Achilles

By mayflores430

16K 704 28

Dahil hindi pumayag si Keeper sa gusto ng kanyang Mama, napilitan siyang umalis sa kanila at magpunta sa isan... More

Prologue
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Epilogue

Chapter One

1.1K 40 2
By mayflores430

Chapter One

Achilles


KUNG makikita ako ng Mama ko, malamang binanatan na niya ako ng sangkatutak na sermon na may kasamang supalpal sa mukha. Isa lang ang ipinakikiusap sa akin ni Mama:

"Achilles, if you want to die, you die with dignity, not with insanity!"

Dignity ba kamo? Meron naman ako no'n. Mas marami nga lang ang insanity ko.

"Mama... oohh... I don't wanna die..." don't worry, hindi pa ako namamaalam. Malakas kasi ang tugtog ng music sa player ko. I'm listening to Bohemian Rhapsody by The Queen. Sinulyapan ko ang speedometer. I grinned.

Then I heard a loud bang. May nakabuntot ng kotse sa akin at binabangga ang kotse ko sa may likuran. Imbis na mainis ay lalo akong nakaramdam ng thrill. Lalo kong diniinan ang accelerator. Pakakainin ko ng alikabok ang gustong tumalo sa akin. Hindi ako papayag na mapuruhan ang McLaren F1 ko. It's quite an old model pero isa pa rin ang kotse ko sa pinakamabilis na kotse sa history ng mga kotse at kay tagal kong naghanap sa kotseng ito.

"You want to beat me? Let me see you try," nakangisi kong sabi.

And in just few seconds, I reached the finish line.

Nang bumaba ako sa kotse ay agad akong sinalubong ng mga kababaihang kanina pa nag-che-cheer para sa akin. I saw my opponents. Lahat ay nakasimangot at naiinis. Napakunot-noo ako nang makakita ng isang pamilyar na lalaki sa gitna ng maraming tao na naroroon. When I blinked, he was gone. Namalik-mata lang yata ako. Naagaw ng sigawan ng atensiyon ko.

"You're so great, Keeper!"

"Take me home, Keeper!!!!"

I smiled. This is life. My life. Sino'ng aayaw sa ganitong buhay? Ikaw ba naman pagkaguluhan ng magagandang babae?

Nawala ang ngiti ko nang may mag-text. Agad akong nagmadaling sumakay ng kotse at pinaharurot iyon sa kalagitnaan ng gabi sa kahabaan ng siyudad ng London. Wala pang fifteen minutes ay nakarating na ako sa Bradford's residence. Abot-abot ang dasal ko na walang nakahalatang umalis ako sa bahay dahil kung hindi...

"Achilles Perseus Bradford."

Lumiwanag ang buong bulwagan ng malaki at mala-palasyong bahay. Ilang beses akong napalunok nang makita ko si Mama na nakaupo sa couch malapit sa grand staircase. Wala naman talaga dapat couch doon pero mukhang pinalagyan ni Mama for the sole purpose of waiting me.

"Anong oras na, Achilles Perseus?" seryosong tanong ni Mama. Binanggit niya ang buo kong pangalan at nagsalita pa siya in Flipino. Not good signs. Sinipat ko ang wrist watch ko saka tumingin ulit sa kanya.

"Two in the morning."

"Oras pa ba 'yan ng pagtulog ng mga matitinong tao na may trabaho pa sa susunod na araw?" tanong niya. Hindi ako nakaimik. Tumayo siya. Napaatras ako. Believe me, magalit na ang lahat, 'wag lang ang babaeng iyan. Ayoko siyang nagagalit sa akin. Nakakatakot siya.

Bigla akong napayuko at napasigaw sa sakit nang may tumamang kung anong mabigat sa batok ko. "Hey!" angil ko saka napipilan nang makita kung sino ang may-ari ng mabigat na kamay na bumatok sa akin. Isa pang nakakatakot na babae.

"Nakita kong may gasgas ang likuran ng McLaren. Nag drag racing ka na naman ano?" sita ng ate kong si Roiri. Pareho sila ni Mama na naka-robe na pantulog.

"It's my car," angil ko.

"Hindi 'yon ang sagot sa tanong ko."

"Oo na!"

"I want you out of here, Keeper," seryosong sabi ni Mama.

"Aalis naman talaga ako rito kung hindi niyo pinasarhan ang flat ko at hindi ninyo ipina-froze lahat ng bank accounts ko."

"At naaalala mo ba kung bakit ko iyon ginawa?" Hindi ako sumagot. Siyempre naaalala ko. "I'm talking to you, Achilles Perseus."

"Oo na."

"Kasalanan mo naman kung bakit 'yan nangyari sa'yo," naiinis na sabi ni Roiri.

"What's the matter here?" inaantok at nanhihikab pang tanong ng bunso naming si Lan. Naka-pajamas ito na kulay puti pero ang print ay mga bungo. Mild pa nga 'yan. Dati-rati ay itim lahat ng sinusuot niya. Kahit papaano ay nababawasan na ang pagiging Goth niya ngayon dahil sa lovelife. "What happened?" usisa ulit niya. "Keeper, nagdala ka ng babae rito?"

"Of course not!" agad kong sagot.

"Nag-drag racing lang naman siya, ulit," sagot ni Roiri.

"Naka-locked ang mga kotse niya sa basement. Paano niya nagamit ang kotse niya?"

"Malamang may tumulong sa kanya," si Roiri ang sumagot saka lumipad ang tingin sa kapatid naming lalaki na nasa staircase rin at nagising sa ingay namin. "Tinulungan mo siya, Donnar?" tanong ni Roiri.

"No. He knows how to get what he wants without any help," sagot ni Donnar na inaantok pa. "But I did see him went outside his room. Akala ko pupunta lang siya ng kusina at kakain ng midnight snack."

"At paano mo nalaman ang number combination sa lock ng basement?" tanong ni Roiri.

"Si Mama lang may alam ng number combination."

"Silence!" sigaw ni Mama. Natahimik ang lahat. "Go back to sleep everyone. I'll decide for this matter tomorrow morning." Iyon lang at bumalik na sa silid niya si Mama. Sumunod na rin sina Roiri at Lan. Donnar went back to his room also. Ganon na rin ang ginawa ko.

Nahiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Hindi naman ito mangyayari sa akin kung nagpakatino ako. One week ago, biglang nag-conduct ng surprise visit si Mama sa flat ko. Sa kasamaang palad, nahuli niya akong may kalampungang babae roon. Hindi niyo ako masisisi. Gwapo ako. Hindi ko iyon kailangang ipagmayabang dahil nasa dugo namin 'yon. Ilang nanay yata ang nangarap na maging future son-in-law nila si Achilles Perseus Bradford.

Back to the topic, dahil sa karimarimarim na eksenang nadatnan ni Mama, ipinasara niya ang flat ko at pinabalik ako sa mansion. Maliban doon, nakakulong lahat ng mga 'babies' ko sa basement at froze ang mga credit cards and bank accounts ko. I was also prohibited to do my extreme adventures but two days ago, may nanghamon ng drag racing sa akin kaya kanina nga ay tumakas ako dala ang isa kong 'baby'. Madali kong nahulaan ang combination number ng lock. May pattern na sinusunod si Mama at na-detect ko iyon. Every three days ay nag-iiba automatically ang numbers doon. Ang naka-programmed na numbers ay mga numbers sa birthdates naming magkakapatid. Naka-in order from eldest to youngest. Kanina ay birthday ni Donnar ang password.

Dapat ihanda ko na ang sarili ko. Few hours from now, alam kong may gagawing kababalaghan si Mama.


INAANTOK pa ako. Kakailanganin ko ng isang pitsel ng kape para may magawa akong matino sa araw na ito. O baka nga 'di ko na kailanganin dahil ang magiging verdict ni Mama maya-maya ay enough na para magising ang diwa ko for all eternity. Habang pababa sa staircase ay nakasabay ko si Donnar.

"Thanks for texting me last night," sabi ko sa kanya.

"Pero nahuli ka pa rin."

"Nanalo naman ako," nakangisi kong sabi. Tumigil sa paglalakad si Donnar at saka tumingin sa akin. Magkaibang-magkaiba kami ng kuya ko. Kung rebellious ako, siya naman ay masunurin. Sobrang bait niya. Hindi yata marunong magalit.

"Take care of yourself, Achilles. The last thing I want is to lose a brother. Kung patuloy mong gagawin ang delikadong mga bagay na kinahihiligan mong gawin, baka hindi lang ikaw ang mawala. Baka pati si Mama ay pumanaw ng maaga dahil sa pagiging adventurous mo. Nawalan na tayo ng dalawang ama, sapat na iyon. Muntik na tayong mawalan ng bunsong kapatid noon. Naiintindihan mo naman ako 'di ba?" mahinahon at puno ng concern niyang sabi sa akin. Wala akong maisagot maliban sa pagtango.

Kung si Donnar ang kausap ko, hindi ko siya makakayanang hindian. Hindi ako nagi-guilty kapag kay Mama ako naging pasaway pero kapag kay Donnar, hindi ako mapakali. Nakakapagsinungaling ako kina Mama at Roiri pero kay Donnar, hindi ko kaya. Dalawang taon lang ang tanda niya sa akin but I always respect him at sinusunod ko ano man ang iutos niya sa akin nang walang tanong-tanong. For the record, siya ang paborito kong kapatid.

Tumuloy na kami sa dining room. Kami na lang ang hinihintay.

"Good morning," bati ni Donnar sa lahat. Bumati rin ako saka naupo. Tahimik kaming nag-breakfast. Pakiramdam ko may sasabog na bomba any minute.

"Achilles –" simula ni Mama pero agad akong nag-interrupt sa sobrang panic ko.

"Ma, sorry na po. Hindi na po talaga mauulit," sabi ko. Kunot-noo niya akong tinitigan.

Ngumiti ako pero tabingi. "I know paulit-ulit na lang po ako pero Ma, hindi na po talaga ako uulit. Last na 'yong kagabi, kanina pala."

"Remind me how many cars you wrecked just because of your hunger for speed." I was silent. I was actually counting cars on my head. "And remind me how many millions of euros you wasted just because of those wrecked cars."

I can count the cars but the millions? I need a calculator.

"Dagdagan mo na lang ang taon ng paninilbihan niya ng libre sa'yo, Mama," natatawang suggestion ni Roiri. Heto na naman ang sadista kong ate. Yeah, nagtatrabaho nga ako ng libre kay Mama. Wala akong sweldo maliban sa allowance. Kaya nga madaling napasara ni Mama ang flat ko at na-froze lahat ng bank accounts ko. Matapos kong ibangga ang apat kong mamahaling sports car few years ago, until now ay nagbabayad pa rin ako. Kung nakakapag-enjoy man ako sa mga out-of-the-country trips ay dahil pinapayagan iyon ni Mama.

"I can give you back everything, Achilles," sabi ni Mama.

"On what condition?" agad kong tanong. Kilala ko si Mama. Lahat ng gawin niya ay may kaakibat na kondisyon. Sigurado akong mabigat ang kapalit ng hinihingi niya.

"The condition? Your freedom."

"What do you mean?" sabad ni Donnar.

Our mom smiled wickedly. Lalo akong kinabahan. "Ibabalik ko sa'yo ang lahat kung pakakasalan mo ang babaeng napili ko para sa'yo."

Lahat kami ay natahimik.

Kitam? Ano'ng sinabi ng mama niyo sa mama ko?

Continue Reading

You'll Also Like

6.1K 156 14
Kung hindi ka makamove on find another way para malimutan sya... kaya nagsimula si Hanabi na mag stream para makalimutan nya ang kanyang ex... but su...
783K 26.8K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
94.4K 1.1K 12
Paano kung bigyan ka ng pagkakataon upang tumakas sa buhay mo ngayon? Pipiliin mo bang umalis at tahakin ang panibago ngunit hindi siguradong daan? O...
233K 13.3K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.