You're still the one

By AwzmAvhie

6.9K 1.8K 1.2K

"There are different kind of love in the world but never the same love twice." Hi, I'm Iya. Samahan niyo kon... More

PROLOGUE
Chapter 1: Start of Something New
Chapter 2: Kuys
Chapter 3: Almost lover
Chapter 4: Eye to eye
Chapter 6: KFC
Chapter 7: New lover
Chapter 8: Jeepney love story
Chapter 9: The suitor
Chapter 10: My Inspiration
Chapter 11: Surprise
Chapter 12: Tagaytay
Chapter 13: Iya's project
Chapter 14: To the rescue
Chapter 15: Michael Vs Jason
Chapter 16: Hello Boyfriend
Chapter 17: Face to face
Chapter 18: Jealous Michael
Chapter 19: The game
Chapter 20: Bring me
Chapter 21: Little Mermaid
Chapter 22: No Boyfriend
Chapter 23: Operation Maria
Chapter 24: The Truth
Chapter 26: The choice
Chapter 27: The Sin
Chapter 28: Graduation
Chapter 29: The truth will set you free
Chapter 30: The consequence
Chapter 31: Who are you?
Chapter 32: The choice
Chapter 33: The proposal
Chapter 34: Run away

Chapter 5: Mr. President

231 77 68
By AwzmAvhie

"Okay ka lang best?" Tanong sakin ng bestfriend kong si April habang winawagayway yung kamay niya sa harapan ko. Nakatulala na naman pala ako.

"Girl, affected ka naman masyado sa movie hahaha" Pagbuyo ni Kristal.

"Kristal, as if namang hindi ka naiyak dun sa pinanuod natin? If I know ikaw yung kanina pang singhot ng singhot kakaiyak " Buti naman at pinagtanggol ako ni Chele. Magbabangayan na naman tong dalawang.

Napatingin ako sa tatlo. I'm really thankful to have them in my life, as my bestfriends. Pag ganitong kailangan ko ng karamay or what we called "emergency kempet". They're always there.

By the way, April is my Elementay Best Friend. Si Kristal and Chele are my High School Best Friend. And dahil sakin, ayun naging close din sila sa isa't isa kaya eto kami ngayon nagoovernight kila April.

Sa may Project 6 sila nakatira. May dalawang palapag yung bahay na yun. Yung Mommy niya nasa abroad kaya ang kasama niya lang dito ay yung kapatid niyang lalaki na kasing edad ni JP at katulong nila. Close din yung family ko kila April, kaya okay lang magovernight ng magovernight sa kanila.

Wala din ngayon yung katulong nila kaya free na free kami kahit anong gawin namin. Minsan kasi kontrabida yun sa mga trip naming apat. Daig pa yung mga magulang namin kung makapagsita yun e.

"Hindi ako umiyak no, ilang beses na kaya natin napanuod yan. Lumang luma na yan e" Pagdipensa ni Kristal kay Chele, halatang hindi papatalo at nakapamewang pa.

"Kaya pala namamaga yang mata mo haha" Pambanat na naman ni Chele.

"TSE!" Sagot na lang ni Kristal. Mukhang magkakapikunan na naman sila. Lihim na lang kaming tumawa ni April.

"Well....." Tumitig sakin si April at naghintay ng sagot ko.

"Forever benta lang talaga sakin yung movie na yan"
Sagot ko kay April na mukhang kanina pa nagaabang sa sagot ko.

"May naalala ka na naman. Affected ka na naman sa titigan moment niyo ni Jason?" Pang bubwisit uli ni Kristal.

Tinitigan ko siya ng masama at effective dahil tumigil naman siya sa kakatawa.

"Bakit kasi sa movie, may happy ending. Kami wala?" sagot ko sabay kuha ng throw pillow sa sahig at niyakap ito.

"Tara next movie na!"
Pag-interrupt ni Chele, sabay hagis samin ng mga DVD's.

Alam kong iniwas niya lang yung topic para hindi ko na maalala at maging malungkot uli.

One more chance, yan yung DVD na nasalo ko. Puro love story na naman, halatang mga hopeless romantic talaga kami.

Tulog na sila Kristal and Chele. Magkaaway sila palage pag gising pero pag tulog ay hala sila, at magkayakap pa.

Naglatag kami sa sahig at dun sila natulog habang kami ni April ay sa kama nya humiga.

Nasa sulok ako nakapwesto, favorite pwesto ko yun kahit saan ako matulog. Hindi ko rin alam, siguro para katabi ko agad pader tas wala na kong ibang makikitang hindi nais kundi yun.

Pinatay na ni April yung ilaw at humiga narin. Ako naman nagfacebook pa muna, dahil hindi pa ko inaantok.

Tinype ko yung pangalan ni Jason sa search bar. Hindi parin niya inaaccept yung friend request ko. Pero palage ko parin binivisit yung profile niya para makakuha ng update sa kanya.

Hmmm mukhang nagswimming siya with friends. Tinignan ko lahat ng pictures. Inupload yun nung friend niya tas nakatag lang siya. Buti hindi naka private kaya nakita ko.

Napasimangot ako kasi puro stolen shot niya. Kasama ng magandang babae lageng nakayakap sa kanya o siya naman yung nakaakbay.

Maya maya ay sumisinghot na ko. Pigil na pigil ang iyak, baka magising sila April.

"Alam kong gising kapa" Narinig kong sinabi ni April.

Humarap ako sa kanya at nagtitigan kami. Best friend ko talaga tong babaeng nasa harap ko. Alam na alam niya kung anong nararamdaman ko ngayon.

"HAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHA ang chaka mo pag serious mode" Ilang minuto din kaming nagtitigan ng walang kurap kurap bago nagtawanan.

"Wag ka ng maggaganung mukha a HAHAHAHHAA" sagot ko habang nakahawak sa tiyan ko. Nagtawanan kami sa itsura namin. Mga ilang minuto lang kasi kaming nagtitigan ng seryoso. Parang binabasa yung nasa isipan ng bawat isa.

"Uhm tama na tawanan, ano na? Anong sinisinghot singhit mo diyan sa sulok?" Biglang bago ng topic tong si April.

"Ay sorry naman nagising kita" Medyo umaasa akong wag na lang pagusapan. Ayoko na sana pagusapan kasi palageng ganito na lang topic naming baka nagsasawa na siya.

"Jason again?" Tanong niya.

Napayuko lang ako at iniiwasan matitigan yung mga mata niya. Baka mabasa niya pa kung ano nararamdaman ko.

"Same, as always. Nakita mo naman kahapon diba" Matamlay na sagot ko sabay yakap ng mahigpit sa unan.

"Alam mo best, hindi mo mapipilit ang ayaw. Hindi pa ba to ang right time para bumitaw diyan kay Jason? Ilang taon na ba nakalipas?" Inalis ni April yung unan na nakaharang sa mukha ko.

"Two years" Sagot kong nakanguso. Mukhang iiyak na naman ako.

"Oh tignan mo, It's been two years pero ayan baliw ka parin sa lalakeng yun. Bakit hindi mo itry mag-open up sa iba? Bigyan ng chance yung ibang tao pumasok diyan sa buhay mo?" Nakangiti niyang sabi. Alam ko she's just trying to lighten up the conversation.

"Walang successful diba?" Biglang tumaas yung kilay niya sa sagot ko.

"E kasi you're not letting them. Ni wala kang amor pag nakikipagdate ka sa iba. Malamang mararamdaman nilang napipilitan ka lang" Para na siyang nanenermon ngayon.

"Eh sa hindi ko sila trip. Atsaka obvious naman na yung iba dun e in born sa pagkababaero kaya okay lang sa kanila yun. Serves them right" Napa-upo na kami ngayon. Nagiging intense na naman yung usapan habang sila Kath and Chele, mahimbing parin yung tulog at magkayakap.

"Tignan mo stalker ka na naman" Turo ni April sa cellphone ko nasa profile parin ni Jason. I was still viewing those photos of him with another girl.

I can't help it, napaiyak na ko. After all, si Jason parin kasi talaga. Niyakap naman agad ako ni April. I hugged her back.

"Tahan na best, kung ayaw na sayo wag ng pilitin at wag ng umasa. Magmove on na lang, okay? Maraming iba diyan. Maybe he's not really the one for you." Sabi ni April habang hinihimas yung likod ko. Humihikbi parin ako sa pagiyak.

"Tama ka best, dapat kalimutan ko na siya. Ni hindi man lang niya ako binigyan ng chance so bakit pa ko umaasa e sa wala naman akong dapat asahan sa kanya"

Ayoko sanang iadmit sa sarili kong wala ng chance but it's been two freaking years. I'd put a damn effort para lang mapatawad niya pero wala parin. Hindi kelangan huminto buhay ko sa kanya. I need to move on. Alam kong kaya ko to. Nangyari na sakin to with Jerome kaya dapat kayanin ko rin to talaga.

"Kaya kong mabuhay ng walang lovelife!" Dagdag ko pa.

"That's my girl" April smiled and hugged me. I hope mapanindigan ko mga sinabi ko.

***

"Uy girls, Sali tayo dito para naman may Org naman tayong nasalihan dito sa school" Napatigil kaming lahat ng magsalita si Chele.

Tinignan naming apat yung tinitignan niya sa bulletin board ng HRM Bldg.

ITHM EXECUTIVE COMMITTEE: SEEKING FOR NEW LEADERS

"Aba! Maganda yan para bago man tayo maka-graduate e makasali nga tayo sa isang Org" pagsang-ayon ko kay Chele. Sumang-ayon narin yung iba.

Maganda naman tong ideyang to kasi marami kami matutuhan dito sa organization na to. Yung Org na yun kasi ang nagli-lead sa buong HRM society namin. Bukod sa magiging student leader kami e malaking tulong to sa grades namin, maraming benefits na makukuha so pinush namin ang pagsali.

"Hi, Good afternoon. Saan po yung interview para sa new members ng Executive Committee?" Tanong ni Chele sa isang babae pagpunta namin sa ARH lobby.

"Doon po Ate" Sabi ng naka-salamin na babae samin, sabay turo sa function room ng lobby.

May mga nakaset-up na upuan at lamesa dun at marami naring estudyante ang nagaabang. Mukhang maraming gusto maging members.

Dumiretso na kaming magkakaibigan sa mahabang white table sa tabi ng entrance. May nakalagay na Please Register here sa may lamesa kaya nagfill-up kami ng form dito.

"Students who are already registered can already go here for your interview" Napalingon kaming lahat sa lalakeng nakatayo sa gitna.

Actually agaw pansin siya. Bukod sa nasa gitna siya ay kilala kasi siya bilang President ng Student Council ng University at siya rin ang namumuno ng HRM Committee.

Higit pa sa lahat e, napakagwapo at kisig niya. Yung tipong mahihiya kang tumabi sa kanya kasi para siyang supermodel na naligaw dito. Kilala rin siya bilang super bait sa lahat kaya lahat ata ng babae ay pinagpapantasyahan siya. Sa pagkakaalam ko ahead siya ng two years sakin. So sa tantya ko ay ka-age niya si Jason.

Pati tong mga kasama ko kinikilig kay Mr. President. Ano ba naman mga to!

"OHMEEERGEEWWD KUNG SI MICHAEL LANG PALAGE KONG MAKIKITA EH MAKIKIPAGPATAYAN AKO PARA SA POSISYON NG ORG NA TOOOOOOOOO!" Sigaw ni Kristal na parang mahihimatay na. Binatukan namin siyang lahat ng magising sa katotohanan.

"Ang O.A mo friend, hayok na hayok lang" Sabi ni Chele na pinandidilatan pa ng mata si Kristal.

"Ang pogi pogi naman kasi ni Michael my loves" Sabi ulit ni Kristal na kunwaring mahihimatay pa.

"Loko ka Kristal. Sasali tayo dito para sa experience, hindi dahil kay Michael kaya tara na. Wag puro lalake iniisip." Sabat ko at hinila na sila papunta sa waiting area ng mga iinterviewhin na estudyante.

"Sus kunwari kapa Iya. If I know crush mo narin yan tas one day mag-aagawan na naman tayo hahahahhaha" Pagbibiro ni Kristal.

"Lokaret ka talaga. Pinagaway mo pa talaga tayo dahil sa lalake haha" sagot ko kay Kristal sabay hampas. Ayaw niya talagang tumigil at pumirmi.

Umupo kaming apat sa gilid para maghintay ng mag-iinterview samin. Sa bawat table may isang estudyante tas isang officer na nagiinterview sa kanya. Bale sampung officer ang nagiinterview, kasama na dun si Michael.

"Sana ako matapat kay Michael my loves" Halos pakantang sinabe ni Kristal na halatang pinagpapatansyahan si Mr. President.

Kaso sa babae natapat si Kristal, kaya makikita mo yung mukha niya nung tinawag e parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Halos magpigil kaming tatlo sa tawa dahil sa reaksyon ni Kristal, for sure disappointed yun.

Lahat sila iniinterview na and I'm still here waiting.

"Ms. Maria Gomez" Tawag ng isang matabang lalake malapit sa inuupuan naming mga waiting. At last, tinawag rin ako. Akala ko tutubuan na ko ng ugat dito e.

"Ako po yun" Masigla kong sagot, sabay taas ng kamay para makita niya ko.

"Ay good Ate, Si President Michael po ang magiinterview sayo" Sabay turo sa lalakeng nasa gitna na nakikipag-kamay na ngayon sa kausap niya.

"Aheeeeem" Pagkuha ko ng atensyon niya. May sinusulat pa siya nun but he looked up and folded the paper he's writing at. Itinabi niya yun sa Brown box na nakalagay sa kanang bahagi ng lamesa niya.

"Ow Hi Iya, please take a seat" Sabi niya sabay turo sa upuan sa tabi ko.

Ang lambing ng boses niya at ang pogi niya pala talaga. Ngayon ko lang siya nalapitan ng talagang malapitan e. Ang kinis, parang walang kapores pores and alam niya nickname ko, kilala pala ako nito.

"Kilala mo ko?" Mangha kong tanong. Ngumiti lang siya sabay turo sa form na pinirmahan ko kanina. Medyo napahiya tuloy ako ng bahagya at tahimik na umupo na lang.

"So, why do you want to join the committee Iya?" Paguumpisa ni Michael sa interview niya sakin. Ako naman titig na titig parin sa kanya. Ang gwapo niya talaga, yung mga mata grabe. Parang artista lang. Nahihypnotized na ata ako. Bakit ganun?

"Excuse me, Ms. Gomez. Are you okay?" Nagising ako bigla. Nangangarap na naman pala ako ng gising. Nakakahiya tuloy. Ngayon ko napagtanto, kung bakit patay na patay si Kristal dito.

"Yea yes, I'm good" Sagot ko sabay inayos ko ang pagupo ko sa upuan.

"Okay. Do you want me to repeat the question?" Pagpapatuloy niya sabay ngiti. Nakakatunaw yung mga ngiti niya.

"What's the question again? I'm sorry" Ang lutang ko na naman tuloy. Nakakahiya. Para tuloy akong kandedata sa isang beauty pageant. Iba yung kaba e.

"Haha okay lang yan Iya. You'll do good. Wag ka kabahan" Tumawa lang siya habang namula ako.

Inulit niya yung questions. Tapos nasagot ko naman lahat, akala ko matapang to pero ang cool niya kausap. Para ngang hindi interview ginawa namin e. Yung mga tanung niya mostly are about my proposals sa organization if ever makapasok ako and sa tingin ko naman e nagustuhan niya yung mga suggestions ko.

"You're good Iya, I hope magtuloy tuloy ka nga dito sa Committee. See you around" Sabi ni Michael sabay kinamayan niya ko.

"So... kinakaen mo na ba ang sinabi mo?" Pangungulit sakin ni Kristal with her very pang-asar smile.

"Hindi.ko.type.si.Mr.President.period" Sagot ko with my very serious face. Hindi ko naman talaga type e, siguro attracted lang kasi gwapo nga.

"Sus! Pero kung makatawa ka kanina parang wala ng bukas" Jumoin naman si April sa pangaasar sakin.

"Hindi ba pwedeng masaya lang yung usapan namin at nakakatawa kasi?" Pagdipensa ko sa sarili ko.

"Sabi mo e" Sabi ni Kristal. Nakataas yung kamay sa ulo na parang sumusuko.

"Bakit ba kasi Kristal kung gusto ni Iya si Michael?" Tanong ni Chele sa kanya.

"Masasaktan ako tas F.O na forever" Sagot niya. Serious mode lahat at nakatingin sa kanya. Hindi pwedeng dahil sa lalake e magkawatak watak kami.

"Joke! Hahahahha chill guys. Okay lang no. In fact happy nga ako kasi magkakagusto ka na siya sa iba at hindi na obsess sa Zero nine mo na yan tsaka okay lang naman magshare ng crush. Crush ko lang naman. What are friends for diba? Share tayo, sayo taas tas akin baba haha"
pagbibiro niya. Loko talaga yung babaeng yun.

"Loka ka talaga. As if maging boyfriend ko yun. E napaka busy nun. He's really out of my league" Sagot ko sabay batok kay Kristal. Napaka-imposible naman kasi talaga mangyari yun.

"Nakakailan ka na a?!" Pagrereklamo ni Kristal na pilit bumabawi na akmang hahabulin ako para makaganti.

"Who knows?" Sabi bigla ni April while laughing.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...