow me off all you want, but I've still got you." Started: June 22, 2015 / Restarted: August... Więcej

Warning!!!
I've Got You
000xxxx
001xxxx
002xxxx
003xxxx
004xxxx
005xxxx
007xxxx
008xxxx
009xxxx
0010xxxx
0011xxxx
0012xxxx
0013xxxx
0014xxxx
0015xxxx
0016xxxx
0017xxxx
0018xxxx
0019xxxx
0020xxxx
0021xxxx
0022xxxx
0023xxxx
0024xxxx
0025xxxx
0026xxxx
0027xxxx
0028xxxx
0029xxxx
0030xxxx
0031xxxx
0032xxxx
0033xxxx
xxxFINxxx
KIEL x STORM

006xxxx

4.9K 86 14
Autorstwa faultyscribbler

006xxxx
Distracted

Off ko ngayon at kasalukuyang nakikipag-usap sa mga kaibigan ko. Ang topic namin ay ang ginawang nursery ni CK para sa magiging baby nila ni Loislane. Ang hindi namin napansin ay nasa group chat pala kami na kasama ang i-su-surprise na babae.

Agad namin dinelete ang messages namin at lumipat sa kabilang group. Tawa pa ako nang tawa nang mapansin kong gising na si Storm.

"Pahinga ka pa?" Tanong ko nang makitang pupungas-pungas siyang pumunta sa kinaroroonan ko sa sala. Nakasuot na lang siya ng pants niya at white fitted shirt na baon-baon niya.

And no, hindi ko pa isinuko ang bataan. Galing lang siya sa isang mahabang duty at nagprisinta akong sumundo sa kanya saglit dahil hindi daw niya kaya mag-drive. Sa kaartehan naman niya, ayaw niya daw matulog sa hospital.

"I'm good," usal niya bago akmang hihiga sa sofa. Pinigilan ko siya at sandaling tiningnan ang oras. Inaabangan ko kasi kung pauwi na ba si Karl mula sa school. Ayoko naman na makita niyang may dala akong lalaki sa bahay since hindi ko naman boyfriend si Storm.

Exclusively dating pa lang. Subok-subok lang. Momol-momol lang gan'un.

Storm has been here several times in the past month. Sadyang hindi lang siya inaabutan dahil all Storm does here is rest. Hinahayaan ko siya dahil naiintindihan ko naman ang trabaho niya. He's a doctor. At in demand ang pangalan niya sa mga VIPs na nanganganak.

"Missed you, Lacy," sambit niya bago sumubsob siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"Aww. Kakakita lang natin no'ng isang araw  sa hospital?" Pang-aasar ko sa kanya bago yakapin pabalik.

Mabigat siya kumpara sa akin at talaga naman na ramdam ko ang pagkakadagan niya. It's a welcomed weight, though, because I like snuggling to him like he's a big bear. Walang-wala ang ibinigay niya na Olaf stuffed toy sa kanya.

Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at nagsimulang punuuin ito ng maliliit na halik.

"H-Hoy, Storm!" Tinapik ko siya sa braso para patigilin dahil nakikiliti ako. Tumawa lang siya at mas lalong dinamihan ang halik.

Itinulak niya ang sarili niya paangat para tingnan ako. His arms are now caging me on the sofa, his lower body pushed snugly against the between of my legs.

"Sorry. Hindi pa rin tayo nakakapag-date ng maayos,"  sambit niya na may bahid ng pagsisisi.

Ilang araw na rin kasi matapos ang Valentine's Day at pareho kaming duty ng araw na 'yun. Hindi naman niya nakalimutan. Ang katotohanan niyan, naka-display pa sa pagpasok ng pintuan ang bouquet na ibinigay niya sa akin sa gitna ng duty ko.

Naging tampulan na naman ako ng asar dahil bakit daw ba ako ipinagpala sa jowa? E, hindi ko pa nga jowa! Paano kaya 'yun?

"Okay lang naman," kibit-balikat kong sagot. Wala naman kaming magagawa. Ito ang napili namin na propesyon.

Nilaro ko na lang ang buhok niya na malaya mula sa pagkakatali nito. Mas lalo itong humaba na lumagpas na sa haba ng buhok ko since bagong pagupit ako nu'ng nakaraan.

"Movie later?" Inabot niya ang phone niya na nasa coffee table. Umayos siya ng higa. Hinila naman niya ako patungo sa kanya at ikinulong sa kanyang mga bisig.

This time, ako ang sumiksik sa dibdib niya habang ninanamnam ko ang amoy ng body wash ko sa katawan niya. Wala kasi siyang gamit noong nag-shower siya kanina.

"Ano namang movie?"

"Jupiter Ascending lang mukhang maganda, e," sabi niya nang maobserbahan ang movie list.

Nagkasundo kami sa movie at sabay na napatingin sa orasan. It's almost 4pm at pauwi na ang kapatid ko. Tiningnan niya ako nag may pag-aalinlangan.

"I don't want to go…" sambit niya nang marahan. Hinalik-halikan niya naman ako ngayon sa ulo habang isinisiksik ang katawan ko sa tabi niya.

Okay na ako sa ganito, e. Just relaxing and lounging with him. Hindi ko kailangan ng dates dahil kasama ko lang siya, para na akong lumulutang sa kilig.

Sabi sa inyo, hindi ko pa naranasan 'to sa iba. Sa kanya lang. May hindi maipaliwanag na comfort kapag nandiyan siya. Samantalang hindi pa naman kami ganu'n katagal magkakilala.

"Ha!" Iniangat ko ang sarili ko at tiningnan siya nang nakangiti. "Date na lang tayo sa grocery? Naalala ko 'yun pala dapat kong gagawin ngayon."

May susi naman si Karl ng apartment kung sakaling darating siyang wala ako. Gusto ko na unalis ngayon para kung hindi man ako masasamahan ni Storm, maaga akong matatapos.

"Kung game ka lang. Alam kong pagod ka," tumawa ako awkwardly at nahiya. Tuluyan akong umalis sa tabi niya para magpunta sa kwarto.

Hinila niya ako pabalik na naging dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya. Bahagyang inihilig naman niya ang ulo ko para magkaharap kami kahit papaano.

He smiled mischieviously as he pushed my hair away from my face. "I'm always game kapag ikaw ang kasama," sagot niya bago siilin ng mainit na halik sa labi.

***

Hindi ko namalayan ang araw. Nasa apat na buwan na rin simula nang maging exclusive kami sa isa't isa na kinainggitan ng mga katrabaho ko. Halos lahat kasi sila ay crush si Storm. Samantalang ako 'yung walang kapaki-paki daw noong ipinakilala siya.

Ha! Kala lang nila 'yun.

Pero may hangganan ang lahat. Ito siguro ang dahilan bakit mailap pa rin ako na tuluyang magtanong ng kung anong tunay na meron kami.

Inasahan ko na 'to, pero naniwala ako na iba si Storm. What we have together is different. What can I do? Sa kakapigil ko, ako ang unang bumigay. Ako ang unang nahulog, pero parang wala na siya para sumalo.

The little moments that strengthened my confidence in finally letting my family and friends meet him are now gone. Kinukuwestiyon ko tuloy kung imahinasyon ko lang lahat.

Lately kasi, napaka-distracted niya. Pansin ko na parang ilang libong milya ang takbo ng utak niya sa tuwing nagkikita kami o nagkakasama.

Hindi naman siya pumapalya sa effort. We always eat together if time permits. He comes and goes by my apartment still pero pakiramdam ko ay napakalayo niya nitong nakaraang linggo.

"Is everything okay, Storm?" Tanong ko nang makitang kanina pa siya tingin nang tingin sa cellphone niya at nakakunot ang noo habang naghihintay ng in-order namin na pagkain.

Sabay ang out namin sa hospital. Well, I waited for him for an hour, kaya naisipan namin na mag-take out na lang ng merienda and dinner since alas-kuwatro na.

"Uhh, if may pupuntahan ka, you can go," utos ko na nagpaangat ng ulo niya.

Umiwas ako ng tingin at pinaglaruan ang hawak na resibo. Narinig ko ang marahas niyang paghinga. He looks stressed, to be honest. Baka dahil sa pagbabalanse niya ng workload niya at ng pagkikita namin.

"Lacy…" sumamo niya

He's frustrated. Rinig ko 'yung tono ng pananalita niya. Ilang ulit kong tinanong nitong nakaraang nga araw kung may problema ba siya pero umiiling lang siya at sinasabing wala 'yun.

"I know pinag-usapan na natin 'to. Ilang araw na rin, pero if it's an emergency, go."

Balak kasi namin na mag-movie marathon with Karl since gusto ko na nga siyang unti-untiin na ipakilala sa mga tao sa paligid ko. Saka, nahuli kami ni Karl na magkayakap sa sofa na muntik ko pang ikahulog doon noong isang araw.

"Kaya nga. Ayoko nang ikansela na naman dshil sa emergency. Hindi pa nga ako nakakabawi," banggit niya bago ako akbayan at yakapin gamit angbisang braso.

"Nako. Puwede naman natin i-cancel ang schedule, Storm. No hard feelings. Mukhang importante 'yan, e. Kanina ka pa hindi mapakali," sambit ko habang umiiling.

Sinusubukan kong ipakita na wala akong pakialam. Na hindi ito big deal, pero pumapalya ang ngiti ko. Umiwas ako ng tingin at agad na tumayo nang marinig ang number namin.

Inunahan niya pa rin ako papunta sa counter para siya ang magbuhat ng orders namin. Once we settled inside his car, he faced me and forced my eyes to look at him.

Naiinis ako. Naiinis talaga ako. May kung anong nakabara sa dibdib ko sa mga oras na ito. Pero kung emergency, sino ba ako para kuwestiyunin 'yun? Oo, masaya ako sa set-up namin, prro sana naman kahit minsan, matulog 'yung plano namin without interruption.

Umiinit na ang mata ko sa nangingilid na luha. Mas frustrated ako dahil hindi ako ganito. Hindibako kailanman umiiyak nang dahil sa lalaki.

"Shit. I'm sorry, my lady," lumapat at binigyan niya ng halik ang ilalim ng mata ko.

"Mabilis lang 'to. I promise I'll be at your house in time to meet Karl."

Inihatid niya muna ako sa bahay bago tuluyang umalis at asimasuhin ang dapat niyang gagawin. I heard him talking on the phone one time and I think tatay niya ang nasa kabilang linya.

May oras pa na nagtatalo sila dahil sa arrangements na naririnig ko. Siyempre, hindi ko na pinakinggan masyado dahil ayoko naman maging chismosa. Kung gugustuhin ni Storm at kung dapat ko bang malaman 'yun, sana sinabi na niya kesa mag-isa siyang nakakunot ang noo.

I release a defeated breath and lay down on the sofa.

"Saan na jowa mo, ate?" Tanong ni Karl bago pumwesto sa kutson na nakalatag. Ready'ng ready na siya at dalawang malaking bowl pa ng popcorn ang kanya.

"Mamaya nandito 'yun. Susunod na lang daw," tinatamad kong sagot. Agad naman pinlay ni Karl ang unang movie sa Fast and Furious habang tumatango-tango.

Nagising ako sa ring ng cellphone ko. Napansin kong madilim na ang buong baba dahil tapos na ang pinapanood namin na palabas. Si Karl ay nakahilata na at naghihilik.

Anong oras na ba?

Agad kong inabot ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Storm.

Bago ko sagutin, inaninag ko muna ang wall clock sa may kusina angnakita ala-una na ng madaling araw.

"Storm? Ok ka lang ba? Madaling araw na," nag-aalala kong bati bago tumayo mula sa sofa at nagtungo sa may bintana. Baka kasi naghihintay siya sa labas.

Ang ingay sa lugar kung nasaan siya. Parang ang daming nagsasalita at pari't parito malapit sa kanya. "Saan ka?"

Hindi siya sumagot kaagad na siyang nagpalala ng pag-aalala ko. "Storm? Sagot naman diyan."

"Kiel…" Tumikhim siya at marahas na nagbitaw ng malutong na mura.

"I'm at the airport. May flight… may flight akong dapat habulin…" He sighed in defeat. May kumakausap sa kanya pero rinig ko na pinaalis niya ito.

"Ano?! Bakit? Saan ka pupunta? Ano'ng nangyayari?"

"I'm sorry. Hindi na naman ako tutupad sa usapan and I fucking hate it. I'll call you when we land."

Napatulala ako. Sobrang hindi ko maintindihan kung ano nangyayari. Ito ba dahilan bakit siya hindi mapakali? E, di sana sinabi niya!

"What–" naputol ang sasabihin ko nang marinig ko ang boses na nagsasalita kung nasaan man siya.

"Passengers for Flight SQ 919 to Singapore, please proceed–"

"May convention ba sa Singapore? Bakit hindi mo sinabi?"

"It's a connecting flight to Zurich, my Lacy. I'm going to Switzerland."

Bago pa man ako makapagsalita ulit at makapagtanong, inunahan niya na ako.

"It's the final boarding call. I'll call you when I get there, mmkay? I'll be back."

He ended the call just like that. Para na naman siyang may hinahabol na kung ano at nagmamadali.

Napahawak ako sa dibdib ko at sinubukang alisin ang kirot na nararamdaman nito. What the fuck, right? It's a total mindfuck with Storm.

Maybe it's a family emergency. Sana sinabi niya! Ano ba tingin niya sa akin? Pipigilan siya kung malalaman ko?

Naluluha na naman ako sa inis. Siguro ay parwho lang din naman ng ibang lalaki si Storm. Tatakbo na kapag hindi pa rin nakukuha ang gusto.

Sumoa yata sa akin ang pagiging virgin. Ganu'n ba ako ka-obvious? Binabawi ko naman gamit ang bibig ko, ha?

Shit! Parang ewan.

Inayos ko na lang ang kalat na gawa ni Karl at kinumutan siya bago umakyat sa sarili kong kwarto para doon matulog.

Is this my karma for kissing strangers and being Jett's wingwoman?

Maybe I'll die a fucking old maid!

Hindi ko alam kung anong oras na ako tuluyang kinain ng tulog dahil nanatili akong gising. Ilang milya ang tinatakbo ng isipan. Hindi ba talaga ako girlfriend material?



Napabalikwas ako sa kama nang marinig ang pagsigaw ng kapatid ko mula sa labas ng kwarto. Napahawak ako sa dibdib ko at napansing pawis na pawis na ako dahil sa manina pa nakapatay ang aircon ko.

Humawak ako sa pumipintig kong ulo. Kung sinu-sino na naman ang napapanaginipan ko. Mabuti na lang at nagising ako mula sa isa na namang bangungungot ng kahapon.

Ilang buwan ko na ring tanong kung ano 'yun? Ganu'n na lang? Hindi man lang nagbigay ng rason bakit lilipad kaagad paalis? Maghihintay ako dito nang walang kasiguraduhan?

Hanggang sa ngayon, isa siya sa laging umiikot sa mga panaginip ko. It was bittersweet, but I deem it a nightmare lalo na kapag siya ang kasama. Hindi ako naghahabol ng lalaki, pero ginawa ko 'yun sa kanya.

No, Dr. Noguiera. You're so last year.

Kung hindi mo lang din kayang i-share ang ibang parte ng buhay mo, you're good as a fucking fling.

Now, I'm off to face yet another nightmare. Hindi ko alam kung makaka-move on ba ako kasama ng mga kaibigan ko sa nangyari.

Sa isang pitik, lahat nagbago. Sa isang iglap, babaliktad ang ikot ng mundo niyo –scarrring each of you with loss and a life gained from it.

If only I could wake up from this again.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

39K 1K 48
(Loren series #1) Minsan pag nagmahal ka ng isang tao hindi mo alam kung mahal ka din ba niya? Pag minsan mapaglaro talaga ang tadhana Siya kaya mah...
6.9K 260 15
"Goodbyes make you think. They make you realize what you've had, what you've lost, and what you've taken for granted." Isaac Ryle Sandoval receives a...
36.3K 1K 20
I didn't know having a Lesbian Lover could be this good.... -Arjo Singsiongco Warning: This is a full blown erotic-romance! The title speaks for itse...
939K 9K 30
Liana Madriaga, simula bata pa lang sya sanggang dikit na sya sa kapatid nya si Sebastian Madriaga. Sila na siguro yung kahit di tunay na magkapatid...