You're still the one

By AwzmAvhie

6.9K 1.8K 1.2K

"There are different kind of love in the world but never the same love twice." Hi, I'm Iya. Samahan niyo kon... More

PROLOGUE
Chapter 1: Start of Something New
Chapter 2: Kuys
Chapter 3: Almost lover
Chapter 4: Eye to eye
Chapter 5: Mr. President
Chapter 6: KFC
Chapter 7: New lover
Chapter 8: Jeepney love story
Chapter 10: My Inspiration
Chapter 11: Surprise
Chapter 12: Tagaytay
Chapter 13: Iya's project
Chapter 14: To the rescue
Chapter 15: Michael Vs Jason
Chapter 16: Hello Boyfriend
Chapter 17: Face to face
Chapter 18: Jealous Michael
Chapter 19: The game
Chapter 20: Bring me
Chapter 21: Little Mermaid
Chapter 22: No Boyfriend
Chapter 23: Operation Maria
Chapter 24: The Truth
Chapter 26: The choice
Chapter 27: The Sin
Chapter 28: Graduation
Chapter 29: The truth will set you free
Chapter 30: The consequence
Chapter 31: Who are you?
Chapter 32: The choice
Chapter 33: The proposal
Chapter 34: Run away

Chapter 9: The suitor

196 77 67
By AwzmAvhie

"Nakakainis talaga yung lalakeng yun?! Napaka-manhid! Napaka walang puso, napaka ano-!"

Dumiretso agad ako sa kwarto ko paguwi at padabog na pinaghahagis ang mga gamit ko sa kama. Asar na asar na talaga ako kay Jason. Pagod na pagod at super sawa na ko sa nangyayari samin.

"Anak, okay ka lang?" Kinakatok na ko ni Mama, natahimik ako bigla. Siguro narinig niya ko sa pagdadrama ko. Binuksan ko ang pinto at sumilip

"Nako Ma, wala ho. Stress lang sa school" pagumanhin ko.

"Ipahinga mo na yan Ate at kumaen kana. Ipinagtira kita ng ulam, initin ko na ba?" Tanong ni mama habang hinahaplos yung buhok ko. Niyakap ko naman siya ng mahigpit.

"Ay Ma wag na, kumaen narin kasi po ako. Gusto ko na lang po magpahinga at napagod talaga ako. Goodnight po" Sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

Hindi na siya umimik pa at umalis kaya naman bumalik narin ako sa loob ng kwarto ko. Inayos ko yung mga ilang gamit na kanina'y pinagbabato ko. Nakakabwisit talaga yang Jason na yan! Yan pa din ang paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko.

Umilaw at nagvibrate yung phone ko. Tinignan ko kung sino nagtext.

[From: 0935*******
Hi Iya? Nawala ka kanina. Nakauwi ka naba?]

[To: 0935*******
Who's this please?]

Ilalapag ko na sana ang phone ko sa table sa tabi ng kama ko ng umilaw at nagvibrate ulit to. Kinuha ito at binasa ang text message.

[From: 0935*******
Si Michael to, ang pinaka poging Presidenteng kilala mo :)]

Nako loko, si Kel lang pala. Pinalitan ko agad yung name niya sa phone ko. Buti naman may pangpagood vibes na nagyari ngayong araw.

[To: Kel Lavidad
Ay hello Kel, hindi ka kasi nagpakilala agad. Kanino mo pala nakuha no. Ko?]

[From: Kel Lavidad
Can I call?]

Hindi na niya hinintay ang reply ko at tumawag agad.

"Uhm hello" Sagot ko. It's always awkward pag kausap siya.

"Hi Iya, are you okay? Hinanap kita kanina after meeting kaso wala kana pati sila Kath" Pansin kong medyo malungkot ang boses niya.

"Ah e nagmamadali kasi kami umuwi, sorry Kel a" Deep inside medyo nagi-guilty ako kasi ako talaga yung nagmamadali kanina para di niya kami maabutan.

"Okay lang. Nakakaen kana?" Thank God he changed the topic.

"Yep tapos na" I lied.

"Good. Ako, hindi mo tatanungin?" He said teasingly.

Medyo pagod na talaga ako physically and mentally kaya medyo hindi ko feel ang pakikipagharutan kay Kel. Kung si Jason pa to, baka buhay na buhay pa ko.

"Ikaw kumaen ka na?" Tanong ko na lang.

"Hindi pa" Casual na sagot niya.

"Oh bakit hindi pa, anong oras na oh? Nalipasan ka na ng gutom Mr. President" Naging worried naman ako bigla.

"Hindi pa ko kumakaen kasi worried rin ako sayo at iniisip kita" Medyong malambing at mahiya hiyang sabi ni Kel.

"Paano na yan, iniisip kita tas iniisip mo narin ako. Ibang level na ata to" Dagdag panunukso niya.

"Nako kahit kelan ka talaga Mr. President. Magagalit si Aby niyan!" Sagot ko pero medyo medyo namumula narin ako.

"Haaaays ano at bakit nadamay na naman si Aby? Atsaka good boy ako a" Dipensa ni Kel.

"Ah wala. Saan mo pala nakuha number ko?" Pagiiba ko ng topic.

"Eh di dun sa application paper mo nung sumali ka sa committee" Pagpapaliwanag niya.

"Nakakaistorbo ba ko? I just want to thank you sa pagtulong mo sakin this past few days para sa preparation natin sa intrams"

Napangiti naman ako at naappreciate niya yung mga ginagawa ko.

"Wala yun. It's my job. Tumawag ka pa talaga ah"

"Sa totoo lang....Gusto kasi... kitang makausap at gusto ko syempre marining ang boses mo" Sagot niya na halatang kabado.

Parang first day ng school year at isa siya sa estudyanteng magpapakilala sa harap ng classroom kung saan wala siyang kakilala kahit sino kaya hiyang hiya. Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya.

"Alam mo, natutuwa ako sayo?"

"Ano? Clown na naman ako?!" Bahagyang tumaas ang boses ko.

"Hindi. I mean natutuwa ako kasi gusto kita. You are special to me Iya. Isn't it still obvious?" Diretso niyang sabi.

Napaka straight forward naman pala niya. Napatahimik lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa lalakeng sa tawag nagtatapat ng nararamdaman. Gusto kong itanung kung nakadrugs ba siya e.

"Iya, sorry" Sabi niya ng mga ilang minutong hindi ako nakapagsalita.

"Oh bakit ka nagsosorry?"

"Eh kasi natahimik ka. Baka ayaw mo yung nasabi ko? Pasensya na pero sana wag mo kong iwasan kahit sabihin kong gusto kita" Nararamdaman ko ang lungkot sa boses niya.

"Nako wag mo isipin yan, friends tayo at walang magbabago dun" I said, cheering him up.

Napahikab ako ng malakas. Di ko na napigilang inaantok na pala ako talaga.

"Hmm sige Iya, mukhang pagod ka na nga. Matulog kana. Goodnight sweetdreams!"

"Sige pasensya na Kel. Tulog ka narin ha? Kita na lang tayo sa school. Goodnight sweet dreams din!"

"Osige see you. Baba mo na"

"Sige night Kel, thanks sa tawag" Huling sagot ko at binaba ko na.

***

"Ate ate gisiiiiing!"

Pagyugyog sakin ng kapatid ko para magising ako.

"Ano ba? Ang aga aga pa. Wag nga ako istorbohin mo!" Inalis ko yung kamay niya sabay takip ng unan sa mukha ko.

"Eh gumising ka na at may bisita ka!!!" Pagpilit niya ulit sakin at inalog na naman ako. Sumasakit tuloy ulo ko lalo.

"Sino ba naman ang bibisita sakin ng ganito kaaga?!" Sabi ko habang nakatakip parin ng unan yung mukha ko.

"Eh Si Mr. President daw siya. Ang pogi nga e. Akalain mo yun dadalawin ka ng pogi dito. Ginayuma mo yun no?"

Niyugyog niya ko ulit. Nang hindi ako magpatinag ay dumiretso siya sa bintana sa tabi ng kama ko at binuksan ito. Nasilaw naman ako sa liwanag ng araw kaya tinakpan ko agad yung mga mata ko.

"Bilisan mo at ng makakaen na ko ng dala niya" Pasigaw na niya namang sabi sabay tumalon talon sa kama ko.

Sino bang hindi maiinis kapag ginising ka sa oras ng tulog mo. Inalis ko na yung unan sa mukha ko at naupo sa kama.

"ANO BA JP?! ANUNG MR. PRESIDENT? ANO BA YAN PRESIDENTE NG PILIPINAS TAS DADALAW NG KAY AGA AGA. WALA AKONG KAKILALA NAA----"

Anak ng! Napahinto ako dun a. May kilala pala akong Mr. President. It can't be him.

"Oh Tignan mo. Sabi ko na kilala mo e. Yieee gwapo yun Ate a!" Napansin niya siguro ang paghinto ko sa pagsasalita at nangaasar na ngayon.

Tumingin ako sa orasan, baka sakali kasing tanghali na nga. Hindi pwede dahil may exam ako ng 10AM sa Stats. 6:00 AM pa lang. Napaka-aga pa. 10:00 AM pa pasok namin a. Bakit kaya andito yun? Ano kaya kelangan nun?

"Ano ka ba Ate nangangarap ka pa diyan? Bilisan mo na nga at lumabas ka na ng kwarto mo. Naghihintay si Mr. President!"

Itinulak ako ng kapatid ko sa kama at lumagapak ako sa sahig. Tumayo ako at tinignan siya ng masama. Hahabulin ko sana yung mokong kaso kumaripas na ng takbo.

Tinignan ko muna sarili ko sa salamin bago lumabas, nakapajama at sando pa ko. Ang gulo gulo ng buhok ko tas yung eyebags ko parang sinapak at namamaga. Ngayon pa kasi bumisita kung kelan ang chaka ko.

"ATE!" Narinig kong sigaw ni JP, mukhang nasa kusina na ang mokong.

"Shut up. eto na!" Sagot ko sabay takbo.

"Good morning sunshine!"

Bungad agad sakin ni Michael na napatayo sa pagkaka-upo niya sa sofa pagkakita sakin.

Nakawhite shirt and black shorts siya tas naka black and white Nike roshe run shoes. Mukhang galing exercise pero bakit parang di naman siya pinagpawisan at ang gwapo gwapo at mukhang ang bango bango niya pa. Yung tipong pawisan pero amoy baby.

"Ang aga mo ata Kel. Ano meron?" Tanong ko na lang para pagiwas sa good morning sunshine niya. Baka hindi ko mapigilan yung sarili ko at yakap yakapin siya.

"Ah eh nagjogging kasi ako tas naisipan kong dalhan ka na lang ng pagkaen" He smiled childishly. Jogging? No wonder he looks fit.

"Kuya Mr. President!" Sigaw ng kapatid ko mula sa kusina. Agad namang tumungo sa kusina si Michael. Sumunod lang ako na parang ako yung bisita sa sarili kong bahay.

"Thank you Kuya Mr President, tara kaen! Upo ka na dito!" Sabi ng kapatid kong kinakaen ang dalang breakfast ni Kel.

Tinuro niya yung upuan sa tabi niya. Sumunod naman si Kel at umupo sa tabi nito.

"Walang anuman JP" Sagot ni Michael.

"Maramang salamat Iho ha, napakabaet mo naman at dinalhan mo pa kami ng almusal" Nagulat ako at andun din pala si Mama. Nagningning ang mga mata, mukhang gusto niya si Michael at natutuwa. Dahil after Jason, si Michael lang ang nakapunta sa bahay na parang may something with me.

Oh wait, nililigawan ba ni Michael pamilya ko?

"Ay walang anuman ho Tita!" Masayang sagot ni Michael. Tita pa talaga tawag niya kay Mama.

Why is he like this? Parang di man lang kinakabahan. Parang normal lang sa kanya. If I were him baka hinimatay na ko meeting the family of my special someone.

"Umupo kana dito Ate. Kumaen ka na rin sabay nila" Utos ni Mama habang inihahain pa ang ibang dala ni Michael na puro hot choco, pancakes, tapa and tocino. Akala mo buffet ang dinala na para sa isang baranggay.

Umupo ako sa tabi ni Michael at tahimik na kumaen, habang si Mama, JP at Michael ay masayang nagkukwentuhan at parang ako naman yung hindi nageexist.

"Eh saan mo to nabile Kuya Mr. President? Ang sasarap talaga" Narinig kong sabi ni Jp habang ngumunguya pa. Halatang sarap na sarap sa kinakaen.

"Ah actually luto yan ng Lola ko. Umuwi kasi siya from London. Namiss niya magluto para samin kaya ayan nagluto siya and pangfiesta kasi magluto yun so naisipan ko ng dalhan si Iya. I hope she don't mind?"

Pagpapaliwanag ni Michael habang nakatingin sakin. Yumuko lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin at irereact ko ngayon.

"Ganun ba, Please say thank you from us and sabihin mo nagustuhan namin ang luto niya." Nakangiting tugon ni Mama.

Akala ko okay na ang lahat kasi panandaliang kumaen kami ng tahimik.

"Matanung ko lang Iho, What do your parents do for a living?" Nagulat akong tinanung ni Mama. English pa talaga. Akala niya siguro nanliligaw na si Michael at iniinterrogate na niya ito.

"Ma naman! Wag mo naman interviewhin at takutin yung bisita ko" Pagmamaktol ko. Nakakahiya magtanung si Mama.

"Nagtatanung lang naman" Pangiti ngiting pagtatanggol ni Mama sa sarili niya.

Ngumiti naman si Michael. Parang gustong gusto niya ang mga nangyayari habang ako naiirita at nahihiya.

"It's okay" He smiled at me.

"Well Tita, yung family ko po, we have family businesses like drugstore, hospital and restaurants" Proud na sabi ni Kel.

"OMG, Kayo may-ari nung THE LAVIDAD?!"

Halos maibuga ko yung iniinom kong hot choco sa narinig ko. Bakit ba hindi ko naisip yung surname niya.

Grabe, ang yaman nila. Ang THE LAVIDAD lang naman ay kasama sa mga sikat na fine dining restaurant dito sa buong bansa at nababalitaan narin na may mga branches narin ito sa ibang bansa. Kaya naman nagulat talaga ako kasi hindi ko naman alam na mayaman nga pala talaga tong si Mr. President, jackpot magiging girlfriend nito. Mukhang super spoiled magiging girlfriend niya.

"Oh nakakatuwa naman at madami kayong negosyo" Pagpuri ni Mama. Tingin ko pa lang kay mama mukhang botong boto siya dito. Super daming pogi points na ni Kel.

"Ah opo. Yung Mommy, Kuya at Ate ko po kasi ang naghahandle ng drugstore and hospital kasi nasa medical field sila and kami po ni Daddy ang naghahandle ng restaurants kasi kami naman po ang nasa food industry. So far, okay naman po, may mga branches na kami sa ibang bansa"

"WOW! Merong branch sa ibang bansa, bigtime!" Manghang mangha na reaction ng kapatid ko.

Tinignan ko si Mama, parehas lang sila ng reaction. Napafacepalm na lang ako sa reaksyon nila.

"Bunso ka pala"

"Oho. Nasa states din po yung mga kapatid ko. So yung mga ibang business na andito sa pinas kahit hindi sakop ng skills ko ay ako narin po minsan ang naghahandle."

Nagkwentuhan pa lalo si Mama about sa family business nila Michael. Si JP naman ay taga second demotion sa lahat ng sasabihin ni Michael.

"Eh maiba usapan Iho, ngayon pa lang kasi kita nakita kaya kung manliligaw ka dito sa anak ko e sana patapusin mo siya ng maayos sa pagaaral niya ha. Mga bata pa kayo... So sana, maging inspiration kayo ng bawat isa. But all in all, I like you. Mabaet kang bata"

Pagiba ni mama ng usapan. Napanganga na lang ako sa speech ni Mama. Hindi ako makapaniwala, as in. Tulala ako, pero si Michael chillax lang. Parang praktisado na siya sa ganitong sitwasyon.

"Honestly Tita, hindi pa po talaga ako nanliligaw kasi hindi ko alam kung papayag siya at kung papayag po kayo. Pero I really like your daughter. I find her really amazing and everything else. No words can explain."

Para siyang mauubusan ng salita at nakangiting wagas habang nagsasalita.

"-Well, hindi naman po ako nagmamadali. Handa po ako maghintay and patunayan ang sarili ko sa inyo lalo kay Iya po. And wag po kayo magworry sa pagaaral niya kasi yun din po ang priority ko. Andito lang po ako sa tabi niya para suportahan siya sa lahat"

Nastuck na ata yung panga ko sa pagkanganga. Natulala din ako sa munting speech ni Mr. President, parang eleksyon lang. Hindi ako makapaniwala na gusto niya ako at bukod sa lahat sinasabi niya to sa Mama ko at hindi muna sakin. Nakakaloka ng bahagya. Nauna pang ligawan Mama ko kesa sakin.

"Natutuwa ako marining yan iho, sana nga. Hindi ko naman din pipigilan itong anak ko na magboyfriend. Kesa naman itago niya sakin yung pagboboyfriend niya at mahirap pigilan ang pusong nagmamahal. Basta alam kong aalagaan at mapapasaya siya, okay na ko dun. You have my blessing"

Naimagine ko tuloy na parang may dalang espada si Mama habang nakaluhod si Michael sa harap niya. Tinapik ni Mama ng dulo ng espada niya ang magkabilang balikat ni Kel bilang basbas.

"Buti nga kung ikaw magiging boyfriend niya Kuya Mr. President e, para hindi na siya mapagkamalang tibo haha"

Okay na sana kaso bwisit na bumanat tong si JP.

"Mga pinagsasabe mo talagan bata ka!"

Super batok ang inabot sakin ni JP.

"Ang ganda naman niyang tibo e"

Napatigil ako sa sinabi ni Michael habang nakatingin sakin. Nakakatunaw lang ang pagtitig niyang yun.

Naramdaman ko naman ang pag-init ng mga pisnge ko, kinikilig na ata nga ako dito kay Mr. President. Hay buhay! Not again.

Continue Reading

You'll Also Like

63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...