The Meaning of Wife (KimXi Fa...

Par MiaBacolodDelaFuente

457K 5.1K 1.1K

Isang storyang naglalahad ng damdamin ng isang babaeng minsang nagmahal, minsang nasaktan ngunit patuloy na l... Plus

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)
Prologue
Chapter I - Math of Investment
Chapter II - Time Issues
Chapter III - One Step Closer
Chapter IV - Who is Who?
Chapter V - Thank God, It's Friday!
Chapter VI - Trouble is a Friend
Chapter VII - Mélancolie
Chapter VIII - His Property
Chapter IX - Settling Down
Chapter X - Confrontations
Chapter XI - Giving Chances
Chapter XII - Pregnant or Not?
Chapter XIII - Bad to Good
Chapter XIV - His Sweet Side
Chapter XV - Ticket To One's Heart
Chapter XVI - Guilt Reigns
Chapter XVII - Paradise
Chapter XVIII - Hugs and Kisses
Chapter XIX - Hospital
Chapter XX - Secrets
Chapter XXI - Martyrdom
Chapter XXII - Her Sentiments
Chapter XXIII - It Might Be You
Chapter XXIV - The Blessing
Chapter XXV - On Being A Father
Chapter XXVI - One Sweet Day
Chapter XXX - Land of the Rising Sun
Chapter XXXI - Picture Perfect
Chapter XXXII - More Than Words
Chapter XXXIII - He Chose Her
Chapter XXXIV - Time Management
Chapter XXXV - Hatred Starts
Chapter XXXVI - Decisions
Chapter XXXVII - A Little Too Late
Chapter XXXVIII - Separate Lives
Chapter XXXIX - Lady In Red
Chapter XL - Business As Usual
Chapter XLI - Motherly Side
Chapter XLII - Real Deal
Chapter XLIII - Ohana
Chapter XLIV - Significance of a Woman to a Man
Chapter XLV - The Meaning of Wife

Chapter XXVII - Tokyo Love

8.8K 110 20
Par MiaBacolodDelaFuente

Thank you po sa comments last chapter. I highly appreciate it. You made me so great. Thank you, awesome readers and gorgeous followers. I love you! \m/

I dedicate this chapter to Ms. JeanTheaGablinez. Request granted. :D

Sa mga gustong magpa-dedicate, you could always PM me. Take note: PM! Hindi po comment. Thank you.

-Mia

KIM’S POV

“Sure ka bang kaya na ng mga trabahante ‘to rito? ‘Di kaya mas mabuting ipatigil muna natin ang trabaho habang wala tayo?” Inaantay na lang namin si Tatay Bert. Papunta na kami ng airport. Just another vacation. Pupunta kami ng Japan.

“I trust Engr. De Leon. And besides, mas okay ‘to para pagdating natin, pulido na ang lahat. Mag-aayos na lang tayo ng gamit ni Baby.” Sabi ni Xian habang inilalabas sa pinto ang mga bagahe namin. “Teka, dala mo na ba ang mga passport natin? Baka may nakalimutan ka.”

“Nandito na sa bag ko kasama ng plane tickets.”

Tamang-tama lang ang dating ni Tatay Bert. “Oh, tara na. Tatay Bert is here. Sumakay ka na Kim, kami na ang maghahakot ng mga ‘to.”

“Tay Bert, bakit may kasama kayong mga body guard?”

“Ah, sila ba hija? Ipinadala sila ng manager mo raw. Nalaman kasi ng mga taga-media umano na ngayon ang alis niyo ng bansa.”

“Ha? Paano pong nangyari ‘yun?”

Imbes na si Tatay Bert ang sumagot, si Xian ang nagkumento. “Paparazzi, Kim. Parang hindi ka naman nasanay. Malamang, pagkakaguluhan tayo doon since hindi patayo nagbibigay ng pahayag tungkol sa pagdadalang tao mo.” Sagot ni Xian. So that explains why I have these three gentlemen with us. “Natawagan ako ni Ate Sandra kagabi. The media thinks that we’re running away from the issue. Walang nakakaalam na aalis tayo for vacation. Mabuti na ‘yung handa kesa naman mapa’no ka pa mamaya. So let’s go?” Tumango lang ako. Si Xian naman, nakabuntot lang sa akin.

Buong biyahe, tahimik lang ako. Excited ako na parang kinakabahan. This is going to be our first out-of-the-country trip together. At the same time, ‘di ako mapakali. Paano ba naman kasi, may pinapaayos pa sa bahay then heto kami, aalis ng bansa. Pero kaya naman na siguro ni Manang Cecile. And besides, nandyan naman ang parents ni Xian to take care of everything in behalf of us. Isa pang ikinakabahala ko ay ang mga press na nakaabang sa akin. As of now, hindi ko pa gustong magsalita. I have nothing to explain. I’m a married woman so hindi masamang mabuntis ako.

Pagpasok pa lang namin ng airport, sinalubong na agad kami ng flash ng mga camera. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Ang dami nila. Hindi halos ma-control ng mga staff ng airport ang paglapit nila sa akin. Nakadagdag pa sa chaos ang mga chismosang dumaraan.

Halos maipit ako sa sobrang eager nilang mahingan ako ng pahayag. Si Xian, niyakap lang ako para hindi ako matamaan ng mga press na nagpupumilit na lumapit. ‘Yung tatlong body guards ko naman, pilit na hinahawi ang mga reporters.

“Ms. Kim, totoo po bang you withdrew your contract with your company?”

“Asan ho kayo pupunta? Iiwan niyo na po ba ang showbiz?”

“Totoo po bang nagbayad ng malaking halaga ang asawa niyo para malusutan niyo ang kaso at mapawalang bisa ang kontrata?”

“Mr. Xian Lim, ano po ang masasabi niyo tungkol sa issue niyong ito?”

“Ms. Kim, bakit hindi pa rin ho kayo nagsasalita?”

“Ano pong tunay na storya sa likod ng negotiation between your modeling company and your husband?”

“Mr. Lim, gaano katagal ho kayong mawawala?”

Nagdiri-diretso lang kami sa paglalakad kahit hirap na hirap ako dahil sikipan at nahihilo ako. I feel like vomiting pero pinigilan ko. Mas madadagdagan ang balitang pagpi-piyestahan ng media ‘pag nagkataon. Nakaakbay sa akin si Xian. It’s like he’s protecting and sheltering me from the media.

“As of now ayaw muna naming magsalita. Pagbalik namin, saka namin ibibigay ang full story. As of now, we’re asking for our privacy. I am assuring all of you na kapag handa na kaming magbigay ng statements eh magpapa-presscon kami. Salamat. So excuse us.”

Tamang-tama na dumating ang iba pang security guards ng airport para pigilan ang mga nagpupumiglas na reporter. We grabbed the opportunity para makalayo sa kanila. Nagtuloy-tuloy ang lakad namin hanggang makapasok kami sa Departure Area. Mabuti na lang at walang press na hinayaang makapasok.

“Are you okay, Kim?” Nag-aalalang tanong ni Xian. Hawak-hawak niya ang kamay ko at marahang hinaplos ito.

Tumango lang ako. Even though I know that I’m not okay. Nahihilo pa rin ako. Sinandal ni Xian ang ulo ko sa balikat niya. Hinilot niya ang pagitan ng thumb at index finger ko. Medyo kumalma naman ang senses ko sa ginawa niya.

“It’s okay now. Nothing to worry about.” Nginitian niya ako.

“Xian…”

“Yes?”

“Thank you! Thank you for protecting me earlier. I felt that I was safe.” Pinisil ko ang kamay niya. Ngumiti lang siya as a response.

“This is the final boarding call for all the passenger of Philippine Airlines on Flight PR 0432 bound for Tokyo, Japan. Please proceed to gate 6 immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately five minutes time. I repeat. This is the final boarding call for Philippine Airlines. Thank you.”

“That’s our aircraft. Let’s go?” Inilahad ni Xian ang palad niya sa akin. Agad ko namang hinawakan at tumayo na rin.

Mabuti na lang at nasa Business Class kami nakaupo kaya hindi crowded kasi nahihilo talaga ako kapag sobrang daming tao ang nakaharap sa akin. 4 hours pa ang biyahe. Enough para makapagpahinga ako. Pero hindi ko maiwasang magutom.

“Xi…” I poked him. Nakatulog ata. Kagabi kasi, hindi halos ‘yan natulog. Siya ang nag-empake ng mga gamit namin dahil ‘di ko kayang magbend dahil sumasakit ang likod ko at mabilis din akong pagurin. Naaawa nga ako dahil alas tres na ng umaga natapos. Niligpit niya pa kasi ang mga sapatos na gagamitin ko.

“Hmmm?” Nakapikit pa rin siya. Kawawa naman. Inaantok tapos heto ako, kinukulit siya.

“Gusto kong kumain.”

“Later.” Matipid niyang sagot.

“No! Gusto ko na talagang kumain.” I started to pout. Naging hobby ko ang pagpa-pout ngayong buntis ako.

Sa wakas at dumilat na rin siya. Bumuntong-hininga at saka nagsalita. “What do you want to eat?”

“Uhmm…” Napahawak ako sa baba ko. ‘Yung bang nag-iisip-ako-look. “Ahuh! I wanna eat cookie! Yeah! Chocolate chip cookies!”

“Na naman? Eh ‘di ba kumain ka na ng ganu’n kani-kanina lang?”

Tumango ako na parang bata saka ko siya nginitian. Nakahiligan ko kasi ang Chips Ahoy lately. Sarap na sarap ako. Pero kailangan, si Xian lang ang bumili. Ayoko kapag galing sa iba.

Napansin kong may hinalungkat siya sa hand bag niya. Nagulat ako ng may travel pack siyang dala. CHIPS AHOY ang laman! Ang saya. Hindi niya pa inaabot sa akin, eh inagaw ko na. Natatakam ako eh. Pagkakuha na pagkakuha ko, natulog siyang ulit.

Hindi ko na siya inistorbo pa. Buong biyahe, naglaro lang ako sa iPad mini ko. Hindi kasi ako dinadapuan ng antok kahit gustuhin ko mang matulog. Medyo nakakaidlip din naman ako pero tulog-manok. Maya’t mayang nagigising.

After halos 4 hours and 30 mins, dumating na rin kami. Saka ko lang na-feel ang antok. Si Xian na naman ang fully charged ngayon. May nag-antay sa aming chauffer mula sa hotel na tutuluyan namin. Nalaman naming siya na ‘yung taga-sundo dahil may dala-dala siyang karatulang nakasulat ang mga pangalan namin.

“Oh, ba’t nakasayad ‘yang nguso mo?” Nagtaas ng kilay si Xian.

“Eh kasi naman!”

“Gutom ka na naman?”

“Eeee! Hindi!”

“Oh, anong drama ‘yan?”

“Kasi Xian. Kasi ano… Inaantok ako.”

He shook his head. “Ayan kasi. Bakit hindi natulog sa biyahe. Ayan tuloy. Drained.”

Tumuloy na kami sa hotel. Nagpahinga sandali kasi antok na antok talaga ako. Ayoko rin namang matulog ako buong magdamag dito sa Japan. Eh ‘di nagsayang lang ako ng pera kung ganu’n.

Nagpalit kami ng mga damit. Eh kasi naman po, ang lamig-lamig dito. Sisipunin ako rito eh. Sana ganito na lang din kalamig ang Pilipinas. Nakabotas na ako ngayon. Si Xian naman, balot na balot din. Bagay sa kanya ‘yung mga ganitong outfit. Naka-scarf pa kasi siya. Akala mo naman, winter na. Medyo malamig na rin talaga kasi nga Autumn na.

Sandali siyang umalis. May kukunin lang daw siya sa ibaba. Babalik din naman daw agad. Hinayaan ko lang siyang umalis.

Hindi pa umaabot ng limang minute, bumalik agad siya. I wonder kung ano ang ginawa niya sa baba. Bahala siya. ‘Di na ako interesadong malaman.

“Saan mo gustong pumunta ngayon?”

“Gusto kong makakita ng mga Autumn Leaves!”

He communicated with the chauffer. At ‘yun nga, hinatid kami rito sa Koishikawa Korakuen Garden. Namangha ako sa ganda ng kulay ng mga dahon. May orange, may yellow, may scarlet, may hot red. Nakakatuwa. Tapos isa-isa pa silang naghuhulug-hulugan sa sahig.

Si Xian naman, tawang-tawa lang sa akin. Hindi ko naman unang beses na nakapunta rito sa Japan pero sa tuwing pumupunta ako, it’s all for work kaya hindi ko gaanong na-e-enjoy ang bawat punta ko rito. Eto ang unang beses na malilibot ko ang buong Tokyo. Nakakatuwa. Nakaka-excite lalo pa at kasama ko si Xian.

We asked a Japanese citizen to take a picture of us. Nu’ng nakita ko ang litrato, ang ganda. Ang ganda kasi ng background namin at sweet pa sa akin si Xian. Ang kaliwang kamay niya ay nakapalibot sa may balakang ko, habang ang kanang kamay naman niya ay naka-‘peace sign’ in a Japanese way. Ganu’n din ako. Ang ganda ng pagkakakuha. Sa bagay, techie ang mga tao rito kaya kabisado nila ang mga gadgets.

Nagpatuloy kami sa paglalakad-lakad. Ilang beses kaming huminto para magpakuha ng litrato. Meron ding times na papahintuin niya ako sa paglalakad para makunan ako ng larawan. Then take turns kami, siya na naman ang kinunan ko. The same routine happened.

Nadaanan pa namin ang nagbebenta ng sorbetes. Ang weird kasi green tea flavor. Masarap naman siya kaso ang strange ng lasa. Hindi ko maintindihan. Mabuti na lang at hindi ako nagsuka. Nagustuhan ata ni Baby ang lasa. Tapos kumain din kami ng Castella. Masarap naman siya. Sponge cake ito.

Hanggang sa napagod kaming dalawa. Kaya heto, nakaupo kami sa isang bench dito sa park. I rested my head on his chest. Nakakapagod pero nag-enjoy ako. Kahit panay lakad ng lakad at kain lang ang ginawa namin, nakakapagod pa rin. Si Xian, panay ang suklay sa buhok ko gamit ang mga daliri niya.

“Are you happy, Kim?” Tanong niya sa akin. Madalas niya itong tinatanong sa akin. And I found myself giving him the same answer.

“Very. Very happy.” Kasi totoo naman. Masaya ako. I feel complete. Kahit na sinuko ko ang career ko, something better replaced it and that is my family. “Pero alam mo, medyo na-frustrate ako.”

“Ha? Bakit naman?”

“Eh kasi, kaya ko gustong pumunta ng Japan eh dahil gusto kong makakita ng Cherry Blossom. Pero wrong timing ata tayo. Tuwing spring kasi ito nagbo-bloom. Nasa pagitan ng March at April.”

“Oh, kinalungkot mo na ‘yan? Ang haba ng nguso mo. Pumapangit ka tuloy”

“Hindi ah! Aba ang yabang mo ha!” Tinulak ko siya. Umalis ako sa mga bisig niya. Tinalikuran ko siya. Pero nakaupo pa rin ako sa bench, ‘di ko nga lang pinapansin.

“Sos. Ikaw talaga. Niloloko lang naman kita.” Ayun, niyakap ako ng bongga. Hindi ako kumibo. Nagtatampo pa rin kasi ako.

After mga 10mins na hindi pagpapansinan, bigla siyang nagsalita. “Gusto mo, balik tayo dito after graduation? Kaso, limang buwan na ang tiyan mo niyan. Baka hindi ka na makapag-travel.”

“Okay.”

“Kim…”

“Oh?”

“Wala ka bang naaalala today?”

“Ha?” Bakit? Ano bang meron? ‘Di naman niya birthday dahil July ang kaarawan niya. Nothing is so special today. “Wala naman. Bakit, may kailangan ba akong alalahanin?”

He sighed. So para saan naman ‘yun? “Kim, sure ka bang wala ka talagang naaalala? Kahit ano?”

“Ano ba kasi ‘yun? Pwede sabihin mo na sa akin at nang ‘di na tayo nagsasayang ng oras!”

“Wala, ‘wag mo na lang intindihin.” Ngumiti siya, ngumiting pilit. Tumayo ako at naglakad. Wala lang. ‘Di ko siya feel pansinin. Naiinis ako sa pagmumukha niya. Haha. Ayaw pang sabihin kung anong meron ngayon. Masyadong pa-presyo. Hindi ko naman sinasadya. Alam mo ‘yun? ‘Yun bang naiinis ka sa mukha niya, tapos ‘pag ‘di mo siya nakikita, nami-miss mo siya. Nababahuan ka sa pabango niya pero hinahanap-hanap mo ang amoy ng pawis niya. Hay naku! Naiinis ako sa sarili ko.

Preggy hormones suck.

Akala ko, nakalayo na ako sa kanya. Pero nahabol niya pa rin ako. He locked my fingers with his fingers. Magkahawak na ang mga kamay namin ngayon.

“Kim, ‘wag ka nang magalit.”

‘Di ako umimik. Dahil sa pananahimik ko, bigla akong hinila ni Xian. Sumakay kami ng taxi. He used his foreign tongue skills to communicate. Wala akong naintindihan ni isa. So I just let him do what he wants to.

“Oh, Tokyo Tower? Anong ginagawa natin dito?” Nasa harap kami ngayon ng Tokyo Tower. I should say that this is Japan’s own version of the famous Eifel Tower. Magkapareho kasi halos ng itsura. Magkaiba nga lang ng kulay at laki. Medyo magkaiba rin ng porma, somehow.

“Ah, excuse me. Would you please take a picture of us, please?” Nanghila na naman siya ng Hapon. Ayun, nagpa-picture kami. Buti na lang at naintindihan kami nu’ng hiningan niya ng tulong.

Matapos ng sandaling picture taking, may kinuha siya sa bulsa niya. Isa itong maliit na kahon. Binuksan niya ito at bumulaga sa akin ang isang necklace na may Cherry Blossom na pendant. Napanganga ako. I always love Cherry Blossom. Sobrang nagulat ako. Para sa akin ba ‘to?

Umikot siya sa may likuran ko. Dahan-dahan niyang sinuot sa akin ang kwintas. Hindi ko napigilang mapangiti. Is this for real? Or is it just a dream? Kasi kung panaginip lang ‘to, ayoko nang magising. Ngumiti lang siya matapos niyang ikabit sa akin. Napayakap ako bigla sa sobrang tuwa.

“Thank you. Thank you Xian.”

“I hope you like it.”

“Of course I do. Lalo na at galing sa’yo. Thank you. You make me so happy. I love you Xian. I really love you.” I’m not expecting for a response. Hindi ako naghahangad ng matamis na ‘I love you too’. Sapat na sa akin ‘tong ganito. Nag-e-effort siya, inaalagaan niya ako, pinapangiti niya ako. Kuntento na ako du’n.

“You’re welcome and…”

“happy 2nd monthsary, Mrs. Lim”

----Oh ayan. Sana nagustuhan niyo. Ayiie. Monthsary pala nu’ng dalawa. Ang engot naman ni Kim, hindi napansing monthsary pala nila. <3

Speak now or forever hold your peace. Haha.

Follow on Twitter: @Kimxi_Gensan

Follow me on Twitter and on IG: @MiadelaFuente

-Mia

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

Bad Romance Par C H Y N _ C H Y N

Roman pour Adolescents

4K 361 25
She only wants to be love. She only wants to be protected. She only wants to be taken care of. Actions that is not scripted. Words coming from the he...
87.3K 4.1K 48
"The more you hate the more you love." Charmaine Gil, siya ang dalagang may pagka spoiled brat ang dating, maldita rin in some ways. Mayaman siya sin...
366K 3.7K 11
Paano mo nga ba ie-explain ang salitang ironic? For the past 25 years ng kanyang buhay, nagawa ni Aya na takasan ang kanyang kapalaran bilang nag-iis...
86.2K 1.8K 50
A Brokenhearted Woman is equals to a Brokenhearted Man?!How would they know if they are really meant for each other if they are still stuck on the pa...