ZBS#5: Violet Dragonfly's Swe...

Da iamyourlovelywriter

2M 46.6K 3K

Teaser: May mga sekretong kahit na ano mong pilit na itago ay may makakaalam at makakaalam din. I... Altro

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four (SPG)
Chapter Five
Chapter Six (spg)
Chapter Eight-A
Chapter Eight-B
Chapter Eight-C
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B
Chapter Nine-C
Chapter Ten-A
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C
Chapter Ten-D
EPILOGUE
Extra #1: MasterH's letter to Violet Dragonfly
Extra#2: God Gave Me You

Chapter Seven

97K 2K 124
Da iamyourlovelywriter

Chapter Seven


NAPANGITI siya ng makita ang three layer cake na wedding cake nina Chloe at Rye, today is there wedding day kaya kailangan maging maayos ang lahat. Pinakahihintay din ito ni Rye pagkatapos ng ilang buwan na paghihintay and she thinks her friend deserves to have this happiness.

"Ang ganda." Manghang pumasok si Zy sa loob ng kusina ng cruise ship kung saan gaganapin ang kasal ng kaibigan niya. This is a surprise wedding though dahil umalis ng ilang buwan si Chloe. "That cakes, Chloe na Chloe talaga ano?"

Ibinaba niya ang mga hawak niyang gamit sa pagdedesign at tiningnan ang kanyang gawa, she's really proud. Masaya siya kapag ginagawan niya ng wedding cake ang kanyang mga kaibigan, she already made a design for each of her sisters.

"I am excited for her wedding today." Aniya dito.

"Mas excited ako sa wedding mo for sure mas bongga sa wedding ni Chloe."

Tinapunan lang niya ito ng natatawang tingin, "Me? Magpapakasal? Impossible." Bulalas niya.

"Bakit naman impossible aber? You are beautiful and don't you dare give me that stupid definition of handsome and beautiful dahil maganda ka talaga. Hindi lang sa biglaang tingin dahil maganda ka at bulag lang ang lalaking hindi makakakita sa ganda mo."

Napapailing nalang siya sa sinabi nito, habang tumatagal ay napapansin niyang hindi na siya nakakaramdam ng sakit kapag nakikitang magkasama ang kapatid niya at si Zyrene. Totoo pala iyong sinasabi nilang move on dahil sa tingin niya ay nakapagmove on na siya which is really good for her.

"Ano ba ang gusto mong kasal?"

"Iyong tanggap ako ng magkakasal sa akin." Biglang sagot niya.

"Bakit hindi ka naman tatanggapin unless tomboy ka at gusto mong magpakasal sa babae? Girl, ang layo ng hitsura mo sa tomboy." Biro nito, nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi nito.

"Kapag ba sinabi kong tomboy ako ano ang mararamdaman niyo? Mo?"

"Magagalit of course." Natigilan siya sa sinabi nito. "Hindi ko matatanggap na naglihim ka sa amin and for goodness sake halos sabay na tayong maligo. At saka alam ko naman na hindi ka ganoon."

Napakagat siya ng labi at pinilit ang sariling ngumiti dito. "Of course babae ako." Tanging nasabi niya, Zyrene is her closest sister dahil ito ang una niyang nakilala kaya kung pagbabasehan ang sagot nito kapag nalaman ng mga ito ang tungkol sa tunay na pagkatao niya mawawala nga ang lahat sa kanya.

Magagalit ang mga ito sa kanya, pandidirihan siya ng mga ito... ang mas masakit pa hindi siya kailanman pwedeng magsabi ng kung ano talaga siya or else mawawala ang mga kaibigan niya sa kanya.

"Alam koi yon mas babae ka kaya sa akin kaya dito ka muna hahanapin ko muna ang kuya mo baka tumalon na naman iyon sa dagat, sasagipin ko muna." Paalam nito sa kanya. Hinayaan nalang niya ito habang siya naman ay umupo sa silya doon at napatingin sa cake na nasa harap niya.

"Are you okay?" pasimple niyang pinunasan ang luha na dumaloy mula sa mga mata niya upang harapin si Caleb na nasa likod lang nito. "Dito galing si Zy anong sinabi niya?"

"Wala."

"Hindi ka iiyak kung wala siyang sinabi now tell me, anong sinabi niya?" umiling siya.

"Wala sabi."

"Kapag hindi mo sasabihin sa akin magagalit ako at alam mo kung paano ako magalit." Banta nito sa kanya at iyon ang dahilan kung bakit siya naiiyak. Kaya siguro hindi na niya nakayanan pa ang sarili niyang muling mapaiyak dahil sa banta nito. Ayaw niyang mawalan ng mga kaibigan and that stupid picture may ruin everything kaya wala siyang kawala dito.

"Natatakot ako."

Pumalatak ito. "Ikaw? Natatakot?"

"Bakit impossible bang makaramdam ako ng takot Caleb? Kahit sabihin na natin na nalilito kung ano talaga ako, basehan ba ng kasarian ng tao ang karapatan niyang matakot? Mapababae man o lalaki, bakla man o tulad ko tao lang din naman kami. Natatakot din ako, natatakot ako na baka kapag may nagawa akong masama sa iyo, na kapag isang beses kong hindi sinunod ang gusto mo ay isisiwalat mo iyong picture na iyon. I am scared when I already knew that my friends will condemned me when they'll know who really I am. Natatakot akong mawala sila sa akin they are all I have now."

Kahit na nanlalagkit ang mga kamay niya sa frosting ay nagamit niya iyon para punasan ang luha niya.

"Come here." Naramdaman niya ang masuyong pagdampi ng malambot na bagay sa mukha niya. "I was just joking Crischelle," pinunasan nito ang luha sa pisngi iya at pati na rin ang nanlalagkit na icing sa mukha niya. He did it gently that all she could do is to stare at his handsome face. "Huwag kang iiyak I am sorry." Hinagkan nito ang tungki ng ilong niya. Nang makita ang hitsura niya ay napabuntong-hininga ito. "Let's get you clean."

Nanlaki ang mga mata niya sa suhestiyon nito, iba kasi ang dating sa kanya kapag sinasabi nitong 'Let's get you clean'.

"Ayoko."

"Alam kong pagod ka kaya hindi muna natin gagawin iyon, I just want to clean you. Maraming icing na kumapit sa balat mo paano kung mapagtripan ka ng mga langgam at papakin ka nila ano sila sinuswerte? Ako lang ay may karapatan na papakin ka." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

"You don't own me Caleb."

"Baby bear, daddy bear already owns you a long time ago. Hindi mo palang nadidiscover pero alam kong alam mo na kung ano talaga ako sa buhay mo." Mas lalo siyang naguluhan sa sinabi nito at bigla siyang kinabahan sa sinabi nito. "Let's go before they got busy." At nagpatianod nalang din siya sa kung saan siya nito dalhin.




NAPAPITLAG siya ng biglang magring ang kanyang cellphone, kinuha niya iyon at saka inaccept ang call. She knew the number kahit na walang name na nakaregister doon. Isang tao lang naman ang kilala niya na tumatawag na iba-iba ang number.

"Hexel." Bati niya sa kaibigan na nasa kabilang linya.

"How's the wedding?" magiliw na tanong nito sa kanya, naririnig niya ang pagtipa nito sa kabilang linya kaya alam niyang may ginagawa ito. Siya naman ay tiningnan ang buong paligid, tiningnan niya ang masayang deck ng cruise ship na napapalamutian ng mga disenyong pangkasal na ang theme ay white and yellow, it's a very nice shade of yellow. Hindi masakit sa mata, hindi rin patay ang kulay, Ainsley did her job very well.

"It's very nice, Ainsley did the job very well." Aniya dito.

"Is she happy?"

"Chloe?"

"Yup." Hinanap ng mga mata niya si Chloe na masayang kasama si Rye at kausap ang mga magulang nito at si Caleb. Bakit napakadaling mahanap ni Caleb?

"She's happy, very happy."

"Good, I am happy to hear that." Bakas sa boses nito ang saya. She doesn't know how did Hexel managed to be okay after what happened to her. Kung siya ang nasa kalagayan nito malamang hindi na rin niya kayanin na mabuhay pa kaya nga bilib na bilib siya dito. It's very rare to knew someone who can carry all the baggage and live up to now.

Hindi niya kayang gawin ang nagawa nito, Hexel lost everything. Kung iisipin mong mabuti nawala talaga lahat dito. Kung hindi nila ito naligtas sa tamang oras baka pati buhay nito ay nawala na rin, during that time Hexel was barely hanging. Kung sa math pa, sa one hundred percent na buhay na meron ang isang tao ang kay Hexel ay iyong 0.001 percent nalang ang natira.

Muntik na siyang makapatay ng mga panahon na iyon, she really wanted to kill that bastard husband of her dahil wala itong karapatang saktan ang kaibigan niya ng ganoon. Kung hindi nito nagawang mahalin si Hex sana hindi nalang nito kinuha ang buong buhay nito. Kaya nga noong umalis si Hexel sa bansa kahit papaano ay nakahinga siya pero nalungkot din siya dahil nawalan siya ng ate na pwede niyang mapagsabihan sa lahat maliban sa pagkatao niya dahil lider pa rin ito ng grupo.

"Hex."

"Hmn?"

"Can I ask a question sana huwag kang magalit."

"Ano iyon?"

"Hindi ka ba napapagod magtago?" somehow her question is the same questin she wanted to ask to herself.

"May mga bagay kasi C na kailangan mong itago para na rin sa kaligtasan mo at ng mga taong mahal mo. Hiding doesn't mean you are a coward, sometimes it just prove that you are wise enough to know when to retreat when you aren't winning. Sa part ko I am hiding because I am collecting all my strengths at sa pagbalik ko sapat na ang lakas ko para kuhanin ang mga bagay na ninakaw niya sa akin."

"Paano sa pagbalik mo ibigay nalang niya sa iyo ang mga gusto mo ng walang kahirap-hirap?"

"Kaya ba niyang ibigay ang buhay niya kapalit ng kaligayahan ko?" napatuwid siya ng tayo sa sinabi ni Hexel. This is the first time she heard her say something like that. "Sa pagbalik ko Crischelle hindi lang ang mga mahalagang bagay ang kukunin ko, gusto ko siyang makitang maghirap, lumuhod sa harap ko. At mas sasaya ako kung ibibigay niya rin ang buhay niya, I am not that woman who used to love that guy unconditionally. I am not that woman who will wait for him patiently when he's enjoying his life with his women, I am not that docile, submissive and dumb wife. Kasalanan ko oo, dahil siya ang minahal ko, dahil pinilit ko siyang pakasalan ako, pero hindi ko na kasalanan iyong gusto ko na siyang pakawalan pero nagpanggap siyang mahal na niya ako para lang makuha ang kung anong meron sa pamilya ko." Matigas na sabi nito.

"Sorry Hexel hindi kita natulungan ng mga panahon na iyon, if I was strong enough probably-."

'Hindi mo kasalanan C, hindi niyo ako sinukuan and that's matter the most. Kahit na ano sigurong gawin niyo kahit na ibetray niyo ako hindi ako kailanman magagalit sa inyo."

"We can't do that! Hindi ka namin kayang ibetray."

Hexel chuckled, "I know Crischel pero paano kapag ako naman ang magbetray sa inyo? Paano kung may gawin akong pwede kayong masaktan makakaya niyo pa rin ba akong patawarin?"

"Sa lahat ng ginawa mo sa amin Hex, sa lahat ng naging sakripisyo mo I will never hesitate to forgive you because that's how much I love you and the girls. Kayo na ang buhay ko eh."

Bahagya itong natahimik sa kabilang linya. "Thank you that's all I want to hear."

"Uwi ka na." iyon ang nanulas sa kanyang mga labi.

"Soon C, soon... but I want everyone to be ready when I come back."

"We will be waiting." Somehow Hex's words seems so off para bang hindi ang sarili nito ang hinahanda nito kundi, sila. Sila ang hinahanda nito pero para saan? Kahit ngayon ay nakakaramdam na siya ng takot sa pagbabalik nito, she wants her back. Pero hindi pa rin niya makakalimutan ang naging hitsura nito noong umalis ito ng bansa.

She was wrecked... ng makita niya si Hexel sa ayos na iyon mas nabuo ang isip niyang kahit kailan ay hindi siya magkakagusto sa isang lalaki. Dahil napatunayan lang naman niya na ang mga lalaki ay hindi pwedeng pagkatiwalaan. You can never give your trust to them because they will trust you like how Hex's husband did to her friend. They will hurt your, just like Hex's husband, they will steal your everything, and will ise you until they are satistified and will throw you like a trash after. Nakita niya kung paano manakit ang mga lalaki and she saw how selfless a woman loves. Handa nilang ibigay ang lahat ng meron sila, kahit wala ng matira and she wants to have that kind of love too. At alam niyang hindi niya iyon makukuha sa mga lalaki.





NANLAKI ang kanyang mga mata ng makilala ang babaeng karga-karga ng isang matangkad na lalaki na parang sa ko ng bigas. Agad niyang hinarang ang lalaki.

"Hoy! Saan mo dadalhin ang kaibigan ko?" galit na salubong niya dito. Tiningnan siya ng lalaki at hindi sana siya nito papansinin pero hindi siya umalis sa harap nito.

"Pwede ba miss umalis ka sa harap ko?" inis na pakli nito.

"Ayoko, bitiwan mo muna ang kaibigan ko!" tiningnan niya ang kaibigan niyang tila hindi na makahinga sa pagkakabuhat nito. "You are killing her."

"This is mine okay and not yours-." Isang malakas na suntok ang ibinigay niya sa lalaki kaya nabitiwan nito ang kaibigan niya. Agad namang nakababa sa braso nito ang kaibigan niya at sa tingin niya ay mahihimatay na ito sa sobrang putla. Agad niyang inalalayan si Georgette.

"Oh my God! G, are you okay?" nag-aalalang hinawakan niya ito at ganoon nalang ang gulat niya sa sobrang init ng katawan nito. "You have fever."

"Kaya nga sabi ko umalis ka sa daraanan ko dadalhin ko siya sa hospital." Agad na nagbukas ng mata si Georgette at ngumiti sa kanya, maliit na ngiti nga lang sabay iling.

"No Ashton huwag mo akong dalhin sa hospital." Mahinang pakiusap nito. Alam niya na ayaw talaga nito sa hospital, may phobia ito doon. "Gagaling din naman ako."

Tiningnan niya si Georgette, hindi na maganda ang tingin niya sa kalagayan nito. Maputlang-maputla na talaga ito mukhang siya yata ang nagjump into conclusions agad-agad. She needs medical help.

"I want to go home Maya can take good care of me." Narinig niya itong umungol na tila ba nahihirapan sa paghinga. Sa kanilang sampu si Georgette ang ayaw na ayaw kapag nagkakasakit nasanay kasi itong nag-iisa lang ito at walang nag-aalaga kaya kapag nagkakasakit siya ay nagtatago ito.

"Hindi pwede kargo ka pa ng konsensya ko kapag napaano ka." Namumulang insist ng lalaking nakita na niya pero hindi niya matandaan kung saan at kailan.

"Ashton I am not your responsibility." Naiinis na si G pero ng akmang bubuhatin na uli ito ay bigla itong umatras at bumangga sa kanya kaya maagap niya itong nahawakan. "Mr. Villaraga please..."

Villaraga? Napasinghap siya ng mapagtanto kung sino ito at bago pa man nito mahawakan si G ay mabilis niyang nailayo ang kaibigan dito.

"Miss-."

"Pinsan mo si Ainsley?"

"UH-huh." Takang sagot nito.

Nagdikit ang kanyang mga labi sa nalaman niya at unti-unting bumangon ang galit sa puso niya sa mga lalaki sa pamilya nito. Ito iyong sakit niya alam naman niya ang flaw niya kapag may isang tao siyang nakitaan ng masama tapos nasuportahan pa ng marami ay nagegeneralize na niya ang lahat.

"Don't touch my friend." Sinibat niya ito ng tingin.

"Bakit? Nagmamalasakit lang naman ako."

"You share the same blood as those monsters except for Ainsley, men in your family can never be trusted. Please excuse us kaya ko ng alagaan ang kaibigan ko kaya pwede ba umuwi ka nalang enjoy your life at huwag mong lapitan ang kaibigan ko. Don't tell me pinagpaplanuhan mong paglaruan ang kaibigan ko?"

Pagak itong tumawa. "Miss you are overthinking nagkataon lang na nagkita kami dito kaya gusto kong tumulong. Don't link me with your weirdo friend because she isn't my type and will never be my type."

Tumaas ang gilid ng labi niya sa sinabi nito, alam niyang naririnig iyon ni Georgette kaya hindi na niya kailangan pang ulitin ang sinabi nito.

"I see, huwag mong malapit-lapitan ang kaibigan ko ha. Ayokong maisip niya na may something kayo kahit na wala dahil kahit na hindi mo sabihin na hindi mo siya type ayaw ko pa rin kita sa kaibigan ko. She doesn't deserve to have someone like you on her life, at hindi kayo bagay ni Georgette masyado siyang matalino para sa iyo." Umingos siya at saka inakay ang kaibigan niya. Nang nasa labas na sila ng establishment ay saka lang niya narealized na hindi pala niya dala ang kotse niya at walang dumadaan na taxi sa bahaging iyon ng building.

"Nakakaasar." Palatak niya, naramdaman niyang kumalas sa kanya si Georgette and she looks so vulnerable. Ito iyong ayaw niya sa pagiging babae dahil dumarating talaga ang point na nagiging vulnerable ka tapos pwedeng makapasok sa buhay moa ng isang walang kwentang tao. Mabuti nalang talaga at nandito siya kaya lang nagkamali naman siya ng labas. Kinuha niya ang kanyang cellphone at idenial ang unang number na nakita niya.

"Baby bear?" napanguso siya ng marinig ang boses ni Caleb.

"Wrong number..." napabuntong-hininga siya ng marinig ang pag-ubo ni Georgette. "Help me."

"May sakit ka?"

"Pwede mo ba akong sunduin-." Naputol ang sasabihin niya ng may marinig niyang mga boses na kausap nito. Mukhang busy ito kaya pinutol nalang niya ang tawag niya at tatawagan sana si PJ ng biglang magring ang cellphone niya agad niya iyong sinagot.

"Hello?"

"Why did you cut the call?" he asked.

"Mukhang busy ka kasi huwag nalang si Pj nalang ang tatawagan ko, sige--."

"What the fuck Crischelle!? Don't you dare call that woman or else makakatikim na talaga sa akin ang babaeng iyon. Hintayin mo ako diyan." At naputol na ang tawag nito. Hintayin daw eh kaya hihintayin nalang niya bago niya tawagan si Pj her friend needs medical assistance at the moment. Kapag wala pa ito sa loob ng limang minuto ay tatawag na talaga siya ng ibang tulong.

"Okay ka pa ba? Sorry ang bobo ko sana inaccept ko nalang ang help ni Villaraga bago ko siya sinungitan." Aniya sa kanyang kaibigan. Tumawa lang ito sa sinabi niya kahit nahihirapan na itong huminga.

Niyakap nalang niya ang kaibigan niya dahil sa nilalamig na ito, iniupo niya ito sa isang bench. Mahigpit itong yumakap sa kanya na para bang siya nalang ang pwede nitong kapitan and somehow naaawa siya sa kaibigan niya. Hindi niya alam na ganito pala ito kapag nagkakasakit, there is something inside her that warms up for her. Ayaw niya ng ganito si Georgette kasi hindi niya alam kung paano ito aalagaan.

"Here, nandito sila!" Nagtaas siya ng tingin at ganoon na lamang ang relief na naramdaman niya ng makita si Caleb, gusto sana niya itong biruin na para itong si Superman na nakarating agad.

"Crischelle are you okay?" naramdaman niyang hinila siya nito mula sa pagkakayakap kay Georgette, napasinghap siya ng makitang muntik ng matumba si Georgette pero agad na nasalo ng lalaking pinsan ni Ainsley. Mabilis nitong binuhat si Georgette habang nagtagis ang mga bagang nito.

"Teyka lang-." lumingon si Ashton sa kanya pero hindi agad siya nakapagsalita dahil sa pinakitang galit ng mukha nito.

"Next time kung gusto mong mag-alaga ng kaibigan mo isipin mo muna ang kalagayan nila bago ka magsabi na kaya mo silang alagaan. Don't say big words that you can't even stand." Iyon lang at binuhat na nito palayo sa kanya si G, napakagat nalnag siya ng labi sa sinabi nito. Alam kasi niya may mali siya.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Caleb habang yakap siya nito.

"I am not okay muntik ko ng maipahamak si Georgette ng dahil sa akin." Napahikbi nalang siya hinihimas naman nito ang likod niya. "I don't like that Ashton guy for my friend sundan natin siya baka saktan niya si Georgette." Natatarantantang ani niya dito.

"Hindi ganoong tao si Ashton, playboy siya oo pero hindi siya nananakit ng babae." Mabilis siyang umiling.

"No Caleb, walang lalaki na hindi nananakit ng babae. Kung kayang saktan ng tatay iyong mga anak nila bakit hindi kayang saktan ng ibang tao ang mga babae? I don't want my friend to experience that kind of pain, it would be too much for her. Let's save her from that Ashton guy, pinsan siya ni Ainsley and all male species in that family has the tendency to hurt women."

"Calm down, calm down. Sundan natin sila I assure you hindi sasaktan ni Ashton si Georgette." She snorted.

"Huwag kang magsalita ng I assure you Caleb because men hurt women just like my brother did to Zyrene, just like what Rye did to your sister, just like that guy who hurt my friend, just like my father who killed my mother and probably ikaw sasaktan mo rin ako." Napatitig lang ito sa kanya.

"I will never hurt you Crischelle."

"Yes you will, sasabihin mo iyan ngayon pero sasaktan mo rin ako. Nasaktan mo na ako, masasaktan mo pa ako. You will hurt me badly that it would be hard for me to wake up in the morning."

Umiling ito at malamlam ang mga matang tumitig sa kanya bago hinawakan ang kanyang pisngi.

"Sasaktan ka na ng lahat Crischelle pero ako hindi kita sasaktan. All you have to do is to trust me and trust your heart on me. I will never hurt you, I may forced you but I couldn't imagine hurting you more and more."

Baliw na nga siguro ang utak niya dahil naniwala siya, deep inside her naniniwala siyang hindi nga siya nito sasaktan. Sana nga hindi magkamali ang basic instinct niyang maniwala dito because if ever she would, he would be the first guy she would trust aside from her brother.


<<3 <<3 <<3

a/n: Last update for today ang saya lang hindi ba? Pero gutom ako dahil nauna ko pang isulat sa chapter 10-A keysa sa chapter 8 at ilang balde ng luha ang iniluha ko, huhuhuhu... ako ay nasasaktan para sa kanya... hindi ko sasabihin kung sino sa dalawa iyong may drama moment feel ko lang kasing magdrama eh kaya ayun drama-drama lang ang life.

Nafefeel niyo iyong nafefeel ko? Iyong habang tumatagal ay mas lalo mong may gustong malaman? At mas nag-eenjoy ako sa pagbibigay ng clues ang saya lang, hindi kaya isa akong reyna noong nakaraang buhay ko? Anong connect? Wala lang naisip ko rin na isa akong masamang tao noong nakaraang buhay ko iyong gumagawa ng perfect crime? Yay! Naalala ko ang napanood ko noon na anime na tantei academy, iyong kontrabida doon ang bet niya ay ang gumawa ng perfect crime iyong hindi nahuhuli at hindi nalalaman pero palagi namang palpak.

Sa tingin ko hindi talaga pang romance ang genre ko kundi pang mystery at thriller pero ang boring kung walang espegee moments, alangan namang mag-espegee moments iyong papel at ballpen, oh well... may espegee moment pala sila kasi dikit sila ng dikit... hahahaha.. ay anubey, sana hindi niyo magets iyong nasa isip ko hahahaaha... hindi ko nalang sasabihin kasi nagiging tnta na naman ang utak ko naaawa na ako sa ballpen at sa papel mga inosenteng nilalang. Huehhehuehuehuehue, bahala na kayong magdecode.

status update: may nahalungkat ako sa ref, calamares at freshmilk, bagay kaya ang dalawang ito? Wala ng green dito pero baka magwala ang tiyan ko nito, pero okay pa naman. Hindi naman ako kakain kasi tapos na akong magtoothbrush titingnan ko lang hanggang sa mabusog ang mga mata ko.

PPS: Alam niyo iyong sa Nathaniel, ang rule ni John Lloyd doon abogado hindi ba? Lucas ang surname niya kaano-ano kaya siya ni Attorney Rechmond Lucas? weeeeeyyy, waley. Tulog na bebes (ganyan talaga ang spelling niyan para unique) ohyeeeeeeaaah!

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

1.4M 35K 31
Paano kung isang araw makita mo ang perfect match mo, akala mo siya na. Akala mo siya na icing sa ibabaw ng cupcake mo. Akala mo lang pala. Dahil hin...
2M 49.6K 38
Catchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang pagkakamaling na...
Stay with me Da Cher

Narrativa generale

2.5M 86.7K 22
Walang ideya si Antonio Birada sa mayayamang pamilyang nakapalibot sa Pilipinas. He's just a simple man, living his dreams of being a restaurant owne...
327K 10.8K 26
Pakiramdam ni Eliana Azarel ay siya na ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Sunod-sunod ba naman kasi ang kinakaharap niyang problema. Kaya nga nan...